Quote of the Day

The idea of me is better than the reality of me. - Verity

Thursday, May 30, 2019

13 Reasons Why Hindi Na-a-Approve ang Manuscripts Natin Bukod sa Hindi Tayo Sikat

1. Grammar lapses, sentence construction. Kahit ano'ng ganda ng story mo, kung waley ang grammar, mas mataas pa rin ang chance na ma-reject ang MS.

2. Kulang sa kilig scenes. 90% ng market ngayon ay kabataan at gusto ng mga kabataan ngayon, kilig here, kilig there, kilig everywhere.

3. Kulang sa conflict. Tipong hindi sapat ang conflict to make the story worth reading. Mas maganda raw 'yung tipong mumurahin ka na ng heroine/hero mo dahil sa sobrang pahirap mo sa kanya, genern.

4. Walang chemistry ang hero at heroine. Siguro kasi kaunti ang kilig scenes o hindi maramdaman 'yung 'connection' nila sa isa't-isa. Magandang solution dito is give them a situation wherein they are forced to be stuck with each other o something they are both trying to achieve. Cat-mouse chase. Cliche but it works.

5. Twist. Though not every story is required to have a twist, aminin natin na mas nakaka-hook ang story na unpredictable. Kung kailangang buhayin ang namatay na character, gawin! Para sa twist!

6. Hindi 'strong' ang plot. Masyadong ordinaryo ang story. Sabi nga, sa panahon ngayon, halos pare-pareho na ang mga romance stories so if you want to be different, make an effort to experiment. Think out of the box.

7. Bland characterization. Walang buhay ang mga bida mo, parang zombies. Kaya mahalaga ang 'voice'. Research, read. Observe how people around you talk, react, move.

8. Loopholes. Kaya kailangang basahin nang mabuti ang MS. Kahit 100 times pa para makasiguro na wala kang na-miss na characters, scenes, etc.

9. Hindi na-redeem ng bida ang sarili hanggang katapusan. If your hero has done insidious things, dapat ma-justify 'yon sa huli. Either magbago siya o maparusahan siya.

10. Head hopping. Tipong sa unang paragraph, si hero ang nagsasalita, tapos sa second paragraph, biglang 'yung heroine na pala, wala man lang pasabi. Nakakalito ang ganito. Sa ngayon, uso 'yung may nakalagay na 'Chuchu's POV', 'Cheret's POV'. Personally, ayoko ng gano'n kasi parang spoon feeding na tipong gano'n ba ka-engs ang reader at kailangang sabihin kung kanino'ng point of view ang part na ito? But if it that's how you write, push. Pero kapag 'formal' novel, walang gano'n. Dapat maiparating mo sa reader kung sino ang nagsasalita o kung kaninong POV ito at iyon nang walang head hopping.

11. Bad dialogues. P'wedeng puro dialogues, kulang sa narration. P'wede ring hindi akma sa characters 'yung dialogues nila. Again, voice.

12. Puro narration, kulang sa dialogues. Though mahalaga ang narration para maipaliwanag nang husto ang dapat ipaliwanag, nakaka-bore magbasa ng puro narration. Sana nagbasa na lang sila ng textbook. A good novel should have good dialogues.

13. Bad ending. Sa ngayon, parang hindi na masyadong big deal kung happy ending man o hindi. Ang mas mahalaga ay kung paano mo naitawid ang buong kuwento. Kung happy ending, dapat pinaghirapan ng mga bida ang happy ending nila. Kung hindi naman happy ang ending, dapat maipaliwanag mo kung bakit nila deserve ang ending na ibinigay mo.

Ganito 'yung mga madalas kong makuhang comments from my rejected manuscripts. May natanggap rin akong feedback na dragging ang kwento ko, paikot-ikot lang na pinahaba lang. Hindi raw worth na i-publish ang gano'n kahabang manuscript. So, mahalaga ring matutong magtapyas ng hindi importante'ng scenes or worse, chapters. Minsan kasi, feeling natin kailangan ito, kailangan iyan pero ang totoo, hindi naman.

Kaya maganda rin 'yung magpasa ng MS sa mga pubhouse kahit alam mong zero chance na ma-approve kasi at least, malalaman mo ang weak points ng story mo para sa susunod na nobela, mag-improve na.

~~

Popular Posts