Quote of the Day

The idea of me is better than the reality of me. - Verity

Friday, May 31, 2019

The Girl From the Coffee Shop 1 Chapter 1

SI ENGINEER,” bulong ni Pam sa akin nang mamataan si Eng. Contreras na parating sa counter.

“One espresso, please.”

Ngumiti si Engineer ng napakaganda’ng ngiti na nagpahinto sa ikot ng aking mundo. Isang napakagandang ngiti na lalong nagpataranta sa akin. Mabuti na lamang at naroon si Pam para siya ang kumuha ng order nito.

“One espresso coming up, sir,” sagot ni Pam. Namula ang mukha ni Maya pagkatapos noon. Hinila siya ni Pam palayo sa counter, palayo kay Eng. Contreras.

“Ilang daang taon mo na nga bang pinagpapantasya ‘yang si Engineer?”

Natawa ako sa tanong ni Pam. Simula kasi nang magtrabaho kami sa coffee shop na ‘yon six months ago ay ganoon na ang epekto sa akin ni Engineer. Sa tuwing nakikita ko siya, literal na nawawala ako sa sarili. Kahit araw-araw ko siyang nakikita kapag nagde-deliver ako ng kape sa opisina nito tuwing umaga, kahit isang simpleng ‘hi’ o ‘hello’ ay hindi ko masabi.

“Hanggang kailan ka nga ba maglalaway diyan kay Engineer?”

Nagkibit-balikat lang siya habang nakatingin pa rin sa binata. Nakuha na ni Benjamin ang order nito at naupo sa mesa na malapit sa kanila. May kausap ito sa cellphone nito, na hindi na bago sa kanila.

“Hindi ka man lang ba gagawa ng paraan?”

“Sa tingin ko naman hindi ako papansinin niyan dahil siya lang naman ang may-ari ng buong building na ito, at isang hamak na staff lang ako sa coffee shop. Totoo’ng buhay ito Pamela, hindi telenobela.”

Ayoko mang isipin, alam ko naman na walang kahihinatnan ang patingin ko na iyon kay Contreras. Okay na ako na makita siya araw-araw at madalhan siya ng kape tuwing umaga. Dahil kahit saa’ng anggulo ko tingnan, imposible na magkaroon ng pagtingin ang isang tulad niya sa isang tulad ko. Kung baga sa Math, cannot be. Dahil ngayon pa lamang, puro kahihiyan na ang napapala ko sa kanya.

Katulad na lamang noong Lunes, dinatnan ko siya na abala sa pakikipagtalo sa kausap nito sa kablang linya. Naka-light blue ito na long sleeves at puti’ng necktie. Nakatayo ito, hawak sa isang kamay ang handset ng telepono habang nagta-type sa laptop. Inilapag ko ang espresso at chocolate cake sa ibabaw ng mesa. Tuloy lamang si Engr. Contreras sa pakikipagdiskusyon nito sa kausap tungkol sa kung ano ay hindi ko maintindihan. Maganda ang malalim nitong boses...at nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan ang kanyang perpektong mukha. Siya na siguro ay may pinakanakahuhumaling na ngiti, may pinakamatipuno’ng katawan at pinakamapungay na mga mata na nakilala ko.

Ilang minuto pa ang itinagal ng pakikipag-usap niya sa telepono at ilang minuto rin akong nanatili doon sa harap niya, nakatayo, nakatitig. Kahit ano’ng gawin kong pigil sa sarili ko na hindi siya titigan, hindi ko magawa.

“What are you doing here?” bigla nitong tanong nang mapansing hindi pa rin ako umaalis sa pagkakatayo roon.

“Ah...”

“Ah?” Tanong ni Benjamin na hinintay ang susunod niyang sasabihin. Tumayo ito at may kinuhang folder sa cabinet. Mabilis din itong naupo at tumingin kay Maya. “What are you staring at?” kunut-noo nitong tanong nang mapansing nakatingin pa rin siya rito at hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan.

Di ko namalayan na matagal na pala akong nakatayo roon na parang tanga. Mabilis akong tumalikod at lumabas ng opisina niya. Mula sa 49th floor ng The Forum ay nakapikit lamang ako sa loob ng elevator. Kung may isang bagay na ayokong-ayoko, iyon ay ang pagsakay sa elevator. Pero kahit ano’ng hilo ang abutin ko araw-araw, ayos lang. Para kay Benjamin, kahit ilang floors, kahit hanggang langit, susuungin ko, madalhan lang siya ng kape tuwing umaga. Kahit pa madalas akong supladuhan at simangutan, ayos lang. Kahit pa minsan ay nagmumukha na akong tanga sa harap niya, ayos lang. Para kay Engr. Benjamin Contreras III, ayos lang.

~~

HINDI napigilan ni Pam ang tawa nang maikuwento ni Maya rito ang nangyari kanina sa opisina ni Engr. Congreras. Sumunod siya kay Pam papasok sa apartment niya, 45 minutes away from the coffee shop. Noon pa niya niyayaya ang kaibigan na doon na rin tumuloy tutal madalas rin naman itong matulog doon. Inilapag niya ang take-out nilang fast food sa dinner table at sabay na silang nagsimulang kumain.

“Ngayon naman siguro, napansin ka na niya.”

Tumango si Maya. “First time in 48 years na kinausap niya ako, Pam at tapos gano’n pa ang nangyari?”

Muli, tumawa ng malakas si Pam. “You made an impression, iyon ang mahalaga.”

“A very bad impression nga lang.”

“Ano ba talaga kasi ang balak mo doon kay Benjamin?”

Benjamin o kaya ay Engineer na ang nakasanayan naming itawag kay Mr. Contreras kapag kami lamang dalawa ni Pam. “Wala.

“Ano ‘yon, forever mo na lang siyang dadalhan ng kape at tititigan hanggang sa matunaw? Hindi ka man lang ba magpapakilala para naman malaman niya kung gaano mo siya sinasamba?”

“Ha, ha, ha. Pam, nakakatawa.”

“O bakit, hindi ba totoo? Kulang na lang, alayan mo siya ng sampaguita at dasalan.”

“OA naman!”

“E ano ba naman kasi ang gusto mong mangyari? Habang buhay ka na lang ganyan na tinatanaw siya na parang tanga?”

“Pamela, humahanga lang ako sa tao at wala akong anupamang balak na magpapansin. At isa pa, alam nating lahat kung gaano ka-babaero ‘yung Contreras na ‘yon, hindi ba? Naku, sasakit lang ang ulo ko.”

Common knowledge na ang pagiging babaero ni Engr. Contreras sa buong building. Well, sa tingin ko, may karapatan naman kasi siyang maging babaero dahil guwapo ito, sobrang guwapo. At mayaman, sobrang yaman.

“Kung tinatapos mo ba naman ‘yang Interior Design course mo, e di sana, doon ka na nagtatrabaho sa Contreras-Contreras, at ka-trabaho mo na sana ‘yong si Engineer, nang hindi ka na ganyan na hanggang tingin na lang.”

Malakas na tawa ang itinugon ni Maya. “At pagkatapos, ano? Maging isa sa mga girlfriends niya? Huwag na lang!”

“Bakit nga ba ayaw mo pang tapusin ‘yung course mo?”

Nagkibit-balikat si Maya dahil kahit sa sarili niya ay hindi niya alam kung bakit. “Change topic, please.”

“Fine,” iiling-iling na tugon ng kaibigan. “Nakita ko si Emman noong isang araw. Miss ka na raw niya.”

Ah, si Emman. Classmate namin siya noong high school. Close friends kami pero nag-migrate ang pamilya nila sa Canada noong college kaya hindi na kami nagkita uli, hanggang nitong taon nang magdesisyon siyang bumalik sa Pilipinas para magtrabaho bilang nurse sa isang private hospital.

“Nanliligaw na ba?”

“Ano?” natatawa niyang tanong.

“Maya, obvious naman na matagal ka nang gusto ‘nung tao.”

“Pam, magkakaibigan tayo, ano ka ba?” High school pa lamang ay magkaibigan na kami ni Emman at siguro, talagang hanggang magkaibigan lang kami.

“Sa tingin mo, bakit bumalik ‘yon at dito pinili na magtrabaho? Mas hamak namang malaki ang sweldo niya doon sa Canada kaysa dito sa Pilipinas.”

Hindi tumugon si Maya. Halos dalawang tao’ng nagtrabaho si Emman sa Canada. Matagal-tagal rin nitong pinag-isipan ang pagbalik sa Pilipinas dahil nasa Canada na kasi ang lahat ng pamilya nito at maganda na rin ang trabaho nito sa ospital na napasukan. Naunawaan naman ng pamilya nito ang kanyang desisyo’ng pagtatrabaho sa Maynila. P’wede naman itong bumalik sa Canada kahit kailan nito gustuhin pero sa ngayon, mas pinili nito na manatili muna rito.

“Mas gusto niya rito dahil narito ka,” sagot ni Pam sa sariling tanong. “Ayaw mo ba sa kanya?”

“Magkaibigan lang kasi talaga kami. Masyado mo lang binibigyan ng kulay ang mga bagay-bagay.”

“’Yan nga ba talaga ang dahilan?” kunut-noo nitong tanong. “Baka naman si Benjamin ang dahilan kaya hanggang ngayon, hindi ka pa nagbo-boyfriend.”

Matamis na ngiti ang itinugon ni Maya, at alam ni Pam ang ibig sabihin noon. Tumayo ito at nagtuluy-tuloy sa lababo.

“Oy, sinasabi ko sa iyo Maya, kung naghihintay ka ng isang tulad ni Benjamin na darating sa buhay mo, kalimutan mo na. Suntok ‘yon sa buwan, tatanda ka nang nag-iisa, sinasabi ko sa’yo.”

Alam ko naman ‘yon. Suntok talaga ‘yon sa buwan at hindi naman ako umaasa kahit na katiting na tingin man lamang ni Benjamin. Oo nga at sobra akong humahanga sa kanya pero hindi ibig sabihin noon ay in love na ako sa kanya. Galit ako sa mga mayayamang babaero at si Engr. Contreras III ay isa sa mga malulupit na mayayamang babaero na kilala ko.

“O baka naman dahil pa rin iyan kay Noel?” Pagkatapos maghugas ng pinggan ay muling lumapit sa kanya si Pam doon sa mesa.

Muntik nang mahulog ni Maya ang hawak na baso nang sabihin iyon ni Pam. “Sino?” kunut-noo niyang tanong kahit pa nga dinig na dinig niya ang sinabi ng kaibigan. “At bakit naman nasama ‘yon sa usapan?”

“Maya, kahit hindi mo sabihin, alam ko na minsan, iniisip mo pa rin si Noel at iniisip mo pa rin kung magkikita uli kayo ni Noel.”

“Pam naman, panahon pa ng Kastila ‘yon, ano ka ba naman?” Tumayo siya at nagpunta sa sala. Alam ni Pam ang lahat ng tungkol sa yugtong iyon ng kanyang buhay at saksi ito sa saya at lungkot ng nakaraan niya, maging ang mga kabaliwan niya dahil doon.

“Sus, kahit pa ba panahon pa ng mga dinosaurs ‘yun, e.”

“Evangelista, umamin ka nga, hanggang ngayon ba, si Noel pa rin ang nandiyan sa lintik na puso mo?”

Pinagtawanan lang iyon ni Maya at tumalikod kay Pam. “Puwede ba, nakabaon na sa limot ‘yon.”

“Good. Dahil ako na mismo ang mag-uuntog ng ulo mo sa pader kapag sinabi mo sa akin na hindi mo pa rin iyon nakakalimutan.”

~~

MAYA, gutom lang iyan,” sabi ni Pam sa kanya matapos niyang sabihin na nakita niya si Contreras na nakatingin sa direksiyon nila. Magsisimula pa lamang ang shift nila nang araw na iyon, katatapos lamang um-order ni Benjamin ng parati nitong ino-order na espresso at kasalukuyang nagbabasa ng diyardyo doon sa hindi kalayuan.

“Ito naman, hayaan mo na ako, ito na nga lang ang kaligayahan ko sa buhay, eh.”

“Baka lang kasi nagtataka na ‘yan kung bakit ka tingin nang tingin. Hindi naman siguro ‘yan manhid para hindi mapansin ‘yang kakatitig mo. Baka mamaya, ipahuli ka niyan sa pulis, sige ka.”

“Tumitingin lang naman, masama ba siyang tingnan?” sabi ni Maya. “Hay, sana ako na lang ‘yung cellphone niya para lagi niya akong kausap...” sabi pa niya na tila ba nangangarap habang nakapalumbaba na nakatingin kay Benjamin. “...sana ako na lang ‘yung diyaryo para lagi niya akong tinitingnan...sana ako na lang ‘yung tasa para lagi niya akong kini-kiss...”

“Hay naku, Maya. Sana tigil-tigilan mo na ‘yang mga kalokohan mo para makapag-trabaho na tayo nang maayos.”

Sinundan ni Maya ang kaibigan hanggang doon sa labas ng coffee shop para magpunas at maglinis ng mga mesa roon. “Siya nga pala, tinawagan ko na si Ate Josie para sa reservation sa lodge.” Nakasanayan na kasi nilang dalawa ni Pam ang umakyat ng Baguio isang beses isang taon. Minsan, isang linggo sila roon, minsan, tatlong araw. Limang taon na nila iyong panata.

“Uy ha, hindi pa ako sigurado. Baka kasi dumating si…Henry.”

Ah, si Henry, the love of her life. Account executive ito na nakadestino sa Boston. Suwerte na ‘yong dalawang beses sa isang taon na makapagbakasyon si Henry sa Pilipinas kaya naman wala na akong counter-argument kapag si Henry na ang usapan dahil alam ko kung gaano iyon ka-importante kay Pam. Ewan ko ba. Kahit pa mali, wala akong magawa kundi suportahan si Pam sa sitwasyon nito. Alam ko kasi kung gaano niya kamahal si Henry, kahit pa may iba na itong pamilya sa Boston.

Kaya nga ba takot na akong magmahal. Dahil alam ko sa sarili ko na pareho lang kami ni Pam pagdating sa ganoong bagay. Pareho kaming tanga at walang pakialam kapag nagmahal. Pero kung mayroon mang isang lalaki na muling magpapatibok sa puso ko, si Engr. Benjamin Contreras III iyon at wala anng iba. Pero alam ko rin naman na abot hanggang langit na pangarap lang iyon at wala iyo’ng patutunguhan.

~~

ANG araw na ito ay walang pinag-iba sa mga ordinaryong araw na nagdaan. Kahit routine ko na ang magdala ng kape sa opisina ni Engr. Contreras, siyempre, parati iyong exciting para sa akin. Dahil makita ko lang ang anino niya, buo na ang araw ko. Lagi ko siyang nadaratnang abala sa trabaho at hindi ko nga alam kung pansin niya ang pagpasok at paglabas ko ng opisina niya. Pero ayos lang.

Katulad ng araw na ito. Pumasok ako at lumabas ng opisina ni Engr. Contreras nang hindi nito namamalayan. Pero ayos lang dahil nakita ko na siya, kahit pa nga likod lang. Grabe lang, likod pa lang niya, ulam na.

10 A.M. nang muling may magpa-deliver sa 59th floor para sa isang meeting at isa pa sa 52nd floor. Pagkaraan kong dalhin ang delivery sa 59th ay nakangiti kong pinindot ang elevator button pababa at ilang minuto pa muna ang hinintay ko bago magbukas ang pinto niyon.

“Oh my God.”

Buti na lamang at hindi ko iyon nasabi nang malakas. I just couldn’t believe my eyes. Si Engr. Contreras ang laman ng elevator at wala nang iba. It took me an entire minute bago makapasok sa loob. Masyadong abala ang utak ko sa pag-iisip ng mga bagay-bagay na alam ko namang walang halaga. Para akong natuklaw ng ahas, hindi ako makagalaw. Hindi maalis sa mga numero sa itaas ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala – na nakatayo ako sa tabi ni Benjamin, sa loob ng elevator, na kaming dalawa lang. Nakatayo siya ilang pulgada lang ang layo mula sa akin…at langhap na langhap ko ang mamahalin niyang pabango.

Ang makasama siya sa loob ng elevator ang isa sa mga pangarap ko sa buhay. Ayoko na sanang matapos ang sandaling iyon, sana habang-buhay na kami roon pero kabaligtaran ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon. Gusto ko nang bumilis ang pagbaba ng elevator at makalabas na. Para kasi akong biglang na-claustrophobic. Nararamdaman kong nakatingin na sa akin si Mr. Contreras, kung bakit ay hindi ko alam. Huminga ako nang malalim dahil parang kinakapos na ako ng oxygen. Nag-focus ako sa mga numero – 58, 57, 56, 55...tapos, nagsimula na akong mahilo. Lumalabo na at sumasayaw ang mga numero’ng iyon – 54, 53...

Hanggang sa may narinig ako na -

“Miss, miss, are you okay?”

At biglang dumilim na ang buong paligid.

At iyon na ang pinaka-nakakahiyang sandali sa buong kasaysayan.

~~~

Popular Posts