Quote of the Day

The idea of me is better than the reality of me. - Verity

Saturday, June 1, 2019

The Girl From The Coffee Shop 1 Chapter 2

BENJAMIN, what’s up?”
“What are you doing here? Takang tanong ni Benjamin. Dumating si Jeffrey sa coffee shop ilang minute lamang pagkatapos niyang maubos ang iniinom na kape. Tatayo na sana siya para muling umakyat sa opisina nang mamataan ang pinsan.
“Ako yata ang dapat magtanong sa iyo n’yan. Office hours, bakit ka narito?” Natatawa itong naupo matapos maka-order. Tinanggal nito ang suot na tie at ibinulsa.


“Nakalimutan mo na ba’ng ako ang may-ari ng kumpanya? I come and go as I please. Ikaw, ano’ng ginagawa mo rito this early in the morning?”
“I had a meeting with Mr. Guevarra.”
Ilang linggo pa lamang mula nang dumating si Jeffrey galing California para magbakasyon and at the same time, may inaasikaso itong bagong business. He works as the manager of their furniture company and he’s planning to venture into exporting native furniture designs na in demand ngayon sa Amerika –at si Mr. Raymond Guearra ay isa sa magagaling na designers ng mga native furniture sa bansa.
“I heard you’re going to Baguio?” pagkadaka’y tanong ni Benjamin.
Tumango si Jeffrey. “We are going to Baguio. You are coming with me, right?”
Umiling siya. “I can’t. May business engagement ako.”
“Business engagement talaga?”
“Business nga,” natatawa niyang sabi. His cousin knew him too well. Maraming kuwento si Jeff tungkol sa mga adventures nila noon. Bata pa lamang ay malapit na sila sa isa’t-isa at kahit pa nga sa California na nakabase ang pamilya nito, hindi pa rin nawala ang closeness nila. That was almost seven years ago, noong mga panahong marami pa silang libreng oras, noong hindi pa siya nagte-take over sa ilan sa mga kumpanya nila.
“Benjie?”
Nahuli ni Jeffrey na tila wala sa sarili si Benjamin. Nahalata nito na hindi siya nakikinig sa sinasabi nito. Isinara niya ang hawak na libro na kanina pa niya pilit binabasa pero ilang minute na ang nakakalipas ay hindi pa rin siya makaalis sa page 75.
“Is that book bothering you so much?”
Umiling siya.
“Sino na naman ba’ng problema mo? Si Anne, si Cindy o si Mitch?” natatawang tanong ni Jeff. The last time Jeff visited, he was dating the three girls mentioned.
Muli, umiling si Benjamin.
“So, may bago ka na namang girlfriend?”
Inilapag niya ang libro sa mesa. “I’m just…reconsidering the hotel in Baguio.”
“Pero matagal nang pina-plano ni Tito Jaime ‘yon, hindi ba? Halos doon na nga siya nakatira para maasikaso ang hotel. Bakit bigla-bigla naman iyang desisyon mo? Have you talked to him about it?”
“Not yet. Naisip ko lang, kabubukas lang ng hotel sa Palawan. I don’t even understand why he wanted to have another one in Baguio,” aniya, at muling kinuha ang libro sa mesa.
“Why, what’s wrong with Baguio?”
What’s with Baguio anyway? Bakit ba tila lahat ng tao ay wiling-wili na pumunta roon? Halos lahat ng kakilala niya ay nagbabakasyon doon, ang iba ay doon na gustong tumira. Tulad na lamang ng kanyang ama na mas matagal pa yata ang itinitigil sa lugar na iyon kaysa sa kanilang mansion sa Maynila. They even had a number of vacation homes there. He just thought that putting up a hotel in Baguio is such a waste of time, and money. He couldn’t see what’s so nice and romantic about the place. As far as he’s concerned, Baguio is a cold place.
Ilang sandali pa ay dumating na ang in-order na iced tea ni Jeffrey. Kapwa sila napatingin sa nagdala ng order na iyon.
“Thank you, miss,” nakangiting bati ni Jeff sa dalaga. Kiming ngiti lamang ang itinugon nito at mabilis ring bumalik sa counter. Muntik pa nga nitong mabangga ang isang customer na galing sa comfort room. “I think she’s really cute…and she’s looking at you again.”
“Huh?” Tiningnan niya ang tinutukoy ng pinsan. Nasa counter ang sinasabi nitong babae na ang nagdala sa kanila ng iced tea. Abala into sa pagkuha ng mga orders ng mga customers, at sa paminsan-minsang pagtingin sa kanilang direksyon.
“That charming girl at the counter. She’s looking at you again.”
Ibinaba ni Benjamin ang binabasa’ng libro sa mesa at tsaka humigop ng kape. Minsan na niyang nabanggit sa pinsan ang tungkol sa dalaga’ng iyon, na sa loob ng halos isang taon ay madalas niyang mahuli na nakatitig sa kanya at parati na lamang wala sa sarili. Muli, tiningnan niya ang dalagang iyon. Jeff said she’s charming but really, the girl was very simple, very ordinary compared to all the girls they often met. And she seemed too young. And the fact that she’s working at the coffee shop, she’s surely not his type. Again, he looked at her. Kausap nito ang isa pang staff na madalas niyang makitang masama nito. she had a warm, pleasant smile on her face and he wondered what was the reason for her to smile that way.
“Sabi sa’yo, she’s charming, hindi ba?”
“What’s so charming about her? Alam mo ba na just the other day, she passed out inside the elevator and I had to carry her to my office?” He was not supposed to say anything about what happened but it was too late.
“Wow, really now?”
Napailing siya. “Sometimes, she could be very annoying,” at muli niyang binuklat ang binabasang libro.
“But admit it, she’s beautiful.”
At muli niya itong tiningnan. Well yes, maybe she is, somehow.
“And so, you carried her to your office?” interesado’ng tanong ni Jeffrey. “Tell me about it.”
He shouldn’t have told that part to Jeffrey. Umiling siya. “There’s nothing to tell.”
~~
ISANG linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin maalis sa isip ni Maya ang nangyari sa elevator. She could still smell Benjamin’s perfume kahit noong umuwi siya sa apartment nang araw na iyon. Parang dumikit na yata sa kanya ang mamahalin nitong pabango.
Habang palapit sa opisina ni Engr. Contreras ay nagdasal muna siya – na sana ay abala ito, sana ay hindi siya nito mapansin o kaya’y sana ay wala ito roon. Matapos makapagdasal, huminga siya ng malalim at akmang kakatok sa pinto nang mapansing bukas iyon. May ibang tao sa loob ng opisina maliban kay Engineer at narinig pa niyang nagtatawanan ang mga iyon.
Naghintay pa muna si Maya ng ilang sandali sa labas at hindi pa muna pumasok dahil ayaw niyang makaabala sa pag-uusap na iyon. pero nang marinig niya ang kanyang pangalan sa usapan ng dalawa ay hindi na niya napigilang making. Pasimple siyang lumapit sa bukas na pinto at sumilip roon...
“It’s very obvious that she likes me.” Nakaupo si Benjamin sa sofa habang nagku-kuwento kay Jeffrey, na nakaupo sa upuan nito.
Nagkibit-balikat si Jeffrey, natatawa.  “Well, you should be flattered.”
“I am. Okay lang naman ‘yon. But sometimes, it gets irritating. I told you about the incident in the elevator, remember? I think it’s just her way to get my attention.”
Muntik nang mabitiwan ni Maya ang dala’ng delivery nang marinig ang pag-uusap na iyon ni Benjamin at ng pinsan nito. Hindi niya inaasahan na ganoon pala ang tingin nito sa kanya. Pinigilan ni Maya ang sarili na sugurin ang Engineer na iyon dahil lahat ng paghanga niya para rito ay biglang naglaho na parang bula. Dahil sa pagkainis, bigla ang ginawa niyang pagpasok sa opisina at hindi na siya nag-aksaya ng panahon at pagkatapos ilapag ang kape sa mesa ay tuluy-tuloy na siyang umalis.
Sira na ang buong araw ni Maya dahil sa nangyar’ng iyon at halata ni Pam ang masama niyang timpla. Laking pasamalat niya nang malapit nang matapos ang shift nila nang araw na iyon dahil sa wakas ay matatapos na rin ang pinakamasamang araw sa kanyang buhay.
“Maya, si Contreras.”
Nilingon ni Maya ang direksiyon na itinuro ni Pam. Kalalabas lamang ng binata sa elevator kasama ang pinsan nito, patungo sa kanilang coffee shop. At nanumbalik ang galit niya dahil sa nangyari kanina kaya bigla siyang umalis sa counter at pumasok sa locker room, na ikinagulat ni Pam. Agad itong sumunod sa kanya sa loob.
“O, ano’ng ginagawa mo rito, nandoon pa ang Engineer mo sa labas.”
Kunwari ay abala si Maya sa pag-aayos ng kanyang gamit. “Wala na ako’ng pakialam sa tao na iyon.”
Nagulat si Pam sa sinabi niya at natawa. “Bakit, may LQ na kayo kaagad?”
“Simula ngayon, ayoko nang maririnig ang pangalan ng tao’ng ‘yon, ha,” sabi niya nang walang kangiti-ngiti sa mga labi. Bumalik sya sa counter nang hindi kumikibo, na lalo’ng ipinagtaka ni Pam.
“Sino, si Benjamin?”
Tiningnan niya ito nang masama.
“Bakit nga?” Tinapunan ng tingin ni Pam si Engr. Contreras, na tumatawa habang kausap ang pinsan nito. “Inaway ka ba?”
Pauwi na sila nang maikuwento ni Maya kay Pam ang narinig niya sa opisina ni You-Know-Who. Hanggang sa apartment ay nangigigil pa rin siya sa tao’ng iyon.
“Ang kapal naman ng mukha,” sabi ni Pam matapos marinig ang buo’ng istorya.
“Talaga. Akala mo kugn sino’ng guwapo.”
“Maya, guwapo naman talaga ‘yong tao, wala na tayong magagawa roon,” sabi ni Pam matapos kumuha ng tubig sa refrigerator.
“Oo nga,” sang-ayon niya, na lalo lamang niyang ikinainis. “Pero kahit siya pa ang pinakaguwapo at pinakamayaman sa buong mundo, wala siyang karapatang magsalita nang ganoon. Naku, kung hindi lang ako nakapagpigil kanina, nasuntok ko na ‘yon, e. At sa susunod, talagang bubuhusan ko siya ng kumukulong kape para makita niya kung paano magalit ang isang Maya Evangelista.”
Natawa si Pam. “Noon, halos sambahin mo ‘yung tao samantalang ngayon, kulang na lang ay pa-salvage mo.”
“Hindi ako nagbibiro, Pam. Gagawin ko talaga ‘yon.”
“Sige ha, kapag nagawa mo ‘yan, libre ko ang lunch mo, buong isang buwan.”
Tiningnan niya si Pam. “Sigurado ka?”
“Oo, kailan ba ako hindi tumupad sa usapan?” nakangiti nitong tanong.
~~
LUNES. Gustong umpisahan ni Maya ang linggo’ng iyon nang tama at ipinangako niya sa sarili na simula ngayon, wala na siyang pakialam sa Engr. Benjamin Contreras III na iyon, na hindi niya ito titingnan kahit na isang sandali dahil tapos na ang kahibangan niya rito.
Magbabagong –buhay na siya. Tama si Pam – si Contreras ay bunga lamang ng kanyang malikot na imahinasyon at wala siyang mapapala kung ipagpapatuloy pa niya ang pangangarap sa isang tulad nito. Hindi niya mapalalampas ang mga sinabi nito tungkol sa kanya nang ganun-gano’n lang. Dahil hindi lang pride at dangal niya ang nakataya, kundi pati ang isang buwan niyang libre’ng lunch.
Pilit na ngiti ang baon ni Maya nang pumasok sa opisina ni Contreras nang umaga’ng iyon matapos kumatok ng tatlong beses. Nakita niya ito at si Jeffrey na nag-uusap. Nakatayo si Benjamin malapit sa mesa, nakatalikod sa kanya, samantalang abala si Jeffrey sa pagbabasa ng isang magazine doon sa may sofa. Huminga siya ng malalim at lumapit sa kinatatayuan ni Benjamin at tiniyempo niya sa pagharap nito ang paglapag niya ng delivery sa mesa – at eksakto sa mamahaling polo ni Engineer ang mainit na espresso. Sinadya niya na hindi iyon takpan nang mabuti kaya madali iyo’ng tumapon at nagtuluy-tuloy sa suot nitong polo.
“Naku sir, sorry po!” kunwa’y nag-aalala niyang sabi.
“What the-! Hindi ka kasi nag-iingat!” sigaw ni Benjamin sabay kuha sa mga nabasang papeles sa mesa, habang nakaluhod si Maya para ayusin ang mga nalaglag sa sahig, pigil ang pagtawa.
“S-sorry po, hindi ko po sinasadya.”
“Do you know that I’m already late for my meeting? Palibhasa kasi-“
“Benjamin!” pigil ni Jeffrey sa pinsan. “Hindi naman sinasadya nung tao.” Tinulungan nito si Maya na pulutin ang mga iyon. “Miss, okay ka lang ba?”
Umiling-iling si Benjamin na tumingin kay Jeffrey bago nagtungo sa comfort room. Tumango si Maya, pigil pa rin ang pagtawa.
“N-nagalit po yata si Mr. Contreras,” na sa totoo lang ay gusto talaga niyang mangyari.
Inalalayan pa siya ni Jeffrey na tumayo at inihatid siya sa pinto. “Huwag mo na lang intindihin ‘yon, marami lang talagang problema ngayon sa trabaho kaya mainit parati ang ulo.”
“P-pasensiya na po talaga...mag-aakyat na lang po uli ako ng kape,” sabi niya matapos maiayos ang lahat ng kalat.
“No need. Paalis na rin kami.”
Sabay na napalingon sina Maya at Jeffrey kay Benjamin na noon ay nagsusuot ng bagong pang-itaas. Hindi naiwasan ni Maya na mapatitig dahil bukas pa ang butones ng maroon nitong polo at kitang-kita niya ang rock-hard abs nito.
“Sa susunod kasi, mag-concentrate ka sa trabaho mo. Hindi iyo’ng kung saan-saan ka nakatingin.”
Namula si Maya sa sinabi ni Benjamin, bagay na hindi niya nakayana’ng itago. Hindi na rin siya nagtagal pa roon at dali-dali na siyang lumabas ng opisina.
~~
YOU were rude,” napapailing na sabi ni Jeffrey sa kanya paglabas na paglabas ni Maya sa opisina.
“Bakit, ano na namang nagawa ko?”
“Napahiya ‘yung tao, kawawa naman.”
“She deserves it.”
Inabot ni Jeffrey sa kanya ang mga folders na dadalhin niya sa meeting. “You have to apologize to her.”
“What? No, Jeff. Ako na nga ang natapunan ng mainit na kape, ako pa ang magso-sorry?”
“It’s not as if she meant it.”
Lumabas sila ng elevator kasabay ng iba pa. Sa kabilang building pa ang meeting niya kaya kailangan niyang magmadali. At sa pagdaan nila sa coffee shop, nakita niya ang dalaga’ng iyon na masayang nakikipag-usap sa isang customer na lalaki.
“I don’t have to do anything, Jeff. I’m not even sorry for what I’ve said.”
Hindi maintindihan ni Benjamin ang sarili kung bakit hindi siya makapag-concentrate sa meeting ng araw na iyon. Ni wala nga siyang naintindihan kahit na ano tungkol doon, na ngayon lamang nangyari. Kaya pagkatapos ng meeting ay nalulumo siyang bumalik sa The Forum at agad na umakyat ng kanyang opisina. Hindi maalis sa isip niya ang sinabi Jeffrey, na dapat raw ay mag-sorry siya sa staff na iyon kahit pa nga sa tingin niya ay hindi naman iyon kailangan. Pero para na rin raw iyon sa imahe niya bliang may-ari ng The Forum at ng iba pa nilang kumpanya.
Ilang sandali pa ay narinig ni Benjamin ang pamilyar na katok sa pinto at mabilis niyang inayos ang maluwag na necktie. Kinuha niya ang broadsheet at nagkuwari’ng nagbabasa. Dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok ang isang baba’eng ngayon lamang niya nakita.
“Gud murneng pu, ser.” Nakangiti ang maliit na babae na iyon, hawak ang kanyang pina-deliver. Maitim ito, payat.
“B-bakit ikaw ang nagdala niyan?”
“Hende ku pu alam, ser,” nakangiti nitong sagot. Inilapag nito sa mesa ang iced tea na in-order niya.
“Absent ba ‘yung dating nagdadala niyan?”
“Hende ku pu alam, ser,” umiling ito, nakangiti pa rin.
“Nasaan nga?”
“Hende ku pu alam, ser.”
Kumunot ang noo ni Benjamin dahil malapit nang maubos ang pasensiya niya. “Bakit nga ikaw ang nagdala niyan?”
“Aku pu ang penagdala ni Ser Mike.”
“Bakit raw?”
“Hende ku pu alam, ser,” sagot nito na nakangiti pa rin.
Dahan-dahang naupo si Benjamin matapos niyang paalisin ang babae’ng iyon. hindi niya alam kung bakit iba ang nag-deliver ng iced tea niya gano’ng hindi naman pala absent si Maya. He should be happy but he felt otherwise. Dahil mas gugustuhin naman siguro niya’ng si Maya ang makita araw-araw kaysa sa babae’ng iyon na parating nakangiti.
~~

No comments:

Post a Comment

Popular Posts