Quote of the Day

The idea of me is better than the reality of me. - Verity

Sunday, June 16, 2019

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 5

HINDI ko alam kung paano ako napapayag ni Benjamin na sumama sa Baguio nang weekend na ‘yon. Pero alam ko namang hindi madali sa kanya ang humanap ng panahon katulad ng gano’n sa sobrang dami ng trabaho at ginagawa niya sa buhay at sa sitwasyon naming alam ng lahat na napakahirap. Dapat siguro magpasalamat na lang ako. At wala naman akong nakikitang mali doon. 

Medyo tanghali na nang makarating sila sa Baguio, at doon sila tumuloy sa vacation home ni Benjamin, hindi malayo sa bahay ng Daddy nito na pinuntahan nila noon. Bungalow ito ngunit napakaganda ng view sa likod ng bahay. Hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman. Minsan, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay mahal pa rin ako ni Benjamin. Na sa dinami-rami ng mga babae na hamak na mas maganda, mas mayaman, mas successful at alam kong mas deserving kaysa sa akin, ay bakit ako pa rin ang pinili niyang mahalin. Minsan, pabiro kong itinanong ‘yon sa kanya at ang nakuha kong sagot - 

“I don’t know. Maybe I’m crazy.”

Nakaupo sila ni Benjamin sa duyan na gawa sa mahabang lumang upuang kahoy. Magkatabi sila doon, nakaakbay si Benjamin sa kanya habang nakatanaw sila sa palubog na araw. Malamig na noon ang simoy ng hangin. 

Sana hindi na matapos ang araw na iyon dahil alam kong pagbalik namin sa Manila kinabukasan, iba na ang lahat. Para na lang uli kaming ordinaryong nilalang na nagtatrabaho sa iisang gusali na parang wala lang. Sana doon na lang kami habang buhay. 

“Since when did you start liking me?” nakangiting tanong ni Benjamin. Umayos ito ng upo at humarap sa kanya. naroon sila sa rooftop ng vacation home ng ama nito.

Saglit na nag-isip si Maya at inalala kung kailan nga ba nagsimula ang lahat. It was Christmas season nang magsimula siyang magtrabaho sa coffee shop sa The Forum. “You were wearing a black long sleeves and blue tie.” First week of December, kung hindi siya nagkakamali. At ang first assignment niya ay ang magdala ng cappuccino sa office ni Engr. Contreras. Hindi pa rin niya nalilimutan ang araw na iyon.

Natawa si Benjamin. “You still remember?”

“Siyempre. May kausap ka no’n sa phone, nag-good morning pa nga ako sa iyo noon pero di mo ‘ko pinansin.”

“Hindi kita pinansin?” natatawang tanong ni Benjamin. Sa totoo lang, hindi na niya iyon naaalala.

“Hindi. Kahit nang mga sumunod na araw, para lang akong hangin na pumapasok at lumalabas ng opisina mo na parang wala lang.”

“So you mean, the first time you saw me, you liked me already?” 

Nagkibit-balikat si Maya. Hindi na dapat itanong iyon, obvious naman. “Ikaw, kailan mo na-realize na gusto mo ako?”

Umiling-iling si Benjamin. “Hindi ko alam, eh.”

“Ang alam ko nga, galit ka sa ‘kin, diba?” Kahit si Maya, hindi malaman kung kailan nagsimulang mag-iba si Benjamin ng pakikitungo sa kanya. “Alam kong naiirita ka sa ‘kin.”

“Sino naman ang nagsabi sa’yo n’yan?”

 “Sa iyo. Narinig ko kayo ni Sir Jeff na nag-uusap,” nakangiti niyang sabi. “Kaya nga kita tinapunan ng kape e.”

Sa halip na magalit ay natawa si Benjamin. “Ah, naalala ko na,” sabi ni Benjamin nang maalala ang incident sa elevator. “That day inside the elevator. Nung himatayin ka sa elevator…doon ko na-realize na gusto nga talaga kita.”

Parang telenobela, kung iisipin. Minahal niya ako nang totoo at naging tanga ako noong pinakawalan ko pa siya. Pero ngayon, pagkaraan ng apat na taon, sino ba ang makapagsasabi na babalik kami rito sa loghouse ng mga Contreras sa Baguio?

 “Hey, what are you thinking?” tanong nito sa kanya nang bigla siyang natahimik. 

Humilig si Maya sa balikat ng binata at mas hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya. Hindi niya iyon sinagot, dahil kung sasagutin niya iyon, aabutin sila ng buong maghapon at magdamag.

“I hope you’re thinking about me.”

Tumango si Maya pero nang mga sandaling iyon, habang katabi si Benjamin ay hindi pa rin mawala sa isip niya si Noel. Ngayon na ba ang tamang oras para sabihin kay Benjamin ang tungkol kay Noel? Ano kaya ang magiging reaksiyon nito kapag sinabi niya na si Noel ang dahilan kung bakit niya ito iniwan at bigla siyang naglaho na parang bula?

“Maya, thanks for being here. I love you.”

Being there with him now was the least thing she could do. At alam niyang iyon na ang tamang panahon para ipagtapat niya ang totoo pero bigla siya nitong hinalikan sa mga labi kaya hindi na niya naituloy pa ang sasabihin. 

After saying goodnight, they shared a passionate kiss. A very dangerous, passionate kiss. Benjamin knew that if he won’t stop kissing her the way he’s kissing her now, she might completely go out of her mind.

“Oh God, Maya…t-this is not a very good idea.”

Tumango si Maya, ngumiti at muli itong hinalikan. 

“We have to stop now,” Benjamin whispered, trying his best not to get carried away.

“Bakit hindi ka na lang dito matulog?” tanong niya nang naroon sila sa tapat ng pinto ng kwartong nakalaan sa kanya.

“Are you kidding me?” Tiningnan siya ni Benjamin. Seryoso ang mukha nito. 

Hindi siya tumugon at binuksan ang pinto at hinila papasok si Benjamin. Pinigilan ni Benjamin na isara ni Maya ang pinto dahil alam nito ang mga posibilidad na maaaring mangyari sa oras na maisara ang pinto ng kwarto ni Maya.

“Maya, no.”

“Bakit?” takang tanong ni Maya.

“You know damn well why.”

Binitiwan na ni Maya si Benjamin at naisip niya na siguro nga hindi iyon magandang idea. “Okay, good night.” Sabi niya at muling binuksan ang pinto. 

Tiningnan siya ni Benjamin, hindi natinag sa kinatatayuan. “Are you sure you want me to sleep here with you?”

Nang tumango si Maya ay si Benjamin na mismo ang nagsara ng pintong iyon. 

Yes, they did it. They did sleep together – just sleep together, that is. Magkatabi silang natulog, magkayakap – with lots of cuddling and kissing involved. 

It was Maya who almost lost control. For her, it was definitely the hottest night she could ever possibly have. Kung siya ang tatanungin, hindi na niya naisip kung tama ba o mali kung may mangyari man sa kanila nang gabing iyon dahil sigurado siyang hindi niya iyon pagsisisihan. Kahit pa pagkatapos ay hindi na sila uli magkita, ayos lang. 

At least, naipadama ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Corny, oo. Pero totoo. Dahil kung hindi, wala siguro ako ngayon kasama siya. Siguro, hindi nangyayari ang mga nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero sa kanya na rin mismo nanggaling, ayaw niyang maging katulad ng mga naging relationships niya ang sa amin at hangga’t maaari ay gusto niya akong irespeto at ang relationship namin. 

~~

PARA kay Maya, perpekto ang nakaraang weekend nila ni Benjamin sa Baguio. Mas perpekto pa nga iyon sa inaasahan kaya nahirapan siyang ipagpatuloy ang buhay na nakikita si Benjamin pero hindi naman niya malapitan dahil parating nakadikit rito si Nicole.

Dumaan si Benjamin sa harap namin ni Pam sa coffee shop na parang wala lang, at umorder ng dalawang cappuccino na parang wala lang. Naroon lang ako ilang pulgada sa kanila pero parang wala ako ro’n. Lunes noon, kagagaling lang namin sa aming ‘most romantic Baguio getaway’ at ngayon, umiinom ng mainit na cappuccino habang masayang nakikipaghuntahan sa iba.

Hindi sa nagseselos ako. Mas tamang sabihin na naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong hindi ko dapat nararamdaman ang nararamdaman ko nang mga oras na ‘yon.

“Maya, si Noel.”

Biglang lumakas ang tibok ng puso ni Maya nang marinig ang pangalang ayaw na sana niyang marinig. Nilingon iyon ni Maya at nakita ang binata na palapit sa kanilang direksiyon. He was wearing a light blue long sleeves with white stripes, and khaki pants. He looked more mature and respectable after those four years. Nakangiti ito sa kanila kaya napilitan na rin silang ngitian ito.

“Hi!”

“H-hi,” tugon ni Maya. Nakatayo siya sa may counter habang nakikipag-usap kay Pam nang dumating sina Benjamin, at nakatayo pa rin siya roon nang dumating si Noel. Patuloy lang si Pam sa pag-aasikaso ng mga orders ng customers samantalang naroon pa rin sina Benjamin at Nicole, okupado ang isang mesa, nag-uusap ng kung ano ay ayaw nang alamin pa ni Maya. Muli, nginitian niya si Noel, isang mas matamis at totoong ngiti.

“Nakita ko ‘yung bago ninyong exhibit. Congratulations,” sabi ni Noel matapos makapag-order ng kape.

“S-salamat.”

Ibinigay ni Pam ang kape at iniabot ang sukli dito. “Ano’ng ginagawa mo rito?” nakangiti nitong tanong, na may mas malalim na ibig sabihin kaysa sa totoong tanong nito.

“I run an Advertising company in Milan. Dito na’ko sa Pilipinas naka-destino.”

“Bakit?” muling tanong ni Pam. “Hindi ba mas malaki ang kita sa Milan?”

Ngumiti si Noel at humigop ng kape. Hindi na nito nagawang maupo. “Nagkasakit kasi ang Lola ko nung nakaraang taon kaya kinailangan kong umuwi. Wala na rin kasing mag-aalaga sa kanya. Tsaka s’yempre, iba pa rin dito sa atin.”

Hindi ko alam kung totoo ‘yon o gawa-gawa lang niya at ako talaga ang dahilan kaya siya bumalik. Pero siyempre, joke lang ‘yon.

“Dito rin pala kayo nagtatrabaho?” 

“Matagal na,” sabi ni Pam. High school pa lang ay magkakilala na sila. “Hindi mo ba alam?”

Umiling si Noel. “Nagulat nga ako nung malaman kong designer ka na pala sa Contreras-Contreras,” sabi nito na nakatingin kay Maya, na para bang kay Maya nanggaling ang tanong na iyon. Umirap si Pam na hindi naman nito nakita at bumalik na sa pagtatrabaho dahil lumapit na sa kanila si sir Mike. “Nagulat ako nung makita kita sa restaurant.”

“A-ako rin, nagulat. Hindi ko alam na-“

“Na magkakilala kami ni Engr. Contreras?” dugtong nito sa sinabi niya. “Sa Country Club kami unang nagkita. Sa totoo lang, magaling siyang mag-golf.”

At nakuha pa niyang ngumiti. Gusto kong magtanong ng maraming tanong sa kanya pero hindi iyon ang tamang lugar, at pagkakataon. Ilang hakbang lang ang layo ni Benjamin sa’min at anumang oras ay maaari itong lumapit sa amin, na sa tingin ko naman ay imposibleng mangyari dahil sa paraan ng pagtitig nito sa magandang kausap. Magkasama dapat kami ni Benjamin na mag-breakfast bago ito pumasok sa opisina pero kinansela niya ‘yon para mas importante’ng dahilan. Ngayon, alam ko na kung gaano iyon ka-importante. 

“So kumusta kayo ni Engineer…kayo pa rin ba hanggang…”

Umiling siya. “N-nagtatrabaho lang ako sa firm niya as a freelance interior designer, gano’n lang.” 

“Bakit, ano’ng nangyari?” Tiningnan siya ng binata na para bang gustong malaman kung totoo nga ba ang sinabi niya. 

Umiling lang siya, tumingin sa suot na relo at nagkunwaring nagmamadali. “K-kailangan ko nang umakyat, m-marami pa ‘kong gagawin.” Dahil ayokong pag-usapan at ayoko nang pag-usapan pa hanggang sa magunaw na ang mundo. Ayoko nang pinag-uusapan ang nakaraaan.

“Sabay na tayo.”

Katumbas no’n ang nakabibinging katahimikan sa loob ng ilang milyong taon. Hindi ko magawang tingnan siya, ni hindi ko magawang huminga. Sabay kaming tahimik na pumasok sa loob ng elevator at nanatiling tahimik, naghihintay na makarating sa aming destinasyon. One, two, three, four, five…bumukas ang pinto at may dalawang empleyado na pumasok. Six, seven, eight nine, ten…lumabas ang dalawang babae at pasok naman ng tatlo. Isang matandang nakasalamin na babae, kasama ang malamang ay asawa nitong maputi ang buhok, at isang matangkad na lalaki na minsan ko nang nakita doon sa The Forum. Eleven, twelve A, twelve B, fourteen, fifteen…may sumakay na dalawa pa at para na kaming sardinas sa loob no’n. Magkatabi na kami ni Noel at imposibleng hindi kami magkadikit. Napahugot ako ng hininga nang walang anu-ano’y naramdaman ko ang braso niya sa likod ko. And as he looked at me, we shared that glimpse of something that was unexplainable. Something that I never want to comprehend. Sixteen, seventeen…hanggang sa 25th floor ay isa-isa nang bumaba ang lahat ng kasama namin doon at naiwan kami na magkalapit pa rin…twenty-six…twenty-seven…

“P-p’wede ba tayong mag-dinner minsan?”

Hindi ko alam. Hindi ako sumagot. Alam naman siguro niya ang sagot ko sa tanong niya na ‘yon.

“For old time’s sake?”

Twenty-eight…twenty-nine. “O-okay.”

“H-how about tonight, at seven?”

Tumango ako…thirty, at bumukas ang pinto at lumabas siya sa elevator. 

“Kita na lang tayo sa lobby.”

Tumango ako nang sarado na ang pinto at muli nang umandar ang elevator paakyat. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil sa buong hapong iyon ay wala si Benjamin sa building at dahil sa marami itong meetings ay hindi na nito nagawang bumalik sa The Forum. Hindi ko rin alam kung dapat ba kong matuwa na inimbitahan ako ni Noel sa dinner at lalong hindi ko alam kung bakit ako pumayag.

Pero naisip ko rin, isang simpleng dinner lang naman iyon, kasama ang isang dating kaibigan kaya wala naman akong dapat ipag-alala.

~~

ILANG minuto kaming nakatingin lang sa isa’t-isa sa isang hindi pamilyar na lugar. Iyon raw ang paboritong restaurant ni Noel simula nang dumating siya sa Pilipinas noong isang taon. Medyo madilim at interesante ang loob niyon. Ilan lang ang ilaw, may kandila ang bawat mesa. Iba-iba ang klase ng mga mesa at upuan na nagbigay rito ng kakaibang dating. Medyo weird pero wala na sigurong mas wi-weird pa sa nangyayari sa’kin ngayon. Bagay lang ‘yung lugar sa akin.

Doon kami naupo sa pinakadulo ng lugar, malayo sa lalaking naggigitara habang kumakanta ng country songs. 

“Kumusta ka na?”

Pilit kong inunawa ang ibig sabihin ng tanong na iyon ni Noel, na p’wedeng mayroong maraming kahulugan. Kumusta, ibig sabihin na kumusta ang buhay matapos kong mapagpasyahan na hindi na lang ituloy ang mga plano niya para sa aming dalawa. kumusta, p’wede ring gusto niyang malaman kung kumusta ang pagiging interior designer na noon ay ayaw ko. Kumusta? Gusto niyang sabihin ko sa kanya na hindi ako okay sa mga nangyayari ngayon sa amin ni Benjamin.

Sigurado ako na kahit paano ay may alam si Noel sa sitwasyon nila ni Benjamin. Magkalaro ang mga ito sa golf at siguradong may nasabi rito si Benjamin tungkol sa amin o may nabasa na si Noel sa internet tungkol kina Benjamin at Nicole. Matagal-tagal na rin namang umiikot ang issue at malamang ay alam na ng buong mundo ang tungkol doon. Nang tingnan ko si Noel ay nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

Kumusta. Isang simpleng tanong na hindi ko masagot. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong okay lang, at walang dahilan para sabihin kong hindi ako okay. Kaya mas pinili kong huwag nang sumagot at ibahin ang usapan. Tungkol sa business, sa hectic na schedule, sa mga taong madalas naming makasalamuha, sa mga exhibits, sa panahon, pulitika. Kahit anong mapag-usapan, huwag lang ang tungkol sa nakaraan.

Pero kasingkahulugan ng pangalan ni Noel ang nakaraan at kahit anong pilit naming iwasang pag-usapan, bigla-bigla iyong sumusulpot na parang kabute. Nang mapunta ang usapan namin sa buhay niya sa Milan, nabuksan ang paksa tungkol sa isang babae’ng minahal niya doon. Si Julie. Half-Italina, half-Filipina, na nakilala niya isang taon bago siya bumalik ng Maynila. 

“She’s a photographer. Maganda, mabait, matalino. Nagkakilala kami sa isang photo exhibit and the agency eventually hired her to work for us. And the rest is history.”   

Anim na buwan lang raw ang itinagal ng relationship niya rito. Ayoko na sanang tanungin pa kung ano ang dahilan pero siya na rin mismo ang nagkuwento.

“The first few months were okay. Marami kaming similarities, marami kaming napagkakasunduan. Hanggang ngayon, we still keep in touch and we’re actually good friends. Hindi ko talaga alam kung anong nangyari, basta bigla na lang nangyari. One day, I woke up in the morning and I told myself that I don’t have that feeling for her anymore.”

Hindi ko ‘yon maintindihan, na bigla-bigla na lang mawawala ang feelings mo para sa isang tao nang ganun-gano’n na lang pero hindi na ako nagtanong. Lumalalim na ang gabi at ayoko nang humaba pa ang usapan. Naisip ko, nakakatakot ‘yung gano’n na bigla-bigla na lang na gigising ka isang araw at iba na ang nararamdaman mo. Hindi ko alam kung kakayanin ko ‘pag nangyari ‘yon sa’kin.

“Minsan, tinatanong niya ako kung bakit hindi ako katulad ng ibang lalaki na kilala niya. Minsan raw, mahirap akong intindihin, magkasama raw kami pero parang hindi niya ako kasama. Noon, natatawa lang ako pero ngayon, madalas ko ‘yong iniisip. ’Yun ang palaging dahilan bago ‘yon, at ng mga sumunod do’n. Detached raw ako sa kanila, kailangan ko raw munang hanapin ang sarili ko bago ako pumasok sa isang relationship. Akala ko noon, excuse lang ‘yon ng mga babae para makipaghiwalay pero nung nagkita kami uli ni Julie, tsaka ko naintindihan ang lahat. Sabi niya, posibleng may isang babae na sobra kong minahal kaysa sa sarili ko. Sabi niya, pinipilit ko lang magmahal ng iba pero ang totoo raw, hindi pa rin ako nakakawala sa nakaraan.”

Kahit hindi niya sabihin, alam naming pareho kung sino ang tinutukoy niya. Hindi ko alam kung bakit n’ya ‘yon sinasabi ngayon dahil apat na taon na nang huli kaming magkita, at ngayon, ipinapaalala niya ang nakaraan na naging dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng nangyayari ngayon.At gusto kong tanungin ang sarili ko kung ano ba ang nararamdaman ko para kay Noel ngayong may Benjamin na sa buhay ko? Naisip ko, posible kaya talagang magmahal ng dalawang tao sa iisa at sabay na pagkakataon?

~~

No comments:

Post a Comment

Popular Posts