Tuesday, July 9, 2019

Ano'ng Klaseng Reader Ka?

  1. The ultimate bibliophile. Kasama na rin dito ‘yung mga collectors. ‘Yung kahit wala nang mapaglagyan ng books at wala nang oras para magbasa, bumibili pa rin ng mga libro dahil - wala lang. Feel na feel lang nila ‘yung may bagong biling books tapos aamuyin ‘yung mga pages bago matulog. Walang pinipiling genre o author. Basta libro, sunggab agad.
  2. The intelligent reader. Ito ‘yung reader na matalino dahil na rin sa pagbabasa. Their minds are like sponges na lahat ng nababasa ay na-absorb ng utak. Sila rin ‘yung mahirap makadebate pagdating sa isang libro dahil tiyak na kaya nilang himayin ang bawat detalye ng bawat librong binabasa nila. PS: Iba ito sa feeling expert lang.
  3. ‘Yung mahilig mag-kritiko. In other words, mga perfect. Lol Nagbabasa ng libro hindi para ma-entertain kundi para i-criticize ito. Kahit gaano kaganda ‘yung nobela, hahanap at hahanap sila ng loophole o mga maling detalye dahil para sa kanila, walang perpektong akda o manunulat.
  4. Pihikan. Masyadong mapili sa binabasa kaya iilan lang ang makikitang libro sa kanilang bookshelves/ebook reader. 
  5. The ‘elite’. Oo pihikan rin sila pero on the higher level. Doon lang sila sa mga may ‘sense’ na libro, ‘yung mga mabibigat, pang-matalino kumbaga. Shakespeare, Tolstoy, Hemingway, Dickens, Twain, Austen, Wilde, Steinbeck, Christie. Hindi sila basta-basta nagbabasa ng kung anu-ano lang. Tingin nila sa romance, lalo na kung Tagalog romance, cheap. Bakya. 
  6. Wide reader. Mapa-romance, sci-fi, historical, walang pinipili. They love learning new things and exploring different genres. Parati silang gutom sa bagong kuwento at impormasyon.
  7. Mga ningas-kugon. ‘Yung ang dami-daming gustong basahin pero puro simula lang naman at walang natatapos. Madali silang ma-excite sa mga bagong release o kakaibang plot pero bihirang makatapos ng nobela dahil - A. walang oras, B. maiksi ang attention span, C. madaling magsawa.
  8. ‘Yung bandwagon. Mga sikat na libro lang ang gustong bilihin. Bibili ng libro para makiuso. Para may mai-post sa FB at IG para maka-gain ng maraming likes. 
  9. Mga mapagpanggap/copycats. Kunwari reader pero ‘yun pala, naghahanap ng makokopya. They would even pretend to love the author pero maya-maya lang, mababalitaan mo nang kinopya na pala niya ang binabasa. Expert!
  10. The ultimate fan. Nagbabasa lang ng mga akda ng mga paborito nilang writers. Wala silang pakialam sa iba at wala silang pakialam kung waley ang binabasa nila basta sila, basa lang kasi nga fan. 
~~

No comments:

Post a Comment

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...