Quote of the Day

The idea of me is better than the reality of me. - Verity

Sunday, July 7, 2019

The Girl From The Coffee Shop 3 Chapter 2

MADALING-ARAW na nang matapos sa trabaho si Maya. Isang luxury villa ng isang kilalang artista ang bago nilang proyekto at nasa schematic design phase pa lamang sila, na sa tingin niya ay ang pinaka-stressful na bahagi ng kanilang trabaho.

Wala pang isang taon siyang nagtatrabaho bilang interior designer sa Contreras-Contreras pero pakiramdam niya ay parang mas matagal pa roon. She’s right about her expectations about her new job – it is demanding and most of the time, crazy. Simula nang umalis siya sa coffee shop at maging regular na staff ng firm ay hindi na niya nagagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin tulad ng pagpipinta o kahit ang simpleng pang-eenjoy lang sa bahay nang walang inaalala. Sa totoo lang, minsan, gusto niyang bumalik na lang ang lahat sa dati noong mga panahong wala siyang ibang inaalala kundi paano mapansin ni Benjamin. Noon, pangarap lang niya na makita ito nang malapitan pero ngayon, nagagawa na niya iyon anumang oras.

Ah, hindi pa rin pala. Hindi pa rin nga pala niya p’wedeng makita ang kasintahan anumang oras niya naisin dahil sa kasamaang-palad, hindi lang siya ang buong buhay ni Benjamin. Kaya nga ba hanggang ngayon ay itinatanong pa rin niya sa sarili kung ano nga ba itong napasukan niya. Okay, noon ay pangarap niyang maka-date ang binata at kahit nga saglit lang na tingin mula dito ay kukumpleto na sa araw niya. Pero iba pala talaga ang pangarap lang sa totoong buhay. 

Hindi naman siya nagrereklamo bilang girlfriend ni Benjamin pero kung iba lang sana ang sitwasyon at hindi ganoon ka-kumplikado ang buhay ng nobyo, siya na siguro ang pinakamasayang babae sa balat ng lupa. Pero sino ba naman siya para magreklamo? Siya, na minahal pa rin ni Benjamin kahit na iniwan niya ito dahil lamang sa isang lumang pag-ibig. Siya, na isang barista lang noon sa coffee shop, isang simpleng artist na walang ibang hinangad kundi ang mapansin ng isang Eng. Benjamin Contreras III. Kung tutuusin, ginusto niya ang lahat ng nangyayari sa buhay niya ngayon – ang pagiging interior designer, ang pagiging girlfriend ni Benjamin. Ang hindi lang niya gusto ay ang kawalan nila ng oras sa isa’t-isa at ang katotohanan na kailangan niyang tanggapin na ganoon na ang magiging buhay niya kapag iniadya ng tadhana na maging sila na hanggang sa huli.

Maya flipped the pages of the magazine she’s been reading to be able to fall asleep. Mag-a-alas dos na ng umaga pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Lunes na naman bukas at maliban sa umpisa na naman ng abala niyang linggo sa opisina ay kailangan niyang tiisin ang buong isang linggo na wala na naman si Benjamin. Kanina ang flight nito patungong Palawan at kailangan nitong manatili roon ng buong isang linggo para sa nalalapit na opening ng The Marina. 

At nang muli niyang ilipat ang pahina ng magazine na hawak, parang gusto na niyang manliit. And it read – 

‘The Marina is going to be one of Engineer Contreras’ greatest achievements as a businessman. The Marina is a private yacht club, which will surely put his name in the newspapers and magazines. The club is exclusive for the rich and famous and it is the first and only one of its kind in Palawan, and is going to be one of the country’s premiere yacht clubs. Aside from the club itself, the Contreras Group of Companies is embarking on a new venture – a 5-star luxury yacht, which will be cruising around Asia and eventually all over the world.’

Magandang balita iyon para kay Benjamin, naisip ni Maya. Pero magandang balita ba iyon sa kanilang dalawa? Nung mga panahong pinapangarap pa lang niya ang mga titig ni Benjamin, nung mga panahong sa panaginip lamang niya nakakasama ang binata, isang simpleng businessman lamang ang tingin niya rito – okay hindi siguro isang simpleng businessman lang pero hindi niya inaasahan na ganoon ka-sikat sa business world at ganoon ka-yaman ang nobyo. 

Ang alam lang niya noon ay isa si Benjamin sa mga may-ari ng The Forum at ang CEO at president ng Contreras-Contreras Architectural Firm, at iyon lang. Wala siyang ideya na kasama into sa TOP 10 Richest Men in Asia hanggang ngayon. Dahil wala naman itong nababanggit sa kanyang ganoon at hindi naman siya nagtatanong dito tungkol sa mga ganoong bagay. 

At habang pinagmamasdan ang litrato ni Benjamin doon sa magazine, hindi niya mapigilang pangarapin na sana ay siya pa rin ‘yung simpleng barista sa coffee shop na kuntento na sa pasulyap-sulyap sa engineer.

~~

SA umpisa, naisip ni Maya na hindi na lang sana niya tinanggap ang imbitasyon ng The Glitz Mag. Interesado raw ang magazine nila na i-feature ang art association ni Maestro Victor Diestro, kung saan siya kabilang. The article will be published in celebration of Mr. Diestro’s 50 years’ worth of works at paparangalan ito bilang isa sa mga natatanging alagad ng sining sa bansa.

Alam ng lahat na walang hilig si Maya sa mga ganoong klaseng social functions pero para kay Mr. Diestro ay gagawin niya ang lahat. Ang matanda ay masasabi n’yang isa sa mga malalapit sa kanya at ito ang nagsilbi niyang mentor simula noong naging propesor niya ito sa unibersidad kaya naman hindi niya into maaaring biguin. 

Pero nang malaman niya kung sino ang magiging official photographer na magko-cover ng interview, parang gusto na lang niyang umurong. Pero wala naman siyang ibang pagpipilian. Tinanggap na niya ang offer, nangyari na ang photoshoot, nagkita na silang muli ni Noel. Kaya ngayon, sinunod niya ang payo ni Pam, na sabihin kay Benjamin ang tungkol sa photoshoot bago pa nito malaman sa iba.

Dahan-dahan siyang pumasok sa opisina ni Benjamin pagkatapos kumatok. Nadatnan niya ito’ng seryosong kausap si Greg. Nang makita siya ng binata ay ngumiti ito at pinalabas ang assistant. Ngumiti pa muna sa kanya si Greg bago tuluyang lumabas ng opisina. Si Benjamin na mismo ang lumapit sa kanya at humalik sa pisngi. It was a Thursday evening at alam niyang abala ito sa trabaho.

“What can I do for my girlfriend?” malambing nitong tanong.

Paano nga ba niya iyon sisimulan? Sa pag-imbita dito’ng maging escort niya sa award ceremony ng tiyuhin nito o sabihin ang tungkol sa muling pagku-krus ng landas nila ni Noel? “A-are you free on the 23rd?” simula niya. Naupo siya sa leather sofa na naroon at huminga ng malalim. 

Muling naupo si Benjamin at ipinagpatuloy ang ginagawang pagbabasa ng mga papeles. “The 23rd? What about the 23rd?” balik na tanong nito nang hindi tumitingin sa kanya. 

“Philippine Art Awards. Isa si Sir Diestro sa mga paparangalan. Kung hindi ka busy…”

“Ah, yes, nabanggit sa akin ni Tito Victor ang tungkol do’n the last time I visited him.” Saglit na tiningnan ni Benjamin ang schedule sa kalendaryo’ng naroon sa mesa nito. “But I’ll be in Singapore on the 23rd, honey.”

Tumangu-tango si Maya. “Sige, I’ll go ahead,” sabi niya sabay tayo. Expected na naman niya na hectic ang schedule ng kasintahan sa mga panaho’ng iyon – but she just wanted to ask him anyway. 

“That’s it?” nakangiting taka’ng tanong ni Benjamin. “You came all the way up here just because of that? Sana tinawagan mo na lang ako, para hindi ka na napagod.” Dahil alam ng binata na sa tuwing bibisita siya roon ay may importante’ng dahilan. Tiningnan nito si Maya, tumayo at lumapit sa kinauupuan niya. “Is there something else you want to tell me?”

It’s now or never, sabi ni Maya sa sarili. Nangyari ang photoshoot dalawang araw na ang nakararaan at hindi niya iyon nasabi kay Benjamin dahil na rin sa pareho silang abala sa trabaho. At ayaw na rin naman kasi niyang gawing big deal ang nangyari dahil wala naman talagang dapat ipag-alala si Benjamin dahil wala namang nangyaring dapat ipag-alala.

“Maya, honey, may gusto ka pa bang sabihin?” narinig niyang tanong ni Benjamin. Nagulat pa siya nang makita ang binata na naroon na sa harap niya.

“Tungkol sa…photoshoot.”

“O, yeah, that was last Tuesday, right?” tanong ni Benjamin. Muli itong nagtungo sa mesa nito at ipinagpatuloy ang ginagawa. “So, how did it go?”

“O-okay naman.”

“Pupunta sana ‘ko sa location ninyo after the meeting with Mr. Gonzaga kaya lang another urgent thing came up.” 

Tumango-tango si Maya. Naisip niya, blessing in disguise na ‘another urgent thing came up’. Dahil hindi niya alam kung ano ang p’wedeng nangyari kung nakapunta roon si Benjamin at nakita si Noel roon. Hindi naman sa punto na magkakasuntukan, pero sa tingin ni Maya, hindi magiging maganda ang reaksiyon ng kasintahan kung nagkataon.

“So, what about the photoshoot, honey?”

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalitang muli. “Buenaventura Ad Agency ang nag-handle ng project…and…he…was there,” mahina pero malinaw na sabi ni Maya. Hindi na kailangan pang isa-tinig ni Maya ang pangalan ni Noel dahil alam niyang alam na iyon ng kasintahan. “Hindi ko alam na pupunta siya roon, wala akong ideya na may tie-in pala ‘yung agency nila sa The Glitz…” At hinintay niya ang reaksyon ng binata. 

Mula sa binabasa ay napataas ng tingin si Benjamin. Nanatili itong nakayuko pero nakakunot ang noo nito at matamang nakatingin ang mga mata niya. That name was the last thing he’d ever want to hear his entire life. He wanted to do something right at that very moment - he wanted to run, to punch someone in the face, to find that guy - the sole reason of his misery many many years ago. Pero nanatili lang doon si Benjamin, hawak ang ilang papeles, nakaupo sa itim nitong leather executive office chair. Pinili nitong maging kalmado at pigilan ang kung ano mang naiisip nito nang mga oras na iyon, para kay Maya.

Tumangu-tango si Benjamin. “Thank you for telling me. I appreciate it, honey, really,” nakangiti pa nitong sabi. “So…nagkausap kayo?” walang emosyong tanong ni Benjamin.

Umiling si Maya. Part of it was true anyway. Hindi naman talaga sila nakapag-usap ni Noel na hindi tungkol sa trabaho.

“Pupunta siya sa awards ceremony?”

Nagkibit-balikat si Maya. “H-hindi ko alam.” Na siya namang totoo. Noel was at the photoshoot just because he’s the photography director and going to the awards night and the after-party is not part of his job. 

Tumayo si Benjamin at sinimulan nang iligpit ang mga nakakalat na trabaho sa mesa. Tumingin ito sa relo at nang malamang alas-siyete na ng gabi ay minadali na nitong ayusin ang mga gamit. At nang dumating si Greg, isinuot na nito ang blazer at nilapitan si Maya. 

“I’ve got to go to my next meeting, honey,” paalam nito sabay halik sa pisngi niya. “Anyway, I’ll be there.”

Napataas ang dalawang kilay ni Maya, nagtatanong.

“Sa party ni Ninong Vic. I’ll be there.”

~~

JUST three blocks from the office, Benj. Nag-coffee kami nina Pam and Emman.”

Iyon ang sagot ni Maya sa tawag niya nang hapon na iyon. Kilala niya ang dalawang tinukoy ng kasintahan. Madalas niyang makita ang mga ito sa coffee shop ng The Forum noon.

Okay lang sa kanya na maging malapit si Maya kay Pam pero wala siyang tiwala sa Emman na iyon. Nakikita niya kung paano nito tingnan si Maya noon at hindi maganda ang pakiramdam niya. At hindi pa rin nagbabago ang tingin niya sa kaibigang lalaki na ‘yon ng kasintahan.

“You should’ve told me, sana nasamahan kita.”

Narinig niya na natawa si Maya sa sinabi niya. Alam nito kung gaano siya ka-busy at bihira na lang talaga sila magkita. Madalas, ang lunch at dinner dates nila ay kailangan pa nilang i-schedule.

Napailing si Benjamin nang ibaba niya ang telepono. Hindi niya gusto ang nangyayari’ng ganoon sa pagitan nila ni Maya. Nang maging girlfriend niya ang dalaga, ipinangako niya sa sarili na gagawin ang lahat para rito, isasantabi ang lahat para lamang makasama niya ito. Pero heto siya, hindi maiwan ang tambak na trabaho para maipag-drive man lang ang kasintahan. Si Maya ang pinakaimportante’ng tao sa buhay niya ngayon at ayaw niyang may mangyaring masama sa kasintahan. Naranasan na niyang mawala ito minsan sa kanyang buhay at pinangako niya sa sarili na hindi’ng-hindi na niya hahayaang mangyari pa ‘yon uli. 

Kaya naman agad siyang nakapagdesisyon na ikuha ng driver si Maya, sa ayaw man nito o gusto. Mabuti na lamang at eksakto na nasa Maynila nang mga panahon na iyon si Mang Tony na siyang driver na kasama ng ama sa Baguio at palagi itong on-call sa mga lakad ng ama. Kay Mang Tony, makakasigurado ito sa kaligtasan ni Maya. Hindi katulad kay Carlo, na una niyang kinuha para maging driver ni Maya noong nakaraang araw. Mabait naman ito at magalang, sa tingin ni Benjamin, pero mapagkakatiwalaan? Hindi siya sigurado. Nang makita niya na kausap nito si Maya doon sa coffee shop ng The Forum, iba ang naging pakiramdam niya, lalo na nang mapansin niya ang paraan ng pagtingin-tingin nito sa kasintahan. 

“You know what, Benjamin? I think you’re becoming too possessive and obsessed with Maya. Baka dahil sa mga ginagawa mo’ng iyan, masakal ‘yung tao. At alam nating lahat na ayaw na ayaw ni Maya ‘yang ganyang kino-control ang buhay niya.”

“I’m just concerned about her safety. Normal lang naman ‘yon as her boyfriend.”

Tiningnan ni Jeff nang matuwid si Benjamin. “That’s it. Aminin mo nga, nag-aalala ka ba sa safety ni Maya kaya mo s’ya kinuha ng driver o dahil ‘yan kay Noel?” tanong ni Jeff sa pinsan nito. “Hanggang ngayon nagseselos ka pa rin sa Noel na ‘yon?”

Hindi siya umimik at nagpatuloy lang sa ginagawa sa laptop. Gabi na noon at sa tingin niya ay sila na lamang dalawa ng pinsan ang laman ng buong building na iyon. Alas diyes na nang gabi nang tawagan niya si Jeffrey para magpatulong sa paghahanap ng driver. Sabi nito ay p’wede naman siyang kumuha sa security agency ng kumpanya nila pero sabi niya ay wala siyang tiwala sa mga ahensiya at gusto niya ay rekomendasyon ng mga kakilala.

“Normal lang naman ang magselos, Benjie. Pero huwag naman OA.”

“Ano’ng OA sa ginawa ko?”

“Ayan, ‘yang pagha-hire ng driver for Maya. Baka sa susunod, bigyan mo na rin s’ya ng bodyguard ha.”

Kumunot ang noo ni Benjamin sa narinig. “I’m actually considering it.”

Umiling si Jeff at tumayo. “Please Benjamin, don’t.” Mula sa kinauupuang sofa ay nagtungo ito sa pantry ng opisina ng pinsan. Kumuha ito ng isang lata ng soda sa refrigerator. 

“Bakit? Jeff, kung nakakasama ko lang si Maya araw-araw, hindi ko ito naman gagawin,” ang paghahanap ng driver at bodyguard ang tinutukoy nito. “And I think any woman would be pleased to know that their boyfriend is doing everything to protect them.”
Muli, umiling si Jeff. “Pero iba si Maya. Siguro nga kung sa ibang babae mo gagawin ‘yan, magtatatalon sila sa kilig at magpapasalamat sila dahil tinatrato mo silang prinsesa pero ibahin mo si Maya, Benjamin. Kapag itinuluy-tuloy mo ‘yan, baka pulutin ka na naman sa kangkungan.”

Katulad rin iyon ng sinabi sa kanya ng kanyang Tito Victor. Hindi niya alam kung bakit ba parang siya lamang ang hindi pa ‘yata talagang nakakakilala nang husto kay Maya. Kahit pa ang daddy niya, ganoon rin ang suhestiyon – na huwag masyadong hihigpitan si Maya, na ituring lang ang relationship with Maya tulad ng mga iba niyang relationships noon. But how would he do that? He loves her more than anything in the world, more than his life. 
At sa kabila ng mga kumokontra sa paligid, itinuloy pa rin ni Benjamin ang balak na bigyan ng driver si Maya. Siguro tsaka na ang bodyguard, kapag nakuha na niya ang approval ng kasintahan.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts