Tuesday, August 27, 2019

The Girl From The Coffee Shop 3 Chapter 10

Magenta, MI Italy. After two years…

ALAS sais pa lang ng umaga nang lumabas si Maya ng bahay. Dala ang isang breakfast tray ay tumuloy na siya sa garden doon sa rooftop ng maliit nilang apartment. Maganda ang sikat ng araw at medyo malamig ang simoy ng hangin. Halos dalawang taon na nilang ginagawa ang ganito, ang mag-almusal sa hardin at sabay na hangaan ang ganda ng paligid. 

“Good morning,” nakangiting bati ni Maya. “How are you feeling?” Ibinaba niya ang tray sa pabilog na mesa at naupo na rin. Inayos niya ang laman no’n – dalawang baso ng fresh orange juice, dalawang wholegrain toast with scrambled eggs. 

“Better. Much better.” Hinawakan ng binata ang kamay ni Maya at ngumiti. 

“So, ano’ng plano mo ngayong araw?” tanong ni Maya sabay abot ng pillbox kay Noel, kasunod ang isang baso ng tubig. 

“Ikaw, sa’n mo gustong pumunta? P’wede ko kayong i-tour sa mga museums o sa mga galleries na hindi n’yo pa napupuntahan. Ano’ng gusto mong gawin?”

Nagkibit-balikat si Maya. “Wala.”

“Wala? Ano’ng gagawin natin?” natatawang tanong ni Noel pagkatapos inumin ang dalawang tableta ng gamot. “Ah, how about setting up your new studio?”

That made her smile even more. Another thing she loves about being there with Noel is that she could do anything she wanted – or do nothing at all. P’wede siyang mag-pinta buong araw at buong gabi, p’wede siyang umalis nang walang nagbabawal. P’wede rin siyang manatili lang doon sa apartment at walang gawin buong araw, at p’wede niyang istorbohin si Noel kahit anong oras.

Tiningnan lang ni Maya si Noel habang kumakain ito ng almusal at paminsan-minsang nilalaro si Jamie, na tuwang-tuwa sa pagkain ng mansanas sa baby carriage nito. Halos dalawang taon na sila sa Magenta at sa totoo lang ay napamahal na sa kanya ang lugar na iyon. Hindi lang dahil sa napakagandang tanawin kundi dahil na rin sa isa sa mga pangarap niya sa buhay ang makapunta roon.

Hanggang ngayon ay tinatanong pa rin ni Maya sa sarili kung tama ba ang desisyon niyang sumama kay Noel sa Milan at iwan ang lahat-lahat sa Pilipinas. May mga pagkakataong hindi, pero mas maraming pagkakataon na oo. Dahil sa tuwing nakikita niya si Noel na masaya, alam niyang iyon ang tamang lugar para sa kanya.

Ano nga ba ang dahilan at pinili niyang sumama kay Noel?

“C-cystic fibrosis.”

Iyon ang narinig niya mula kay Noel. Nasa loob sila ng sasakyan ni Noel, kagagaling lang nila sa ospital. Kinailangan niyang marinig ang masamang balita sa doktor ni Noel dahil hindi niya kayang paniwalaan ang katotohanan na may sakit ito at may posibilidad na malapit na itong mawala. Ipinaliwanag ni Noel na bata pa lamang ito nang nalaman nito ang kundisyon pero dahil naagapan sa pamamagitan ng masusing medikasyon, physiotherapy, proper nutirition at exercise, nabuhay ito nang mas matagal kaysa sa inaaasahan.

The illness congests the digestive system and the lungs with sticky and thick mucus, making it difficult to breathe, digest food and even to exercise. Kaya pala madalas absent si Noel noon, madaling mapagod at madalas mag-cut ng class. 

“’Yung sakit ko rin ang rason kung bakit bigla kaming nagpunta ng Milan noon. Para mas maalagaan ako…and for better treatment. Iyon rin ang rason kung bakit ako bumalik. Dahil sabi ko sa sarili ko, magaling na ako so…I should do something about ‘us’…kaya noon, pinipilit kitang sumama na sa akin sa Milan…dahil gusto kong makasama ka. I want us to be together right then and there because I know I won’t live a long life.”

“B-bakit hindi mo sinabi sa akin noon pa?” tanong ni Maya kay Noel. Nasa loob pa rin sila ng sasakyan. Hindi na niya napigilang mapaiyak dahil sa narinig. Ayaw niyang maniwala at panalangin niya, sana ay nagbibiro lang ang binata pero hindi. Seryosong-seryoso ang mukha nitong nakatingin lang sa kanya, na para bang nakagawa ito ng isang napakabigat na kasalanan.  

“Akala ako kasi wala na ‘tong sakit ko…akala ko magaling na talaga ako. Kaya hindi ko na sinabi sa iyo kasi…ayoko’ng kaawaan mo ako, Maya. Kaawaan na ako ng lahat, huwag lang ikaw.”

At tuluyan nang tumulo ang luha ni Maya. Niyakap siya ni Noel pero hindi sapat iyon para maibsan ang halu-halong nararamdaman niya – takot, awa, lungkot, lahat na. 

“Oh, ayan na, ‘yan ang ayoko, Maya. Ayoko’ng nakikitang umiiyak ka, lalo na kung dahil sa akin. Kaya nga hangga’t maaari, ayoko’ng malaman mo. Hindi ko naman inasahan na hahantong tayo sa ganito…na magiging close pa rin tayo sa kabila ng lahat. I’m sorry, Maya.”

Umiling siya at pinahiran ang mga luha. “A-ako ang dapat mag-sorry sa iyo, Noel. Kung nalaman ko lang nang mas maaga-“

“Kung nalaman mo na may sakit ako noon pa, sasama ka sa akin sa Milan? Kung nalaman mong mamamatay na ako, mamahalin mo ba ako?” Hinawakan ni Noel ang magkabila niyang pisngi at ito naman ang nagpahid ng luha niya. “Mas lalong ayokong mahalin mo lang ako dahil sa naaaawa ka lang sa akin.”

Muli siyang niyakap ni Noel. Hindi man ipakita ng binata, alam ni Maya na lumuluha ito…

“Thank you for being here with me, Maya.”

“Sinabi ko naman sa’yo noon, diba? Sasamahan kita sa laban na ito…aalagaan kita hanggang sa huli, Noel.”

“At nagpapasalamat ako sa iyo,” seryoso nitong sabi. “P-pero Maya, kung maisipan mong bumalik ng Manila –“

“Hey, w-walang babalik ng Manila, okay? Hayaan mo akong alagaan kita, dito sa Milan.”

Maraming iling ang isinagot ni Noel. “Pero Maya, ang dami mo nang opportunities na pinalampas sa Manila dahil sa akin. Ayokong sayangin mo ang buo mong buhay dahil lang sa pag-aalaga mo sa akin. You deserve to live a full life, Maya…’yung kumpleto’ng pamilya, na hindi ko kayang ibigay.”

“Ikaw na ang pamilya ko ngayon, Noel…ikaw at si baby Jamie,” sabi ni Maya sabay tingin sa naglalaro’ng si Jamie.

“Thank you, Maya…and I’m sorry…”

“Walang dapat ipag-sorry, okay?” Hinaplos niya ang kamay ng binata. Ngumiti lang siya kahit pa alam niyang tutulo na ang mga luha niya anumang oras. “Hindi ba, ang sabi natin noon, kung magkikita tayo, magkikita tayo? Narito tayo ngayon, Noel, magkasama. This is meant to be. We are meant to be together, after all.”

~~

MR. President, this way po.”

Sumunod si Benjamin sa itinurong daan ng isa sa kanilang foremen. Nasa framing stage pa lamang ang construction ng highrise condominium na iyon at kung tutuusin, hindi naman talaga siya kailangan doon pero naroon siya kahit tirik ang araw.

Dalawang taon na mula nang umalis si Maya at dalawang taon na mula nang naging miserable ang buhay ni Benjamin. Ano na nga ba ang nangyari kay Maya? Ang totoo, hindi niya alam at hindi na niya alam kung ano ang gagawin sa buhay niya.  Ang sitwasyon niya ngayon ay katulad rin ng naging sitwasyon niya noon nang mawala si Maya sa buhay niya – pero ngayon, mas masakit, mas walang pag-asa. Dahil ngayon, alam niya na may ibang buhay na ang dating kasintahan, at kailangan niyang tanggapin ang katotohanan na wala nang magbabago pa roon. 

Benjamin’s life now is routinary – opisina, meeting sa mga kliyente, meeting sa board, meeting sa staff. Muli, madalas ay umiikot ang mundo niya sa apat na sulok ng kanyang opisina at madalas, ang bahay nila ay nagiging opisina na rin.

Maraming sinasabi at itinuturo ang foreman sa kanya pero tila wala siyang naiintindihan kahit isa sa mga iyon. Tinanggal niya ang suot na hard hat at pinunasan ng panyo ang pawis sa noo. Sa totoo lang, hindi niya alam kung bakit siya naroon. Nasa opisina dapat siya ngayon, tinatapos ang trabaho para maaga siyang makauwi at makasama ang asawa. Nakapangako siya rito na sa bahay siya magdi-dinner at magdadala siya ng paborito nitong wine.

Alas tres pa lamang ng hapon nang makabalik siya sa opisina. Inutusan niya si Greg na tumawag sa flower shop at hinayaan na niya itong mamili ng bulaklak para ibigay kay Nicole at si Greg na rin ang pinag-asikaso n’yang bumili ng wine para rito dahil ngayon ay ang kanilang ikalawang anibersaryo bilang mag-asawa. 

“Oh, honey, thank you!”

Iyon at isang matamis na halik sa pisngi ang tugon ni Nicole nang iabot ni Benjamin ang isang punpon ng pulang rosas at isang bote ng paborito nitong Chateau Monet Liqueur Framboise. Niyakap siya nito at saka dinala sa malawak nilang hardin. As expected, the round table was set perfectly – with candles, rose petals, expensive china and silverware.

“Happy anniversary, Benjamin.”

Ngumiti lang siya at naupo na. Pinaluto ni Nicole ang lahat ng paborito niya – Cheese-Stuffed Dates wrapped in Prosciutto for starters, Steak with Pepper and Caper Salsa for the main course, and chilled chocolate tart for dessert.

Habang kumakain ay manaka-nakang tinitingnan ni Benjamin ang asawa. Nicole looked like a goddess with her Marilyn Monroe-inspired halter dress. She is beautiful, no doubt about it and for the past two years of their marriage, she’s been a good wife.

Tahimik lang si Nicole sa buong hapunan, bagay na hindi na ipinagtaka ni Benjamin. SImula nang mawala ang kanilang anak ay bihira na lamang niya itong marinig na magsalita o tumawa katulad ng dati. May mga pagkakataong gusto’ng sisihin niyang sisihin ang sarilii dahil alam niyang may mga pagkukulang siya bilang asawa lalo na noong buntis pa si Nicole. Madalas kasi ay wala siya sa tabi nito kahit pa noong kinailangan itong dalhin sa ospital dahil sa preterm labor. Pitong buwang buntis ito noon. Sa ospital na niya ito naabutan at doon na rin niya nalaman ang masamang balita. Dumaan sa matinding depresiyon si Nicole, na akala ni Benjamin ay panghabang-buhay na. 

Pero pagkaraan ng ilang buwan, bumalik na si Nicole sa dati. Hindi man ito bumalik sa dati na mahilig lumabas at pagiging masayahin, laking pasalamat pa rin ni Benjamin na nanumbalik ang dati nitong sigla. Bumalik na ang dating pagiging malambing nito at maaalalahanin. Noon ay hindi siya madalas kausapin ng asawa at madalas itong wala kapag umuuwi siya sa gabi, at ipinauubaya na nito sa mga katulong ang paghahanda ng kanyang almusal at pag-aasikaso sa kanya. 

Hindi naman niya ito masisi dahil hindi naman siya naging isang huwarang asawa tulad ng pinapangarap nito pero ngayon, sinusubukan na niyang gawin ang lahat ng makakaya para maging mabuting kabiyak. At ngayon nga na ikalawang anibersaryo nila bilang mag-asawa, sinubukan niyang maging espesiyal ang gabing iyon.

“I really thought you were kidding nung sinabi mo’ng uuwi ka for dinner,” sa wakas ay sabi ni Nicole matapos uminom ng wine. “I had to ask Greg over and over just to make sure.”

Tahimik lang si Benjamin. Uminom rin siya ng wine at pagkatapos ay sinalinan ang pareho nilang baso. Paano ba niya sasabihin na muntik na niyang makalimutan ang okasyon nang gabi’ng iyon? 

“Thank you, Benj, really. You know how important this is for me so thank you.”

 “You’re welcome,” simpleng niyang sagot. 

“Ahm…Benj…can I ask you something?” kinakabahang tanong ni Nicole pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. Humugot muna ng malalim na hininga si Nicole bago nagsalita. 

“About that unit at The Draft…I’m thinking about renovating the place…matagal na rin namang bakante ‘yung lugar. I could make better use of it…I could throw my party there, invite my friends for sleepovers, or something.”

“No,” matigas na sagot ni Benjamin, na abala lang sa pagkain.

“Pero Benj-“

“I said no, Nicole. End of discussion.”

Biglang nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Nicole. Nagdilim ang kaninang nakangiti nitong mukha. “That’s it, I knew it!” mahinahon pero pagalit nitong sabi. “This is all about her, right, Benjamin? All these years, everything is still about that woman.”

“W-what are you talking about?” takang tanong ni Benjamin sa nagulat sa pag-iiba ng timpla ng asawa.

“You know damn well what I’m talking about. Now, tell me,” inubos muna ni Nicole ang lamang wine ng baso nito bago ipinagpatuloy ang sasabihin. “Do you still love her?” sinabi nito iyon nang nakatingin sa mga mata ng asawa. “Are you still in love with that woman?”

Napainom rin si Benjamin ng wine nang wala sa sarili. “Where did that come from?” Nag-init ang buo niyang mukha, na para bang napunta lahat ng dugo niya sa kanyang ulo. Ano ba namang klaseng tanong iyon? Sa dalawang taon nilang pagsasama ni Nicole, ngayon lang ito nagtanong nang tungkol doon. At wala naman siyang ginagawang kahit na ano para maiparamdam dito na naiisip pa rin niya si Maya kahit paminsan-minsan – ngayon lang. 

Masyado nang matamis para sa kanya ang huling hiwa ng tart kaya hindi na niya iyon nagawang ubusin. Kinuha niya ang table napkin sa hita at inilapag iyon sa mesa. Bigla siyang nawalan ng gana. Itinatanong ni Nicole ang tanong na paulit-ulit niyang itinatanong sa kanyang sarili simula nang umalis si Maya – ang tanong na gumagambala sa kanya sa araw-araw at hindi nagpapatulog sa kanya sa gabi. Ang tanong kung mahal pa ba niya si Maya ay ang katanungan na hindi niya kailanman kayang sagutin. 

“Just…tell me Benjamin. I need to know.”

“Tell you what?” Ibinaba ni Benjamin ang hawak na tinidor sa mesa.

“Are you still in love with Maya?”

“N-No.”

“Is that from a man who’s been repeatedly hurt or from someone who’s in denial?”

“Where is this going, really?”

“Damn it, Benjamin, talaga ba’ng nakalimutan mo na siya at ako na talaga ang mahal mo, o naglolokohan lang tayo dito?”

“Nicole, ikaw ang pinakasalan ko, ano pa bang-”

“Come on! We both know that you just married me because I got pregnant. I know that you just married me because of that deal you had with her, didn’t you? And now that I’m no longer carrying your baby, ano, iiwan mo na ‘ko? Ipagpapatuloy mo na ang kabaliwan mo sa kanya?”

Napailing siya. “Stop it, Nicole.” Umakmang tatayo si Benjamin pero bago pa man niya nagawa iyon ay hinawakan siya sa kamay ng asawa. 

“Benjamin, why is it that up to now I still feel as if you are not completely mine? Na para bang may kahati pa rin ako d’yan sa puso mo. And I’m always afraid that if you see her again…you’d leave me.”

Tiningnan niya ito. Alam niyang  galit na galit na ito pero pinipigil lang nito ang sariling sumabog. “I won’t…” Won’t what? he asked himself. “I will not see her again.”

“What if you did?” seryosong tanong ng kanyang asawa.

Ano nga kaya kung muli niyang makita si Maya? Ano ang mararamdaman niya? Matagal pa bago umiling si Benjamin. Wala siyang anupamang mararamdaman, sigurado siya roon. Dahil may sarili na itong buhay kasama ang lalaki’ng ipinalit nito sa kanya. At sobrang kabaliwan na kung hahayaan niya si Maya na muling guluhin ang damdamin niya at muling sirain ang lahat-lahat sa kanya. Ilang beses na nito iyong nagawa at hindi na niya ito muling bibigyan ng pagkakataong gawin ulit iyon.

~~

1 comment:

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...