Wednesday, July 31, 2019

Bakit Nga Ba Napa-Publish ang mga Libro’ng Hindi Ka-Publish-Publish?

1. Celebrity ang nagsulat. P’wedeng actor, athlete o basta household name o kilalang-kilala. Kasama na rin rito ‘yung mga sikat sa internet, lalo na sa social media, i.e. Facebook, Wattpad. Kahit waley sa quality, mapa-publish ‘yan dahil real talk, pangalan ang ibinebenta ng publisher, hindi ang mismong libro. Kahit tungkol saan pa ‘yan, kahit pa nga tungkol lang sa paborito’ng street food ng celebrity o paano magtiklop ng damit ang libro, magiging best seller ‘yan.

Tuesday, July 30, 2019

The Girl From The Coffee Shop 3 Chapter 7

TINANGGAP ko ba ang proposal na ‘yon ni Benjamin? Hindi. Dahil alam ko namang hindi matatapos doon ang problema namin. Katulad ng nangyari noon kung saan niyaya niya akong magpakasal dahil lang sa may gusto siyang patunayan na siya ang mas mahal ko at hindi si Noel. At ngayon, niyaya niya akong magpakasal para lang pagtakpan ang kasalanan niya. Oo, mahal ko si Benjamin at kung may isang tao na gusto kong makasama habang-buhay, siya iyon at wala nang iba. pero hindi naman ganoon kadali ang lahat. 

Hindi naging madali ang sumunod na mga linggo para kay Maya kaya naman para makahinga at makalayo sa mga problema sa trabaho at sa buhay, nagpasya siyang sumali sa dalawang araw na art workshop na pinangunahan ni Sir Nemiranda, na matalik na kaibigan ni Maestro Diestro. Gaganapin iyon sa Art Camp sa Angono, Rizal, na halos tatlong oras mula sa Maynila. Iyon lang ang naisip niyang maaaring gawin para makalimutan niya ang lahat ng bagay na may kinalaman kay Benjamin.

Napakaganda at napakatahimik ng lugar na ang tanging maririnig lang ay ang pagaspas ng mga dahon at huni ng mga ibon. Perpekto iyon para sa mga tulad niyang gustong makapag-isa. Alas kuwatro na ng hapon nang makarating si Maya sa lokasyon at agad niyang nakilala ang iba pang mga artists na naroon na. Eksakto’ng alas siyete ng gabi ang hapunan, na sinundan ng talumpati at pagtuturo mula sa iba’t-ibang kilalang virtual artists. Magaan ang pakiramdam ni Maya sa buong okasyon dahil na rin sa mga pamilyar na mukha’ng naroon – mga kasamahan sa art group nina Mr. Diestro, mga hinahangaan niyang pintor at ilang nakilala na niya sa mga nasaliha’ng exhibits. Ngayon, sigurado siyang habang naroon siya ay malilimutan niya ang mga dapat kalimutan at kahit na sa loob lang ng dalawang araw ay maging tahimik ang buhay n’ya.

“Maya!”

Hindi agad lumingon si Maya sa pinanggalingan ng boses kahit pa alam niya kung sino iyon. Nang marinig niya ang boses ni Noel, alam niyang ang hiling niyang ilang araw ng katahimikan ay biglang nawalang parang bula. Nakita na lamang niyang palapit ang binata sa kinauupuan niya at wala naman siyang ibang pagpipilian, wala siyang magagawa kundi ang ngumiti.

Sunday, July 28, 2019

On Characterization

Walang kuwento kung walang tauhan. Madali lang namang gumawa ng hero at heroine diba? Hindi rin.

1. Physical description. Watch your favorite movie and observe the characters in it. Tapos, subukan mong isulat lahat ng naaalala mong physical attributes ng mga main leads. Kaya mahalaga ang pagbabasa at pagri-research, bes. Para hindi maubusan ng adjectives sa pag-describe. Do this to your characters. Bawat isa, dapat may profile. Parang slum book lang natin noong elementary at high school. Gender, favorite color, favorite movies, crush, motto in life, favorite book, ambition, fears, likes, dislikes, best quality, etc. Mga gano’ng information.

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...