Thursday, August 29, 2019

Writer Ka Nga Ba?

  1. Kung mas pipiliin mo ang pagsusulat kaysa matulog.
  2. May katabi kang notebook at ballpen sa pagtulog para laging handa.
  3. Mas gusto mong magsulat kaysa gumala.
  4. Mas gusto mong magsulat kaysa maligo. Lol
  5. Kapag nasugatan ka, hindi dugo ang papatak kundi KAPE!
  6. Hindi ka naiinip sa traffic kasi marami kang nabubuong ideas habang nasa biyahe.
  7. Mahilig kang mag-people-watch. Mahilig ka ring mag-imbento ng kuwento tungkol sa mga tao sa paligid mo kahit hindi mo sila kilala.

Wednesday, August 28, 2019

On Protagonists

Mas magiging maganda ang nobela kung maganda rin ang pagkakasulat sa karakter ng bida. Madalas, mayroon tayong ‘model’ ng bida natin, diba? P’wedeng kakilala, kaaway, idol o kaya ay isang tao na naging malaki ang parte sa ating buhay. Madalas, the more realistic the protagonist, the better. Pero siyempre, iba-iba pa rin ang taste ng mga readers and some of them just love their heroes to be ‘almost’ perfect. 

So how do we create effective protagonists?

1. Goal. Dapat, umpisa pa lang, may malinaw nang layunin ang bida dahil ito ang magpapatakbo sa buong story mo. 

2. Strengths and weaknesses. Huwag puro kalakasan ang ibigay sa bida. Dapat, may mga kahinaan rin siya para masubok mo kung paano niya haharapin ang mga paghamon na ibibigay mo sa kanya.

Tuesday, August 27, 2019

The Girl From The Coffee Shop 3 Chapter 10

Magenta, MI Italy. After two years…

ALAS sais pa lang ng umaga nang lumabas si Maya ng bahay. Dala ang isang breakfast tray ay tumuloy na siya sa garden doon sa rooftop ng maliit nilang apartment. Maganda ang sikat ng araw at medyo malamig ang simoy ng hangin. Halos dalawang taon na nilang ginagawa ang ganito, ang mag-almusal sa hardin at sabay na hangaan ang ganda ng paligid. 

“Good morning,” nakangiting bati ni Maya. “How are you feeling?” Ibinaba niya ang tray sa pabilog na mesa at naupo na rin. Inayos niya ang laman no’n – dalawang baso ng fresh orange juice, dalawang wholegrain toast with scrambled eggs. 

“Better. Much better.” Hinawakan ng binata ang kamay ni Maya at ngumiti. 

“So, ano’ng plano mo ngayong araw?” tanong ni Maya sabay abot ng pillbox kay Noel, kasunod ang isang baso ng tubig. 

“Ikaw, sa’n mo gustong pumunta? P’wede ko kayong i-tour sa mga museums o sa mga galleries na hindi n’yo pa napupuntahan. Ano’ng gusto mong gawin?”

Nagkibit-balikat si Maya. “Wala.”

“Wala? Ano’ng gagawin natin?” natatawang tanong ni Noel pagkatapos inumin ang dalawang tableta ng gamot. “Ah, how about setting up your new studio?”

That made her smile even more. Another thing she loves about being there with Noel is that she could do anything she wanted – or do nothing at all. P’wede siyang mag-pinta buong araw at buong gabi, p’wede siyang umalis nang walang nagbabawal. P’wede rin siyang manatili lang doon sa apartment at walang gawin buong araw, at p’wede niyang istorbohin si Noel kahit anong oras.

Sunday, August 25, 2019

Stuck In A Scene?

‘Yung moment na sarap na sarap kang magsulat ng isang scene tapos bigla, hindi mo na alam ang susunod na mangyayari. ‘Yung bigla, parang nagtampo yata ang mga characters mo at ayaw ka nang kausapin.  So, paano na?

1. Gawing mas komplikado ang conflict. Madalas kasi kaya hindi natin maituloy isulat ang scene, kasi parang wala namang masyadong at stake. P’wede kang magdagdag ng kontrabida o kaya magpasok ka pa ng mas mabigat na problema para lalong pahirapan ang bida.

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...