“OH my gosh. Choosy ka pa, bessy? That Amiel guy is the hottest I have ever seen in my entire existence, no exaggeration! Tapos, sasabihin mo lang na you’ll think about it kung ibo-boyfriend mo o hindi? Naku naku, Agnes! Gusto mo bang i-untog ko ang ulo mo sa pader para matauhan ka? 2090 na ngayon, baka nakakalimutan mo. Aba, isasabuhay mo ba talaga ‘yang Maria Clara peg mo?”
Kumunot ang noo niya dahil wala siyang ideya kung sino ang Maria Clara na sinasabi nito.
“Oh, I forgot. Hindi mo nga pala kilala si Maria Clara. Well, ‘lemme give you a quick Philippine history lesson. Si Maria Clara ang heroine ni Dr. Jose Rizal sa nobela niya na Noli Me Tangere noong 1887. Si girl lang naman ang epitome ng isang dalagang Pilipina noon - mahinhin, conservative, mayumi, submissive, hindi makabasag-pinggan. Parang inaasta mo, ngayon.”
Umiling siya at nagsalin ng wine sa kanyang baso. Kung hindi lamang siya pinilit ni Eve na pumunta sa bar na iyon pagkatapos ng trabaho. Pero marami na siyang utang na pangako sa kaibigan na hindi niya natutupad kaya iyon lamang ang pagkakataon para mabayaran niya ang lahat ng iyon.
The bar was one of the newest in the city where the old meets the new. Neon lights mixed with the Japanese inspired interiors complete its aesthetic appeal. It’s already her favorite hangout place to date, she’s got to admit and if not for Eve’s connections, she wouldn’t be able to discover it.
Bukod sa malawak na dance floor ay mayroon din itong high-tech bar kung saan p’wedeng um-order sa isang robotic bartender na bukod sa mukhang totoong tao ay kaya ring makipag-usap na parang tao. Sabi nga ni Eve, it’s going to be the future - machines and artificial intelligence. Dahil ngayon, hindi lang doon sa Futurum mayroong AI employees kundi maging sa mga bangko, malls at ospital.
Artificial intelligence at workplace isn’t new. It has been around for almost a century but the emergence of the most advanced human-like AI robots had just started for about two decades ago.