Thursday, May 30, 2019

13 Reasons Why Sobrang Effort Hanapin ang Published Books Natin sa Bookstores



Cheret lang, kaunti lang naman talaga ang reasons kung bakit parang nakikipag-hide and seek ang mga libro natin at ayaw magpakita:


1. Kakaunti lang talaga ang na-print kasi kaunti lang naman ang bibili. Limited edition ang peg. Supply and demand raw kasi talaga. Kapag maraming demand, marami ang supply.

2. Since kaunti lang ang na-print, iilang bookstores lang ang pinagde-deliver-an. Madalas pa, hindi inaabot 'yung mga malalayong probinsiya.

3. Nasa likod ng mga shelves ang books natin, insecure. Since nakatago sa sulok ang mga books natin, walang makakakilalang bagong readers sa atin. At kahit nga mga lumang readers, hindi na mag-e-effort na magbungkal kasi, hassle 'yon, bes. Kaya kung ano na lang 'yung nakikita nila at within reach, 'yun na lang.

4. 'Yung mga sikat na books lang talaga from sikat na writers ang nakabalandra sa mga bookshelves. Tipong iisang title pero mga 50 pieces ang naka-display sa shelf. O, diba. End of the world na ba at kailangang mag-hoard? Cheret. Again, supply and demand.


Hindi po ako bitter. Medyo lang. Cheret lang. Gusto ko lang mag-rant kahit wala namang katuturan.

~~

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...