Saturday, June 1, 2019

Edsa Seoul

"Please wait for me my love," she heard him say.
But he didn't come back.

Teaser:

Their attraction was instant. He’s charming, good looking. She never rides the LRT because she hates everything about it but James taught her how to enjoy every ride. In fact, he taught her a lot of things - from commuting, traveling and yeah, falling in love.

But James has to leave. He made a promise that he'd be back, she vowed to wait for him and so she did. And she's still waiting for a miracle here, at their favorite train station.

~~
LANA knew that she’s not supposed to be there. She’s not supposed to be thinking about him. Pero tao lang siya at ang isang tulad ni James at ang mga alaala nito ay sadyang mahirap kalimutan.
She hates riding the LRT because of two main reasons:
One, she hated the crowd, always hated it. ‘Yung tipong kailangan niyang makipagsiksikan sa mga iba’t-ibang klase ng tao na may iba’t-ibang klase ng amoy. ‘Yung tipong kailangan niyang magtiis tumayo nang matagal na halos makipagpalitan na ng mukha, at makipag-amuyan ng mga hindi dapat maamoy. Ayaw niya ng may nakakatabing humihilig sa kanya kapag natutulog, at kapag inabot pa ng malas ay may kasamang pagtulo pa ng laway sa kanyang balikat. Eww.
Two, she’s not good at directions. As in she wouldn’t know the difference between the North and the South, because she doesn’t really care about it. Kailangan niyang ituon nang husto ang atensiyon sa bawat paghinto ng tren dahil kapag hindi niya narinig kung nasaang istasyon na siya, siguradong ligaw ang aabutin niya.
Kaya mas gusto niyang mag-taxi, mag-jeep o kaya ay mag-bus, kahit gaano pa kasumpa-sumpa ang traffic sa kalsada.
So, bakit nga ba siya nakasakay LRT ngayon? And kanyang destinasyon - Edsa Station. Iyon ang unang pagkakataon niyang makasakay ng LRT tatlong taon na ang nakakaraan…
~~
TRUST me, this is going to be fun,” nakangising sabi ni James sa kanya.
Inismiran niya iyon habang kinakabahang nag-aabang ng pagdating ng tren. “Yeah right. This is also your first time riding the train, isn’t it?”
“Yes. That’s why it’s gonna be so much fun. We’re both first timers!”
Ah, James. Lana’s ever-so-enthusiastic former Korean student. One month ago, ni hindi niya maisip na makakasakay siya sa LRT para lamang pumunta sa Edsa at ngayon, nakatayo siya sa loob niyon, nakakapit sa malamig na estribong gawa sa bakal. Good thing James was right beside her, protecting her from all those strangers.
James was your typical boy-next-door. Guwapo, charming, funny. Best friend material – check. Boyfriend material – check na check! He’s one huge check, as far as Lana’s concerned. Lahat ng makita rito, natatahimik, natutulala. Para kasi nag-teleport ang sinumang makakita rito doon sa Korea at nakaharap ang isa sa mga sikat na Korean drama stars doon. His shoulder-length hair was light brown, na halatang alagang-alaga sa conditioner. At ang kutis nito, sobrang puti at kinis to the point na nakaka-insecure na.
James is a beautiful young man, if there’s such a thing as a beautiful man. And she’s just one lucky gal to be his English teacher, companion, shock absorber and yes, sometimes, a ‘flirt object’, lalo na sa tuwing wala itong ibang mapagdiskitahan.
Now, he’s standing next to her, his arms innocently around her, protecting her. Nakangiti itong nakatuon ang atensiyon sa tanawin sa labas ng tren. Hindi niya maiwasang mangarap na sana, siya na lamang ang tinitingnan nito, at sa kanya lamang ang atensiyon nito.
“How come you never liked the train?” narinig niyang tanong nito.
“I’ve already told you. I hate the crowd…and I easily get lost.”
“O well,  I’m here now. With me, you’ll never get lost again.”
Ah, that’s James. He’s probably got his PhD in Flirting at Harvard.
Lana didn’t know what’s with the LRT Edsa station at bakit gustung-gusto ni James na tumatambay sa istasyon na ‘yon, halos linggo-linggo. Naisip nga niya na baka may natipuhan itong babae at sinusundan-sundan nito iyon. Mabuti na lamang at hindi rush hour sa tuwing pumupunta sila roon, kung hindi ay talagang aawayin nito iyon.
“It’s getting late, James, aren’t we going home yet?” From Edsa Station, they have to travel back to Santolan Station, and back to Edsa, again. Sa Marikina pa kasi siya nakatira at hindi pumapayag si James na hindi siya ihatid bago ito umuwi sa condo unit nito sa Pasay.
Ngumiti lang si James sa kanya at naupo sa bakanteng upuan na naroon. Pinagpagan nito ang natitirang espasyo doon at pinaupo siya. Para naman siyang mabait na aso na sumunod.
“Do you know why I love this place?”
“No,” simple niyang tugon. Parang ritwal na nga nila ang pumunta roon at maupo sa pareho nilang inuupuan sa istasyon ng tren na iyon dahil sa sobrang daming beses na nila iyong ginagawa, sa loob ng tatlong taon ng pagiging magkaibigan nila. Pero hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa kanya ang dahilan ni James.
“Because this is the place where we first met, remember?”
“Err…no,” ulit niya. “We met at the Language Institute, remember? Three years ago, when you became my student.”
“No, we met here.”
“James, I told you I’m not into trains. I hate train rides so how-“
Inilagay ni James ang hintuturo nito sa ibabaw ng kanyang mga labi para patahimikin siya. At talagang natahimik nga siya dahil sa pagkabigla.
“Four years ago, here at the station. A year even before I became your student.  At this same spot…you were sitting here with someone…and then when he finally left, you stood up and headed for the stairs. I ran after you  because you dropped your wallet.”
Napanganga si Lana, literal na napanganga. “T-that was you?”
Sumimangot ito, na para bang aping-api. “Ouch, I’m hurt. You don’t remember?”
“I’m sorry, James…that was a very long time ago and I was…”
“Too occupied with your boyfriend…I know.”
Pumikit si Lana at pilit inalala ang nangyaring iyon. That was the time when Kit, her [ex] boyfriend  of two years broke up with her.
“Since then, I never stopped thinking about you, Lana. I went here, everyday, hoping that I’d see you again but I didn’t.”
“I never came back here because I hated  the train,” natatawa niyang sabi.
“And I never thought I’d be able to see you again until I entered the Language Institute.” Habang nagsasalita ay nakatingin lamang si James sa mga tao’ng paroot-parito. Hindi niya alam kung nahihiya itong humarap sa kanya o ano. “ Miss Beth was supposed to be my teacher, but I personally requested for you instead. Because I told myself, there must be a reason why our paths met for the second time. My gut feel was saying that you are the one…so I didn’t let that chance slip  away.”
It was all too much for her, that she’s finding it hard to breathe. “J-James…”
“I’m telling you all these because…I’m leaving for Korea tomorrow, Lana.”
Ang biglang sayang naramdaman niya ay agad ring naglaho. Sinasabi na nga ba niya, everything’s just too good to be true.
“My dad’s in the hospital and we don’t know how much time he has left.”
James’ dad was around 70 years old, and he’s been talking about his dad’s failing health these past few weeks. “I’m sorry.”
Umiling-iling ito. Matagal na naman raw nitong inihanda ang sarili sa posibilidad na pagpanaw ng ama pero siyempre, mahirap pa rin ang ganoong sitwasyon sa kahit na sino. Ginagap nito ang isa niyang kamay at ngumiti. “I wanted to tell you everything…about how  I really felt about you, now, before I go.”
Ayaw niyang umiyak pero hindi niya napigilan ang mga luha. “A-are you coming back?” If ever, this is going to be her second heartbreak. And she’s never really good at dealing with it. The last time it happened four years ago, she almost committed suicide. And then now…
“O-of course I will. Because…m-mahal…kita…Lana.”
Doon lalong nag-unahang tumulo  ang mga luha niya sa kanyang pisngi. Sa buong tatlong taon ng pagkakakilala nila, hindi niya narinig si James na magsalita ng kahit na anong salitang Tagalog, kahit pa turuan niya ito. Pero ngayon, sinasabi nitong mahal siya nito sa wikang Tagalog.
“M-mahal…na…mahal kita, Lana,” nakangiti nitong ulit. “Am I saying it right?”
Tumango siya, magkahalong tuwa at lungkot ang nadarama..
“Hey, tell me those are tears of joy because I’ve been learning that phrase for weeks now.”
Muli, tumango lang siya dahil wala pa rin siyang kakayanang magsalita.
“I love you…mahal kita…saranghae.”
Kailangan ba niyang sagutin iyon? Huminga siya ng malalim. Ano nga ba ang nararamdaman niya para kay James? Oo, gusto niya ito – mali – gustong-gusto niya ito. Hindi – sigurado siyang mahal na niya ito – at dapat na rin niyang sabihin ang totoo niyang nararamdaman bago pa mahuli ang lahat…bago pa siya magising mula sa napakagandang panaginip na iyon? “J-James…”
“You don’t have to answer right now, Lana. I’m not pressuring you. I just wanted you to know that…mahal…kita.”
She smiled. “N-nado saranghae.” Nakita niyang kumunot ang noo ni James at naisip niya na baka mali ang pagkakasabi niya ng mga katagang iyon. “D-did I say it right?”
“N-no, and I don’t care, really,” he said, smiling. “But…do you know what you have just said?”
“Y-yes…n-nado saranghae means…I love you, too.”
Saglit na nanlaki ang mga maliliit na mga mata ni James, na nagpangiti sa kanya. Inaasahan ni Lana ang yayakapin at hahalikan siya ni James pagkatapos pero hindi. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya habang hawak ang isa niyang kamay. Oh yeah, James is a polite  kind of guy.
Nagsimula nang umingay ang paligid dahil nagsimula na ang rush hour. Sabay silang tumayo mula sa kinauupuan at magkahawak-kamay na tumungo sa lugar na hindi masyadong matao. For Lana, everything  felt so right that moment – holding Jame’s hand, looking into his eyes, smiling at him. This was something that she’s been dreaming about for years. Meeting Mr. Right and finally having her happy ending.
“I’ll call you, everyday if possible…we’ll e-mail, Skype, anything, okay?”
Tumangu-tango si Lana habang nakatingin lang sa mukha ni James. Gusto niyang kabisaduhin ang mukha nito – ang buhok, maliliit na mga mata, matangos na ilong, manipis na labi, lahat dahil hindi niya alam kung kailan niya ito muling makikita.
“I’ll be back as soon as I can.” He gently wiped the tears off her cheeks. “I will see you again and by then, you don’t have to cry anymore, okay? I promise, I will always make you happy. So, hey, will you smile for me now, for the last time?”
She nodded and smiled.  
“Please wait for me, my love.”
And so she did.
But James didn’t come back.
Naghintay siya roon sa EDSA station, nang maraming oras. Sa parehong lugar, sa parehong upuan. Dahil sabi ni James sa huli nilang pag-uusap sa telepono ay hintayin niya ito sa mismong araw na iyon. Hindi niya tinatanggal sa cellphone sa kanyang kamay, hinihintay ang pag-ring niyon, hinihintay ang tawag mula kay James. He’s just probably running late, or he’s planning to surprise her.
Bzzz…bzzz…bzzz…
She immediately looked at her vibrating phone, and thought of James…”Hello, James? W-where are you? I’m here at the station, where are you?”
“H-hello…is this Lana?”
Nagulat siya nang boses ng babae ang narinig niya sa kabilang linya. “Y-yes…who is this?”
“This is James’ mother. L-Lana…I don’t know how to tell you this but…”
Bakit siya tatawagan ng ina ni James? Pero hindi niya maintindihan kung bakit kakaibang kaba ang naramdaman niya. “Mrs. Moon…w-what happened?”
James…met an accident. He’s on his way to the airport when his car was hit by a truck…the doctors really tried their best to save him…but he might not be able to make it, Lana.” And then she heard James’ mom cry. “Before he passed on, he was able to ask me to call you and to tell you that he’s sorry for not keeping his promise…and that he loves you very much.”
Marami pang sinabi si Mrs. Moon pero hindi na iyon naintindihan ni Lana. James had an accident…he’s sorry…he loves her…and he’s gone – iyon lang ang paulit-ulit na tumakbo sa utak ni Lana.
James once said that her  mom was thrilled to meet her in person because according to her, she made James a better man. Inalok siya nitong pumunta sa Korea para sa libing, at nagpasalamat siya para rito. James was not just her boyfriend, he’s more than that. He’s her best friend and now that he’s gone, she didn’t know how she could go on…
Bakit nga ba siya nakasakay sa LRT papuntang Edsa Station ngayon, pagkaraan ng tatlong taon? Dahil hanggang ngayon, kahit tatlong taon na ang nakararaan, aminin man niya o hindi, sa isang sulok ng kanyang puso ay umaasa pa rin siya na magku-krus ang landas nila ni James. Sa kung paanong paraan, iyon ang hindi niya alam.
James made a promise that he'd be back, she promised to wait for him and so she did. And she's still waiting for a miracle here, at their favorite train station.
Gusto niyang magalit sa Diyos pero alam niyang mali, at wala na rin namang kahihinatnan. Iniisip na lang niya na may dahilan ang lahat, katulad ng parating sinasabi ni James. Siguro, may dahilan kung bakit nangyari ang mga nangyari – ang makilala niya ito, ang mahalin niya ito, ang masaktan siya dahil dito. Siguro, kinailangan niyang masaktan noon para hindi na siya mas masaktan ngayon. Siguro, nawala ito para patatagin siya, mas maging matapang siya – para sa kung sino man ang susunod na darating, mas kakayanin na niya ang mas maging masaya.
Mahigpit ang kapit ni Lana sa estribo ng tren na para bang may aagaw niyon. Tinitingnan niya ang bawat tao’ng pumapasok sa bawat bukas ng pinto, sa bawat estasyon, hanggang sa marating na nila ang Edsa Station.
Rush hour noon kaya hindi kinaya ni Lana ang sobrang dagsa ng tao. Naipit siya, halos mabitawan na niya ang bag, at halos madapa. Hindi niya kailanman nagustuhan ang halu-halong amoy ng iba’t-ibang klase ng tao at ang init na nagmumula sa mga katawan ng mga ito. Hanggang sa ilang sandali pa ay unti-unti nang nagdilim ang paligid at naramdaman na lamang niya na parang nahuhulog siya sa isang napakalalim na bangin.

~~

OKAY ka na?”
Kumunot ang noo ni Lana at dahan-dahang idinilat ang mga mata. Sa simula ay malabo ang lahat, hanggang sa unti-unting luminaw ang kanyang paligid.
“Nahimatay ka kanina sa loob ng tren. Okay ka na ba?”
Nakahiga si Lana sa hita ng isang estranghero, at maraming mga mata ang nakatingin sa kanila. Nang iligid niya ang paningin, napagtanto niya na naroon sila sa paboritong upuan nila ni James, doon sa Edsa Station. Agad siyang umalis sa pagkakahiga sa kandungan ng binatang iyon, na nagpasakit ng kanyang sintido.
“Okay ka na ba?”
Dahan-dahan siyang naupo, pumikit at muling dumilat. Sa simula ay nakakunot ang noo ng binatang nasa harap niya pero ngumiti rin ito pagkatapos makasiguro na humihinga na siya nang maayos. Tumango siya.
“Hay salamat. Mabuti nagkamalay ka na. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi ka pa nagising. Dadalhin sana kita sa ospital kaso…hindi ko alam kung paano kita bubuhatin,” natatawa nitong sabi. May dinukot ito sa bulsa at iniabot sa kanya. “Siya nga pala, nahulog sa ‘yo sa tren nung hinimatay ka.”
Mula sa kanyang wallet ay tiningnan niya ito. Simple lang ang suot nitong kulay puting polo shirt, at maong na pantalon. Kahit pa nakasalamin ito ay hindi maitatago ang maganda nitong mga mata. “S-salamat.”
Tumangu-tango ito. “Siguradong okay ka na, ha?”
“O-oo, s-salamat.” The guy looked familiar. Napansin niya ito kanina sa loob ng tren, at paminsan-minsan niya itong nahuling nakatingin sa kanya. Sa totoo lang, hindi lang iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ang binatang iyon sa tren. Madalas niya itong makita, simula nang halos araw-araw na siyang bumibisita sa estasyon na iyon.
 “Wala ‘yon. Teka, saan ka na ba nakatira ngayon? Hindi ka na ba sa Marikina umuuwi?”
“T-teka, paano mo nalaman kung saan ako umuuwi? K-kilala mo ‘ko?” lito niyang tanong. Bigla tuloy siyang kinabahan. Oo, guwapo ito, matulungin, pero paano kung stalker pala niya iyon, o kaya ay serial killer?
Napakamot ito sa batok. “Lana Santillan, hindi ba? Hindi mo ako natatandaan? Kung sabagay, chubby kasi ako noon e. Ngayon, medyo gumuwapo-guwapo na ko kaya naiintindihan ko kung hindi mo na ako makilala.”
“S-sino ka ba?” tanong niya. May pagkamayabang ito, pero ‘yung tipo ng yabang na nakakatawa, hindi nakakaasar.
“Marco San Diego. Magkaklase kaya tayo ‘nung elementary. Madalas tayong magkatabi sa upuan, naaalala mo ba?”
Ah, si Marco! “Marco…Pilyo?” kunut-noo niyang tanong.
“Ako nga!” Tumangu-tango ito at natawa. “Pero oy ha, tukso lang sa akin ‘yon, hindi naman talaga ako pilyo e. Ako nga ang parating nabu-bully noon.”
Siya naman ang tumangu-tango. Naaalala niya na madalas itong magsumbong sa adviser nila dahil sa pang-aasar ng mga kaklase dahil sa pagka-chubby nito.
“Mabuti na lang, nagsawa na lahat ng baby fats ko. Ngayon, iba na ang tukso nila sa akin, hindi na ‘taba! taba!’…’pogi! pogi!’ na, he, he.”
Tuluyan nang nawala ang sakit ng ulo at pagkahilo ni Lana. It was a nice feeling talking to someone familiar. Napangiti siya.
“Ayan, ngumingiti ka na. Sa tinagal-tagal, ngayon na lang uli kita nakitang ngumiti. Mas bagay sa ‘yo ang nakangiti.”
“A-anong ibig mong sabihin?”
Umiling-iling ito. “A, e…diba, kahit naman noong elementary tayo, bihira kang ngumiti?”
“Mabuti nakilala mo pa ako. Kailan ba tayo huling nagkita, graduation ng elementary? Ang tagal na no’n, a.”
Napangiti ito. “Wala namang nagbago sa ‘yo e. Mahaba pa rin ang buhok mo, maputi ka pa rin, singkit pa rin ‘yang mga mata mo…maganda ka pa rin.” Inayos nito ang suot na salamin sa mata na para bang nagulat rin sa nasabi nito. “Pati nga ‘yang height mo hindi nagbago, e.”
Sinimangutan niya iyon. “Tse! Ikaw rin, hindi ka pa rin nagbabago, mapang-asar ka pa rin.”
“Nagsasabi lang ako ng totoo, he, he. A, may isa pang hindi nagbabago sa iyo.”
“Ano ‘yon?”
“Himatayin ka pa rin!”
Pinalo niya ito sa braso, katulad ng ginagawa niya noon rito noong mga bata pa sila sa tuwing inaasar siya nito. Ilang beses na rin yata siyang hinimatay noong nasa elementarya sila, sa kalagitnaan ng flag ceremony.
“O heto, sandwich at tubig.” Inilagay nito sa kanyang kandungan ang mga iyon. “Kumain ka muna, tapos uminom ka ng gamot, nakakahiya na masyado kapag hinimatay ka uli,” sabi pa nito sabay abot ng isang tableta ng paracetamol. “Teka nga pala, saan ka na ba umuuwi ngayon?” pagkadaka’y tanong nito.
“Marikina pa rin.”
“E anong ginagawa mo rito sa Edsa Station? Malapit rito ang trabaho mo?”
Ano nga ba ang ginagawa niya roon? Mahabang kuwento, kung pwede lang niyang sabihin. Nagkibit-balikat na lang siya. “Ikaw, saan ka na ngayon?”
“M-Marikina pa rin.”
“Malapit rito ang trabaho mo?” ulit niya sa tanong nito kanina.
At ito naman ang nagkibit-balikat. “Kung pauwi ka na, sumabay ka na sa akin. Mahirap na, baka himatayin ka na naman, walang sasalo sa ‘yo. ”
“Sige na, ikaw na ang knight in shining armor ang peg.”
“Kinikilig ka naman, feeling damsel in distress ka,” nakangiti nitong sabi.
Siniko niya ito pero natawa na rin siya.
“Ayan, dapat happy ka lang. Hindi bagay sa iyo ang nakasimangot e.”
Para kay Lana, isang hindi inaasahang pagkakataon ang muli nilang pagkikita ni Marco. Isang misteryo na hindi niya kailanman maipapaliwanag. Pero nagpapasalamat siya roon.
Tumayo na si Marco at tinulungan siya sa pagbibitbit ng dala niyang bag. “Simula ngayon, hindi ka na kailangang malungkot sa tuwing sasakay ka ng tren. Narito na ‘ko, parati kitang patatawanin. Sinisiguro ko sa iyo na simula ngayon, hinding-hindi ka na iiyak.”
Napatingin si Lana kay Marco. Magkatabi silang naghihintay ng pagdating ng tren, katulad ng karamihan. Hinintay niya ang punch line nito pero seryoso lang itong nakatingin rin sa kanya.
“Madalas kitang makita rito, sa tren. Kung hindi ka nakasimangot, parang kagagaling mo lang sa iyak. Ilang beses kong sinubukang lapitan ka pero wala akong lakas ng loob, e. Sabi ko sa sarili ko, magkaroon ng ako ng pagkakataon, lalapitan kita, gagawin ko lahat para ngumiti ka uli. Kaya heto…”
Binigyan niya ito ng mapanuring tingin, na nginitian lang nito.
“O, baka naman sabihin mo, stalker mo ako, ha?” natatawa nitong tanong. “Nagkakataon lang talaga.”
Napangiti na lang rin siya at hindi na ito kinulit pa.
“Dumaan kaya muna tayo sa ospital bago umuwi?”
“H-huh? Bakit naman?” taka niyang tanong.
“Para makasiguro tayo kung okay ka na talaga. Aba, hindi p’wedeng may mangyaring masama sa ‘yo. Ngayon pa?”
“Bakit?”
“Mamahalin pa kita e.”
Noon, ayaw na ayaw niyang sumasakay sa tren pero ngayon, naisip niya na sa LRT nagkakaroon ng kulay ang mundo niya. Doon sa LRT niya nakikilala ang mga taong nagiging malaki ang parte sa kanyang buhay at ang LRT ang nagbibigay sa kanya ng dahilan para mas mahalin at pahalagahan ang buhay.
Noon si James. Ngayon, si Marco. Sa parehong estasyon, sa parehong dahilan.
Ang kaibahan lang, ngayon, sigurado si Lana na ang kabanata ni Marco sa buhay niya ay ang simula ng isang magandang kuwentong pag-ibig na hindi lamang matatapos doon sa Edsa Station. At alam niya na nasaan man si James ngayon, masaya ito para sa kanya. After all, James promised to make her happy in any way possible.
And maybe, just maybe, Marco was the happiness that James had promised.
And Lana was actually hoping that her intuition was right.

~~


2 comments:

  1. short, yet sweet and hopeful

    ReplyDelete
  2. Because every ending means a new beginning. Yiiee! Thanks for reading! <3

    ReplyDelete

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...