Sunday, June 30, 2019

On Ending


  1.  I-distinguish mo muna kung para kanino ang isinusulat mo. Para ba sa sarili mo? Tipong ginawa mo ‘yung kuwento dahil gusto mo lang ilabas kung ano ang nararamdaman mo? Isinulat mo lang kung ano ang gusto mong mabasa? If that’s the case, you have all the freedom in the world to write whatever ending you want. Walang pakialaman kung baga. Pero kung ang isinulat mo ay para sa iba, meaning may readers ka na nag-aabang as if their lives depend on you, kailangan mo silang i-consider. Isipin mo kung ano ang mararamdaman nila sa isusulat mong ending. They took time and effort to read your story so make sure to give them the ending they deserve.

Thursday, June 27, 2019

Writer Starter Pack V2.0: Back to Basics


  1. Notebook, ballpen. Wala kang laptop o computer o kahit cellphone na p’wedeng install-an ng MS word o kahit anong app kung saan p’wedeng magsulat? Back to basics tayo. Ballpen at papel ang ating magiging best friend. Wala nang sasarap sa feeling ng handwritten manuscript, bes. Ang ginagawa ko dati, bond paper, hati sa gitna, rugby, gawa sariling cover. Voila, may book na ako haha!
  2. Dictionary. Lalo na kung wala kang internet for research.
  3. Books, books, books! Kahit ano’ng genre, actually. Kahit romance ang sinusulat mo, mahalaga pa rin na magbasa ng iba’t-ibang uri ng books. Pamparami ng kaalaman, bes. Bukod sa pamparami ng vocabs, para na rin mahasa ang utak. Good writers are those who read. Hindi ka magiging magaling na writer kung ayaw mong magbasa.
  4. Paggamit ng MS word. Lahat naman nagsimula sa pagka-bano sa MS word. Pero mahalaga na mag-effort kung paano malaman ang word count, tamang formatting, etc. Punta minsan sa computer shop at i-familiarize ang sarili sa MS word dahil ito ang magiging kasama mo sa araw at sa gabi sa pagsusulat.

Monday, June 24, 2019

To Outline or Not to Outline

It actually depends on you, the writer. Kung feel mo na mas makakatulong sa ‘yo ang outlining, go pero kung mas nakakabagal, at mas gamay mong magsulat nang walang sinusunod na guide, okay lang rin. 

Siyempre, bago ka mag-outline ng nobela mo, dapat ready na ang story concept mo, characters, settings. Kung may backstory na rin ang mga characters, better. Kasama lahat ‘yan sa outline. Dapat, may idea ka na rin kung gaano kahaba ang isusulat mo. Siyempre uli, hindi natin parating alam na natin agad kung ano ang simula, gitna at katapusan ng isusulat natin, p’wera na lang kung may superpowers tayo. Kaya huwag nating ubusin ang oras natin at brain cells para isipin kung paano nga ba sisimulan. Sabi ng iba, dapat raw, alam mo na ang ending ng story bago mo simulan para hindi ka maligaw pero personally, bihirang-bihira mangyari sa akin na nasusunod ko ang gusto kong ending. Haha. Usually kasi, maligalig talaga ang mga characters, ayaw sumunod sa writer. So, you can work on your ending as you go along. 

Sunday, June 23, 2019

Dating a Reader Starter Pack

1. Mahabang pasensiya. They have this something called ‘sacred hour’. Ito ‘yung oras nila ng pagbabasa kaya huwag kang magtataka kung bakit hindi sila nakakapag-reply agad dahil baka nasa kalagitnaan sila ng pagbabasa. FYI, walang pinipili ang sacred hour. Mapa-umaga, tanghali at gabi kaya pasensiya.

2. If you’re going to invite her out, do it creatively. You have huge shoes to fill, anyway. ‘Yung mga fictional characters niya, nai-date na siya sa mga mamahaling restaurants kaya mag-effort ka naman kahit kaunti. How about a picnic instead of the usual dine out? Bring her to some place quiet, where she can enjoy your company and her book. Coffee shops with books are the best.

3. Be ready for a bit of competition. Okay, not a bit - a lot. Hindi maiiwasan na maikumpara ka niya sa mga paborito niyang fictional characters. Huwag magtampo o magselos kung kinikilig siya sa ibang lalaki lalo na’t hindi mo kakilala. Ang totoo, hindi lang ikaw ang laman ng puso niya - marami pa at lahat sila, mas guwapo, mas romantic, mas maginoo, mas bastos (Lol). Pero don’t worry, nasa libro lang naman sila, di tulad mo na totoo.

4. Love letters. Be like Noah Calhoun who wrote Allie 365 letters. He wrote her a letter each day for a year. Top that! Hindi mo kilala si Noah? Tsk. 

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 9

PUPUNTA ka ba?” tanong ni Pam kay Maya.  Nasa fast food sila noon kung saan sila parating kumakain noong barista pa lang siya sa coffee shop. “Hindi mo naman kailangang pumunta kung ayaw mo.”

“At bakit hindi ako pupunta? S-siyempre, pupunta tayo.” Inalis na niya ang suot na shades at kita pa rin ang pamamaga ng mata niya. Hindi rin alam ni Maya kung saan siya kumukuha ng lakas ngayon dahil liban sa malungkot na mga mata ay wala nang makapagsasabi sa hirap na pinagdadaanan niya.

“Maya, sigurado ka bang okay ka lang?” ulit nito nang nakatingin sa kanya.

“Okay lang ako, ano ka ba? Bakit ba parang lahat yata ng tao, ayaw maniwala na okay lang ako?”

“Dahil mahirap paniwalaan.”

Ngumiti si Maya, na para sa kanya ay napakahirap gawin. “Ayos lang ako, Pam, salamat.”
“Kung gusto mong umakyat ng Baguio, sabihin mo lang, hindi kita pipigilan. Kung gusto mo, sasamahan pa kita.”

Gusto ko talagang bumalik ng Baguio, kahit sa mismong oras na iyon pero hindi ko na tatalikuran at tatakasan ang problema ko ngayon.  Sabi ko noon, hindi ko kakayanin kung mawawala sa akin ang taong mahal ko. Hindi ko alam na mas malakas pala ako kaysa sa inaakala ko at mas may tapang pala akong harapin ang lahat kung gugustuhin ko. 

Saturday, June 22, 2019

Why Date a Reader?

1. Mababaw ang kaligayahan. Kasi nga, libro lang, masaya na sila. Libro lang, sapat na. Anniversary, Christmas, New Year, Valentine’s. Hindi mo na kailangang mag-effort bumili ng mamahaling alahas o bulaklak. Libro lang, sapat na. 

2. Readers are smart. Laging uhaw sa bagong kaalaman kaya hindi kayo mauubusan ng mapag-uusapan. Araw-araw nagwo-workout ang brain cells ng mga ‘yan kaya sigurado kang fit sila para sa kahit na anong diskusyon. Hindi boring, diba?

Friday, June 21, 2019

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 8

KUNOT ang noo ni Benjamin na pumasok sa The Forum, at pansin ng lahat ng tao doon na hindi maganda ang mood niya. Agad siyang sinalubong ni Greg at sumunod hanggang sa pagpasok niya sa elevator. 

Iwas kay Benjamin ang lahat ng makasalubong at lahat ay nagmamadaling bumalik sa trabaho pagkakita sa kanya. Pagdaan niya sa space ng design team ay hindi niya nakita si Maya sa lugar nito. Naroon ang isang pumpon ng rosas sa ibabaw ng mesa, at saglit siyang natigilan. Those red roses had been bothering him eversince they started coming. Hindi niya alam kung kanino nanggagaling ‘yon, at hindi niya alam kung totoo na wala ring alam si Maya tungkol doon. 

Lumapit siya sa mesa ng dalaga, kasunod pa rin si Greg na nagtataka. Kinuha niya ang card na naroon sa bulaklak, binasa at kunut-noong inihagis iyon sa maliit na basurahan. “Si Miss Evangelista?” tanong niya kay Greg.

Bakit Nga Ba Hindi Tayo Makatapus-Tapos ng Nobela?

Bukod sa writer’s block na sabi ng iba ay imahinasyon lang, na katamaran lang raw talaga at excuse ng mga writers na ‘tamad’ magsulat, maraming dahilan kung bakit hindi natin matapos ang sinusulat natin:

1. Sobrang dami nating gustong ilagay sa nobela, ang dami nating gustong sabihin to the point na humahaba na nang humahaba ang MS natin. Kapag may naisip na magandang scene, dagdag. Na-inspire sa pinapakinggang music, dagdag. May napanood na kilig dialogues, dagdag. Ayan, dagdag rin nang dagdag ng chapters hanggang sa maging series na tapos kapag kailangang bawasan ng word count, iyak na lang sa tabi.

Thursday, June 20, 2019

Rhythm

Rhythm is probably one of the most complex elements in writing. Paano nga ba natin malalaman kung may rhythm ang sinusulat natin o paano natin matututunan ang rhythm? Mahalaga ba talaga ito? This post is just about how to find your rhythm if you still don’t have it. Hindi ko na ie-explain ang meaning dahil marunong naman tayong mag-research since mga writers naman tayo. Also, wala akong masyadong alam sa teknikal na aspeto nito haha. 

Hindi ba kapag nagbabasa tayo ng nobela, mas nakaka-engganyo kapag maganda ang pagkakasulat? ‘Yun ang rhythm. Choosing the right words and putting them together, in their right places. 

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 7

PAGDATING na pagdating ni Maya sa opisina ay iniabot agad ni Jenny sa kanya ang isang magazine. Nakabukas ito sa pahinang dapat niyang makita. Tiningnan muna niya si Jenny bago tiningnan ang magazine.

“Totoo ba?” tanong nito sa kanya. Naroon ang naganap na party a week ago sa bahay ni Maestro Diestro, at naroon ang picture nila ni Benjamin habang seryosong nag-uusap, magkahawak ang mga kamay. “Totoo bang naging kayo ni Mr. President?”

Wednesday, June 19, 2019

Three Phases of Writing

PHASE 1. Start Something

1. Una sa lahat, bago ka makapagsulat, dapat alam mo kung ano ang isusulat mo. Genre, plot, characters, setting, conflict, the works. Siguro naman, may idea ka na kung tungkol saan ang gusto mong isulat dahil kung wala pa, paano? 

2. Bilang bagong writer, dapat mag-set tayo ng goal. ‘Yung realistic lang dapat, ha. Tipong 500 words a day? Kung hindi kaya, kahit 300 words. Huwag pilitin ang sarili na makapagsulat ng 3k words everyday kung hindi naman kaya dahil mas nakaka-frustrate lang ‘yon. Basta ang mahalaga, ‘yung may maisulat ka araw-araw. Just to get the hang of it. Sit down and write. Write everyday, no matter how busy you are.

Tuesday, June 18, 2019

Writing A Not-So-Typical Romance

1. Huwag ‘yung first page pa lang, may nangyayari nang kababalaghan. Romance novel ang isinusulat mo, hindi porn. Kahit nga sa porn, may build-up pa ng scene bago ‘yun. Not that I know these things, nabasa ko lang rin, huwag kayo.

2. Kung may ‘BS’ man, dapat kailangan sa story, hindi ‘yung basta na lang maisipan, This is the part where you should consider the feelings of your readers. Hindi uubra ‘yung unang meeting pa lang ng dalawang bida, magki-kiss na or worse, may intimate scene na. Your readers will feel betrayed if you do that. Now, if you really want to have it in the first page, pangatawanan mo. Dapat may justification.

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 6

SABI ni Pam, kabaliwan na raw talagaang ginagawa ko. Ang pagpayag ko sa Baguio getaway, sa pagpayag ko sa lahat ng bagay. Sabi ko naman, siguro nga, nababaliw na ‘ko dahil hindi naman ako talagang ganito, hindi ako basta pumapayag sa mga bagay na hindi ko gusto, hindi ako napipilit na gawin ang mga bagay na ayoko. Pero heto ako, parang utu-uto at parang tanga na tinatanggap lang ang lahat.

“Dahil ano, mahal mo si Benjamin?” tanong ni Pam sa kanya nang umagang maaga siyang dumating sa The Forum. Routine na ni Maya ang dumaan sa coffee shop sa tuwing pumupunta siya roon, para makausap si Pam, para hingahan ito ng anumang sama ng loob. “Maya, sigurado ka bang mahal mo ‘yung tao o dala lang ‘yan ng konsensiya mo dahil sa nagawa mong kasalanan noon?”

Monday, June 17, 2019

Perks of Dating a Writer

1. Ang mga writers, sanay maghintay. Kahit hindi mo sabihin na maghintay sila na mahalin, automatic na ‘yon. Hihintayin ka nila hanggang sa dulo.

2. They are passionate. Kapag sila, nagmahal, tagos hanggang puso at minsan hanggang bone marrow pa. At kung suswertehin, sobra silang passionate to the point na mao-obsessed na sila sa ‘yo. Sarap, diba? Lol

3. Sa bahay lang, sapat na. Dahil madalas ay sa bahay lang sila nagsusulat, nagri-research at nagpo-procrastinate (oo, kasama ‘yan), hindi mo kailangang mag-worry kung nakasakay ba sila o nakauwi na ba o may nakilala bang iba sa hintayan ng jeep. At higit a lahat, tipid. Dahil hindi mo kailangang masyadong mag-effort bumiyahe para lang mapasaya siya. Dalawin mo lang sa bahay, dala ka food, solve na.

Sunday, June 16, 2019

Dating a Writer Starter Pack


1. Books. Sa halip na bulaklak o chocolates o kung anu-ano, regaluhan mo siya ng libro. Plus points ‘yon, bes.

2. Love letter/love notes. ‘Yung handwritten. Jusko, daig pa nito ang isang expensive dinner reservation sa isang 5-star restaurant.

3. Pasensiya. Mahabang-mahabang pasensiya, kasing-haba ng Nile River Lalo na kapag may mga moments na para siyang nag-zoom out sa earth. Pasensiya lang. Nag-iisip lang ‘yan ng magandang paraan kung paano patayin ‘yung bida niya sa nobela.

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 5

HINDI ko alam kung paano ako napapayag ni Benjamin na sumama sa Baguio nang weekend na ‘yon. Pero alam ko namang hindi madali sa kanya ang humanap ng panahon katulad ng gano’n sa sobrang dami ng trabaho at ginagawa niya sa buhay at sa sitwasyon naming alam ng lahat na napakahirap. Dapat siguro magpasalamat na lang ako. At wala naman akong nakikitang mali doon. 

Medyo tanghali na nang makarating sila sa Baguio, at doon sila tumuloy sa vacation home ni Benjamin, hindi malayo sa bahay ng Daddy nito na pinuntahan nila noon. Bungalow ito ngunit napakaganda ng view sa likod ng bahay. Hindi ko maipaliwanag ang mararamdaman. Minsan, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay mahal pa rin ako ni Benjamin. Na sa dinami-rami ng mga babae na hamak na mas maganda, mas mayaman, mas successful at alam kong mas deserving kaysa sa akin, ay bakit ako pa rin ang pinili niyang mahalin. Minsan, pabiro kong itinanong ‘yon sa kanya at ang nakuha kong sagot - 

Saturday, June 15, 2019

Writer Starter Pack

1. Laptop/pc/cellphone. Basta may MS word/WPS o kung anumang app na p’wedeng sulatan.
2. Papel, lapis. Para kahit on the go at kahit walang kuryente, p’wede pa rin magsulat.
3. External hard drive. Para sa mga ideas at drafts na walang katapusan. Lol
4. Kape. Pampagising. Tsaka cool kasi tingnan ‘yung nagsusulat habang nagkakape.
5. Internet. Pang-research, siyempre.

Friday, June 14, 2019

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 4

NAMATAAN ni Maya si Benjamin sa kanilang opisina na may kausap na isang lalaki sa di kalayuan. Habang nagta-trabaho ay tinitingnan niya ito, hinihintay kung titingin sa direksyon niya. Imposible naman na hindi nito alam na naroon siya dahil wala pa sa limang katao ang naroon sa mga oras na ‘yon.  

“Miss Maya?”

Saglit niyang tiningnan si Jenny na may hawak na bouquet of red roses, at muling tiningnan si Benjamin. Eksaktong isang linggo na ang nakakaraan nang halos magmakaawa ito na mahalin siyang muli. Pero simula noon ay hindi na siya nito kinausap, nilapitan, o kahit tiningnan. 

Sa totoo lang, inaasahan ko na bibisitahin niya ako sa apartment o tatawagan man lang pero kahit na isang simpleng text message ay wala. Gusto ko na nga lang isipin na hallucination lang ang lahat ng narinig ko para wala na ‘kong isipin. Hindi ko na alam kung anong gagawin, kung tama bang ako ang gumawa ng first move at lumapit sa kanya.

Thursday, June 13, 2019

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 3

AT kung nalaman lang ni Benjamin na makikita niya si Maya sa opening ng furniture shop ni Jeff,  hindi na sana siya nagpunta pa. Pero hindi naman niya ma-hindi-an ang pinsan dahil matagal na nitong pangarap na magkaroon ng sariling furniture business. Matagal nang pinangangasiwaan ni Jeffrey ang negosyo ng pamilya nito sa California at matagal na nitong gustong makabalik sa Pilipinas para makapagpatayo ng sariling negosyo.

Agad na namataan ni Benjamin si Maya sa di kalayuan habang nakikipag-usap into kay Jeffrey sa harap ng sariling watercolor painting nito na nakasabit sa dingding.

Isang simpleng itim na denim dress na hanggang tuhod ang suot nito na binagayan ng malapad na puting sinturon at puting high heeled shoes. Napakaganda nitong pagmasdan nang nakatayo lamang roon habang tumatawa at nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan. Gusto na lang umuwi ni Benjamin nang mga oras na iyon, lalo na nang may makita siyang isang pamilyar na mukha – si Emman, na matagal nang malapit na kaibigan ni Maya – at hindi niya inaasahan na magkaibigan pa rin ang mga ito hanggang ngayon. Ang totoo ay hindi niya alam kung magkaibigan lang ang mga ito ngayon.

Wednesday, June 12, 2019

Mga Tanong na Kailangang Sagutin Habang Isinusulat ang Nobela Mo: Sino, Ano, Saan, Kailan at Bakit

Sino
Self-explanatory na ito, bes. Sino ang mga bida sa nobela mo? P’wedeng isa, dalawa o marami, depende sa plot mo. Malinaw dapat kung kanino umiikot o iikot ang kuwento.

Ano
Ano ang goal ng bida? Tungkol saan ang kuwento? Ano ang mangyayari sa bida? Ano ang kailangan niyang gawin para ma-achieve niya ang dapat niyang ma-achieve?

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 2

“S-SINO?” gulat na tanong ni Maya kay Jenny nang sabihin nito ang balitang biglang pagbabalik ng Presidente ng kumpanya. Ayaw man niyang isipin ay tiyak na si Benjamin ang tinutukoy nito. Bigla tuloy siyang nanlamig at pakiramdam niya ay lalabas lahat ng kinain niyang almusal.

“Si Engr. Contreras. Sabi ni Greg, kadarating lang raw kanina. Actually, sa mga magazines ko pa lang siya nakikita pero ang dinig ko, sobrang guwapo raw, Miss Maya,” masayang balita ni Jenny sa kanya. “Kilala mo ba siya?”

Monday, June 10, 2019

The Girl From The Coffee Shop 2 Prologue and Chapter 1

PROLOGUE

KUNG mayroong pangyayari na gusto kong balikan, aaminin ko na ‘yon ay ang panahong nakilala ko si Benjamin at natutunan kong magmahal muli. Pero hindi naman lahat ng kuwento ng pag-ibig ay may happy ending. May mga bagay na talagang hanggang do’n na lang, katulad ng sa amin ni Benjamin, apat na taon na ang nakararaan. Akala ko noon, pagkatapos kong malaman na mahal niya ako, ‘and we live happily ever after’ na ang kasunod. Pero totoo’ng buhay nga pala ito at hindi isang fairy tale.

Ayoko na sanang alalahanin pa ang nakaraan dahil isa ‘yon sa mga pangyayaring sobra kong pinagsisihan pagkatapos. Alam kong kasalanan ko na hindi ko binigyan ng pagkakataon ang love story namin, dahil lang sa isang lumang pag-ibig - sa isang luma, at inaagiw na pag-ibig.

The Girl From The Coffee Shop 2 Teaser

“Bakit ka pa bumalik?
Bakit kung kailan okay na ako,
kung kailan nakalimutan ko na lahat,
tsaka ka pa bumalik?”

Sunday, June 9, 2019

What Is A 'Worthy Read'?

Sa panahon ngayon na maraming p'wedeng maka-distract sa atin sa pagbabasa, mas mahirap i-please ang mga readers - unless super idol nila 'yung writer na kahit ano'ng haba o boring o kagulo ang kuwento ay hindi nila bibitawan ang libro. Pero kung 'normal' na writer ka at wala masyadong followers, the struggle is real.

Sabi nga, dapat sa umpisa pa lang, 'yung bungad pa lang ng nobela mo ay makuha mo agad ang atensiyon ng reader. Tipong first sentence pa lang, mahi-hypnotize na sila na tapusin ang gawa mo.

So, paano mang-hypnotize? I mean, paano mo gagawing interesting ang unang bahagi ng nobela mo? Ang tawag diyan - killer opening lines. Siyempre, iba-iba naman ng taste ang readers pero rule of thumb, dapat alam mo kung anu-ano ang mga elements na magpapa-hook sa mga readers - maganda/kakaibang conflict, kilig, galit, takot, inis, tuwa, tawa.

1. Huwag manlinlang. Baka dahil lang sa gusto mong ma-hook ang readers mo ay kung anu-ano’ng premise na ang isusulat mo na wala namang kinalaman sa kabuuan ng nobela mo. Halimbawa, magsisimula ka sa isang maaksiyong habulan ng bida at kontrabida pero panaginip lang pala at wala namang connect sa kwento. Huwag gano’n, bes. False advertising ang tawag do’n haha!

Saturday, June 8, 2019

So You Think You're A Writer?

Oo nga, mahusay kang maghabi ng mga salita, magaling kang magpakilig, magpaiyak at magpatawa. Maganda ang mga nabubuo mong ideya at naisusulat mong nobela. Pero ang tanong, kaya mo ba talagang pangatawan ang pagiging isang writer? 

Hindi ka bagay maging writer kung -

1. Ayaw mo ng kritisismo, hindi bagay sa iyo ang maging writer. Once you put your works out there, someone is going to read it and whether you like it or not, there will always be negative comments about it. Sabi nga, kung ayaw mo ng kritisismo, huwag mong i-post ang gawa mo online. Simple.

2. Kung balewala lang sa’yo ang feedback at komento ng editors. ‘Yung tipong kibit-balikat lang at hindi susundin ang suggestions mula sa editors. Kasi feeling mo, magaling ka at maganda ang nobela mo na hindi na kailangan ng anumang pagbabago o improvement. Oo, mahalaga sa atin ang bawat salita sa nobela natin pero ang editor ay naging editor dahil may mas alam sila kaysa sa atin.

The Girl From The Coffee Shop 1 Chapter 10 (Last Chapter + Epilogue)

ILANG minuto pang nanatili si Noel sa loob ng sasakyan habang tinitingnan ang mga taong pumapasok sa hotel. Malamang ay naroon na si Maya, kasama ang Benjamin Contreras III na iyon. Matagal na panahon silang hindi nagkita ni Maya at ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaharap sila. Hindi niya alam ang aasahan, hindi niya alam ang magiging reaksyon ng dalaga kapag nakita siya, lalo na kapag nalaman nito ang dahilan ng biglaan niyang pagbabalik mula sa Milan. Kinuha niya ang maliit at lumang envelope sa bulsa ng kanyang coat, dahan-dahan iyong binuksan at binasa ang laman niyon sa hindi na niya mabilang na pagkakataon. 

Iyon ang tanging dahilan kung bakit niya gustong makausap si Maya. May mga bagay siyang gustong linawin, may mga bagay siyang gustong sabihin, at may mga bagay rin siyang nais malaman mula dito.

Friday, June 7, 2019

The Girl From The Coffee Shop Chapter 9

DAPAT ko ba siyang bigyan ng pagkakataon? Oo, pero nilalamon pa rin ako ng takot. Pagkatapos ng naging pag-uusap namin sa coffee shop ay isang linggo kong hindi nakita si Benjamin – dahil iyon ang sinabi ko sa kanya. Sinabi ko na kailangan ko ng panahon para makapag-isip. Balita ko ay nasa New York siya at sa buong isang linggo na wala siya, dapat ay naging tahimik na ang buhay ko. Pero hindi. Napagtanto ko na hindi pala talaga madaling biglang mawawala ang isang mahalagang tao sa buhay mo, na siyang tanging nakapagpapasaya sa buhay mo.

Thursday, June 6, 2019

Paano Nga Ba Ma-Publish?

Gusto kong sagutin na madali lang, magsulat lang at magsubmit sa napiling pubhouse. Pero ang totoo kasi, hindi naman gano’n kadali, lalo na ngayon. So, paano nga ba magkaroon ng published book?

Tatlong paraan: Mag-submit sa mga publishing companies, magself-publish ka o hintayin mong ma-discover ang nobela mo at may mag-offer sa’yo na i-publish ang gawa mo.

Paano mag-submit:
Mas mabuting makipag-ugnayan sa mismong pubhouse kung ano ang requirements. Research. P’wede ka ring sumali sa mga contests.

The Girl From The Coffee Shop 1 Chapter 8

NAGING tahimik ang mga sumunod na araw ni Maya. Nagpatuloy siya sa buhay niya sa coffee shop na parang walang nangyari. Oo, aaminin niya na minsan, sa gitna ng pag-iisa ay naaalala niya ang kanilang matamis na nakaraan at minsan, iniisip niya na makikita niya ito sa The Forum, kakaway sa kanya at ngingiti. Pero ilang araw ang wala si Benjamin, at hindi rin naman siya nakatanggap ng ipinangako nitong tawag. Mag-iisang linggo na mula nang huli nilang pagkikita doon sa Japanese Restaurant, at paminsan-minsan ay nahuhuli pa rin siya ni Pam na nakatingin sa kawalan.

Wednesday, June 5, 2019

Ano nga ba ang Proseso ng Pagsusulat ng Isang Nobela?

1. Mag-isip ng magandang genre/concept. Romance ba ang gusto mo, sci-fi? Horror? Erotic? Dapat bago ang lahat, ma-establish mo muna kung ano’ng genre ang gusto mong isulat.

2. Summary. P’wedeng isang sentence lang or isang paragraph. Wala pa munang names ng characters, locations o details. Basta kung tungkol saan lang ang nobela mo. ‘Yung ibang publishers kasi, ito ang hinihingi so as much as possible, sa summary pa lang, makukuha mo na ang atensiyon ng reader.

The Girl From The Coffee Shop 1 Chapter 7

SO, siya pala ‘yung sinasabi mong kaibigan from Manila.”

Ngumiti lang si Benjamin. Dumating si Jeffrey pagkaraan ng dalawang oras at katulad ng inaasahan, nagulat ito nang makita si Maya doon na kasama niya. Kausap ng dalaga ang kanyang ama sa garden habang naroon sila ni Jeffrey sa may veranda. Sinalinan ni Benjamin ng red wine ang baso ni Jeffrey habang iiling-iling ito. Noon pa man, ay sinasabi na nito sa kanya na ang inis na nararamdaman niya noon kay Maya ay hindi talaga pagkainis.  That he was just trying to avoid the feeling that’s growing inside him for her.

“So, is she the reason why you suddenly cancelled your ‘business engagement’ this weekend?”
“Kailangan ko raw talagang makita ‘yung site ng hotel, Jeff.” Tinanaw ni Benjamin ang dalaga na kausap pa rin ang ama niya. He’s glad they liked each other instantly. “Okay, she’s one of the reasons.”

Nagsusulat Ka Dahil?

Fine, gusto nating magsulat pero ang tanong, bakit natin gustong magsulat? Minsan kasi, hindi sapat 'yung gusto lang natin. Dapat, may goal tayo, may drive to achieve our goal, and then we do something about it. Nagsusulat ba tayo dahil gusto nating ma-publish, sumikat, kumita, o passion lang talaga?

Tuesday, June 4, 2019

The Girl From The Coffee Shop 1 Chapter 6



TINAWAGAN ako ni Sir Diestro pagkaraan ng ilang araw para ipaalam na sobrang successful ang exhibit, higit pa sa kanilang inaasahan. Maganda ang naging pagtanggap ng organizers at sponsors, and sabi pa niya ay maghanda na ako sa susunod na exhibit. Tinanong rin niya ako kung handa na akong magkaroon ng isang solo exhibit, dahil marami raw ang interesado’ng mag-sponsor, kung sakali. Ang sagot ko – hindi pa.

Bakit Nga Ba Hindi Tinatapos ng Readers Ang Mga Kuwento Natin?

1. Hindi consistent. Ang tono, ang style, plot at ang characterization at motivations ng mga bida. Minsan kasi sa sobrang enjoy natin at sa kagustuhan na matapos agad, may mga importante'ng detalye tayong nakakaligtaan tulad ng mga lugar, mannerisms, voice ng characters, trabaho, backstory, family at educational background. Madalas itong mangyari sa mga super habang mga nobela na sa sobrang haba ay nakakatamad nang basahin.

The Girl From The Coffee Shop 1 Chapter 5


“MAYA!”

Nilingon niya iyon at nagulat nang makita ang isang itim na BMW na huminto sa harap niya. Sinilip niya ang nasa loob at lalong nagulat nang makilala kung sino ang nasa likod ng manibela. Nang matapos na ang exhibit ay nagpaalam na rin siya kay Maestro Diestro para makaiwas na rin kay Engr. Contreras at pagkatapos ay narito ito ngayon, nakasunod sa kanya.

“Sumakay ka na, ihahatid na kita.”

Tuloy lang sa paglakas si Maya, tinitiis ang masakit na paa dahil sa mataas na taking ng sapatos na suot niya pero pilit pa rin siyang sinasabayan ng kotse. Marami ring tao ang kasabay niyang naglalakad, na tumitingin na sa kanila.

“Sabi ni Uncle Vic, ihatid raw kita...Maya, please, sumakay ka na,” pilit ni Benjamin. Sunud-sunod na ang kulog at kidlat na nagbabadya ng malakas na ulan. “Baka abutan ka pa ng ulan.”

Monday, June 3, 2019

On Writer's Block Pt.1

One of the most frustrating problems writers experience is yeah, writer's block - or whatever you want to call it, basta 'yung tipong kahit ano ang gawin mo, hindi ka makapagsulat o hindi ka makapag-isip ng isusulat. I'm still suffering from writer's block most of the time but now, I'm trying to fight it. Yes, we can fight it, my dear fellow newbies. 

On Crappy Writing

Write crap. Accept that it is crap. And keep on writing.- Michael Wilson

Ito ang isa sa mga writing tips na nabasa ko (Becoming a Better Writer). Isa raw sa madalas na dahilan ng writer's block ay ang mataas na expectations natin sa ating mga sarili bilang mga manunulat. 'Yung tipong unang page pa lang o unang sentence pa lang, gusto agad natin, pang-Palanca na agad ang peg kaya ang ending, frustration. At ganito rin ang advice ni Natalie Goldberg (Wild Mind: Living the Writer's Life). Ang sabi niya - you are free to write the worst junk [in the universe].

The Girl From The Coffee Shop 1 Chapter 4

BENJAMIN tried to visit his uncle as often as he could. Lumaki siya na ito ang kasa-kasama lalo na’t masyadong abala ang kanyang ama sa mga negosyo. Hindi siya mahilig sa sining at wala siyang alam tungkol dito pero natutunan niya ang mag-appreciate ng art at siya ang nangunguna nitong tagahanga.

“Mabuti naman at dinalaw mo ‘ko,” natatawang bati ng kanyang Tito Victor. Maliit ito’ng lalaki, medyo maputi na ang mahabang buhok. Sa unang tingin pa lamang ay alam mo nang isa itong artist.

“Kumusta po? Nanatiling nakatayo si Benjamin habang tinitingnan ang kabuuan ng lugar. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapunta sa opisina’ng iyon at marami na ang nagbago sa lugar, marami nang nadagdag sa mga paintings at mga bagay-bagay na kinokolekta ng tiyuhin. Nilingon niya ito nakita’ng nagsusulat ng kung ano sa luma nitong kuwaderno.

Sunday, June 2, 2019

A Shortcut 'Trip to Quiapo'


Watching Ricky Lee on Inside the Cinema Circle was like actually being in one of his writing workshops (one of my lifelong dreams). So while watching, I took down notes to inspire ‘the writer’ in me. Just want to share his wisdom for those who are dreaming of becoming a writer like me.

Mga Klase ng Writers

Iba-iba ang klase ng writer. May nag-a-outline at nagpa-plano, may walang pakialam kung saan dalhin ng imahinasyon. May kayang magsulat nang tuluy-tuloy, may ilang buwan na o taon, hindi pa rin matapus-tapos. May hindi kailangan ng inspirasyon at parang makina kung makatapos ng manuscript, mayroon namang mahal na mahal ng writer's block to the point na hindi na n'ya mahiwalayan kahit anong pilit. May mga nagsusulat dahil 'kailangan', mayro'n namang nagsusulat nang walang dahilan. Pangtanggal ng stress, outlet, o paraan para makawala sa realidad. May mga nagsusulat para sa pera, meron para sumikat. May nagsusulat para sa mga mambabasa at may nagsusulat para sa sarili. Iba-iba ang klase ng writer. Iba ka, iba siya. Walang dahilan para magkumpara. Ang mahalaga, nagsusulat ka dahil 'yon ang gusto ng puso mo at wala nang iba pa.

Blackpink in Our Area!

before

The daughter insisted that I make miniatures of her favorite Korean girl group. And so I did! Here's my chibi version of BlackPink members Jisoo, Jennie, Lisa and Rose'.


after

The Girl From The Coffee Shop 1 Chapter 3

MAYA!”
“Bakit po, sir Mike?” Agad na nilingon ni Maya ang tawag ng manager nila, na kabababa lamang ng telepono. Nakangiti itong lumapit sa kanya. May bulaklakin itong scarf sa leeg at mapula nag mga pisngi nito dahil sa blush-on.
“One iced tea, 49th floor.”
Nagkatinginan sila ni Pam. 49th floor. Opisina iyon ni You-Know-Who. “P-pero sir, kaka-deliver lang po roon ni Ate Flor kanina-“
“Eh sa nagpapa-deliver uli, ano’ng magagawa ko?”
May point si Sir Mike. Ano nga naman ba ang magagawa nila? Kahit pa isang daang beses pa iyon magpa-deliver, wala naman silang magagawa. “S-sir, iba na lang po ang paakyatin ninyo,” nakasimangot niyang sabi.
“At bakit? Dati-rati, halos makipagpatayan ka para lang ikaw ang i-assign ko kay Papa Benjamin, pagkatapos ngayon, tumatanggi ka na?”
Pareho silang natawa ni Pam. Totoo iyon, na mahabang pakiusapan ang ginawa niya rito para lang siya ang mag-deliver sa opisina ni Benjamin tuwing umaga. Pero hindi na niya iyon gusto ngayon.
“P-pero sir-“

Saturday, June 1, 2019

Edsa Seoul

"Please wait for me my love," she heard him say.
But he didn't come back.

Teaser:

Their attraction was instant. He’s charming, good looking. She never rides the LRT because she hates everything about it but James taught her how to enjoy every ride. In fact, he taught her a lot of things - from commuting, traveling and yeah, falling in love.

But James has to leave. He made a promise that he'd be back, she vowed to wait for him and so she did. And she's still waiting for a miracle here, at their favorite train station.

~~

The Girl From The Coffee Shop 1 Chapter 2

BENJAMIN, what’s up?”
“What are you doing here? Takang tanong ni Benjamin. Dumating si Jeffrey sa coffee shop ilang minute lamang pagkatapos niyang maubos ang iniinom na kape. Tatayo na sana siya para muling umakyat sa opisina nang mamataan ang pinsan.
“Ako yata ang dapat magtanong sa iyo n’yan. Office hours, bakit ka narito?” Natatawa itong naupo matapos maka-order. Tinanggal nito ang suot na tie at ibinulsa.


On Character Voice

Isa sa mga problema'ng nae-encounter ko sa pagbabasa ng nobela (mapa-Wattpad man o pocketbook) ay ang 'voice' ng mga characters. Tipong kilalang businessman si guy, galing sa mayamang pamilya pero kung magsalita, parang taga-kanto lang. O 'yung bidang babae na simple lang, mahinhin, hindi makabasag-pinggan pero kung makapagmura, daig pa si Digong haha. May mga nababasa rin ako na mas parang 'babae' pa magsalita ang bidang lalaki kaysa bidang babae. Sa parte'ng ito rin ako madalas mahirapan, 'yung pag-differentiate ng character voice. Kaya mahalaga 'yung sa umpisa pa lang, may bio na ang bawat characters at dapat, tugma sa personalidad nila ang boses na gagamitin natin sa pagsusulat. Paano?

What' You've Missed