Wednesday, June 5, 2019

Ano nga ba ang Proseso ng Pagsusulat ng Isang Nobela?

1. Mag-isip ng magandang genre/concept. Romance ba ang gusto mo, sci-fi? Horror? Erotic? Dapat bago ang lahat, ma-establish mo muna kung ano’ng genre ang gusto mong isulat.

2. Summary. P’wedeng isang sentence lang or isang paragraph. Wala pa munang names ng characters, locations o details. Basta kung tungkol saan lang ang nobela mo. ‘Yung ibang publishers kasi, ito ang hinihingi so as much as possible, sa summary pa lang, makukuha mo na ang atensiyon ng reader.

3. Story description. Usually, may tatlong part ito: Simula, gitna, katapusan. Sa simula ang pagpapakilala ng mga characters at pagse-set-up sa conflict. Sa gitna, ang development ng novel theme at revelation ng mga characters. Usually, dito na mangyayari ang conflict/tension. Kung nasa gitna na ang sinusulat mo at wala pa ring conflict, magiging dragging na ang story so make sure to have that conflict at the middle part of your story. Sa ending part ang climax. Dito, dapat mapagtagni-tagni mo na ang mga loose ends. Dapat masasagot mo ang mga hanging questions na ginawa mo sa simula para hindi mabitin ang mga readers.

4. Characters. Ito ang parte na nakakaaliw na nakaka-stress haha! Dapat, bilang writer, kilala mo ang bawat character mo mula ulo hanggang paa. It’s a good idea to have a separate page for each of them kung saan naka-outline ang summary ng bawat isa - pangalan, edad, trabaho, hobbies, physical characteristics, strengths, weaknesses, mannerisms, goals, motivations, dark side. Hindi naman required na dapat alam mo lahat agad-agad dahil magbabago rin ang mga characters mo as you go along, whether you like it or not. Ikaw ang pag-a-adjust-in nila, trust me.

5. Sentence Outline. ‘Yung ibang writers, preferred ang walang outline pero ‘yung iba, mas mabilis nakakatapos ng nobela kapag may sinusunod na outline. Kung first time mo, try mo and if it works for you, good! Trial and error rin talaga minsan. Ito ‘yung pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Dito mo na rin p’wedeng hati-hatiin ang bawat chapters.

6. Start writing. This is the exciting and the stressful part. Hindi naman kailangang perfect agad. Again, don’t write and edit at the same time. Just write. Let your words flow. Remember, you are just writing a draft - your first draft. P’wede kang magkaroon ng 2nd draft, 3rd, 4th, 5th. Basta ang mahalaga, mailatag mo nang maayos ang nobela mo at magkaroon ka ng rough idea on how it’s gonna be. Don’t rush things. Try writing at least 1k words a day, 2k during weekends or whenever the mood strikes. Don’t worry about errors at this point. It’s just a draft anyway.

7. Read your draft. Maiinis ka sa sarili mo habang ginagawa mo ito at maitatanong mo sa sarili mo kung ano’ng kalokohan ba ang nakain mo’t naisip mong maging writer. Haha! Pero huwag mo agad basahin ang naisulat mo. Take your time. Pahinugin mo muna, mga isa o dalawang linggo, tsaka mo balikan. Para makapagpahinga ka, at makapagpahinga siya.

8. Edit. May nabasa ako na para maging effective ang editing, treat your novel as if it was written by someone else. Act like a reader than ‘the’ writer. Be critical. Huwag i-baby ang manuscript mo. Kahit masakit, magtanggal ng mga eksena, characters at chapters na hindi kailangan at kapag minalas, kalahati ng buong nobela mo ang matatapyas. Pikit-mata na lang, bes.

9. Rewrite. Kapag natanggal mo na ang mga hindi kailangan, p’wede mo na uling simulang magsulat - this time, for real. P’wede ka nang magdagdag ng mga eksena at ayusin ang mga mali na nakita mo. P’wede mo na ring isabay rito ang ‘prose editing’. Kung baga, finishing touches. Dito ka p’wedeng magdagdag ng mga quirks sa mga characters mo o mas pagandahin ang subplots. Double check grammar lapses, grammar errors and details about the entire novel. Mag-research lalo na tungkol sa mga bagay na hindi ka pamilyar.

10. Rewrite. Oo, tama ka ng basa. Rewrite, uli. Kasi nga, ang mga tunay na writer, naniniwala na may forever - ang pagre-rewrite. Lol

11. Let others read your finished manuscript. Sa ngayon, madali nang makakuha ng feedback. I-post mo lang online ang story mo, may makukuha ka nang comments. Pero siyempre, hindi naman lahat ng comments ng readers dapat mong paniwalaan. ‘Yung iba kasi, dahil sa love ka, puro positive lang ang ibinibigay na feedback at ‘yung iba naman, dahil sa ipinanganak na bashers, puro negatibo ang makukuha mo. So the best thing to do is to find a reader/readers na mapagkakatiwalaan mo. Maraming writers ang may beta readers na tumutulong sa kanila na i-point out ang flaws at weak points ng nobela.

12. Revise your manuscript according to feedback. Pag-aayos ng plot hole, pagpapalakas ng karakter ng bida, pagpapaganda ng dialogues, etc. This could take another week or months (or even years), depende sa haba ng MS mo at sa nakita mong mga problema na kailangang ayusin.

13. Reread. Again, give it another week or two bago mo basahin uli. Ayusin ang mga makikitang mali - grammatical errors, punctuation, Minsan talaga, mapapamura ka na lang habang binabasa ang manuscript mo, eh at mapapatanong na ano bang mundo ang napasukan mo? Lol

14. Rewrite. Revise. Reread. Lahat na ng mga re-, gawin mo para makasigurado ka na handa na ang manuscript mo na harapin ang tunay na mundo - ang publication.

Ayan, madaling maging writer, diba?

No comments:

Post a Comment

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...