Quote of the Day

The idea of me is better than the reality of me. - Verity

Friday, June 21, 2019

Bakit Nga Ba Hindi Tayo Makatapus-Tapos ng Nobela?

Bukod sa writer’s block na sabi ng iba ay imahinasyon lang, na katamaran lang raw talaga at excuse ng mga writers na ‘tamad’ magsulat, maraming dahilan kung bakit hindi natin matapos ang sinusulat natin:

1. Sobrang dami nating gustong ilagay sa nobela, ang dami nating gustong sabihin to the point na humahaba na nang humahaba ang MS natin. Kapag may naisip na magandang scene, dagdag. Na-inspire sa pinapakinggang music, dagdag. May napanood na kilig dialogues, dagdag. Ayan, dagdag rin nang dagdag ng chapters hanggang sa maging series na tapos kapag kailangang bawasan ng word count, iyak na lang sa tabi.

2. Ang totoo, nagpo-procrastinate lang tayo. Tapos na naman talaga, eh pero pinipilit mo ang utak mo na hindi pa kasi, ayaw mo pa talagang i-submit kasi, ayaw mo pang malaman ang result. Takot ka posibilidad na ma-reject kaya in the end, walang kamatayang edit, revise at rewrite.

3. Hindi mo alam, wala kang ideya kung paano tatapusin ang nobela. Oo, may naisip kang ending pero hindi mo alam kung paano’ng atake ang gagawin. 

4. Ayaw mo lang talagang tapusin kasi masyado ka nang attached sa mga characters mo at ayaw mo silang iwan. Finishing a novel is like saying good bye to an old friend. Or a lover. Or both. It can be so sad that sometimes we tend to delay writing the ending just to hold on to it a little bit longer.

5. May nakita ka o nabasang libro na may kaparehong idea ng sinusulat mo. ‘Yung tipong sobrang proud ka sa sarili mo at hindi makapaniwala na - “Wow, naisip ko ito? Ang galing ko!” Pero sa isang iglap, guguho ang mundo mo dahil malalaman mo na may nauna na palang nakaisip ng ideya mo. Saklap, diba? Parang ayaw mo na sa earth. Pero kailangan mong tanggapin na gano’n talaga ang buhay dahil hindi ka gano’n ka-espesyal at hindi ka naman talaga gano’n kagaling. Cheret.

6. Iniiwasan mo o ayaw mong mag-research para sa nobela mo. Matrabaho kasi, masalimuot at mahirap talagang mag-research pero wala namang gagawa nito para sa iyo kundi ikaw lang.

7. May naghe-hello na bago - o MGA bagong ‘mas’ magandang plot sa utak mo at ikaw naman si Miss/Mr. Congeniality, nag-wave back ka naman dahil ayaw mong ma-disappoint si bagong plot. Mas maganda eh, mas interesting. Mas exciting. ‘Yan tayo, eh. Ang dali nating magsawa porque may nagparamdam lang na mas higit pa. Eh kawawa naman si present plot. Ano, paasa lang? Huwag gano’n.

8. Nawalan na ng gana sa sinusulat, period. Shit happens and it can happen to anyone. ‘Yung gigising ka na lang isang araw na, wala na. Wala ka nang nararamdaman para sa kanya. Cheret. 

9. Wala ka talagang ideya kung ano o tungkol saan ang sinusulat mo. Walang plano, walang plot, walang concept, wala lahat. ‘Yung isang araw, bigla, naisip mo na lang na - “Ay, gusto kong maging writer, now na!” Kaya ayun, tuleley sa kalangitan.

10. May commitment issues ka. Parang relationship rin ‘yan. Kapag pinasok mo, panindigan mo. Hindi ‘yung kapag ayaw mo na, tigil na. 

11. Realidad. Minsan talaga, istorbo ang ‘totoo’ng buhay’. Dahil hindi lang naman sa pagsusulat umiikot ang buong buhay ng isang manunulat. Ang sarap sana kung wala tayong ibang gagawin maghapon at magdamag kundi ang magsulat, diba? Pero hindi p’wede. Sa totoo’ng buhay, may house chores, trabaho, anak, asawa, pamilya, assignments at love life sa ilan at broken heart sa karamihan. Mahirap rin talagang isabay ang pagsusulat sa totoo’ng buhay. Mahirap ‘yung habang nasa kasarapan ka ng pagsusulat ay kailangan mong magluto o maglaba o mag-asikaso ng mga dapat asikasuhin. Bad trip ‘yon kasi karamihan sa atin, hindi ganoon kadaling mapunta sa ‘writing zone’ at kapag naistorbo ‘yon, wala na. Mas mahirap nang ibalik kaya ang tendency, tumigil na lang. 

12. Video tutorials, music videos, Kdrama, series, movies, Netflix. In short, internet. Oo nga’t malaking tulong ang internet sa buhay ng mga writers pero isa rin ito sa biggest hurdles na kailangan nating paglabanan, araw-araw, gabi-gabi. Matindi pa ang tukso nito kaysa sa paglalandi ni crush, trust me. Una, sasabihin mo sa sarili mo na isang video lang, isang episode lang, 30 minutes lang, magsusulat na ako pero ayun, alas-kuwatro na pala ng umaga, ni isang paragraph, wala ka pang naisusulat. Congratulations.

13. Writer’s block pa rin talaga. Though iba-iba naman ang bawat writer, totoo ang writer’s block para sa akin. Hindi ko naman kasi masasabi na tinatamad lang ako, though minsan, default mode ko na ‘yon Lol. May times na gustung-gusto mong magsulat, ginawa mo na ang lahat - maglakad-lakad, manood ng movie, magbasa, makinig ng music, makipag-chat kay crush for inspiration pero waley pa rin. Kulang na lang, itaktak mo ‘yung ulo mo para maalog ang brain cells at tumagas ang creative juices pero waley pa rin. Ito ang nakaka-frustrate na minsan, masasabi mo na lang na siguro nga, niloloko mo lang ang sarili mo at hindi ka naman talaga bagay maging writer.

Ah basta, ang bottom line, nasa ilalim. 

2 comments:

Popular Posts