Sunday, June 16, 2019

Dating a Writer Starter Pack


1. Books. Sa halip na bulaklak o chocolates o kung anu-ano, regaluhan mo siya ng libro. Plus points ‘yon, bes.

2. Love letter/love notes. ‘Yung handwritten. Jusko, daig pa nito ang isang expensive dinner reservation sa isang 5-star restaurant.

3. Pasensiya. Mahabang-mahabang pasensiya, kasing-haba ng Nile River Lalo na kapag may mga moments na para siyang nag-zoom out sa earth. Pasensiya lang. Nag-iisip lang ‘yan ng magandang paraan kung paano patayin ‘yung bida niya sa nobela.

4. Mag-effort sa text. Huwag - I repeat - huwag na huwag i-shortcut ang mga words kahit gaano ka pa ka-busy. Siguruhin na tama ang spelling. At grammar. Pati sentence construction. Kung kinakailangang i-check mo sa dictionary ang spelling n’yan, gawin mo.

5. Be a reader. Know things. Research. Do your homework, dude. Kung may ‘a way to a man’s heart is through his stomach, meron ring ‘a way to a writer’s heart is through her mind. Wala nang mas sexy pa sa tao’ng may sense kausap. Trust me.

6. Again, be a thorough researcher. Know more about your writer. Kung ano ang paborito niyang mga libro, music, pagkain, hobbies. In short, mag-effort. Huwag puro pa-cute.

7. Learn how to play a musical instrument, or two. Plus points kung maganda boses mo. Tugtugan mo siya o kantahan. Kilig ever 'yon.

8. Subukan mong magbasa ng romance novel kahit minsan. Para naman malaman mo na rin kung ano ang pinapasok mo. Haha.

9. Maging Boy Scout. Be prepared, ika nga. At all times. Lalo na ang emosyon mo. Darating at darating ang oras na aawayin ka niyan nang walang dahilan. O mananahimik nang wala lang. O iiyak nang wala lang. Huwag agad tatawag ng doktor. Just be there for her. You don’t even have to talk. Just be with her.

10. Think before you break her heart. Isang tipa lang niyan sa laptop, tapos na ang maliligayang araw mo.

11. Huwag masyadong madaldal. Minsan, gusto ka lang n’yang kasama at katabi pero hindi ibig sabihin ay gusto niyang makipagkuwentuhan sa ‘yo. This is especially true kapag may hinahabol siyang deadline o kapag nasa kalagitnaan siya ng kasarapan sa pagsusulat. Respect her silence. 

12. Never ever try reading her works. No explanation. Just don’t.

13. Unlimited coffee. Yes. Again, no explanation. Coffee shop dates are the best!

Ngayon, kung hindi mo kaya ang mga ito at ikaw pa rin ang pinili ni writer, it must be true love! 
~~

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed