Sunday, June 2, 2019

Mga Klase ng Writers

Iba-iba ang klase ng writer. May nag-a-outline at nagpa-plano, may walang pakialam kung saan dalhin ng imahinasyon. May kayang magsulat nang tuluy-tuloy, may ilang buwan na o taon, hindi pa rin matapus-tapos. May hindi kailangan ng inspirasyon at parang makina kung makatapos ng manuscript, mayroon namang mahal na mahal ng writer's block to the point na hindi na n'ya mahiwalayan kahit anong pilit. May mga nagsusulat dahil 'kailangan', mayro'n namang nagsusulat nang walang dahilan. Pangtanggal ng stress, outlet, o paraan para makawala sa realidad. May mga nagsusulat para sa pera, meron para sumikat. May nagsusulat para sa mga mambabasa at may nagsusulat para sa sarili. Iba-iba ang klase ng writer. Iba ka, iba siya. Walang dahilan para magkumpara. Ang mahalaga, nagsusulat ka dahil 'yon ang gusto ng puso mo at wala nang iba pa.

Noon, kapag na-stuck ako sa pagsusulat,tumitigil talaga ako. 'Yung tipong hindi na muna ako haharap sa manuscript hanggang sa bumalik 'yung drive. Pero ngayon, kapag na-writer's block, hindi na ako tumitigil. Iniiwan ko lang muna 'yung MS kung saan ako na-stuck tapos, haharapin ko 'yung iba pang MS o gagawa ako ng bago. Sabi nga, kung seryoso ka sa pangarap mong maging isang mahusay na manunulat, sulat lang nang dapat nang sulat

No comments:

Post a Comment

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...