Wednesday, June 5, 2019

Nagsusulat Ka Dahil?

Fine, gusto nating magsulat pero ang tanong, bakit natin gustong magsulat? Minsan kasi, hindi sapat 'yung gusto lang natin. Dapat, may goal tayo, may drive to achieve our goal, and then we do something about it. Nagsusulat ba tayo dahil gusto nating ma-publish, sumikat, kumita, o passion lang talaga?

Kung gusto nating ma-publish, magbasa nang magbasa - be a wide reader. Makakatulong 'yon sa pagsusulat. Hindi p'wede 'yung gusto nating ma-publish pero wala naman tayong ginagawa kundi mag-rant na kesyo wala namang pumapansin sa gawa natin o kaya wala tayong time magsulat o parati tayong may writer's block. Let's do our best to improve our craft. Writing is a never ending learning process. Kung tamad kang matuto at mag-aral, hindi ka p'wedeng maging mahusay na manunulat. Hindi madali ang pagsusulat at lalong hindi madali ang makipagsabayan sa industry na saturated na ng magagaling at sikat na authors.

Gusto nating sumikat kaya tayo nagsusulat? Dalawang bagay ang p'wede nating gawin - Una, magsulat tayo ng story na 'in' o 'yung kwento'ng kakaiba o 'yung alam nating malawak ang market, then, maging masipag sa pag-promote. Pangalawa, umisip ng gimik o gumawa ng scandal. Bad publicity is still good publicity, right? Haha!

Gusto nating kumita sa pamamagitan ng pagsusulat? Sorry pero hindi tayo kikita nang malaki kung hindi tayo magsisikap. Hindi kalakihan ang kita sa ganitong career kaya kung pangarap natin na magkaroon ng bahay, kotse at komportableng buhay, huwag iasa sa pagsusulat lang ang lahat, sa simula, at least. Dapat, may back-up tayo, fallback career, kung baga. Hangga't nagsisimula pa lang na makilala sa pagiging writer, sana may iba pa tayong pinagkakakitaan tapos, kapag sikat na, ayun, p'wede na sigurong gawing full-time job ang pagsusulat.

Nagsusulat ba tayo dahil passion lang talaga? Sa tingin ko, ito ang pinaka-effective na paraan para maging mahusay sa pagsusulat. Kung passion kasi, kahit harangan tayo ng sibat, tutuloy pa rin tayo. Kung passion talaga, gagawin natin ang lahat para makagawa ng isang magandang istorya - magbabasa tayo para matuto, mag-aaral, magiging matiyaga. Passion equates to determination. :)

No comments:

Post a Comment

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...