Monday, June 3, 2019

On Crappy Writing

Write crap. Accept that it is crap. And keep on writing.- Michael Wilson

Ito ang isa sa mga writing tips na nabasa ko (Becoming a Better Writer). Isa raw sa madalas na dahilan ng writer's block ay ang mataas na expectations natin sa ating mga sarili bilang mga manunulat. 'Yung tipong unang page pa lang o unang sentence pa lang, gusto agad natin, pang-Palanca na agad ang peg kaya ang ending, frustration. At ganito rin ang advice ni Natalie Goldberg (Wild Mind: Living the Writer's Life). Ang sabi niya - you are free to write the worst junk [in the universe].

I've been following this advice for quite some time now. 'Yung tipong sulat lang muna ako nang sulat. Wala muna akong pakialam kung maganda ba ang flow o may awkward sentences ba o jeje ba o ano. Basta ang goal ko ay ang makapagsulat, i-familiarize uli ang mga daliri ko sa mabilis na pagtipa, at ang utak ko sa mabilis na pag-iisip ng mga ideya at eksena. Basta sulat nang sulat, kahit basura. Eh diba, ang basura naman magandang pataba sa halaman? Parang gano'n lang rin sa pagsusulat. 'Yung mga pangit o basura na naisulat natin, iyon ang magiging pataba natin sa proseso ng pagsasanay natin para maging mahusay na mga manunulat.
So, let's just write crap all together, for now.

2 comments:

  1. A reader once said, "Basura ang mga stories mo. Wala itong kwenta."

    Thank you for this encouragement, Ms. A.

    ReplyDelete
    Replies
    1. You're welcome! Thank you for reading ^^

      Delete

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...