Sunday, June 30, 2019

On Ending


  1.  I-distinguish mo muna kung para kanino ang isinusulat mo. Para ba sa sarili mo? Tipong ginawa mo ‘yung kuwento dahil gusto mo lang ilabas kung ano ang nararamdaman mo? Isinulat mo lang kung ano ang gusto mong mabasa? If that’s the case, you have all the freedom in the world to write whatever ending you want. Walang pakialaman kung baga. Pero kung ang isinulat mo ay para sa iba, meaning may readers ka na nag-aabang as if their lives depend on you, kailangan mo silang i-consider. Isipin mo kung ano ang mararamdaman nila sa isusulat mong ending. They took time and effort to read your story so make sure to give them the ending they deserve.
  2.  Huwag na huwag mong mamadaliing isulat ang ending just for the sake of ending it. Kung paano mo pinaghirapang isulat ang simula at gitna, dapat mas mag-effort kang isulat ang ending dahil ito ang tatatak sa mga mambabasa mo for life.
  3.  Resolve all the conflicts you’ve created. As much as possible, walang loophole na makikita ang reader. Importante na maging madetalye ka rito. If you have to read your novel over and over, do it. Para wala ka ma-miss. Lalo na kung suspense/thriller ang genre mo. The last thing you want is to leave them hanging - unless you are planning for a sequel.
  4.  Make sure na ang ending mo ay may kinalaman sa kabuuan ng nobela. It should be logical. Halimbawa, naka-focus ang story sa mag-ex na nagkita uli at ‘yung struggle nila to be together again but all of a sudden, may makikilalang bago si hero at iyon ang makakatuluyan niya. Maguguluhan ang readers n’yan. May mga kwento rin na dalang-dala ka sa buong story tapos ang ending pala, panaginip lang ang lahat. Though it could work, medyo nakakapanghinayang lang kasi parang sinayang mo lang ang oras ng mga mambabasa.
  5.  End on a high note. Hindi naman kailangang may pasabog sa ending. Just make it satisfying. Kahit pa nga hindi happy ang ending mo, p’wede pa rin itong maging satisfying. Pero pero pero! Kung romance ang genre mo, required na happy sila sa ending.
  6.  Surprise your readers. Sabi nga, think about what your readers expect from your ending and then give them the opposite. Siguruhin mo lang na ‘realistic’ pa rin, na konektado pa rin sa nobela. A surprise ending will make your readers want more from you.
  7.  Have 2 or more endings. Look at your ending in different perspectives. Kung ito ang pipiliin mo, ano kaya ang mangyayari? Kung ‘yung isa, paano? This way, you’ll have the chance to ‘feel’ it. Minsan kasi, nasa gut feel na lang ng writer ‘yan, eh. And I think that’s what every writer needs - gut feel.
  8.  Ipaubaya mo na lang sa mga characters mo ang ending. Minsan mas maganda pa ang resulta ng ending kapag ganito. Just let your characters do your job. Sounds crazy? Nah. Because most of the time, writers aren’t the one who control the story but the characters themselves. They have their own lives, trust me and sometimes, it’s best to just put the ending in your character’s hands.
~~

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed