Thursday, June 6, 2019

Paano Nga Ba Ma-Publish?

Gusto kong sagutin na madali lang, magsulat lang at magsubmit sa napiling pubhouse. Pero ang totoo kasi, hindi naman gano’n kadali, lalo na ngayon. So, paano nga ba magkaroon ng published book?

Tatlong paraan: Mag-submit sa mga publishing companies, magself-publish ka o hintayin mong ma-discover ang nobela mo at may mag-offer sa’yo na i-publish ang gawa mo.

Paano mag-submit:
Mas mabuting makipag-ugnayan sa mismong pubhouse kung ano ang requirements. Research. P’wede ka ring sumali sa mga contests.

Usual requirements:
May mga pubhouses na summary lang ng novel ang hihingin, meron namang first chapter lang, meron ring buong manuscript. Merong dapat may teasers na at catch phrases. Kaya dapat, mag-inquire muna bago mag-submit kasi nga, depende ang kailangan sa humihingi.

What’s next:
Maghintay ng feedback. Una, makakatanggap ka ng notification na natanggap nila ang MS mo at paghihintayin ka ng result. P’wedeng weeks, p’wedeng months, p’wedeng years. Real talk na tayo, bes. Huwag mag-expect na kapag nag-submit ka ngayon ng MS ay makukuha mo na ang result in the next few days. No, no. This would take forever. Cheret lang. Hindi naman forever. Kasi, walang forever. Lol

Result:
P’wedeng approved, for revision, o returned. Paano kung approved? Eh di, congratulations! Kung for revision, congrats pa rin kasi ibig sabihin, malaki ang potential mo bilang writer. Basta sundin mo lang ang mga comments ng editor/s, positive na ‘yon. Pero siyempre, hindi naman gano’n kadali mag-revise. Sa totoo lang minsan, mas mahirap pa ang mag-revise kaysa magsulat ng manuscript. Kaya dapat matiyaga ka at mag-ipon ka ng mahabang pasensiya. Paano naman kung returned? Iyak na lang, bes. Haha, okay lang naman umiyak, normal lang naman umiyak lalo na kung hindi natanggap ang matagal mong pinaghirapan, ‘yung ibinigay mo na buong puso mo’t kaluluwa pero hindi pa rin umubra. Umiyak ka pero dapat pagkatapos, move on na. P’wede mong ayusin at isalba ang maisasalba o gumawa ka ng bago. Mas advisable na magsulat ka muna ng bago para makalimot sandali. Fresh start, kumbaga. Then, tsaka mo na lang balikan ‘yung returned mo after many months para makapagtuos uli kayo.

May compensation ba?
Meron, siyempre. Iba-iba rin ito, depende sa pubhouse, kung beterano ka, sikat o baguhan. Pero totoo 'yung sabi ng iba na hindi mo ikayayaman ang pagsusulat. P'wera na lang kung sobrang galing mo siguro o sobrang sikat.

How about self-publishing?
Marami nang indie pubhouses na tumatanggap ng manuscripts. Usually, kailangan mo ng puhunan dito bago mo makita ang pinaghirapan mong nobela na maging libro. Research uli para makapili ng pubhouse/printer na perfect sa ‘yo. Basta FYI, kung akala mo ay shortcut to having a published book ang pagse-selfpub, hindi rin. Bukod sa puhunan, kailangan mo rin ng tiyaga at pasensiya kasi dito, ikaw ang magsisilbing writer, editor, proofreader, designer, etc. Ikaw ang mag-iisip lahat mula sa nilalaman hanggang sa pabalat. P'wera na lang kung may mga kilala kang gagawa no'n para sa'yo, nang libre. S'werte.

Gusto mong maghintay ma-discover ang nobela mo, paano na? Tatlong bagay: Una, preferred na maganda ang nobela mo. Pangalawa, dapat marami kang followers. Pangatlo, dapat either sikat ka or sikat ‘yung story mo kasi hindi naman madi-discover 'yan kung hindi napag-uusapan, diba? P’wedeng ‘yung una, p’wede ring ‘yung pangalawa o ‘yung pangatlo. Mas mahusay kung all of the above.

Ayan. Kaya matulog na lang tayo. Lol

No comments:

Post a Comment

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...