Monday, June 17, 2019

Perks of Dating a Writer

1. Ang mga writers, sanay maghintay. Kahit hindi mo sabihin na maghintay sila na mahalin, automatic na ‘yon. Hihintayin ka nila hanggang sa dulo.

2. They are passionate. Kapag sila, nagmahal, tagos hanggang puso at minsan hanggang bone marrow pa. At kung suswertehin, sobra silang passionate to the point na mao-obsessed na sila sa ‘yo. Sarap, diba? Lol

3. Sa bahay lang, sapat na. Dahil madalas ay sa bahay lang sila nagsusulat, nagri-research at nagpo-procrastinate (oo, kasama ‘yan), hindi mo kailangang mag-worry kung nakasakay ba sila o nakauwi na ba o may nakilala bang iba sa hintayan ng jeep. At higit a lahat, tipid. Dahil hindi mo kailangang masyadong mag-effort bumiyahe para lang mapasaya siya. Dalawin mo lang sa bahay, dala ka food, solve na.

4. They are naturally romantic - hopeless romantic nga ang karamihan. Love letters? They got you covered! Gagawan ka nila ng tula na para sa iyo lang at handa silang gawin ang lahat para lang maiparamdam nila sa ‘yo kung gaano ka nila kamahal. Oo, madalas, corny sila pero hayaan mo na lang. Kaligayahan nila ‘yon, eh.

5. They have interesting personalities. Oo, medyo papunta na sa ‘weird’ pero at least, interesting. Magiging makulay ang buhay mo sa kanilang piling.

6. They will take care of your cold nights. Romantic, passionate. They know ‘things’ that will make you crave for more. Enough said.

7. You will be a hero - in her novel, at least. Huwag na huwag ka lang magkakamaling saktan siya kung ayaw mong ma-hero to villain real quick. Totoo ‘yung kapag nagmahal ka ng writer at minahal ka niya pabalik, you will be forever immortalized. Isasama at isasama ka niya sa nobela, kahit pa nga extra lang.

8. Kapag nagmahal ka ng writer, hindi lang love ang ibibigay n’ya sa’yo. Pati service sa translation, proofreading, editing at iba pang kailangan mo. At lagi silang handa na i-correct ang spelling mo at grammar. Oh, saan ka pa?

9. Loving a writer is like loving different individuals at the same time. Makulit kasi sila, mabait, salbahe, maingay, tahimik, humble, mayabang, iyakin, matapang, duwag, clingy, aloof. Lahat na. Kaya kapag writer ang minahal mo, masusubukan ang ang tapang mo, lalo na tibay at tatag ng iyong pananampalataya. At kung sakaling mauwi kayo sa breakup, mas handa ka na sa susunod dahil daig mo pa ang nag-workshop on how to handle difficult relationships.

10. Sanay sila sa rejection. Kapag minahal ka ng writer, hindi ka nila basta-basta susukuan. Iisip sila ng isang daan at isang paraan para mahalin mo sila uli at iisip uli ng isang daan at isang dahilan para manatili.
~~

No comments:

Post a Comment

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...