Thursday, June 20, 2019

Rhythm

Rhythm is probably one of the most complex elements in writing. Paano nga ba natin malalaman kung may rhythm ang sinusulat natin o paano natin matututunan ang rhythm? Mahalaga ba talaga ito? This post is just about how to find your rhythm if you still don’t have it. Hindi ko na ie-explain ang meaning dahil marunong naman tayong mag-research since mga writers naman tayo. Also, wala akong masyadong alam sa teknikal na aspeto nito haha. 

Hindi ba kapag nagbabasa tayo ng nobela, mas nakaka-engganyo kapag maganda ang pagkakasulat? ‘Yun ang rhythm. Choosing the right words and putting them together, in their right places. 

Parang tula, parang kanta. Madaling basahin ang isang nobela kapag maganda ang rhythm. Walang effort, masarap sa tainga. Sa rhythm madalas nagkakatalo ang mga nobela. May writer na madaling ‘basahin’ kasi maganda ang rhythm ng kwento niya. Pero meron ring maganda nga ang plot, interesting ang mga characters, exciting ang bawat chapters pero walang dating kasi, walang rhythm. Isa rin ito sa mga hinahanap ko sa  mga nobela na babasahin. Kapag hindi ko maramdaman ang mga letra't mga pangungusap, nahihirapan akong ituloy ang pagbabasa.

So, paano mo malalaman kung may rhythm ang sinusulat mo? Isa lang ang pinakamadaling paraan para rito. Basahin mo nang malakas ang nobela mo o maghatak ng kaibigan na p’wedeng magbasa para sa iyo. You might not be able to identify it at first but as you go along, mararamdaman mo na lang na unti-unti mo nang ‘naririnig’ ang rhythm mo. Kaya mahalaga na magbasa nang magbasa ng iba’t-ibang nobela na gawa ng iba’t-ibang writers. This way, you’ll familiarize yourself with different styles and rhythms. In the long run, magiging natural na lang sa’yo ang lahat. 

Paano magkakaroon ng rhythm? Practice, lots of it. The more we write, the better writers we become. It takes time and a lot of hard work but soon enough, made-develop na atin ang ‘ear’ for rhythm at kapag nangyari ‘yon, mas magiging madali na ang lahat. Cheret. SIyempre, hindi lahat. Seriously, kapag natutunan mo na kung paano magkaroon ng rhythm, mas magiging enjoyable ang pagsusulat. Nakaka-frustrate lalo na sa simula pero once you get the hang of it, fulfilling na. 

~~

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed