Saturday, June 8, 2019

So You Think You're A Writer?

Oo nga, mahusay kang maghabi ng mga salita, magaling kang magpakilig, magpaiyak at magpatawa. Maganda ang mga nabubuo mong ideya at naisusulat mong nobela. Pero ang tanong, kaya mo ba talagang pangatawan ang pagiging isang maging writer? 

Hindi ka bagay maging writer kung -

1. Ayaw mo ng kritisismo, hindi bagay sa iyo ang maging writer. Once you put your works out there, someone is going to read it and whether you like it or not, there will always be negative comments about it. Sabi nga, kung ayaw mo ng kritisismo, huwag mong i-post ang gawa mo online. Simple.

2. Kung balewala lang sa’yo ang feedback at komento ng editors. ‘Yung tipong kibit-balikat lang at hindi susundin ang suggestions mula sa editors. Kasi feeling mo, magaling ka at maganda ang nobela mo na hindi na kailangan ng anumang pagbabago o improvement. Oo, mahalaga sa atin ang bawat salita sa nobela natin pero ang editor ay naging editor dahil may mas alam sila kaysa sa atin.

3. Kung hate na hate mo ang editing, rewriting at research. Tandaan, writing is researching. Writing is editing. Writing is rewriting. At kung naiinis ka to the point na gusto mo nang mag-give up sa tuwing kailangan mong mag-edit, mag-rewrite at mag-research, hanap ka na lang ng ibang mapagkakaabalahan.

4. Kung parati mong pinipilit ang sarili mo na makaisip ng magandang ideya para sa isinusulat mo. Though this is a good thing dahil ibig sabihin lang ay pursigido ka sa pagsusulat, kung palagi mong pinipilit, mas magiging frustrating. Writing should come natural.

5. Sa halip na saya at kilig, stress ang nararamdaman mo tuwing nagsusulat. Alam nating lahat na mahirap ang magsulat at dapat expected mo na ‘yon. Pero kung tunay kang writer, dapat hindi lang hirap ang dulot nito sa’yo. Writing should make you feel accomplished and happy. It should give you the ‘high’.

6. Nagsusulat ka lang ba para magyabang? Kung gano’n, hindi ka dapat maging writer. Writing isn’t just a profession. It’s art, it’s passion. Bakit ka nga ba nagsusulat? Para sumikat? Para magpapansin sa crush mo? Para maki-bandwagon? Kung nagsusulat ka para lang magpa-impress o dahil sa tingin mo ay ‘cool’ o ‘astig’ o ‘romantic’ ang pagiging writer, baka gusto mo munang mamundok at mag-soul searching. Ngayon, kung nagsusulat ka kahit mahirap, masakit at masalimuot, siguro nga, writer ka.

7. Natatalo ka ng inggit at kinakain ng insecurities. Sa totoo lang, normal lang naman ang mainggit at ma-insecure, diba? P’wede mo kasing gawing motivation ang inggit na ‘yon para i-improve ang craft mo. Inggit ka kay ganito dahil ang galing gumawa ng nobela - mag-aral ka pa para mahasa ang galing mo para maging katulad niya. Pero kung sobra ka nang nai-insecure to the point na gusto mo nang tumigil sa pagsusulat, siguro nga, oras na para tigilan ang lahat.

8. Na-o-offend ka kapag na-reject ang manuscript mo. Hello, lahat ng writers, nakakatanggap ng rejection, kahit pa ‘yung mga beterano at mga magagaling. P’wera na lang siguro kung sobra kang sikat. Cheret. Seriously, walang pinipili ang rejection. Ma-reject lang ng isang beses, give up agad? Ang tunay na writer, hindi basta-basta sumusuko! Ano ang gagawin kung ma-reject ang MS? P’wede mong i-submit sa ibang pubhouse ang gawa mo o i-revise mo ang MS mo according to the comments/suggestions of the editors. P’wede ring itago mo at ibaon muna sa limot. Tapos, gawa ka ng bago.

9. Kung tingin mo, lahat ng isinusulat mo ay pangit, hindi ka tunay na writer. Normal lang na magkaroon ng self-doubt every once in a while pero ‘yung napapangitan ka sa lahat ng sinusulat mo, eh baka nga pangit ang sinusulat mo. Ngayon, kung tingin mo ay hindi worth basahin ang nobela mo, siguro oras na para i-improve ang craft mo.

10. Bulag ka sa kahinaan mo at pagkakamali. Alam mo ‘yung sabi nila na only bad writers think they are good? Ayun. Kung sa tingin mo ay lahat ng sinusulat mo ay maganda, hindi ka tunay na writer. Kahit sino’ng writer, dumaan sa pagsusulat ng ‘basura’. Nagsisimula naman lahat sa gano’n at kung feeling mo, wala ka pang ‘basura’ na naisusulat, isip-isip rin.

Hindi porque marunong kang magsulat, ibig sabihin ay magiging matagumpay ka nang manunulat. Real talk. Being a writer is not just about having the knack for writing because it is so much more. Siguro, okay lang ito kung hobby lang talaga ito para sa iyo at nagsusulat ka para lang magkaroon ng outlet. This is actually ‘ideal’. Pero kung may iba pang dahilan kung bakit gusto mong maging writer - sumikat, yumaman o magpakitang-gilas pero ayaw mo namang tanggapin ang mga kaakibat na hirap at responsibilidad ng pagiging writer, hindi ka bagay maging writer.

No comments:

Post a Comment

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...