Quote of the Day

The idea of me is better than the reality of me. - Verity

Monday, June 3, 2019

The Girl From The Coffee Shop 1 Chapter 4

BENJAMIN tried to visit his uncle as often as he could. Lumaki siya na ito ang kasa-kasama lalo na’t masyadong abala ang kanyang ama sa mga negosyo. Hindi siya mahilig sa sining at wala siyang alam tungkol dito pero natutunan niya ang mag-appreciate ng art at siya ang nangunguna nitong tagahanga.

“Mabuti naman at dinalaw mo ‘ko,” natatawang bati ng kanyang Tito Victor. Maliit ito’ng lalaki, medyo maputi na ang mahabang buhok. Sa unang tingin pa lamang ay alam mo nang isa itong artist.

“Kumusta po? Nanatiling nakatayo si Benjamin habang tinitingnan ang kabuuan ng lugar. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakapunta sa opisina’ng iyon at marami na ang nagbago sa lugar, marami nang nadagdag sa mga paintings at mga bagay-bagay na kinokolekta ng tiyuhin. Nilingon niya ito nakita’ng nagsusulat ng kung ano sa luma nitong kuwaderno.

“Heto, buhay pa naman.”

Si Victor at ang ama ni Benjamin ay magkapatid sa ina. Dalawa lamang ito’ng magkapatid at magkasundo naman sa lahat ng bagay, liban na nga lamang sa piniling propesyon at buhay.  Business-minded ang ama ni Benjamin at mataas ang pangarap samantalang kabaligtaran nito si Victor na pinili ang sining kaysa sa anumang tagumpay at kontento na sa simpleng buhay.

Ikaw, Benjamin, kumusta?”

“Wala pa rin po’ng pagbabago.” Ang pagiging abala ang tinutukoy niya. Hindi na iyon lingid sa kaalaman ng kanyang tiyuhin, na kahit sa bahay ay trabaho pa rin ang inaasikaso niya.

Napailing ito at inalis ang salamin sa mata. “Kawawa ka naman.”

Natatawa si Benjamin sa tuwing sinasabi iyon ng kanyang Tito Victor. Minsan tuloy, hindi niya maiwasan na kaawaan na rin ang sarili. Para kasing sirang plaka ang buhay hiya, paulit-ulit, araw-araw. Umiikot lamang ang mundo niya sa apat na sulok ng kanyang opisina.

Pero alam niyang wala rin naman siyang pagpipilian dahil wala namang ibang puwedeng gumawa ng trabaho niya. At nasa kanya naman ang lahat, wala na siyang mahihiling pa. Sabi nga ng marami, any man would definitely want to be in his shoes – a good looking multimillionaire, the most sought-after bachelor.

“Kailan ka ba kasi mag-aasawa? Para naman maiba-iba ang buhay mo.”

Natawa siya. “Wala po ako’ng oras.”

Tumayo si Victor at naghanda ng kape. “Benjamin, ang pag-ibig, hindi hinahanapan ng oras. Dapat, iyon ang buhay mo.”

Posible pa ba sa panahon ngayon ang makapag-asawa nang dahil lamang sa pag-ibig? Napailing siya.

“Benjamin, mahirap ang tumandang nag-iisa.”

“Eh bakit po kayo?” natatawa niyang tanong.

“Kaya nga, ako na ang nagsasabi sa iyo na mahirap ang tumanda nang mag-isa. At least ako, masasabi ko na naranasan ko na ang magmahal ng totoo. E ikaw?”

“Alam n’yo naman po na mahirap ‘yon sa sitwasyon ko.”

Napailing si Victor. “Walang mahirap, walang imposible sa tao’ng nagmamahal.”

Siguro nga, pero mahirap pa rin iyon para kay Benjamin. Siguro dahil na rin sa hindi pa nga talga siya nagmahal. Tiningnan siya ni Victor nang bigla siyang tumahimik. Nakapatitig siya sa isang painting na nakasandal sa isang upuan, na hindi pa nito naiaayos.

“Maganda, hindi ba?” isa iyo’ng water color na sunset ang tema. “Evangelista ‘yan.”

Kilalang-kilala na niya si Evangelista ayon sa mga kuwento ng tiyuhin niya. parati nitong pinagmamalaki ang talent ng magaling nitong estudyante na miyembro ng art gallery nito. At sabi pa nito, malayo ang mararating ng bata’ng pintor at malamang na ito ay sumunod sa mga yapak nito bilang isang mahusay at respetado’ng artist.

“Naalala mo ‘yung ibinigay ko sa iyo na painting noong nakaraang taon? Evangelista rin iyon.”

Saglit na nag-isip si Benjamin. Tumango siya kahit wala siyang naaalalang ibigay nito sa kanya noong nakaraang taon.

“Hindi mo pa siya nakikilala?”

Umiling siya at muling tiningnan ang painting. No doubt, the artist has the talent. At sa lahat ng narinig niyang mga kuwento tungkol dito mula sa kanyang tiyo, siguradong magaling nga ito. Hindi basta-basta nakukuha ng kahit sino lang ang respeto at paghanga ng isang Victor Diestro – at nakuha ito ng Evangelista’ng iyon. And taht made him interested in meeting the artist.

But meeting his uncle’s so-called protégé is probably the last thing in his mind.

~~

PAGDATING na pagdating niya sa opisina kinaumagahan ay ang magandang mukha agad ni Maya ang bumungad sa kanya. Gusto niyang humingi rito ng tawad pero parating sumasalungat sa plano niya ang nangyayari sa tuwing nakikita niya ito.

Seryoso niyang tiningnan ang dalaga habang palapit ito sa kanyang mesa at ilapag roon ang kanyang kape. Mula sa couch kung saan nakaupo si Jeff ay tumayo siya at nilapitan ito. Hinubad niya ang kanyang blazer at isinabit iyon sa sandalan ng upuan bago tuluyang naupo.

“How are you?”

Hindi siya nito pinansin kaya tumayo siya at nilapitan ito. Nanatili lamang itong nakatayo sa harap niya, nakayuko.

“Ang aga-aga, nakasimangot ka.”

“W-wala naman po akong dahilan para ngumiti.”

Tiningnan niya ito nang mabuti dahil hindi niya inaasahan na sasagutin siya nito sa pagkakatao’ng iyon dahil sa buong isang linggo niyang pangungulit riot ay nanatili lamang itong tahimik. Pero hindi ngayon. “So, kailangan mo pa pala ng dahilan ngayon para ngumiti?” inilapag niya ang hawak na mga papeles sa mesa. “Ano naman ang dahilan at ganoon na lang kung ngitian mo si Mr. Hernandez?”

Muli, hindi ito umimik.

“By the way, I’ve got no plans this evening,” pagkadaka’y sabi niya. “You want to go out on a date with me, right? So, your place or mine?”

Nakita niya ang pamumula ng mukha nito at sa tingin niya, kung wala roon si Jeff ay malamang na nakatikim na siya ng sampal mula rito. Tiningnan muna siya nito ng masama bago tuluyang lumabas ng kanyang opisina.

“Ano na naman ang ginawa mo?” tanong ni Jeff nang wala na si Maya. Napansin kasi nito ang nakasimangot na mukha ng dalaga.

Hindi siya sumagot at ipinagpatuloy lang ang ginagawa. Naupo si Jeffrey at nakangiti siyang tiningnan.

“Why don’t you just admit that you like her?”

“Come on, I don’t like Maya.”

“So why do you keep on bothering ‘Maya’?”

“I’m not bothering her.”

“Yes, you are. And that’s because you like her,” sabi ni Jeff bilang sagot sa sariling tanong.
Tumayo si Benjamin at dinala ang kape sa may receiving area. “Of course not.”

“Why don’t you ask her out nicely and get it over with?” sabi ni Jeff.

Tiningnan niya ang kausap. “I can’t just ask a barista out on a date.”

“Eh di inamin mo rin na gusto mo siyang i-date, nahihiya ka lang dahil barista siya ng coffee shop ng building mo.”

“Wala akong sinasabi’ng ganyan,” depensa niya.

“So, ano ba talaga ang gusto mong sabihin? If I were you, I’d ask her out on a date. Just one date, Benjamin. Para matapos na ‘yang obsession mo,” seryosong sabi ng pinsan. “Then you decide whether you want to pursue her or not.”

~~

KUNG hindi lamang iyon dahil sa imbitasyon ng kanyang Tito Victor ay hindi siya dadalo sa Charity Exhibit na iyon, kahit pa nga sabihin pang magandang imahe iyon para sa kanilang korporasyon.

Iginala ni Benjamin ang mga mata sa kabuuan ng exhibit hall na katabi ng pool area ng hotel. Marami nang tao roon – mga prominenteng tao, karamihan ay mga kasosyo nila sa negosyo, dati niyang mga ka-eskwela, mga dating kaibigan, mga dating kaaway, pati mga kalaban sa negosyo. Naroon rin ang ilan niyang malalaki’ng kliyente sa firm, mga celebrities, mga politiko, mga kritiko at mga artists.

Kumuha siya ng wine sa dumaa’ng waiter pagkatapos makipagbalitaan sa isang kaibigang matagal na niyang hindi nakikita. Kasama nito ang ex-girlfriend niya.

He suddenly thought of Anne. Matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita dahil pareho silang abala sa kani-kanilang trabaho. They used to date for almost a two years, but not exclusive. Nothing serious. Anne has her own clothing line and was known as one of the young talented designers, as well as one of the famous models in the country. Beautiful, smart and rich. And shes aware of it. She loves the attention, the fame, the glamour.

Muli siyang naglakad-lakad palayo sa karamihan ng tao. Kailangan niyang makita ang Tito Victor niya para makapagpaalam na. Bumalik siya sa loob matapos maubos ang iniinom. Nginingitian niya, tinatanguan at kinakamayan ang sinumang kakilalang makasalubong niya papasok ng exhibit hall. Lumingun-lingon siya, nagbabakasakaling mamataan ang tiyuhin, hanggang sa mapadako ang kanyang tingin sa bahaging iyon ng hall.

The young woman was laughing about something her friend had said. Bahagya pa siyang lumapit sa kinatatayuan ng grupo’ng iyon para mas makita ito nang mabuti. She has long wavy hair. She looks familiar though he couldn’t figure out where he had seen her. The girl was attractive, no doubt about it. And he couldn’t just stand there and just look at her. He had to come up to her and introduce himself, invite her to dinner, ask her number or whatever.

The girl looked so young and fresh with her strapless little black dress paired with red stilettos. It was a formal gathering and she carried herself well with the distinctive outfit she’s wearing. Her dress was simple, he had seen lots of women wearing that style but there was something about her that made her look fascinating.

“Hi,” bati niya.

Bigla itong humarap sa kanya, pati na ang mga kausap nito. And she looked so surprised seeing him.

Ngumiti siya ng isa sa pinakamaganda niyang ngiti. “Good evening.”

She didn’t even smile. She just stood there, looking at him blankly.

“Is there by any chance that we’ve met before?” Hindi iyon pickup line. Now that she’s in front of him, face to face, the lady really looked familiar. He’s certain, he had seen her somewhere before.

Walang tugon, at hindi maganda ang ibinigay nitong tingin sa kanya.

That’s when Benjamin stopped cold. That is why the girl looked so familiar. Hindi siya maaaring magkamali sa mga magagandang mata’ng iyon. At siya naman ngayon ang hindi nakakibo. Nanatili lamang siyang nakatingin sa dalaga, hindi makapaniwala. Hindi alam ni Benjamin kung ano ang mararamdaman. Seeing this lady in this place was the last thing in his mind.

“H-hi, I...didn’t recognize you. Y-you look so... Kumunot ang noo ng kaharap, hinintay ang susunod niyang sasabihin. You look so...” So...beautiful? So...charming? So...attractive? Umiling siya dahil hindi niya iyon maaaring sabihin. “You just look so...different.

Pilit na ngiti ang itinugon ni Maya sa kanya. At muli katahimikan. Pero maingay sa paligid nila – mga tawanan, mga nag-uusap, kasabay ng magandang tugtog ng piano.

“What are you doing here?” hindi napigilang tanong ni Benjamin nang tuluyan nang tumahimik si Maya. Alam niyang nagtataka rin ito kung bakit siya naroon pero mas nagtaka siya kung ano ang ginagawa ng isang tulad ni Maya, na isang barista sa ganoong pormal na pagtitipon.

“Kayo, ano’ng ginagawa ninyo rito?” balik nitong tanong.

Napangiti siya. “My company just happens to be one of the major sponsors of this exhibit. Tama lang siguro na narito ako. How about you?”

“I was invited by Mr. Diestro,” simple nitong tugon. Sa wakas ay ngumiti rin si Maya ng isang matamis na ngiti, na noon lamang nakita ni Benjamin.

“Mr. Victor Diestro?” gulat niyang tanong, na gustong makasiguro kung tama nga ba ang dining niya. “And how did you know him?” Tiningnan niya ang dalaga sa harap niya. Mahirap paniwalaan na kakilala nga nito ang isang Victor Diestro dahil isang coffee shop staff lamang naman ito. “Are you sure you know Mr. Victor Diestro? How did you know him?” sunud-sunod niyang tanong. Nakatingin siya rito habang tila may hinahanap sa di kalayuan. Hindi pa rin ito tumugon at bigla na lamang lumiwanag ang mukha nito at ngumiti. Ilang sandali pa ay nakita niyang palapit sa kanila ang kanyang tiyo, si Maestro Victor Diestro.

“Benjamin, kanina pa kita hinihintay, buti nakarating ka.”

Ngumiti si Benjamin at kinamayan ito. “Congratulations po,” sabi ni Benjamin. Hindi man sabihin, alam ni Maya na ikinukubli nito ang pagkabigla sa pagkakita sa kanya. May mga lumapit sa kanilang ilang tagahanga ni Maestro Diestro para batiin ito kaya naman ilang sandali rin silang natahimik.

“By the way, have you met Evangelista?” tanong ng matanda pagkaalis ng mga tagahanga nito.

Umiling si Benjamin. “He’s here?

“Actually, Evangelista is a she.” Halatang-halata sa mukha ni Benjamin ang pagkabigla, na dahilan para matawa ang Maestro. “Benjamin, this is Evangelista. Maya Evangelista, one of the most promising artists we have.”

Nanatili lamang na nakatingin si Benajmin Contreras kay Maya.

“Maya, this is Benjamin Contreras III,” pagpapakilala ni Mr. Diestro kay Benjamin sa dalaga.
Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang Engineer Benjamin Contreras III? Bahagya itong ngumiti. This night was probably one of the best nights she could possibly have. Napakasarap tingnan ng mukha ni You-know-who na tila nakakita ng multo.

Ininom ni Maya ang natitirang lamang wine ng baso pagkaalis ni Mr. Diestro. Hindi nito makuhang tingnan ang binata - na weird dahil noon, buong buhay nito ay gusto lang niyang tiitgan si Mr. Contreras. Pero ngayong nasa harap na niya ito ay hindi niya iyon magawa.

“I never imagined you as an artist,” biglang sabi ni Benjamin.

And she never imagined Benjamin being related to her mentor. Hindi ito tumugon at nagpatuloy lang sa pagtingin-tingin sa paligid. She knew that Benjamin was trying to make a conversation and she didn’t like it.

May mga lumapit sa kanila ni Benjamin at kinausap ang binata. Mabuti na rin iyon, sabi ni Maya sa sarili dahil hindi na nito kaya ang makipag-usap rito. Pagkaraan ng ilang segundo, sa gitna ng pakikipag-usap ni Benjamin sa mga elitista’ng iyon ay minabuti na ng dalaga na umalis. Namataan nito sa di kalayuan si Emman, na akala nito ay hindi na makakarating.

~~

PUMASOK na sa exhibit hall si Benjamin nang makakuha ng tiyempo na makaalis sa grupong iyon para tingnan ang mga paintings, lalo na ang ilang gawa ni Maya Evangelista. Lahat ng iyon ay watercolor. He heard from his uncle that watercolour technique is one of the most  complicated, at kahanga-hangang nagagawa iyon nang mahusay ni Maya.

“There you are.”

Nagulat siya nang akbayan siya ng kanyang Tito Vic. Kapwa nila pinagmasdan ang painting na iyon ni Maya – sunset, isa sa pinakamalaki at pinakamahal na art piece sa buong exhibit. Umiling-iling si Benjamin at tiningnan ang iba pang paintings doon. Kasunod niya si Maestro Diestro sa paglalakad.

“Alam n’yo ba na sa coffee shop siya ng The Forum nagtatrabaho?”

“Sino?” taka nitong tanong.

“Si...Evangelista.”

Tumangu-tango ito. “Alam kong sa coffee shop siya nagtatrabaho pero hindi niya nasabi na sa The Forum mismo.”

“She’s actually the one who delivers coffee in my coffee every morning.”

“Well, you must be very proud. Isang napakahusay na artist ang nagdadala sa iyo ng kape.”

Must he be proud? Hindi niya alam. “I have no idea that she’s an artist.” And a very good one at that.”

“At least, now you know,” natatawang sabi ni Victor. “She’s going to be famous someday, if she wanted to.”

Walang duda roon, naisip ni Benjamin. Tinapunan niya ng tingin ang dalaga sa di kalayuan. This is too much for him for just one night. The thought of seeing her in this event is quite a shock already. At ngayon, malalaman pa niya na ang dalaga na nagdadala sa kanya ng kape sa opisina tuwing umaga at ang mahusay na artist na parating laman ng mga kuwento ng Tito Victor niya ay iisa.

Nakita niya si Maya na saglit na lumayo at may sinalubong na isang lalaki na pamilyar sa kanya. Mula sa kinatatayuan ay dinig niya ang tawanan ng mga ito.

“I-is that her boyfriend? Hindi napigilang tanong ni Benjamin.

Nagkibit-balikat lang ang matanda.

Siguro nga. Ito ang lalaki na madalas niyang makita na nagpupunta sa coffee shop na kausap ni Maya. “So, why does she work at a coffee shop? You always say that she’s got great potential, and she’s from a very good university. Hindi niya kailangang magtrabaho sa isang coffee shop.”

“Simple lang kasi siya. Kuntento na at masaya na siya sa pagpipinta.”

“Wala ba siyang ibang pangarap sa buhay?”

“Ito na siguro ang pangarap niya. She lives in a day-to-day basis. Hindi niya masyadong iniisip ang bukas. Bakit mo nga naman sasayangin ang buhay sa kaka-plano ng bukas kung hindi ka naman masaya sa ngayon mo?”

“Mahirap yata ‘yon,” kumento ni Benjamin.

“Para sa mga tulad mo, talagang mahirap. But she’s an artist. She sees life from a different perspective.”

Tumangu-tango si Benjamin. “Just like you.”

“Just like me,” nakangiti nitong sabi.
~~

5 comments:

Popular Posts