Quote of the Day

The idea of me is better than the reality of me. - Verity

Tuesday, June 4, 2019

The Girl From The Coffee Shop 1 Chapter 5


“MAYA!”

Nilingon niya iyon at nagulat nang makita ang isang itim na BMW na huminto sa harap niya. Sinilip niya ang nasa loob at lalong nagulat nang makilala kung sino ang nasa likod ng manibela. Nang matapos na ang exhibit ay nagpaalam na rin siya kay Maestro Diestro para makaiwas na rin kay Engr. Contreras at pagkatapos ay narito ito ngayon, nakasunod sa kanya.

“Sumakay ka na, ihahatid na kita.”

Tuloy lang sa paglakas si Maya, tinitiis ang masakit na paa dahil sa mataas na taking ng sapatos na suot niya pero pilit pa rin siyang sinasabayan ng kotse. Marami ring tao ang kasabay niyang naglalakad, na tumitingin na sa kanila.

“Sabi ni Uncle Vic, ihatid raw kita...Maya, please, sumakay ka na,” pilit ni Benjamin. Sunud-sunod na ang kulog at kidlat na nagbabadya ng malakas na ulan. “Baka abutan ka pa ng ulan.”

Bago pa tumingala si Maya para tingnan ang madilim na langit ay bumuhos na ang ulan. Bumukas ang pinto ng kotse sa harap niya kaya wala siyang nagawa kundi ang mabilis na pumasok doon.

Napapangiting pinaandar ni Benjamin ang sasakyan. “Papasok rin pala, ang dami pang arte,” mahina nitong sabi. “So, where’s your boyfriend? Bakit ka niya iniwang mag-isa’ng umuwi?” tanong nito.

Si Emman ang tinutukoy ni Engineer, alam iyon ni Maya. Hindi siya kumibo. Tiningnan lang siya ni Benjamin nang hindi niya iyon salungatin. Nagsimula nang lumala ang trapiko dahil na rin sa biglaang pagbuhos ng ulan.

“So, is he your boyfriend?”

Bahagya siyang umiling.

“You don’t have a boyfriend?”

Muling umiling si Maya. Tahimik lang siya habang binabagtas nila ang daan. Nakatingin lang siya sa bintana, sa mga tao’ng pilit iniiwasang mabasa na nagtatakbuhan sa gitna ng malakas na ulan. Tiningnan ni Maya ng binata na nakaharap sa kalsada at seryoso sa pagmamaneho.

Sa buong biyahe ay wala ni isa man sa kanila ang nangahas na magsalita. At malakas pa rin ang ulan nang marating nila ang apartment ni Maya. Hindi niya alam kung paano bababa at lalabas ng kotse sa sobrang lakas ng ulan. At bago pa man niya buksan ang pinto at pangahasing bumaba ay mabilis na kinuha ni Benjamin ang itim na payong sa likod ng upuan. Tiningnan lamang siya ni Maya nang lumabas ito. Binuksan pa nito ang pinto para sa kanya at maagap siyang pinayungan.

Hindi alam ni Maya na may kakayanan pala ang isang Engr. Benjamin Contreras III na maging gentleman. Kung iba lang siguro ang sitwasyon, malamang ay kinilig na siya. Magkasukob na patakbo nilang tinungo ang pinto ng kanyang apartment, manaka-naka ang pagtatama ng mga braso. Isinara ni Benjamin ang payong at isinandal sa pader. Kinuha niya ang susi sa maliit niyang bag at binuksan ang pinto habang iniisip kung paano paaalisin ang binata.

Nang sa wakas ay mabuksan niya ang pinto ay tiningnan niya si Benjamin. Nakatayo pa rin ito, basa’ng-basa dahil sa lakas ng ulan.

“Aren’t you gonna invite me in?”

Ang sama naman niya kung sasabihin niyang hindi. Dahil kung hindi siya nito inihatid sa apartment, malamang ay naroon pa rin siya sa gitna ng daan na parang basa’ng sisiw na naghihintay ng taxi. So, as a token of appreciation, pinapasok niya ito.

Hindi niya alam pero sa tuwing tinitingnan siya nito at nginingitian ay parang nawawala ang galit niya rito at nanunumbalik na naman ang damdamin niya para rito. Biro lang, asar pa rin siya sa tao’ng iyon.

Sumunod si Benjamin sa kanya papasok ng apartment. Binuksan niya ang ilaw at muling isinara ang pinto. Lalong lumakas ang ulan, kasama ng malakas na hangin. Nang tingnan niya ang bisita, naghuhubad na ito ng nabasa’ng coat habang matamang nakatingin sa kanya.

Nanatiling nakatayo lamang si Maya sa may pinto. Ipinatong ni Benjamin ang coat sa ibabaw ng mesa nang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Naisip ni Maya, hindi yata tama na pinapasok niya ang binata sa apartment. Malaking problema iyon kapag nagkataon.

And before she knew it, lumapit na ito sa kanya.

“Ah...coffee po?” kinakabahan niyang tanong, para lamang mabasag ang katahimikang iyon. Nasa harap na niya si Benjamin, malapit na malapit sa kinatatayuan niya.

“Sure.”

Hahakbang na sana siya pero hinarang siya nito at pinigilan. Katulad ng nangyari’ng komprontasyon sa opisina ni Benjamin noon, hindi niya magawang makaalis. Nakatitig lamang ito sa kanya at nabigla siya nang hawakan siya nito sa magkabilang balikat. Pinilit ni Maya na kumalma pero hindi iyon madali lalo pa’t napakalapit nila sa isa’t-isa.

“A, i-ipagtitimpla ko po kayo ng kape.”

“Kiss me first.”

Napalunok si Maya. Hindi niya alma kung nagkamali lang siya ng dinig. Itatanong sana niya kung ano ang sinabi nito pero lalo itong lumapit at wala na siyang nagawa kundi ang mapapikit nang tuluyan na siya nitong halikan nang mariin sa labi.

“M-Maya...”

Hindi niya magawang idilat ang mga mata dahil hindi yata niya kayang makipagtitigan sa binata. Abot hanggang langit ang kaba niya at kung anu-ano na ang tumatakbo sa utak niya.

“Maya, are you okay?”

Dahan-dahang iminulat ni Maya ang kaliwang mata, at isinunod ang kanan. Pero ang inaasahan niyang guwapong mukha ng binatang nakatitig sa kanya ang makita ay wala. Inilapag ni Benjamin ang coat sa mesa at tiningnan siya nito. Naroon pa rin ang binata sa sala, habang siya ay nakatayo lamang roon sa pinto, tulala na parang natuklaw ng ahas.

“Maya?”

Nang matauhan siya ay mabilis siyang nagtuloy sa kusina. Naupo si Benjamin at inilibot ang mga mata sa kabuuan ng kanyang apartment. Simple lamang iyon, malinis at maliit. Siguro, mas malaki pa ang living room sa bahay ng binata kaysa sa kabuuan ng tinitirahan niya.

Anak ng tinapa, nawala ako sa sarili. Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko ang gano’ng senaryo. Hindi maganda. Pero naman, tao lang ako at kahit ikaw ang nasa sitwasyon ko, hindi mo iyon maiiwasan. Sigurado ako.

Huminga muna siya ng malalim bago muling humarap sa bisita. Iniabot niya ang dalang kape kay Benjamin.

“Salamat.”

“I-ikukuha ko po kayo ng tuwalya.”

Nang pumasok siya sa kuwarto ay sumilip siya sa bintana. Mukhang magtatagal pa ang ulan na iyon dahil manaka-naka pa rin ang pagkulog. Pagbalik niya ay inilapag niya ang tuwalya at isang puting T-shirt sa mesa nang walang sinasabi.

Natural lang naman ‘yon, hindi ba? Hinatid niya ako sa apartment, nabasa siya ng ulan. The least I could do was to lend him a towel and a shirt.

Naupo si Maya sa pnag-isahang upuan na pinakamalayo kay Benjamin at muling tumingin sa labas. Hindi siya makapaniwalang nasa apartment niya ngayon si Engr. Contreras. Siguradong hindi maniniwala si Pam kapag ikinuwento niya ang pangyayari nang gabing iyon. Hinubad ni Benjamin ang suot na long sleeves at inilapag kasama ng coat sa mesa. Nakita iyon ni Maya at hindi niya napigilang mapatingin.

Oh my God. May isang lalaki na naghuhubad sa loob ng apartment ko. Inaamin ko na noon, madalas akong mangarap ng ganoo’ng eksena at ngayong nangyayari na iyon sa harap ko, hindi ako makapaniwala. Nananaginip ba ako?

“P’wede ka nang tumingin,” natatawang sabi ni Benjamin nang maisuot niya ang puting T-shirt na pinahiram niya.

At dahil doon ay pinamulahan siya ng pisngi. Tumayo siya at kunwari’y may tinanaw sa labas. Kung bakit ba naman kasi hindi niya maiwasan ang pamumula ng pisngi.

“I think I better go,” narinig niyang sabi nito. Kinuha nito ang basa’ng coat at long sleeves bago tumayo.

Hindi magawang lumingon ni Maya dahil alam niyang nasa tabi na niya ito, malapit na malapit lamang sa kanya. At ilang sandali pa ay naramdaman niya ang kamay ng binata sa kanyang balikat.

And when she turned around and looked at him, something happened.

She just stood there staring at the man in front of her. Kakaiba ang titig ni Benjamin at ayaw niyang isipin kung ano ang kahulugan niyon. Ilang minuto silang nanatiling nakatingin sa isa’t-isa. Alam niyang hindi iyon isa sa kanyang mga halusinasyon– totoo’ng-totoo iyon dahil wala siyang ibang nararamdaman kundi kaba, sobrang kaba dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Parang na-blangko ang utak niya at wala siyang maisip na kahit na ano o kahit na sino kundi si Engineer lamang na nakatayo sa harap niya. Gusto niyang itanong rito kung bakit siya nito tinititigan nang ganoon pero parang kahit ang kakayahan niyang magsalita ay nawala.

Parang lumipas na ang maraming oras, huminto na ang ulan at lumabas na ang maliwanang na buwan kasama ng mga kumukuti-kutitap na mga bituin ay naroon pa rin sila sa tapat ng bintana, nakatingin sa isa’t-isa.

“I must go,” anito. “It’s getting late.”

Tumingin si Maya sa wall clock - one-thirty. Lunes na at maaga pa ang pasok nito sa opisina. Wala pa rin sa sariling binuksan niya ang pinto at hinatid ito sa labas habang nakasunod lamang ito sa kanya. Binuksan niya ang payong ni Benjamin at ibinigay sa binata.

“Thanks for the coffee. And the shirt,” nakangiti nitong sabi. “I’ll go ahead.”

Pero sa halip na umalis ay nanatili lamang ito sa harap niya, hawak ang payong sa isang kamay at ang mga nabasang damit sa isa pa. Ilang sandali pa ang nakalipas bago nito tinungo ang kotse’ng nakaparada sa harap ng apartment. Saglit itong natigilan sa paglalakad, muli itong lumingon at nagulat na lamang siya nang muli itong lumapit.

“Good night, Maya. Bye,” anito at saka siya ginawaran ng isang mabilis na halik sa pisngi.

Naiwan siya doon sa harap ng pinto habang palayo ang kotse ni Benjamin. Umuulan pa rin pero tila kayliwanag ng buong paligid ni Maya.

~~

“HOW’S the exhibit?” tanong ni Jeff pagpasok sa opisina niya.

Hindi sumagot si Benjamin. Kalalabas lang ni Maya para mag-deliver ng kape nang umagang iyon at nagtaka siya kung bakit seryoso ito na tila ba iba ang Maya na nakasama niya kagabi sa Maya ngayong umaga.

“Hey, Benjie, how’s the exhibit?”

Inabot lang ni Benjamin ang diyaryo sa pinsan. Kinuha iyon ni Jeffrey nang nakangiti, nagtataka. At ilang saglit pa ay nawala ang ngiti nito. Mataman nitong tinitigan ang hawak. “This is Maya?” gulat na tanong niya. “Pa’no nangyari ‘to?”

Nagkibit-balikat si Benjamin. “Seems like she’s more than what we think she is.”

“Wow.”

Ganoon din ang reaksyon niya nang makita niya ang dalaga sa exhibit kagabi. Napangiti siya nang muling maalala ang paghatid niya rito sa apartment. Ang pangyayaring hanggang ngayon ay hindi niya alam kung bakit at paano nangyari.

“She looks amazing. So, what happened, were you able to talk?”

Tumango lang si Benjamin.

“What else happened?”

“Wala.”

Ibinalik ni Jeff ang diyaryo sa mesa at naupo. “Come on, Benjamin, speak up. Ano nga ang nangyari kagabi?”

~~

“WALA nga.”

Sinundan pa rin siya ni Pam hanggang sa pagpupunas niya ng mga mesa. “Ano’ng wala, ang linaw-linaw sa diyaryo, magkasama kayo ni Engineer. Ano’ng ibig sabihin no’n?”

“Pam, major sponsor siya ng exhibit kaya siya nando’n.”

“E bakit kanina pa hindi maalis ‘yang ngiti mo?”

“Masama ba’ng ngumiti?”

“Oo, lalo na kung hindi mo sasabihin sa ‘kin ang nangyari kagabi at kung ano ang dahilan n’yang mga ngiti mo na ‘yan.”

“Ano ba’ng gusto mong malaman?” Pumasok na si Maya sa counter, kasunod pa rin si Pam. Nakita niya sa newspaper rack ang diyaryo kung saan nakalathala ang event – at muli siyang napangiti.

“Lahat. Nag-usap ba kayo? Magkasama ba kayo buong gabi? Hinatid ka ba niya pauwi?”

Habang nag-aayos ng mga gamit sa counter ay nagkuwento siya sa kaibigan. “Ilang minuto lang kami’ng magkasama sa exhibit kaya hindi kami masyadong nagkausap. Pero…hinatid niya ko sa apartment.”

Tumangu-tango si Pam habang nakikinig at nang marinig ang huling sinabi ni Maya ay parang nabingi ito. “Ano?”

“Hinatid niya ako sa apartment.”

“Sus, maniwala ako sa’yo.”

“Eh di huwag kang maniwala. Nagpapakuwento ka, tapos ayaw mong maniwala,” natatawang sabi ni Maya.

“Hindi nga?”

“Totoo nga,” sagot niya sabay tingin kay Pam. Sa hitsura ni Pam ay parang hindi pa rin ito kumbinsido.

“Tapos, ano’ng nangyari? Pumasok siya sa loob ng apartment mo, pinagtimpla mo siya ng kape, gano’n?”

“Oo. Tapos, naghubad siya ng coat,” dugtong niya nang nakangiti

“Naku, Maya, sabi ko na nga ba, nagpapantasya ka lang!”

Natawa siya. “Totoo! Nabasa kasi siya ng ulan kaya pinahiram ko s’ya ng T-shirt pamalit.”

~~

“WAIT, wait, let me get this straight - hinatid mo siya sa apartment niya, then you had coffee and she lent you a shirt?”

Tumango si Benjamin.

“Bakit mo siya hinatid?”

“Malakas ang ulan. Tito Vic asked me to drive her home.”

“And she lent you a shirt?” nakangiti nitong tanong.

“Malakas ang ulan, nabasa ako sa ulan.”

Napailing si Jeffrey. “Parang hindi ikaw ‘yan.”

Alam ni Benjamin ang ibig nitong sabihin. Kahit kailan, wala pa siyang naihahatid na kahit na sinong babae sa apartment o sa bahay man, kahit pa nga si Anne.

“And then what happened?”

“And then I left.”

Natawa si Jeffrey. “You left, just like that?”

Tumango siya.

~~

“O, tapos, ano ang nangyari?”

Ano nga ba ang sumunod na nangyari? Tinitigan siya nito ng matagal na parang walang katapusan. Naisip niya uli, totoo ba ‘yung nangyari kagabi?

“Ano, bago ba siya umalis, nag-good night kiss siya sa’yo, gano’n?” natatawang tanong ni Pam. “Naku, Evangelista, grabe na ‘yang pagpapantasya mo, ha!”

Tiningnan ni Maya ang kaibigan, pinipigil ang ngiti. Alam rin niyang namumula na siya.

“O, bakit ganyan ka makangiti at namumula ka?” nagtatakang tanong ni Pam. “Maya, ‘wag mong sabihing-“

Hindi siya umimik at ipinagpatuloy ang ginagawa.

“Maya, ano nga, kiniss ka n’ya?”

“Shh! Wag kang maingay!” awat niya kay Pam. Pinagtitinginan na kasi sila ng mga kasama nila sa coffee shop dahil sa lakas ng boses ni Pam.

“Uy, sabihin mo sa’kin, kiniss ka ba ni You-Know-Who?” mahinang tanong ni Pam.

Marahang tango ang sagot ni Maya.

“Hala! Paano nangyari ‘yon?”

“Di ko rin alam. Mabilis ang mga pangyayari.”

“Maya, sabihin mo’ng nagbibiro ka lang.”

“Sana nga nagbibiro lang ako. Pero hindi, Pam.”

Nakatingin pa rin si Pam sa kanya, hindi pa rin makapaniwala. “Grabe, hindi ko ito kinakaya.”

“E di lalo na’ko.”

~~

“YOU drove a gorgeous girl in her apartment, had coffee, and you’re telling me nothing happened? You left just like that?”

“What do you expect me to do?” taka niyang tanong.

Si Jeffrey ngayon ang natawa. “The usual thing a man would do.”

Umiling siya. He must admit that he somehow had thought of that nang ihatid niya ito sa apartment. Any man would, given the fact that he was with a very attractive young woman last night. Pero hindi niya ginawa. Hindi niya alam kung bakit pero parang hindi tama.

“So, what’s gonna happen next?” natatawang tanong ni Jeff sa pinsan.

~~

“H-HINDI ko alam,” sagot ni Maya sa tanong ni Pam kung ano na ang mangyayari pagkatapos.

“Ano ‘yun, kayo na?”

“Hindi, a! Galit pa rin ako do’n. At ayoko pa ring marinig ang pangalan no’n, okay?”

“Sus, kunwari ka pa. E nag-kiss na nga kayo.”

“Hoy, sa cheeks lang . Tsaka normal lang naman ‘yon. Walang malisya ‘yon.”

“Ikaw pa, walang malisya?”

Natawa si Maya sa sinabi ng kaibigan. Nagsisimula nang dumagsa ang tao sa coffee shop kaya naman naging abala na sila sa kani-kaniyang trabaho.

“Ano na’ng mangyayari sa inyong dalawa? Magde-date na ba kayo?” tanong ni Pam habang inaasikaso ang order ng isang customer.

“Pam naman, totoong buhay ito. Bakit naman niya ko yayayain mag-date?”

“Aba, bakit hindi? Sa picture n’yo sa diyaryo, parang love ka na niya.”

“Ha, ha, ha!” eksaherada niyang tawa.

“Kinikilig ka naman!”

“Pamela, hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga masasakit niyang sinabi sa ‘kin no’n,”

“Sus, nag-drama ka pa,” anito. “If I know, papayag ka rin kapag niyaya ka no’n na mag-date, mabilis pa sa alas kuwatro.”

“Kung noon siguro. Pero ngayon, dadaan muna siya sa butas ng karayom.”

“Sige, isang buwan na free lunch ulet?”

“Sure.”

Naisip ni Maya, kawawa naman itong si Pam, malulubog na yata sa libre’ng lunch niya.

~~

2 comments:

Popular Posts