Tuesday, June 4, 2019

The Girl From The Coffee Shop 1 Chapter 6



TINAWAGAN ako ni Sir Diestro pagkaraan ng ilang araw para ipaalam na sobrang successful ang exhibit, higit pa sa kanilang inaasahan. Maganda ang naging pagtanggap ng organizers at sponsors, and sabi pa niya ay maghanda na ako sa susunod na exhibit. Tinanong rin niya ako kung handa na akong magkaroon ng isang solo exhibit, dahil marami raw ang interesado’ng mag-sponsor, kung sakali. Ang sagot ko – hindi pa.


Wala naman kasi sa mga plano ko ang mga ganoon. Maisama lang sa exhibit ang mga gawa ko, ayos na. Pero naisip ko rin, kapag ako, nagkaroon ng sariling exhibit, sigurado ako na mawiwindang ang Benjamin Contreras III at parang masarap malaman ang magiging reaksiyon nito, kung sakali.
Sa tuwing magdadala ako ng kape sa opisina niya tuwing umaga, pinangangatawanan ko ang hindi pagpansin sa kanya. Alam kong nagtataka siya, halata naman kasi. Bakit, ano bang akala niya, na pagkatapos niya akong titigan at nakawan ng halik, close na kami? Pasensiya siya, inubos niya ang pasensiya ko.
At isang linggo pagkalipas ng makasaysayang exhibit na iyon, narinig ni Maya ang bagay na ilang daang taon na niyang pinapangarap marinig mula rito. Palabas na siya noon ng opisina ni Benjamin nang muli siya nitong tawagin.
“Are you free tonight?” seryosong tanong ni Benjamin na para bang isang masungit na kliyente and kausap. Kinuha nito ang ilang papel sa mesa at kunwaring binasa iyon. “I’d like to invite you out. Coffee maybe?”
“B-bakit po?” nagtataka niyang tanong. Hindi pa ba ito nagsasawa sa kape?
Napataas ng tingin si Benjamin. “To have coffee, of course,” sagot nito.
Oo nga naman. Pero ang totoo, wala siyang hilig sa kape. He invited her for coffee, for no reason but to have coffee. Hindi alam ni Maya kung sinusubukan lang siya nito, na tatanggapin niya ang imbitasyon nito at pagkatapos ay bigla itong magbabago ng isip at magka-cancel rin the last minute pero feeling niya, ganoon na nga. Ano pa ba naman ang puwedeng dahilan nito? Gusto lang siya nitong hiyain, sigurado siya.
Marahang umiling si Maya.
“Why not?” Hindi naituloy ni Benjamin ang pag-inom ng kape.
“M-may pupuntahan po kasi ako,” sagot ni Maya, kahit pa wala siyang nakikitang dahilan para sagutin ang tanong na ‘yon. Nakapangako siya na sasama kay Emman sa shelter para sa mga street children na dinadalaw nito.
Ibinaba na lang nito ang hawak. “How about tomorrow?”
Muli siyang umiling.
Benjamin stared at her. “You just don’t want to go out with me, is that it?”
Hindi siya sumagot. Sa pagkakatingin sa kanya ni Mr. Contreras ay parang napakalaki ng kasalanang nagawa niya.
“Tell me,” sabi ni Benjamin habang pinag-aaralan ang report na ibinigay ni Mr. Hernandez kanina. “Ano ang meron kay Mr. Hernandez at bakit parang sa kanya, napakadali mong sumama para magkape? I saw you two yesterday. And it looked as if you were enjoying your coffee with him.”
“Nagkita lang po kami sa bookstore kahapon.” Hindi alam ni Maya kung basta aalis na lang doon at takbukan ang interrogation ni Benjamin. Pero wala naman siyang dapat itago sa tao’ng iyon.
“Iniiwasan mo pa rin ba ‘ko?” seryoso nitong tanong na nakatingin sa kanya.
Umiling si Maya. Nakakunot na ang noo niya.
“So why don’t you want to go out with me?”
Huminga ng malalim si Maya bago nagsalita. At tiningnan niya nang deretso ang kausap. “W-wala naman po akong dahilan para sumama’ng lumabas sa inyo, sir.”
Tumayo ito at lumapit sa kanya. “Well, I’m inviting you out because I like you. A lot. Is that enough reason for you?”
Iyon ang matagal na niyang gustong marinig mula dito. Nanatili lang siyang nakatayo sa harap nito na parang tanga.
“Maya?”
“S-sir?”
“I’m asking you, iniiwasan mo pa rin ba ‘ko?” Nakaupo pa rin si Mr. Contreras, hawak ang folder na kanina pa nito hawak.
Umiling-iling si Maya para gisingin ang sarili. Siya yata ang may kailangan ng kumukulong kape.
“I’m free on Friday evening. Can we have dinner then?”
Hindi alam ni Maya ung bakit siya nito bigla-biglang niyayaya na mag-dinner. Simula na ba iyon ng magandang kuwento ng kanyang pag-ibig. Hindi siguro, wala lang siguro itong magawa sa buhay. “O-on leave po ako sa Friday. Nasa Baguio po ako.” Na totoo naman. Last month pa siya nag-file ng leave para sa Baguio trip nila ni Pam. Hindi nakaligtas kay Maya ang saglit na pagkunot ng noo nito, na para bang hindi ito naniniwala sa sinasabi niya at paraan lamang niya iyon para umiwas.
“Well, that’s good enough, I’m going there on Friday, too. See you in Baguio, then.
Halos mapanganga si Maya sa narinig mula kay Benjamin. Sigurado siyang hindi iyon nagsasabi ng totoo kaya ngumiti na lang siya. “S-sige po. Doon na lang po tayo magkita,” lakas-loob niyang sabi, dahil alam niyangi imposible ‘yon.
Minsan, hindi na niya alam kung ang totoo sa hindi. Madalas na siyang nagkakaroon ng hallucinations nitong mga nakaraang araw at sa tingin niya ay kailangan na niyang magpatingin sa isang psychiatrist. Kung kailan ayaw na niyang isipin si Engr. Contreras ay tsaka pa kung anu-anong kababalaghan ang nangyayari. Sino ba naman ang mag-aakala na iimbitahan siya nito hindi lang para magkape, kundi para mag-dinner? Hindi kapani-paniwala.
~~
ISINILID na ni Maya sa bag ang cellphone matapos kausapin si Pam. Kasalukuyan siyang nag-aayos ng gamit nang matanggap ang tawag ng kaibigan at ilang beses na siya nitong tinatawagan para kumustahin ang lagay niya. Pagkatapos maiayos ang laman ng kanyang backpack ay ini-lock niya ang pinto ng ino-okupang kuwarto at patakbong bumaba sa receiving area ng lodge. Nakangiti niyang binati ang anak ng may-ari na siyang naroon upang mag-asikaso ng mga bagong dating, at ng mga aalis. Maliit itong babae, may katabaan, mapula ang pisngi.
“Hi, ate Josie.”
“May naghahanap sa ‘yo,” sabi nito. Ngumiti rin ito sa kanya at kinuha ang inabot niyang susi.
“Sino po ‘yon?” Tumingin siya sa receiving area at nakita roon ang isang lalaking nakaupo, nakatalikod sa kanila.
“Ewan, hindi naman nagpakilala, pero guwapo!” bulong pa nito. “Kanina ka pa hinihintay n’yan.”
Nagpasalamat si Maya kay Ate Josie at muling tiningnan ang lalaki’ng naroon. Nagtataka siya kung sino ang taong iyon na naghahanap sa kanya dahil liban kay Pam at Emman ay wala nang iba pang nakakaalam na naroon siya ngayon. Wala rin naman siyang maisip na kakilala sa Baguio na pupuntahan siya sa lugar na iyon. Dahan-dahan siyang lumapit dito at kahit pa nakatalikod, mukhang napakalinis at napakabango nito sa suot na damit.
“Excuse me, hinahanap n’yo raw ako?”
Humarap ito sa kanya at tumayo. Kung hindi niya inaasahan ang isang bisita, mas hindi niya inaasahan ang isang katulad nito.
“Hi,” seryosong sabi ni Benjamin pagkakita sa kanya.
Sa simula, akala ni Maya ay guni-guni na naman niya iyon. Pero totoo’ng nasa harap niya ngayon si Engr. Contreras. “S-sir?! A-ano po’ng ginagawa n’yo rito?”
“Business,” simple nitong sagot. “Ikaw?”
“Paano n’yo po nalaman na dito ako tumutuloy?” balik niyang tanong.
“I have my sources,” sabi nito na nanatiling nakatingin sa kanya.
“A-ano po’ng ginagawa ninyo rito?” muli niyang tanong.
“I’m here to invite you to dinner.”
“D-dinner?”
Tumango si Benjamin. “You told me that we’ll have dinner here. So I’m inviting you now to dinner. You weren’t kidding, when you said that, were you?”
Umiling-iling si Maya. Hinintay niya na magbago ang paligid niya, maglaho ang taong nasa harap niya ngayon pero ilang sandali pa ang lumipas ay nakatayo pa rin si Engr. Contreras sa harap niya.
Tumingin ito sa wristwatch bago muling nagsalita. “I have a meeting until later this afternoon. I’ll just pick you up at seven.”
Hindi na hinintay pa ni Benjamin ang tugon ni Maya at tumuloy na rin ito sa labas. Nakita na lamang ni Maya na sumakay ito sa itim nitong kotse at umalis na.
~~
HINDI ako dapat mag-panic. Isang simple’ng dinner lamang iyon, isang simple’ng dinner lamang iyon kasama si Engr. Benjamin Contreras III.
Matapos makapamili ng mga personal niyang kailangan para sa buong bakasyon ay agad siyang bumalik sa lodge para maghanda sa ‘dinner’ na iyon. Binuksan ni Maya ang dalang maleta at inilabas ang lahat ng mga damit na naroon. Tatlong maong pants, dalawang shorts, isang pajama, limang T-shirts. At dalawang sweaters. Tatlong araw lang naman siya roon at wala sa plano niya ang makipag-date sa kahit na sino.
Hindi ako dapat mag-panic.
Naupo siya sa kama habang tinitingnan ang mga damit, iniisip kung ano ang p’wede niyang isuot sa simpleng dinner niya kasama si Engr. Contreras. Iniisip niya kung saan ba sila pupunta, kung ano ba ang maaari niyang isuot na hindi masyadong pormal, at hindi masyadong kaswal.
Tumingin siya sa relo niya – 6pm. Madilim na sa labas, nagsimula nang mas lumamig ang hangin. Isang oras pa, darating na roon si Benjamin para sunduin siya - kung talaga ngang darating ito. Hindi kasi niya maiwasang isipin na baka hindi ito seryoso sa imbitasyon na iyon.
Hay, isipin ko pa lang na makakasama ko si Benjamin mamaya, sumasakit na ang tiyan ko sa sobrang nerbiyos, na parang gusto ko na lang bumalik ng Manila. Iyon ang magiging unang ‘official date’ ko kasama ni Engr. Benjamin Contreras III – ang una at malamang ay huli na rin. Ayoko mang gawing big deal ‘yon, aaminin ko na gusto ko pa ring maging maganda ang impression niya sa akin.
“You are late.”
Nilapitan siya nito doon sa counter at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa na tila ngayon lamang siya nito nakita. Iba’ng-iba kasi ang ayos niya ngayon sa araw-araw niyang trabaho sa coffee shop. Maong pants, rubbershoes, at light blue knitted tunic ang napili niyang isuot. Nakalugay ang mahaba niyang buhok na noon ay parati lamang nakapusod. Lihim siyang napangiti. Tiningnan niya ang wall clock doon matapos maiabot ang susi kay Ate Josie  – 7:03. “You’re just early,” bulong niya sa sarili. Nanatili lang siyang nakatingin dito. Nasa harap na niya ngayon si Benjamin pero hanggang sa mga oras na iyon ay iniisip pa rin niya kung totoo nga ang mga nangyayari. He was wearing a simple black polo shirt and jeans. And he looked gorgeous, as usual.
“Let’s go?”
Tumango lang siya at sinabayan niya ito’ng lumabas. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto ng kotse, at hinintay siyang makasakay.
~~
SA isang Italian Restaurant sa South Drive Road. Maraming tao roon, maganda ang lugar. Nagpa-reserve si Benjamin ng table for two. Impressive.
“Do you like the place?” tanong ni Benjamin nang nakapag-order na sila at nagsisimula nang kumain.
What’s not to like? The place is perfect. The food is great. She’s having dinner with the most good looking, sought-after eligible bachelor. What’s not to like?
Benjamin just looked at her. Tahimik lang siyang kumakain, paminsan-minsang tinitingnan ang kabuuan ng lugar. Tamang-tama ang pangalan ng restaurant sa itsura nito – Secret Garden. Punung-puno ang paligid ng mga puno at halaman, na para bang napakalayo nito sa siyudad. Puwede siyang tumira sa ganoong klaseng lugar, naisip niya.
Nagpasalamat si Maya sa dalagang naghatid ng dessert nila. Napansin niya ang kakaibang tingin at ngiti na ibinigay nito kay Benjamin at lihim siyang natawa. Ganoon rin siya noon nang una niyang masilayan si Engr. Contreras.
“Bakit ka ganyan makatingin?” nakangiti nitong tanong nang mapansin ang pagtitig niya rito.
Umiling-iling siya at yumuko. “S-sorry po…ang weird lang po kasi,” mahina niyang sabi.
“Weird? You think this is weird?” Natawa si Benjamin.
Tumango siya. “P-para saan nga po pala ito? Bakit n’yo po ako in-invite mag-dinner dito?” Hindi na dapat niya nasabi kung ano man ang nasa isip niya pero huli na dahil mas mabilis yata talaga ang bibig niya kaysa sa utak.
Uminom si Benjamin ng tubig at tiningnan si Maya. “Let’s just say that this is my peace offering. We started out on the wrong foot. May mga nasabi ako sa ‘yo na hindi tama. So I think I owe you an apology.”
Hindi pa rin makayanan ni Maya na tingnan ng deretso ang kaharap dahil hindi pa rin niya lubos maisip na nangyayari ngayon ang nangyayari’ng iyon.
“Can I ask you a favor?” tanong ni Benjamin, at muling nagsalita na hindi na hinintay ang pagsang-ayon niya. “Please drop the formality. Call me Benjamin. Or Benjie,” sabi nito.
“P-pero boss ko po kayo.”
“Wala tayo sa opisina Maya. And…”
Hinintay ni Maya ang susunod na sasabihin ni Benjamin pero hinawakan nito ang kanyang kamay. Nagulat man, wala siyang nagawa para iwasan iyon. Mainit ang mga palad nito sa ibabaw ng kamay niya at parang biglang hinigop niyon ang lakas ng buo niyang katawan.
“Maya, the truth is I don’t want to be just your boss. I invited you to dinner because I really like you and I was hoping for us to be friends.”
Napainom siya ng tubig dahil sa narinig. Tiningnan siya nang matuwid sa mata ni Benjamin. Pakiramdam ni Maya ay parang natutunaw na kandila.
“Okay, that last part was a lie. I am too old to ask for friendship. Maya, I actually want us to be more than friends. I hope I’m making myself clear.”
Nanatili lang na nakatingin si Maya sa kausap, na para bang huminto ang oras.
“Maya?”
“A-ano po’ng sinabi ninyo?”
“A-ang sabi ko, please just call me Benjamin.”
At wala na itong sinabi pagkatapos noon - kung anu-ano na namang pumapasok sa isip niya.
“Are you okay?” natatawang tanong ni Benjamin. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niyang tumawa ito nang ganoon, kaya hindi rin niya napigilan na mapangiti.
Ilang oras pa lang niya itong nakakasama pero marami na agad siyang nalaman tungkol sa totoo’ng Benjamin. Mga bagay na hindi niya inaasahan, mga bagay na sana ay noon pa niya nalaman. Hindi lang ito ‘yung mayaman, seryoso at istriktong negosyante na kilala niya. Hindi niya inaasahan na si Benjamin pala ay tulad rin ng ibang ordinaryong tao – tumatawa, natutuwa sa mga simpleng bagay.
Hindi tuloy niya mapigilan ang sariling titigan si Benjamin paminsan-minsan. Ngayon lamang siya nagkaroon ng pagkakataon na makatabi ito, makausap at makasama. Ngayon ay magkasama sila sa lugar na iyon, siya hindi bilang isang barista at si Benjamin hindi bilang isang engineer at businessman. Naroon sila bilang sila at masarap ang pakiramdam ng ganoon.
Mag-aalas-onse na noon ng gabi nang kinailangan na siyang ihatid ni Benjamin. Hinatid siya nito hanggang doon sa tapat ng malaking pinto ng lodge, na nakasarado na. Nagulat pa si Maya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya pagkababa nila ng sasakyan, na hindi niya alam kung bakit. Hindi niya man alam ang maaaring sumunod na mangyari pero ang mahalaga sa kanya ay ang bawat minuto na kasama ito.
“Thank you, Maya.”
Ano nga ba ang dapat niyang sabihin? Wala siyang anupamang masabi, wala siyang maisagot kundi ngiti. Hawak pa rin kasi nito ang kanyang kamay, na noon ay sa panaginip lang.
“I must go,” muli nitong sabi na halatang salungat sa gusto nitong mangyari.
Magkikita pa kaya kami pagkatapos noon? Hindi ko alam. Pero isang bagay lang ang sigurado – na kahit lumipas na ang isang daang taon ay hinding-hindi ko malilimutan ang gabi’ng iyon.
 “Can I see you again tomorrow?”
Hindi na kailangang ulitin ni Benjamin ang tanong na iyon dahil tumango na agad siya nang bahagya. Parang kahit ano yatang sabihin nito ay tango lang ang kaya niyang isagot. Wala nang iba pang sinabi si Benjamin pagkatapos no’n. Tumayo lang ito sa harap niya at mataman siyang tinitigan. Hanggang sa dahan-dahan itong lumapit, tumungo at hinalikan siya sa labi. Matagal, malalim. Hindi na nagawang mag-isip ni Maya. Parang nag-freeze ang mga brain cells niya dahil iyon ang una niyang halik.
Para akong biglang lumutang sa mga ulap, kasama ng mga bituin. Nakarinig ako ng mga anghel na nag-aawitan. Walang-biro. Ganoon talaga ang naramdaman ko – parang pelikula. Nangyayari pala talaga iyon sa totoong buhay.
“Maya…” Hinawakan siya ni Benjamin sa magkabilang balikat at tiningnan siya nito. “I’ll see you tomorrow.”
Hindi iyon isang tanong. At bago pa siya makasagot ay muli siya nitong hinalikan. Mas matagal, mas malalim.
~~
NANG sumunod na araw, naroon na si Benjamin sa lodge nang eksaktong alas dos ng hapon. Nadatnan ito ni Maya na tinitingnan ang kabuuan ng lodge at nang makita siya nito pababa ng hagdan ay tumayo ito at sinalubong siya.
“Late ka na naman,” nakangiti nitong sabi.
Tumingin si Maya sa wall clock ng lodge – 2:05. “Maaga ka lang…uli.”
Ginawaran siya ng isang malalim na halik, na kanyang ikinabigla. Nakaakbay ito sa kanya nang iabot niya ang susi kay Ate Josie, na talaga namang abot-tainga ang ngiti at nakaakbay pa rin ito hanggang sa paglabas nila ng lodge.
Maganda ang sikat ng araw ngunit malamig pa rin ang hangin ng mga oras na iyon. At parang mas namukadkad ang mga bulaklak sa paningin ni Maya. Parang mas naging matingkad ang kulay ng kapaligiran. Paminsan-minsan niyang tinitingnan si Benjamin habang nagmamaneho. Seryoso ito, pero sa tuwing titingin ito sa kanya ay ngumingiti ito ng isang napakatamis na ngiti.
Hindi ko na itinanong kung saan ba kami pupunta o kung ano ang plano niya sa araw na iyon. Hindi ko alam pero parang hindi ko na pinag-aksayahan ng panahong isipin pa iyon. Hindi man lamang pumasok sa isip ko kung ano ang kahihinatnan noon basta ang mahalaga lang ay kasama ko siya.
Pagkaraan ng halos tatlumpung-minuto ay pumasok ang sasakyan nila sa isang malaking gate at tinahak ang mahaba-haba ring daan patungo sa isang napakagandang log house na katulad ng mga nakikita niya sa mga design and architecture magazines. She once dreamed of designing something beautiful like that. Nakatitig pa rin siya sa bahay na iyon nang bumaba sila ng sasakyan. Lumapit si Benjamin sa kanya at umakbay.
“We’re here.”
Hindi pa rin makapagsalita si Maya hanggang sa may lumapit na isang maliit na lalaki para kunin ang susi ng sasakyan at i-park ito nang maayos.
“Let’s get inside. Dad’s waiting.”
Teka, hindi ba parang napakabilis naman yata? Hindi ko pa nga nai-establish kung anong relationship meron kami ni Benjamin, pagtapos, meet the father agad?
Nauna si Benjamin na umakyat sa malawak at mataas na hagdan. Lumingon ito sa kanya at nagulat nang nakitang naroon pa rin siya sa ibaba. Muli itong bumalik at natatawang lumapit sa kanya. Umiling siya.
“Bakit?” Natawa si Benjamin at inakbayan siya. “My father’s a nice man. I’m sure you’ll like him.”
“Pero-“
Hinalikan siya nito sa labi bago pa man niya tapusin ang pangungusap na iyon. “Don’t worry. Hindi tayo magtatagal. I just have to talk to him and then aalis na rin tayo, okay?”
Hindi pa rin alam ni Maya kung magandang ideya iyon. Kailangan pa siyang hatakin ni Benjamin para sumunod dito.
Hindi ko naman p’wedeng itanong sa kung bakit kailangan kong makilala ang tatay nito. Pero nawala na sa isip ko ang mga dapat kong itanong nang bumukas ang malaking pinto na iyon na gawa sa mahogany. Literal akong napanganga nang makapasok kami sa loob ng bahay. Sobrang laki ng living room, mamahalin ang mga furniture. Parang nakakahiyang tapakan ang makintab na kahoy na sahig at ang napakagandang carpet. Parang hindi pa nauupuan ang mga upuan at couch dahil mukhang kabibili lang ng mga iyon kanina.
Tumuloy sila sa garden, na parang Botanical Garden ng Baguio sa laki. Hawak ni Benjamin ang kanyang kamay nang lumapit sila sa matandang nakaupo sa upuang kahoy at nagbabasa ng diyaryo. Gusto ni Maya na bumitaw sa kamay Benjamin dahil hindi niya alam kung tama bang makita ng tatay nito ang ganoon.
“Good afternoon, Dad!”
Lumingon ito sa kanila, tinanggal ang suot na reading glasses at nang makita si Benjamin ay tsaka ngumiti. “What a surprise! Akala ko, marami kang trabaho sa Maynila?”
Hindi iyon pinansin ni Benjamin at niyakap ang ama na matagal-tagal na rin nitong hindi nakikita. “How are you?”
“Fine, fine. Ikaw?” balik nitong tanong.
“Okay lang po. By the way, Dad, I’d like you to meet someone.”
Noon lamang siya napansin ng ama ni Benjamin. Muli nitong sinuot ang salamin at pinagmasdan siya.
“Dad, this is Maya. She’s an artist.”
~~

No comments:

Post a Comment

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...