Quote of the Day

The idea of me is better than the reality of me. - Verity

Wednesday, June 5, 2019

The Girl From The Coffee Shop 1 Chapter 7

SO, siya pala ‘yung sinasabi mong kaibigan from Manila.”

Ngumiti lang si Benjamin. Dumating si Jeffrey pagkaraan ng dalawang oras at katulad ng inaasahan, nagulat ito nang makita si Maya doon na kasama niya. Kausap ng dalaga ang kanyang ama sa garden habang naroon sila ni Jeffrey sa may veranda. Sinalinan ni Benjamin ng red wine ang baso ni Jeffrey habang iiling-iling ito. Noon pa man, ay sinasabi na nito sa kanya na ang inis na nararamdaman niya noon kay Maya ay hindi talaga pagkainis.  That he was just trying to avoid the feeling that’s growing inside him for her.

“So, is she the reason why you suddenly cancelled your ‘business engagement’ this weekend?”
“Kailangan ko raw talagang makita ‘yung site ng hotel, Jeff.” Tinanaw ni Benjamin ang dalaga na kausap pa rin ang ama niya. He’s glad they liked each other instantly. “Okay, she’s one of the reasons.”

“Is she also the reason why all of a sudden, payag ka na about the hotel project here?”

Siguro nga, isa si Maya sa mga dahilan. He just intended to have one date with her – just one date. He told himself to take her out on a date and get it over with. But before he knew it, he’s looking forward to another. Ngayon, naiintindihan na niya kung bakit binabalik-balikan ng mga tao ang lugar na iyon. Ngayon, alam na niya kung bakit sinasabi nilang napaka-romantic ng Baguio.

“Tito Jaime seems to like her,” sabi ni Jeff habang nakatingin kina Maya. “So, she’s your new girlfriend now?”

Hindi umimik si Bejamin, pero ngumiti siya. Hindi siya sigurado kung ano nga ba ang mayroon kay Maya at gano’n na lamang niya ito kagusto. He doesn’t even know her enough to like her so much. But he doesn’t really care. Marami pa namang panahon para kilalanin nila ang isa’t-isa. There’s something about this woman, something he couldn’t quite understand yet. With Maya, he was able to feel something that he’s been longing all his life and at that certain moment, there’s no doubt that he’s falling for her - because the moment he tasted her lips, he knew that he wanted her – all of her.

“Paano si Anne?”

“We’ve broken up long time ago, you know that.” And since then, Anne spent most of her time in Long Beach, doing what she loves best – modeling.

“Alam mo bang darating si Anne ngayon?” tanong ni Jeff matapos maubos ang iniinom na wine.

Umiling siya. “Sa Manila?”

“Darating si Anne dito, sa Baguio. Actually, she’ll be here any minute.”

“Bakit?” Napatingin si Benjamin sa kausap.

“Hindi ko alam. Akala ko, alam mo. Kaya nga nagulat ako nang makita kong kasama mo si Maya.”

~~

AND Anne did come. Parang kagagaling lamang nito sa isang fashion show. Bagay na bagay rito ang suot nitong light pink na shirt at denim shorts na nagpapakita ng makinis at mahaba nitong legs. She’s like one of those America’s Next Top Models.

She actually is a model. Halos kasing tangkad nito si Benjamin, who’s 6’1. Skinny. Beautiful. Niyakap agad nito si Benjamin pagdating, at sa tingin ko, higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon sila. Nang makita ko kung gaano sila kalapit sa isa’t-isa at kung paano nito pakitunguhan si Benjamin, sinabi ko na sa sarili ko na kung ano man ang mayroon sa aming dalawa ng mga oras na iyon ay hindi rin magtatagal.

Saglit siyang nagpaalam sa mga ito para magkaroon ng pagkakataong makalayo at makahinga. Nagdahilan siyang kailangan niyang pumunta sa ladies’ room.

Nag-isip si Maya habang nakatingin sa salamin. Inisip niya na parang hindi yata tama ang pagsang-ayon niyang sumama roon. Parang hindi yata tama na ipagpatuloy pa niya ang kalokohang iyon. Bakit ba hindi niya naisip noong una pa lang ang mga kahihinatnan ng lahat? Iba’ng-iba si Benjamin sa kanya, kahit saang anggulo tingnan. Hindi niya kayang makisabay sa estado nito. At hindi niya kayang gampanan ang papel ng pagiging girlfriend nito, kung sakali.

Kailangan na ba niyang sumuko?

“Hi!”

Hindi na kailangan pang lumingon ni Maya dahil kita niya sa salamin kung sino ang dumating. Sa tantiya niya, hanggang balikat lang siya nito. Ngumiti siya. “H-hi.”

“I heard you’re an artist?” tanong nito na tila tuwang-tuwang makita siya.

Tiningnan niya ito doon sa salamin. Maganda ang ngiti ni Anne, maganda ang suot nito. Maganda ito. Muli, ngumiti lang siya.

“I hope I could see your works next time.”

Tumango lang si Maya. Wala na siyang masabing anupaman.

Pareho silang nakatingin sa salamin at hindi kaya ni Maya na makita ang napakalaking pagkakaiba nilang dalawa sa malaking salamin na iyon kaya nagpaalam na siya.

“Okay, see you,” sabi ni Anne.

Ang early dinner na iyon, para sa akin, ay ang pinakamahabang dinner na naranasan ko. Everybody was there. Si Mr. Jaime, si sir Jeffrey, si Miss Anne, si Benjamin. At ako. Na parang wala rin ako roon. Pinag-usapan ng nila ang tungkol sa business, sa mga out of the country trips, mga fashion shows ni Anne, at kung gaano kaganda ang Paris. Tungkol sa stock exchange, sa ekonomiya, politika, at sa kung anu-ano’ng wala na akong alam. May nabanggit pa ang mga ito tungkol sa isang benefit dinner para sa isang Children’s hospital na dadaluhan ng lahat sa katapusan ng taon. Sabi ni Mr. Jaime, magandang oportunidad raw iyon para sa kanya na makakilala ng mga taong makakatulong sa career ko bilang artist. Ewan ko, hindi ko alam.

Paminsan-minsan, tinatanong ako ni Mr. Jaime tungkol sa art at mga exhibits, na madali ring natatapos sa ilang questions and answers dahil sumisingit si Anne ng mga mas maganda at interesante’ng paksa na napag-uusapan ng lahat.

Hindi naman sa sinisira ko ang image ni Anne. In fact, Anne is nice. Very likable. Almost perfect - she’s annoyingly perfect. Mabait, very friendly, madaling makagaanan ng loob. Understandable naman siguro kung bakit ayaw ko na uli siyang makita, diba? Ayaw ko mang aminin, insecure ako kay Anne. Sino ba naman ang hindi maiinsecure sa ganoong klaseng babae?

Anne even gave me a kiss on the cheek before leaving. Kulang na lang ay hingin niya ang number ko at e-mail address to keep in touch. Mahilig din daw kasi ito sa art at interesado itong makita ang mga gawa ko. She’s sweet, isn’t she?

Sa kabuuan, maayos naman ang meet-the-father episode. Wala namang naging problema, kaya hindi alam ni Benjamin kung bakit wala siyang imik sa buong byahe nila pabalik sa lodge na tinutuluyan nito.

“Are you okay?”

“O-oo,” sagot ni Maya nang pumarada ang sasakyan nila sa harap ng lodge. Hawak ni Benjamin ang kanyang kamay para pigilang bumaba. Kung ano man ang tumatakbo sa isip niya nang mga oras na iyon ay mananatiling nasa loob ng utak niya.

“So, what do you think about Dad?” tanong nito matapos siyang halikan sa pisngi.

“O-okay naman.”

“Sabi ko sa iyo, mabait ‘yon. And I think he likes you too.”

Ngumiti na lang ako. Gusto ko sanang magtanong tungkol kay Anne, pero hindi ko magawa. Dahil sa tingin ko naman, wala akong karapatan para magtanong ng kahit na ano, lalo na ang tungkol sa mga personal na bagay. And this is our last night together, at ayaw kong isipin ni Benjamin na masyado akong apektado sa mga bagay-bagay.

Bumaba na si Maya ng kotse, kasunod si Benjamin hanggang doon sa gate ng lodge. Kailangan na nilang magpaalamanan.

“Salamat,” sabi ni Maya.

Ngumiti si Benjamin at hinalikan siya sa labi. Isang matamis at maiksing halik. Isang halik na babaunin niya hanggang sa pagbalik niya ng Manila.

Gusto kong itanong kay Benjamin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng lahat ng iyon – ang dinner, ang pagpapakilala n’ya sa ‘kin sa Dad niya, at ang mga halik niyang parang walang hanggan. Gusto kong itanong kay Benjamin kung ano ang mangyayari pagkatapos noon. Kung kailangan ko na ba siyang iwasan sa The Forum kinabukasan, kung hindi na ba namin dapat pag-usapan pa ang mga nangyari’ng iyon kahit na kailan. O kung kailangan ko na bang mag-resign sa coffee shop at magpakalayu-layo na.

“G-goodnight. Maaga ang nakuha kong biyahe ng bus bukas.” sabi ni Maya. Alas dose na, gusto niyang makaalis ng maaga kinabukasan – at ayaw na niyang patagalin pa ang gabing iyon, ang huling gabi nilang iyon.

Nagulat ito sa sinabi niya. “But was hoping we could spend more time together.”

Natawa siya. “Kailangan ko na kasing makauwi agad.” Pinilit niyang tumawa at tawanan na lang ang nangyayari na parang wala lang, na parang walang halaga sa kanya ang lahat.

“Maya, p’wede namang sabay tayong bumalik sa Maynila, Lunes ng umaga. Ako nang bahala’ng kumausap sa manager ninyo.”

Ilang sandali siyang nag-isip, habang hawak ni Benjamin ang kanyang dalawang kamay. Hindi pa rin niya naiintindihan ang mga nangyayari. Kung bakit kailangang gawin ni Benjamin ang maging masyadong affectionate gayong sigurado namang tapos na ang whirlwind romance nilang iyon. 
Umiling siya.

Kumunot ang noo ni Benjamin. “Bakit?”

“H-hindi yata magandang ideya.” Dahil ayaw na niyang dagdagan pa ang magagandang alaala na kasama ito.

“Bakit hindi?” muli nitong tanong.

“S-sir…Benjamin..” Paano ba niya sasabihin dito na hindi tama na ipagpatuloy pa nila kung anuman ang nasimulan nila. Dahil ayaw niyang mas lalong masaktan.

“Please?”

Sino ba naman ang makaka-hindi sa paraan ng pagtitig nito sa kanya? Parang umaasa ang mga mata nito, nagmamakaawa - at parang isang malaking kasalanan kapag tumanggi siya. This weekend might be their first and last weekend together and Maya thought that another day would not hurt. Bahala na si Batman kung ano ang mangyayari pagkatapos noon.

“O-okay.”

And they shared a kiss that could brighten up the dark sky. Hindi maipaliwanag ni Maya kung ano ang nararamdaman niya. Gusto niyang maniwalang walang hanggan ang lahat ng iyon, na totoo ang feelings ni Benjamin sa kanya.

Pero alam ko rin na mali ang umasa dahil alam kong hindi iyon magtatagal. Lalo na’t pumasok na sa eksena ang isang tulad ni Anne. Kahit ako ang papiliin sa pagitan naming dalawa, walang duda, si Anne ang pipiliin ko. So I told myself to just enjoy the moment. Dahil siguro, ang pakiramdam na iyon ay hindi ko na kailanman muling mararamdaman.

~~

WALA ngayon si Papa Benjamin, nag-out of the country.”

Iyon ang bumungad kay Maya pagpasok na pagpasok niya sa coffee shop nang Lunes na iyon, isang araw matapos ang pinaka-romantic weekend na naranasan niya sa buong buhay niya. Kaya naman magkahalong pasasalamat at panghihinayang ang naramdaman niya nang marinig iyon mula kay Sir Mike.

“Sabi ng secretary niya, nasa New York raw, mga isang linggo. Kaya wala munang delivery sa office niya nang isang linggo, okay?”

Isang linggo. Hindi man lang niya ako nagawang tawagan na mawawala siya ng isang linggo pagkatapos ng makasaysaya’ng weekend namin sa Baguio.

Parang ayaw niyang marinig ang mga susunod na sasabihin ni Sir Mike. Itinigil niya ang ginagawa at lumayo na roon at hinayaan na lang na iba niyang kasamahan na makinig pero sumunod si Sir Mike sa kanya hanggang sa counter na para bang siya ang talagang kausap nito.

“Balita ko, kasama niya si Ms. Anne Paredez, ‘yung girlfriend niya na sikat na model, galing raw sila ng Baguio last weekend.”

Hindi, ako ang kasama ni Benjamin buong weekend pero siyempre, wala namang may pakialam doon? Ang alam ng lahat ay si Anne ang kasama ni Benjamin, si Anne na ‘girlfriend’ nito. At ngayon, nasa New York siya kasama si Anne. Ano pa nga ba ang dapat kong i-expect? Pakiramdam ko tuloy, napakalaki kong tanga. Napaniwala ako ni Benjamin na posible nga ang magkagusto ang isang tulad niya sa isang tulad ko – na isang barista lang.

Kaya naman ipinangako ko sa sarili na kalilimutan ko na siya. Pagkaraan ng isang linggo, pumasok ako sa coffee shop nang hindi alam kung ano ang aasahan dahil ang araw na iyon ang araw nang muling pagbabalik ni Benjamin...

Humahangos na pumasok si Maya sa coffee shop eksaktong alas otso ng umaga ng Lunes na iyon nang marinig niya ang tawag ni Pam. Nakangiti ito sa kanya hanggang sa makapasok siya sa locker room, at sa pagbalik niya sa counter.

“Maya, kadaraan lang ni Engineer, pinapupunta ka sa opisina niya. Ito ang sakto’ng sabi – ‘Please tell Maya to come to my office, immediately’,” sabi nito na pilit pinababa ang boses.

“B-bakit raw?” kinakabahan niyang tanong, kahit pa alam niya ang dahilan.

“Walang nasabi. Basta, papuntahin raw kita sa opisina niya. Immediately,” sagot nito nang mataman ang tingin sa kanya. “Bakit ka niya pinapatawag?”

“H-hindi ko a-alam.”

“May problema ba?”

Umiling si Maya. Wala naman siyang problema dahil kung iisipin, hindi naman niya dapat iyon pinoproblema. Pero mahirap magkunwari kung nasa harap lang niya iyon at hindi niya puwedeng iwasan. Alam niya ang dahilan kung bakit siya pinatawag sa opisina ni Benjamin nang araw na iyon, pagkatapos ng isang buong linggo na kahit isang tawag ay hindi nito nagawa. Kinundisyon na niya ang sarili niya na anuman ang mangyari, wala siyang pagsisisihan kaya pinilit niyang maging kalmado at gawin ang gawaing araw-araw niyang ginagawa noon.

Marahang kumatok si Maya sa pinto ng opisina ni Engr. Contreras at pumasok roon. Nakita niya si Benjamin na katulad pa rin ng dati na abala sa trabaho. Lumapit siya at inilapag sa mesa ang kape. Handa na sana ang ‘good morning’ niya pero hindi niya iyon naituloy nang mahagip ng mata niya ang isang magandang babae na nakaupo sa sofa.

Matangkad iyon, payat at maganda. Si Anne iyon ang parehong Anne na pinakilala ni Benjamin sa kanya noong Sabado sa Baguio. Tiningnan ko munang mabuti ang dalawang ‘lovebirds’ na masayang nag-uusap sa loob ng opisina bago ako mabilis na lumabas at halos patakbong tumungo sa elevator.

“Maya!”

Pinigilan ni Benjamin sa pagsara ang pinto ng elevator, na ikinagulat ni Maya.

“Maya, where are you going? We need to talk,” sabi nito, nasa labas ito ng elevator, hawak ng kamay ang pinto.

May mga ibang tao’ng dumating at sumakay sa elevator at tuluyan nang napunta si Maya sa likuran dahil sa mga iyon, hanggang sa sumara na ang pinto at hindi na niya nakita pa si Benjamin. Pero kung akala ni Maya ay nakaligtas na siya sa muling pagharap kay Benjamin, nagkamali siya. Dahil tinawagan siya nito at hindi siya tinigilan hangga’t hindi siya napapapayag na makipagkita. Pero ano pa nga ba ang kailangan nilang pag-usapan?

Siguro, sasabihin niya sa akin nang personal na ang mga nangyari ay isang panaginip lang. Isang ilusyon na hindi na mauulit pa, kailanman. Alam ko na naman iyon. Sasabihin niya na ayaw na niya akong makita, paaalisin niya ako sa coffee shop at babayaran ng malaking halaga para lamang manahimik at ilihim sa lahat ang mga naganap. Siguro, lilipat na siya ng opisina kung saan hindi na ko na siya makikita.

~~

NAROON na si Benjamin sa Japanese Restaurant nang dumating si Maya at naabutan niya itong nagbabasa ng diyaryo. Tiniklop ng binata ang binabasa nang makita siyang parating. Um-order na rin ito ng lunch nila dahil nagmamadali raw ito at mayroon pang meeting na pupuntahan.
Simple lamang ang suot ni Maya – handpainted na T-shirt na sarili niyang gawa, kupas na maong at rubbershoes. Maganda ang ngiti ni Benjamin sa kanya, katulad ng ngiti nito noong naroon sila sa Baguio. Naupo siya at tiningnan ang inorder ni Benjamin – sushi at ilan pang Japanese food na hindi luto ang nakahain sa harap nila. Tumayo ito, hinalikan siya sa pisngi, na hindi niya naiwasan.

“Maya, I’m sorry I was not able to call. Nagkaproblema sa business sa New York kaya kagabi lang ako nakabalik. How are you?”

Heto, busy sa coffee shop, kaya hindi ako nakatawag. Nagkaproblema ang espresso machine namin, pasensiya na.

“By the way, I’ve tried calling you since that Sunday pero may problema yata ang phone mo? What happened? Bakit bigla kang bumaba ng Manila nang hindi nagpapaalam?”

Ayaw ko na sanang pag-usapan pa ang tungkol ro’n. Kaya nga ayaw ko na sana siyang makausap hangga’t maaari dahil nahihiya ako sa hindi ko pagtupad sa usapan namin. Sino nga ba naman ako para takbuhan ang isang tulad ni Benjamin?

Magkasama dapat kami noong buong araw ng Linggo at pagkatapos ay babalik kami sa Manila nang magkasama. Pero natakot ako sa mga posibilidad, sa mga maaaring mangyari at sa mga maaari ko pang maramdaman. Langit na sa akin ‘yung makasama siya ng isang araw at hindi ko na inasam na ang isang araw na iyon ay magiging dalawa, o tatlo dahil baka hindi ko na kayanin kung sakali. Naisip ko na kung muli kaming magkikita at muling magkakasama, baka lumalim lang ang damdamin ko para sa kanya at baka masanay ako na kasama siya. Baka umiyak lang ako sa huli, katulad ng nangyari kay Nanay noon nang iwan kami ni Tatay nang piliin nito ang ambisyon nito at magandang buhay na nakasanayan nito sa Amerika. Kaya napagdesisyunan ko na lang na tigilan na lang ang lahat, hangga’t maganda pa ang lahat, hangga’t kaya ko pang talikuran ang lahat.

Kaya ba niyang sabihin ang lahat ng iyon kay Benjamin? Siyempre, hindi. Sinabi na lang niya noon na may emergency at kinailangan niyang makabalik agad ng Maynila.

“You should have called me. I was so worried when you weren’t returning my calls.”

Si Benjamin Contreras III, worried? Tiningnan ko siya nang sabihin niya iyon at mukha naman siyang sincere. Pero kahit sino naman ay kayang magsinungaling. Kahit ako, kaya ko ‘yong gawin. Siya si Engr. Benjamin Contreras III at sigurado akong napakadali no’ng gawin para kanya.

“Maya, are you okay? Do we have a problem?” nag-aalalang tanong ni Benjamin.

Hindi siya sumagot. Naroon sa mesa ang diyaryo’ng binabasa ni Benjamin at nakita niya ang litrato nitong kasama si Anne sa New York. Fashion show iyon ni Anne noong nakaraang linggo. Napansin naman ni Benjamin na nakatingin siya sa diyaryo.

“Maya, kasama ko si Anne sa New York because she invited me to her fashion show and that’s it. Matagal na siyang kilala ng pamilya kaya magkaibigan kami hanggang ngayon. She’s just a very good friend.”

Wala siyang sinabing ano pa man. Wala naman talaga siyang pakialam sa kung ano man ang dahilan kung bakit kasama nito si Anne sa New York.

“H-hey, I’m sorry,” muling sabi ni Benjamin at hinawakan ang kamay niya. “I should have told you pero-”

Agad niyang binawi ang kamay niya. Ngumiti siya at tumayo na. “Hindi mo kailangang mag-explain.”

No comments:

Post a Comment

Popular Posts