Thursday, June 6, 2019

The Girl From The Coffee Shop 1 Chapter 8

NAGING tahimik ang mga sumunod na araw ni Maya. Nagpatuloy siya sa buhay niya sa coffee shop na parang walang nangyari. Oo, aaminin niya na minsan, sa gitna ng pag-iisa ay naaalala niya ang kanilang matamis na nakaraan at minsan, iniisip niya na makikita niya ito sa The Forum, kakaway sa kanya at ngingiti. Pero ilang araw ang wala si Benjamin, at hindi rin naman siya nakatanggap ng ipinangako nitong tawag. Mag-iisang linggo na mula nang huli nilang pagkikita doon sa Japanese Restaurant, at paminsan-minsan ay nahuhuli pa rin siya ni Pam na nakatingin sa kawalan.

“Mahal mo na, ano?” may himig panunuksong tanong ni Pam. Biyernes noon ng umaga, naroon sila sa coffee shop. 

Kumunot ang noo niya. Kahit pa alam niyang si Benjamin ang tinutukoy nito. Natawa naman at napailing lang si Pam.

“Maya, matagal na tayong magkaibigan, maglolokohan pa ba tayo?”

“Pamela, matagal na nga tayong magkaibigan, dapat kilala mo na ’ko. Alam mo namang wala na sa bokabularyo ko ang mga ganyang bagay.”

“Sus, kaya nga, kilalang-kilala na kita. Mahal mo na siya, ayaw mo lang aminin. Naku, ganyang-ganyan ka rin noon. Paano kung talagang mahal ka ni Engineer, ano’ng gagawin mo?”

Tinawanan iyon ni Maya, isang malakas na tawa. Imposible ang sinasabi ni Pam at alam nilang dalawa ‘yon.

“What if? Ano’ng gagawin ng isang Maya Evangelista kapag nangyari ‘yon?”

Kunwaring saglit na nag-isip si Maya. “Libre ko ang six months mong lunch.”

At lumiwanag ang mukha ni Pam.

Dahil alam ko, kung baga sa libro, tapos na ang chapter na iyon ng buhay ko at magsisimula ako uli sa bagong yugto. Kalilimutan ko na ang lahat ng may kaugnayan kay Benjamin. Hindi ko na siguro kailangan pang marinig mula sa kanya na wala kaming patutunguhan dahil maliwanag pa ‘yon sa sikat ng araw.

Kaya pinilit ni May na gawing normal ang paglipas ng mga araw. Ayaw man niyang aminin, hinihintay niya ang muli nilang pagkikita ni Benjamin, kahit pa nga alam na niya ang ending ng kuwento nila. Dahil kahit ano pa man ang nangyari, wala naman talagang nagbago - guwapo pa rin ito at dumadagundong pa rin ang puso niya sa tuwing nakikita niya ito.

Inabala ni Maya ang sarili sa pagpipinta sa gallery ni Maestro Diestro tuwing weekends para mapaghandaan ang kanilang exhibit sa susunod na taon. Madalas rin siyang kumbinsihin ng Maestro na sumali sa iba pang exhibits, na pinag-iisipan naman talaga niyang mabuti.
Dumadalaw pa rin si Emman sa coffee shop at minsan na niya itong sinamahan sa shelter, tulad ng dati nilang ginagawa. Nasabi nga niya rito na puwede silang magturo ng painting sa mga batang naroon sa mga susunod na buwan, at isali ang shelter sa mga tinutulungan ng Victor Diestro Artists Foundation.

“Punta muna tayo ng mall, bago sa shelter,” sabi ni Emman nang dumaan sa coffeeshop nang araw na iyon. “Nakapangako ako sa mga bata na bibilhan ko sila ng mga laruan.”

Tumango si Maya at ngumiti. Iyon lang siguro ang isang bagay na napagkakasunduan nila ni Emman. Dahil na rin kay Emman kaya natuto siyang mapalapit sa mga bata at makatulong sa mga ito.

“Kumusta na kayo ni Mr. Contreras?” pagkadaka’y tanong ni Emman sa kanya.

“Ha? A-ano’ng kumusta na kami?”

“’Wag ka na ngang mag-deny diyan, Maya. Alam na ng buong mundo ang tungkol sa inyong dalawa.”

“Emman, magkaibigan lang kami no’n.” Magsasalita pa sana si Maya pero namataan niyang parating si Benjamin. At sa halip na tumuloy ito sa elevator ay doon sa coffee shop ito tumuloy, nang hindi man lamang ngumingiti sa kanya. 

“Maya, follow me to my office, now.”

Sinundan ito ng tingin nina Maya at hanggang sa mawala na ito sa paningin nila. Tiningnan din siya ni Emman na para bang sinasabing ‘kaibigan lang pala, ha’.

~~
ILANG minuto lamang ay sumunod na si Maya sa opisina ni Benjamin. Hindi niya alam kung dapat bang kumustahin niya ito o dapat bang may sabihin siya rito. 

“What was that all about?” seryoso tanong ng binata. Inilagay nito sa ibabaw ng mesa ang dalang briefcase. “Sino ‘yung kausap mo sa coffee shop?”

“S-si Emman.”

Ibinalik ni Benjamin ang mga papel sa envelope at muling humarap sa kanya. “Bakit ba lagi siyang nasa coffee shop na parang nagbabantay? Ano ba’ng kailangan n’ya sa’yo?”

“M-may pupuntahan kami mamaya pagkatapos ng trabaho ko sa coffee shop.”

Tiningnan siya nito at muling yumuko. “Maya, I don’t want you hanging around with that guy,” sabi nito sabay tayo. Lumapit ito sa kinatatayuan niya. 

“H-ha?” gulat niyang tanong. Gusto niyang siguraduhin kung tama ang dinig niya.

“I said, I don’t want to see you with that guy anymore.”

“B-bakit?”

“Dahil hindi magandang tingnan.”

Natawa siya, isang mapaklang tawa. “So ako, kapag may ibang kasama, hindi magandang tingnan, pero kapag ikaw, walang problema, gano’n ba?”

Si Benjamin naman ang natawa. “Is this all about Anne? Teka, are you jealous of her? Sinabi ko naman sa’yo, Anne is just a friend.”

“Emman is my friend. Ano’ng pagkakaiba no’n?” 

“Maya, please, I don’t have time to argue about this. Basta ayoko nang makikita ang lalaki’ng ‘yon sa coffee shop, understand?”

“Gusto mong sabihin ko sa kanya na hindi na siya p’wedeng magkape sa coffee shop, ganoon ba? At ano naman ang idadahilan ko sa kanya?”

“Tell him I said so.”

Tiningnan niya si Benjamin, seryoso ito sa sinabi, na hindi niya maintindihan kung bakit. Tumalikod ito at ilang sandali pa bago muling humarap sa kanya.

“If you want to go anywhere, tell me and we’ll go together. Hindi ‘yung kung sinu-sino ang kasama mo.”

“Matagal ko nang kaibigan si Emman. Hindi siya kung sinu-sino lang,” matigas niyang sabi. Nagsisimula nang uminit ang ulo niya.

“I don’t care,” mariing sabi ni Benjamin. “Bakit nga ba hindi ka pa mag-resign sa coffee shop na ‘yan?”

“At bakit naman ako magre-resign?” Isang mapaklang tawa ang pinakawalan niya. 

“Tapusin mo ‘yung course mo, go back to your university,” simple nitong sagot. “Wala ka ba’ng plano na tapusin ang course mo?”

Saglit na nag-isip si Maya. “H-hindi ko pa alam.”

Humarap si Benjamin sa kanya. “Maya, hindi pwede’ng hindi mo alam. It is your responsibility to finish your studies.”

Alam na niya iyon, hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang narinig iyon at hindi na niya kailangan pa iyo’ng muling marinig mula kay Benjamin. Hindi niya maintindihan kung bakit nila pinag-uusapan ang tungkol sa pag-aaral niya.

“Maya, you have to graduate for you to be able to work here at the firm and -”

Natawa si Maya. “Teka, sino ba ang may sabi sa iyo na gusto kong magtrabaho sa firm na ito?”

“Ano’ng gusto mo, ang magtrabaho sa coffee shop na ‘yon buong buhay?” Tiningnan siya ni Benjamin na tila gulat na gulat sa narinig.

“Sino ka ba para pakialaman ang gusto ko?” Pagalit iyong sinabi ni Maya. Sa tingin niya ay wala na itong pakialam anuman ang gusto niyang gawin sa kanyang buhay.

“W-what did you just say?” seryoso nitong tanong.

“Hindi ka p’wedeng basta papasok sa buhay ko at sasabihin sa akin kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin dahil lang sa nagkasama tayo ng dalawang araw sa Baguio!”

“Maya, concern lang ako sa’yo.”

Tiningnan niya ng matuwid ang kausap. “Concern, sa akin? Come on, alam kong  mas concern ka bilang owner ng building na ito, bilang presidente ng mga kumpanya mo at sa sasabihin ng mga tao tungkol sa ‘kin, diba? Hindi mo pa rin matanggap sa sarili mo na isang barista lang ang babae’ng gusto mo kaya pipilitin mo ako’ng maging tulad ng iba mong mga babae na may pinag-aralan, may magandang trabaho, may class -”

“Maya, that is not true.” Binitiwan lahat ni Benjamin ang hawak na papeles.

Hindi man iyon totoo, wala na siyang pakialam. Sinasabi na nga ba niya, sa umpisa pa lang, wala rin ‘yong patutunguhan. Isa lamang iyong masamang panaginip. Tumalikod na siya bago pa man siya mapaalis ng kausap. Pero agad siyang naabutan ni Benjamin at hinawakan nito ang magkabila niyang balikat.

“What’s wrong with you, Maya? Ginagawa ko na lahat, I skipped work for a couple of days just to be with you in Baguio, at sa coffee shop ko na kino-conduct ang ibang meetings para lang makita kita, pero bakit parang hindi mo ‘yon naa-aapreciate?“

“Sino ba’ng may sabi na gawin mo lahat iyan?”

Napanganga si Benjamin at sinamantala iyon ni Maya kumawala rito at makalabas na ng opisina. 

~~
NANLULUMONG napailing si Benjamin. He promised himself to be as calm as possible with Maya, but he did just the opposite. Hindi lang kasi niya maiwasan na magtaas ng boses. Noon pa man ay hindi na siya komportable sa pagiging malapit ni Maya sa Emman na iyon. Kahit pa sabihin nitong matagal na nito iyo’ng magkaibigan.

Mula nang makabalik siya galing New York, buong linggo siyang wala at abala sa trabaho sa firm, kasabay ng pagtulong niya sa pag-aasikaso ng hotel nila sa Baguio. At ngayon ay madaratnan niya si Maya na kausap ang taong iyon? He has to admit he’s jealous. He couldn’t hide the fact that he’s jealous of that Emman spending more time with her than he could. And he hates himself for that. Ngayon, paano niya aayusin ang gusot na ginawa niya, lalo pa at ganoon pala ang tingin ni Maya sa kanya, as if he means nothing to her?

Inilagay niya ang mga hawak na papeles sa ibabaw ng mesa at nagtanggal ng neck tie.  Kinuha niya ang painting na naroon sa ibabaw ng sofa. Naroon pa rin ang balot nito at ribbon na hindi pa tuluyang naaalis. Iyon ang painting na tinutukoy sa kanya ni Tito Vic niya na ibinigay sa kanya noong isang taon. Kagabi lamang niya iyon naisipa’ng ipahanap sa attic ng bahay niya. Pinadala niya ito kanina sa kanyang driver doon sa opisina, at plano talaga niya iyong ipakita kay Maya nang araw na iyon.

Tinanggal niya ang balot noon at tiningnan iyong mabuti. Buhay na buhay ang larawang iyon ng tabing dagat sa dapit hapon. Watercolor. At nang tingnan niya ang pangalan sa ibaba, Evangelista 2000.

Hindi pa man nagtatrabaho sa coffee shop si Maya ay nasa kanya na ang painting nito. Bakit nga ba hindi sumagi sa isip niya ang posibilidad na si Maya ay si Evangelista?

Dahil wala naman siyang hilig sa mga ganoong bagay. Naging interesado lang siya dito dahil sa Tito Vic niya. Kung nalaman na niya noon pa na si Maya pala si Evangelista, hindi sana siya nagkakaganito. Pero ano nga ba ang pagkakaiba kung nalaman niya ito noon pa?  Wala - dahil hindi na mababago ang nararamdaman niya para dito.

Itinapon niya ang balot ng painting sa basurahan. Tinanggal niya ang lumang painting na nakasabit doon sa receiving area at pinalitan niya iyon ng painting ni Maya. Ilang sandali rin niya iyong pinagmasdan bago tuluyang magtrabaho. 

~~

ANO’NG problema?” tanong sa kanya ng kanyang Tito Vic nang bisitahin niya ito nang gabing iyon sa bahay nito sa Antipolo. Ngayon lamang siya bumisita rito ng mahigit isang beses sa isang linggo kaya alam nitong may problema siya.

Nakatingin lang si Benjamin sa painting ni Maya na nakasabit sa dingding ng opisina ng kanyang tiyuhin. Nang ayaw makipag-usap sa kanya ni Maya, hinayaan lang niya ito. Ang sabi ng Tito Victor niya, hindi raw niya ito mapipilit sa bagay na hindi nito gusto. At mas mabuti raw na hayaan muna niya ito. And that was exactly what he did. He tried not to call her, or to go to her apartment. Pinilit niyang huwag itong tingnan man lang sa The Forum. And it has almost been a week. At hindi na niya alam ang gagawin. Kung ibang babae lang siguro, hindi na siya mag-aaksaya ng panahon at hahayaan na lamang niya ito sa anumang gusto nitong gawin at hindi na niya ito pag-aaksayahan ng panahong suyuin pa. Pero si Maya iyon.

“Mukhang problemadong-problemado ka, ha.” Natawa si Tito Vic nang ilang minuto nang tahimik lang siya simula nang dumating siya sa opisina.

“Gano’n ba talaga siya? Mahirap kausap?”

Tumango ito. “At ‘pag ayaw niya, ayaw niya talaga. Kaya pabayaan mo muna.”

“’Yun na nga ang ginagawa ko, Tito.”

“’Yan ang sinasabi ko’ng pag-ibig, Benjamin,” nakangiti nitong sabi. Naupo ito at isinuot ang salamin sa mata. 

Pag-ibig. Hindi siya sigurado kung pag-ibig nga ba iyon. Mukha yatang obsession na ang nararamdaman niya para kay Maya dahil kailanman ay hindi pa nangyayari ang ganoon sa kanya.

“Ano po ba’ng kailangan ko’ng gawin?”

“Gawin mo kung ano ang alam mong tama.”

Pinag-isipang mabuti ni Benajmin ang sinabi ng kanyang tiyuhin. Ang sabi nito ay gawin niya ang alam niyang tama, at isa lang ang alam niyang tamang gawin. Ang kausapin si Maya, at humingi ng tawad, kung iyon ang dapat, dahil kailangan niyang aminin na hindi niya kaya na mawala ito ng tuluyan sa buhay niya.

~~
SI Maya?” tanong ni Benjamin kay Pam doon sa counter ng coffee shop. Magtatanghali na noon at kadarating lang niya sa opisina pero agad rin siyang bumaba. Ilang beses niyang sinubukang tawagan uli si Maya pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. 

“Ah, e…n-nasa loob po.”

“Tell her I need to talk to her. Please.”

Nakatingin na sa kanila ang ibang staff ng coffee shop, malamang ay nagtataka kung ano ang dahilan kung bakit naroon siya. Bago pa niya muling pilitin si Pam ay nakita niyang lumabas si Maya mula sa locker room. Nagulat ito sa pagkakita sa kanya at babalik na sana sa loob pero pinigilan niya ito.

“Maya, can I talk to you for a moment?” seryoso niyang tanong.

“M-may trabaho pa po ako,” mahina nitong sabi nang makalapit ito sa counter.

Hindi niya ito pinansin at tinawag niya ang manager nito na si Mike, na naroon lamang malapit sa kanila. Nang magpaalam siya rito para makausap si Maya ay tumango lang ito dahil wala naman itong pagpipilian. Tinanong rin niya kung maaari silang mag-usap ni Maya sa locker room, at tumango lang uli ito. Pumasok siya sa counter at hinatak si Maya hanggang doon sa loob, habang ang lahat ng mata ay nakasunod ng tingin sa kanila.

“Maya, please, kausapin mo ako,” sabi niya nang sila na lamang dalawa.

“P’wede tayo’ng mag-usap sa ibang lugar, hindi dito, maraming tao rito, nakakahiya.”

“Wala akong pakialam. I need to talk to you, now.”

“Wala na tayong dapat pag-usapan. Tigilan mo na ‘ko, please,” mariin nitong sabi.

Saglit siyang natigilan sa narinig dahil hindi niya inaasahan ang ganoon mula rito. “W-what are you saying?”

“S-simpleng barista lang ako, baka nakakalimutan n’yo. Hindi ako isang sikat na model, hindi ako artista. Paggawa lang at pagde-deliver ng kape ang alam ko, sir Benjamin. Naiintindihan n’yo ba ang sinasabi ko?”

Nagtatakang tiningnan niya si Maya. He knew her to be a quiet person and she’s never been this vocal when it comes to her feelings.

“Hindi mo p’wedeng idikta kung ano’ng gusto mo para sa ‘kin. May sarili akong buhay, kung gusto kong dito lang ako sa shop na ‘to hanggang sa mamatay ako, wala kang magagawa.”

“I-I’m sorry, Maya. Hindi na ‘ko makikialam kung ano’ng gusto mong gawin. If working here makes you happy, fine...you can work here as long as you want.” Hindi niya sinasadyang panghimasukan ang buhay ni Maya. Mali iyon at alam na niya ito ngayon.

“Ano ba’ng gusto mo’ng mangyari? Kahit baliktarin mo ang mundo, iba ang buhay mo sa buhay ko. At wala ako’ng balak na baguhin ‘yon para lang sa’yo. Hindi mo ako mapipilit na gawin ang isang bagay na hindi ko gusto,” naiiyak nitong sabi.

Ilang minuto pang nanatiling nakatayo si Benjamin sa harap ni Maya. Nakatingin lang siya rito, habang nakayuko ito. At pagkatapos, bahagya siyang lumayo. Kung ano man ang nangyayari ay hindi iyon naiintindihan ni Benjamin dahil inakala niya na pareho sila ng nararamdaman ni Maya.

“M-Maya, ‘yung weekend sa Baguio...wala lang ba ‘yon sa iyo?” tanong ni Benjamin. “Because it meant everything to me, Maya. I don’t spend my weekend with just anybody. I spent it with you because you are really special to me. At akala ko, espesyal rin ako sa ‘yo. Nagkamali ba ‘ko? I am in love you, Maya. Hindi mo ba naiintindihan iyon?”

 “A-alam mo ba ‘yang sinasabi mo?”

“Siguro nga hindi ko alam kung ano ang sinasabi ko, but that’s how I feel. Hindi ko na alam kung ano nang nangyari sa akin simula nang himatayin ka sa elevator. At hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano itong ginagawa mo sa akin. If I could stop this feeling, trust me, Maya, I would. But every time I pass by this coffee shop, every time I have my coffee delivered every morning…every time I get inside that elevator, I can’t seem to stop myself to think about you. And every time I look at your painting that hangs in my office…I think of you and I can’t help it.”

Maraming iling lang ang itinugon ni Maya.

“Maya, I love you and I’ll do everything to protect you. Wala akong pakialam sa iisipin ng ibang tao dahil ikaw ang mahal ko. Kung gusto mong umalis rito, tumira tayo sa ibang lugar, we’ll do it. Basta kasama kita, basta masaya ka, I’m willing to give up everything for you. Just give me a chance to love you and to prove to you that I’m worth it.”

“Natatakot ako, Benjamin. Paano kung –“

Pinilit ni Benjamin na tumingin ito sa mga mata niya. “Sabihin mo sa’kin ang totoo, Maya. Just tell me the truth and then I’ll leave you alone if that’s what you want,” hinawakan niya ang magkabila nito pisngi at iniharap ang mukha nito sa mukha niya. “Do you love me?”

At ilang sandali pa ay hindi niya narinig ang gusto niyang marinig mula rito. 

~~

No comments:

Post a Comment

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...