Friday, June 14, 2019

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 4

NAMATAAN ni Maya si Benjamin sa kanilang opisina na may kausap na isang lalaki sa di kalayuan. Habang nagta-trabaho ay tinitingnan niya ito, hinihintay kung titingin sa direksyon niya. Imposible naman na hindi nito alam na naroon siya dahil wala pa sa limang katao ang naroon sa mga oras na ‘yon.  

“Miss Maya?”

Saglit niyang tiningnan si Jenny na may hawak na bouquet of red roses, at muling tiningnan si Benjamin. Eksaktong isang linggo na ang nakakaraan nang halos magmakaawa ito na mahalin siyang muli. Pero simula noon ay hindi na siya nito kinausap, nilapitan, o kahit tiningnan. 

Sa totoo lang, inaasahan ko na bibisitahin niya ako sa apartment o tatawagan man lang pero kahit na isang simpleng text message ay wala. Gusto ko na nga lang isipin na hallucination lang ang lahat ng narinig ko para wala na ‘kong isipin. Hindi ko na alam kung anong gagawin, kung tama bang ako ang gumawa ng first move at lumapit sa kanya.

“Ang cute niya, ano?” narinig niyang sabi ni Jenny na kanina pa pala siya napapansin na nakatingin kay Benjamin. “Crush mo rin ba siya? Kasi halos lahat dito sa The Forum, may gusto sa kanya, eh.”

Nginitian lang niya iyon, nagtatakang kinuha ang bulaklak na hawak ni Jenny. Kinuha niya ang note na galing sa kung kanino ay walang nakalagay. Isang simpleng good morning lang ang nabasa niya roon, at wala nang iba pa. Tiningnan niya si Benjamin, at lihim siyang napangiti. Inamuy-amoy niya ang bulaklak at nginitian din si Jenny. 

“Wish mo lang, galing kay Sir Benjamin ‘yan, ano?” mahina nitong sabi.

Kung p’wede nga lang niyang sabihin na kay Benjamin nga galing ang mga ‘yon pero hindi p’wede. Hanggang ngayon, si Nicole pa rin ang alam ng lahat na girlfriend ng binata at wala naman siyang balak na ibahin ang paniniwala ng lahat dahil hanggang ngayon, hindi niya alam kung ano talaga ang meron sila ni Benjamin.

“Miss Evangelista, to my office. Now.”

Sabay na tiningnan iyon nina Jenny at Maya, at ng ibang taong naroon. Biglang umayos ng tayo si Jenny at halos mabitawan ni Maya ang mga bulaklak. Seryoso at malakas ang boses nito at hindi na nagawa pang lumapit sa kanila. Matapos ayusin ang mga nakakalat na gamit sa mesa ay mabilis siyang pumasok sa elevator at nakapikit na nanalangin. Halos mapatalon pa siya nang marinig ang tunog ng elevator at bumukas ang pinto niyon.

“Did you like the flowers?” seryosong tanong ni Benjamin pagpasok na pagpasok niya sa opisina nito. Wala itong kangiti-ngiti at nakatingin lang sa laptop.

“Y-yes, thank you.”

“Hindi ka dapat nagpapasalamat sa akin dahil hindi galing sa akin nga mga roses na ‘yon.” Tiningnan siya nito. “I only give you red tulips, Maya.”

Oh, yes, she remembers. Only expensive red tulips. So, where did those roses come from?

“So, have you given it some thought?” pagkadaka’y bigla nitong tanong sa kanya.

Given what some thought, gusto sana niyang itanong. Pero bago pa siya nakapagtanong ay nagsalita na ulit ito.

“About what I’ve asked you last week. Have you given it some thought?”

It’s as if he’s just asking me for a cup of coffee, na parang gano’n lang kadali ang pagdesisyunan ‘yon. Oo nga’t sinabi ko na gagawin ko lahat pero hindi naman ibig sabihin na gagawin ko nga. Tumingin siya sa’kin at binitiwan ang hawak na mga papeles. Kinilabutan ako nang tuluyan siyang lumapit at makita ko ang kanyang mga mata. God, I missed those beautiful eyes. Parang hihimatayin na naman ako kaya pumikit ako at napatango nang wala sa oras at huli na para bawiin ko ‘yon. When I looked at him again, he wasn’t even smiling. 

“Do you still love me?”

Hindi na binigyan ng pagkakataon ni Benjamin na sagutin niya ang tanong na iyon. He just kissed her like it was the first time. Masyadong matagal ang apat na taon kaya hindi naiwasan ni Maya na madala sa halik ng binata. His kisses were passionate, open-mouthed, hungry kisses. She almost forgot how it felt like, kissing Benjamin like that. At habang hinahalikan siya nito ay nagbalik sa kanya ang lahat. 

Just love me again. Ilang beses na inulit-ulit ni Maya ang mga katagang iyon sa kanyang utak. Gusto niya iyong ulit-ulitin at sabihin sa sarili niya na kalokohan lang iyon. Pero hindi, dahil malinaw niya iyong narinig kay Benjamin. Sa kabila ng mga nagawa niya noon, nagsumamo pa rin ito na muli niya itong mahalin. Ramdam ni Maya ang sensiridad sa mga mata ni Benjamin at kahit ayaw niyang maniwala, alam niyang totoo iyon. At sa tingin niya, kahit siguro hindi iyon totoo ay paniniwalaan pa rin niya into.

“I love you, Maya,” habol ang hininga nitong sabi. 

“P-pero paano si Ms. Nicole?” mahina niyang tanong.

“I’ll take care of it. For now, we just have to be discreet about this.”

Discreet? Gusto ba nitong magkaroon sila ng ‘secret affair’? Wala sa plano niya sa buhay ang maging isang mistress ng kahit na sinong tao at hindi siya papayag na magkaroon ng affair sa binata, nagtatago at nag-iingat na makita ng kahit na sino. 

“Kakausapin ko si Nicole pagbalik niya galing Italy.” Hindi natuloy ang gagawin sanang muling paghalik ni Benjamin sa kanya nang marinig ang sumunod niyang tanong.

“Ano ‘to, secret affair?”

“N-no, of course not. Hindi gano’n ang gusto kong mangyari. Time, Maya…that’s all I’m asking. Kailangan ko ng oras para ayusin ang lahat.”

Humingi siya ng tawad kay Benjamin na hindi madaling ibigay pero ginawa iyon ng binata nang hindi siya nagdalawang-salita at ngayon, oras lang ang hinihingi nito, hindi pa ba niya ito mapagbibigyan?

~~

HI, good morning.” Nakita ni Jeffrey sa coffee shop si Maya na kausap si Pam, na ngumiti agad nang makita ito. Nasa loob ng counter si Pam na kinawayan nito, at nakaupo naman si Maya sa pang-dalawahang upuan na pinakamalapit doon. “What’s up?” tanong ni Jeff matapos halikan si Maya sa pisngi. Nanatili lang itong nakatayo at nakatunghay sa dalaga. “Nand’yan na ba si Benjamin?”

“H-hindi ko alam, bakit mo tinatanong sa’kin?” balik na tanong ni Maya na na-tense bigla sa simpleng tanong na iyon.

“Oh, bakit parang gulat na gulat ka sa tanong ko?”

Umiling si Maya at tiningnan si Pam na nagtataka rin sa kanya. “H-hindi kasi dapat ako ang tanungin mo dahil hindi ko talaga alam.”

Natawa na lang si Jeff sa sinabi ni Maya. He could sense that something’s not right. “Anyway, are you guys free tonight?”

Agad na tumango si Pam. “Ano’ng meron?” 

“Just dinner. Tayu-tayo lang. With my friend.”

“Sure.”

Tumango lang din si Maya. Si Mr. Raymond Guevarra ang tinutukoy nito, na naging malapit na rin nilang kaibigan. Magpapaalam na sana si Jeff para umakyat sa opisina ni Benjamin nang biglang dumating ang hinihintay nito. 

“Benjamin, we were just talking about you.”

Bahagya itong ngumiti. “Anong ginagawa mo rito?” tanong nito kay Jeff. Agad na ikinuha ni Pam ng cappuccino ang binata. Simula kasi nang bumalik ito sa The Forum ay hindi na ito nagpapa-deliver sa opisina. 

“Wala. Bumibisita lang, masama ba?”

“Sino’ng binibisita mo?”

Nagkatiningan silang tatlo nina Maya. “No one in particular,” tugon ni Jeffrey. “Okay, girls, see you! Maya, don’t forget about tonight, okay?”

“What’s with tonight?” biglang tanong ni Benjamin kay Jeffrey.

“Dinner, just dinner.”

Pasimple nitong tiningnan si Maya at pagkatapos ay si Jeffrey. “Well, we’re a bit busy at the firm these days and I think everybody’s gonna work extra hours tonight, right, Miss Evangelista?”

Hindi nakasagot si Maya at tiningnan lang si Benjamin. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa nitong makisama sa usapan. 

“Pero may usapan na kami ni Maya. We’re gonna have dinner tonight.”

“No, she’s busy tonight.”

Nang lahat na sina Benjamin, Pam at Jeffrey ang nakatingin sa kanya, wala na siyang choice kundi ang magsalita. “Ah, Jeff, I’m sorry. Nakalimutan ko ‘yung schedule for the whole day…b-baka hindi nga ako makasama. N-next time na lang siguro.”

Nagtaka si Jeffrey, lalo na si Pam sa mabilis na pagbabago ng isip ni Maya. Tumalikod na si Benjamin para umalis pero muli itong bumalik nang hindi sumunod sa rito ang pinsan.

“Jeffrey, come on. I thought you want to talk to me.”

Umiling ang binata. “I didn’t say that.”

“Well, I want to talk to you. Let’s go.”

Bago pa tuluyang nagpaalam ay humalik si Jeff sa pisngi ni Maya na ikinagulat ni Benjamin. Siguro, kung hindi ito nakapagpigil, malamang ay naging bayolente ang reaction nito at hindi maganda ang kalalabasan no’n.

“Maya, sabihin mo sa’kin kung ano ang nangyayari,” agad na tanong ni Pam nang tumalikod na sina Benjamin at Jeffrey.

“Ano’ng nangyayari saan?”

Pinasingkit ni Pam ang mga mata at alam na ni Maya ang ibig sabihin no’n. Pareho nilang sinundan ng tingin ang malayo nang magpinsan. “Akala mo ba hindi ko napapansin ‘yang mga pasimple n’yong malalagkit na tinginan ng Contreras na ‘yon? Ano 'yan, ha, kayo na ulet?”

~~

PARANG hindi narinig ni Benjamin ang tanong ni Jeff at nagtuluy-tuloy na sa loob ng opisina. Iniwan nitong bukas ang pinto para makapasok ang pinsan.

“Ano, kayo na ba ulit?” muli nitong tanong. At muli, walang tugon. “You acted like a jealous boyfriend back there, Benjamin.”

“Because I am and I think I have every right to be jealous.”

“What?” The answer was quick and he knew that Jeff wasn’t expecting that from him because just a couple of weeks ago, he didn’t want to talk about Maya.

“Yes. Kaya kalimutan mo na ang balak mo na i-date siya, okay?”

“Really?” tanong ni Jeff. Tumango si Benjamin at ngumiti - ngiti na noon na lang uli nakita ni Jeffrey mula sa kanya. “Bakit bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin?” tanong nito. Nagpunta ito sa lounge area ng opisina at naupo sa itim na couch.

Ngumiti siya. “Nothing. I just followed your advice, we talked and we’re okay.”

“Gano’n lang, okay na agad kayo? Ano’ng nangyari sa – ‘I don’t want to ever see her again, I don’t care about her anymore’?” Tumayo uli si Jeff at nilapitan siya. 

Hindi umimik si Benjamin at alam ni Jeff na hindi na nito kailangang sagutin iyon.

“Okay, hindi na ako magtatanong, hindi na ako makikialam,” sabi nito. Hindi na pinagtakhan ni Jeffrey ang pangyayari dahil alam naman nito ang totoong nararamdaman niya para kay Maya.

“So please stop sending her red roses, Jeff. She’s not into roses.”

“Roses? Hindi ako nagpapadala sa kanya ng bulaklak,” sabi niya na halatang pinagtakhan ni Benjamin. Nakakunot ang noo nitong tumingin sa kanya. 

~~

NAPATAYO si Pam nang marinig ang sinabi ni Maya. Bahagyang lumayo si Pam sa kanya, at muling lumapit na masama ang pagkakatingin na para ba siyang kakainin nito. Kasalukuyang ginagawa ni Maya ang isang design na kasama sa project ng Firm nang dumating si Pam sa apartment niya nang gabing iyon.

“Maya, okay ka lang?” malakas nitong tanong. 

“Ang OA naman,” sabi niya. Pinulot niya ang mga nalaglag na lapis at ibinalik sa canister.  

“Anong OA? Maya Evangelista, sinasabi mo sa’kin na kayo na ulit ng Contreras na iyon, tapos gusto mong huwag akong maging OA?”

“Ano bang problema kung maging kami ulit?” 

“Wow, nakalimutan mo na ba si Nicole Sequia? Bakit ka pumayag na maging kayo? At ano naman ang kinalabasan mo do’n, mistress?”

“N-nasa Italy pa si Nicole. Sabi ni Benjamin, aayusin n’ya ‘yung tungkol sa kanila kapag nakabalik na si Nicole ng Pilipinas.” 

“At naniwala ka naman? Hindi dahil sinabi niya, gagawin niya. Bakit hindi mo muna hinintay na tapusin muna niya ang dapat tapusin bago ka pumayag na makipagbalikan?”

“Ako ang nang-iwan sa kanya noon, Pam. Nawala ako ng parang bula pero wala akong narinig na kahit na ano sa kanya. W-wala akong lakas ng loob na tumanggi dahil kasalanan ko naman talaga lahat ng nangyari sa ‘min noon.”

“Kaya ngayon, kahit anong sabihin niya, gagawin mo at paniniwalaan mo? Dahil lang sa gusto mong makabawi sa kasalanan mo?”

“H-hindi naman sa gano’n pero-“

“Pero hindi mo dapat isipin na may utang na loob ka sa kanya dahil lang sa nagawa mo noon. Hindi mo kailangang gumawa ng bagay na hindi mo talaga gusto. Gusto kong maging masaya para sa’yo pero ‘yung totoo, hindi e. Hindi mo man lang ba naisip kung anong kahihinatnan n’yan? Maya, baka naman nabibigla ka na naman at nagdedesisyon nang hindi nag-iisip. Alam mong hindi naging maganda ‘yung huli mong desisyon na ganito noon tapos, heto ka na naman?”

“H-hindi ito katulad ng noon, Pam,” mahina niyang sabi nang hindi tumitingin sa kausap. Nakayuko lamang siya at kunwa’y abala sa pag-aaral ng interior design plate sa harap niya.

“Ano’ng pagkakaiba? Maya, nagpapadala ka na naman sa emosyon mo.”

Tiningnan ni Maya ang kaibigan na nakatayo pa rin sa harap niya. Totoong ibang-iba na ito sa Pam ngayon kumpara sa Pam na kaibigan niya noon. Ang Pam ngayon ay puno na ng galit at alinlangan. Naiintindihan niya ang hirap na dinanas nito sa sarili nitong pakikipagrelasyon sa lalaki’ng may asawa at hindi niya ito masisisi kung nag-iba na ito ng pananaw sa mga ganoong bagay. Kung noon ay kasama niya itong kinikilig at natutuwa sa mga nangyayari sa kanya, hindi na ngayon. Parang isang naglalakad na thinking machine na ito, na puro utak na lang ang pinapagana.

“Maya, ayoko lang na mangyari ulit ‘yung nangyari sa’yo noon. Baka mamaya, hindi lang Baguio ang akyatin mo at mabalitaan ko na lang na nasa summit ka na ng Mt. Everest.”

~~

TO the girl who i truly care for, remember that I love you. 
~ From you-know-who

Iyon ang bumungad kay Maya kalakip ang isang dosenang red tulips nang Lunes nang umaga. Hindi niya napigilang mapangiti. Para siyang baliw na ngumingiti nang mag-isa, para siyang teenager na kinikilig dahil sa simpleng note at isang pumpon ng mga bulaklak.

“Uy, kanino na naman galing ‘yan?”

Hindi pansin ni Maya ang mga kasamahan na nakatingin at natatawa sa kanya kaya nagulat pa siya nang nilapitan siya ni Jenny at tuksuhin. Agad na itinabi ni Maya ang note sa bulsa at inilagay ang mga bulaklak sa sulok ng mesa. Ngumiti lang siya. 

“Galing na naman sa secret admirer mo? Sana ako rin, may secret admirer,” nakangiti nitong sabi. “Kilala mo na ba kung kanino galing?”

Kanino pa nga ba kundi kay Benjamin pero siyempre, hindi naman niya iyon p’wedeng ipagsigawan.

“Si Sir Contreras.”

“H-hindi ‘no, bakit naman niya ko bibigyan ng bulaklak?”

“Miss Maya, hindi ko naman sinabing siya ang nagbigay n‘yan…si Sir Contreras, parating.”

Sinundan ng tingin ni Maya ang parating na si Benjamin, kasunod si Greg. Seryoso ang mukha nito at sinusulat ni Greg ang anumang sabihin nito.

“Nice flowers,” sabi ni Benjamin nang dumaan ito sa harap nila. “From a secret admirer?”

Nagkatinginan sila ni Jenny at hindi niya alam ang itutugon. May ilan silang kasamahan doon na nakatingin din sa kanila dahil hindi normal na makita si Engr. Contreras doon at makipag-usap sa kanila, at makialam sa mga nangyayari sa kanila doon.

“To my office, Miss Evangelista. I have to talk to you about the designs.”

~~

SIR, Miss Evangelista is here.”

“Let her in, Greg. Thank you.”

Dala ni Maya ang plates ng design concept para sa bagong condominium na isa sa mga projects ng firm. Pumasok siya sa opisina ni Benjamin at nanatiling nakatayo sa harap ng mesa nito. Inilapag niya ang mga designs sa counter na konektado sa mahabang mesa ng president bago naupo.

“We’re now working on the bedroom suites and probably we’ll be finished by the end of this week,” seryoso niyang simula.

“How about dinner?” Hindi man lang tiningnan ni Benjamin ang ipinakita ni Maya. Tumayo ito at nilapitan s’ya. 

“E-excuse me?” Nasa designs pa rin ang isip ni Maya at hindi masyadong narinig ang sinabi ng kausap. 

“Dinner. Are you free to have dinner tonight?” At mas lumapit ito sa kanya. 

Lunes noon at mahaba pa ang linggo’ng bubunuin niya. Napataas ang kilay ni Maya dahil hindi tipikal kay Benjamin na anyayahan siyang kumain sa labas kapag Lunes at talagang bihira na rito ang imbitahan siyang lumabas dahil na rin sa sitwasyon.

“Let’s meet at Mandy’s say, seven?” tanong nito sa kanya. Nang tumango siya ay ngumiti ito ng pagkaganda-gandang ngiti.

Mandy’s is a new fusion restaurant 20 minutes away from the firm. Ilang beses na rin kaming nagdi-dinner doon at isa na rin iyon sa paborito naming puntahan. Mas ligtas sa mga mapanuring mata ang Mandy’s kumpara sa ibang restaurants sa paligid ng The Forum kaya naman doon sila madalas kuamin ni Benjamin tuwing may pagkakataon.

Umalis ako ng The Forum ng alas sais y media at eksaktong alas siyete ako nakarating. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Benjamin na medyo male-late raw ito sandali dahil kailangan pa raw nitong tapusin ang huling meeting sa opisina. 

Sa dulo ng restaurant napiling maupo ni Maya, doon sa lugar kung saan tahimik at malayo sa karamihan ng tao. Sa mesang iyon sila palaging kumakain sa tuwing pumupunta doon.
Si Maya na siguro ang pinakasuwerte’ng babae sa balat ng lupa dahil hanggang ngayon ay mahal siya ni Benjamin. Wala na siguro siyang makikilalang may malaking puso tulad ng kasintahan kaya sabi niya sa sarili niya, anu’t-anuman ang mangyari, hinding-hindi na niya muling iiwan si Benjamin.

Eksaktong alas siyete y media nang mamataan ni Maya si Benjamin na papasok sa restaurant, kasunod ang isang lalaki na sa umpisa ay inakala niyang si Greg. Kinawayan siya ni Benjamin nang makita siya. 

“Sorry, I’m late. Had a little problem at the meeting.”

Ngumiti lang si Maya at bahagyang tiningnan ang lalaking nasa likuran ni Benjamin na nakasuot ng simpleng long sleeve polo at cardigan trousers. Mas maliit ito sa kasintahan.

“By the way, I’d like you to meet Mr. Buenaventura. He’s into advertising, head of Buenaventura Advertising in Milan. They are renting the renovated space on the 30th floor. We had played golf several times.”

‘By the way, I’d like you to meet Mr. Buenaventura’ lang ang nag-sink in sa utak ko. Hindi ko na kinaya pang intindihin ang mga sumunod na sinabi ni Benjamin pagkatapos no’n dahil parang echo na nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang pangalan na iyon.

Kasing lakas ng intensity 9 earthquake ang tibok ng puso ni Maya nang tingnan niya ang binata na tila tuwang-tuwa sa pagkakita sa kanya, lalo na nang tingnan rin siya nito sa mata at ngumiti. Pakiramdam ni Maya ay kaya nitong sabihin ang lahat sa pamamagitan ng titig na iyon.  

“Kailangan kong lumapit para makasigurong ikaw nga ang tinutukoy ni Mr. Contreras,” narinig niyang sabi ng binata. “At ikaw nga.”

“He’s also into painting, Maya.” Bahagya siyang inakbayan ni Benjamin nang mapatayo siya. “Matagal ka na niyang gustong makilala simula nung sabihin ko sa kanya na kilala kita at sa firm ka nagtatrabaho.” 

Hindi na rin nagtagal doon si Noel dahil may imi-meet pa raw itong mga kaibigan sa katabing restaurant. Nakaalis na ito’t lahat at dumating na ang pagkaing inorder nila ay hindi pa rin nagawa ni Maya na magsalita. Mahigit isang oras din ang itinagal ng dinner at mabibilang sa daliri ang mga salitang nasabi niya.

At kahit hanggang sa maihatid siya ni Benjamin ay para pa rin siyang zombie na tila wala sa sarili.

“Hey, Maya, are you okay?”

Tumango siya kahit pa nga hindi.

“Sigurado ka?” Nang naroon na sila sa harap ng pinto ng kanyang apartment ay hinawakan siya ni Benjamin sa magkabilang pisngi. 

Hindi ako sigurado, basta gusto ko nang pumasok sa apartment. Nang mga sandaling ‘yon, iniisip ko kung dapat ko na bang sabihin sa kanya ang tungkol kay Noel, kung tamang oras ba ‘yon para malaman niya ang lahat tungkol sa aming dalawa ni Noel. Nakaraan na ‘yon at dapat ay kalimutan ko na ang tungkol doon pero imposible. 

“May gusto ka bang sabihin?”

Meron. “W-wala.”

“Okay. By the way, make your schedule free this coming weekend, okay? We’re going to Baguio. I want to spend more quality time with you. Ayoko namang sabihin mo na puro trabaho na lang ang inaasikaso ko at na wala na ‘kong panahon sa’yo.”

~~

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed