Sunday, June 2, 2019

The Girl From The Coffee Shop 1 Chapter 3

MAYA!”
“Bakit po, sir Mike?” Agad na nilingon ni Maya ang tawag ng manager nila, na kabababa lamang ng telepono. Nakangiti itong lumapit sa kanya. May bulaklakin itong scarf sa leeg at mapula nag mga pisngi nito dahil sa blush-on.
“One iced tea, 49th floor.”
Nagkatinginan sila ni Pam. 49th floor. Opisina iyon ni You-Know-Who. “P-pero sir, kaka-deliver lang po roon ni Ate Flor kanina-“
“Eh sa nagpapa-deliver uli, ano’ng magagawa ko?”
May point si Sir Mike. Ano nga naman ba ang magagawa nila? Kahit pa isang daang beses pa iyon magpa-deliver, wala naman silang magagawa. “S-sir, iba na lang po ang paakyatin ninyo,” nakasimangot niyang sabi.
“At bakit? Dati-rati, halos makipagpatayan ka para lang ikaw ang i-assign ko kay Papa Benjamin, pagkatapos ngayon, tumatanggi ka na?”
Pareho silang natawa ni Pam. Totoo iyon, na mahabang pakiusapan ang ginawa niya rito para lang siya ang mag-deliver sa opisina ni Benjamin tuwing umaga. Pero hindi na niya iyon gusto ngayon.
“P-pero sir-“
“Walang pero-pero, Maya. Sino ba ang manager ng coffee shop na ito, ikaw ba, o ako?” nakataas ang kilay nitong tanong. “Sige na, i-akyat na ang iced tea kay Papa Benjamin, ngayon na!”
Kaya wala ring nagawa si Maya kundi sundin ang utos ni Sir Mike. Nakasimangot siyang lumabas ng coffee shop dala ang iced tea. Daig pa niya ang umakyat ng Mt. Everest kaya mula 1st floor hanggang sa 49th ay nagdarasal siya na sana ay wala si You-Know-Who sa opisina nito.
Nakahinga siya ng maluwag nang madatnan niya itong nakatalikod at may kausap sa telepono. Dahan-dahan ang ginawa niyang paglakad palapit rito upang hindi siya nito mapansin. Mabilis siyang tumalikod pagkababa ng iced tea at tumungo na sa pinto.
“Wait.”
Nilingon iyon ni Maya nang mabigat sa kalooban. Hawak pa rin nito ang handset ng telepono, nakatayo at may hawak na ballpen sa kana’ng kamay.
“Do you have a minute?”
A minute? Kaya niyang ibigay ang buo niyang araw para rito, kahit buong magdamag pa – kahit habang-buhay. Pero noon iyon. Ngayon, kahit isang segundo ay hindi niya ito bibigyan. Pero wala naman siyang choice. Muli nitong kinausap ang nasa kabilang linya, habang nakatayo siya roon, naghihintay. Pasimple niyang tiningnan si Benjamin. Hindi pa rin niya mapigilan na tingnan ito sa kabila ng pangako sa sarili na hindi na niya ito kailanman susulyapan. Dalawang minuto pa ang lumipas bago natapos ni Benjamin sa pakikipag-usap sa telepono. Nanatili itong nakatayo nang kunin ang iced tea sa mesa.
“Bakit hindi ikaw ang nag-deliver dito kanina?”
Kumunot ang noo ni Maya. Wala siyang maisip na dahilan sa tanong nito. “I-iba na po ang naka-assign na magdadala ng kape sa inyo, sir,” aniya na pilit kina-kalma ang sarili.
“Bakit?”
“P-policy po ng coffee shop, s-sir...nagpapalit po ng mga office assignments every month,” sagot niya nang hindi tumitingin sa kausap. Hindi niya alam kung may patutunguhan ba ang pag-uusap nilang iyon.
“Nakausap ko ang manager ninyo at walang policy katulad ng sinasabi mo,” seryoso nitong sabi na hindi rin tumitingin sa kanya.
Nagulat siya sa narinig at napatingin rito. Hindi niya inaasahan na kakausapin ni Engr. Contreras ang manager nila nang dahil lamang doon.
“And he said, ikaw raw ang nag-request na mag-iba ng assignment.” Lumapit si Enginner sa kinatatayuan niya matapos ilapag ang iniinom sa mesa. “Bakit, umiiwas ka ba sa akin?”
“Lumakas ang pintig ng puso ni Maya. Ano ba namang klase’ng tanong iyon? Maganda ang ngiti ni Benjamin pero hindi niya iyon nagustuhan. Hindi siya nakasagot dahil ano naman ang isasagot niya? Oo, matagal na niyang pangarap iyon, ang mapansin ni Benjamin at kausapin nito at matitigan ito nang malapitan pero kahit na kaunting tuwa ay wala siyang nararamdaman nang mga oras na iyon.
“You like me a lot, don’t you?” Sumandal si Benjamin sa armrest ng upuan na naroon sa tapat ni Maya.
Nabigla siya sa narinig. Nakatitig sa kanya si Engineer at hindi siya kumportable sa ganoon. Akmang tatalikod n asana siya dahil hindi na niya kaya pang tumagal sa lugar na iyon pero naunan siya nito sa doorknob. Tiningnan niya ito na nakatitig pa rin sa kanya. Inilagay nito ang dalawang kamay sa pinto, para ikulong siya at hindi makaalis.
“What do you want from me? You’ve been trying to get my attention from the start. Now that you’ve succeeded, tell me, what do you want? Do you want to go out on a date with me? Is that it?”
At laking pasalamat ni Maya nang may kumatok sa pinto. Kung hindi ay hindi niya alam ang maaring mangyari kung naituloy nila ang diskusyon na iyon. Mabilis siyang lumabas ng opisina nang buksan ni Benjamin ang pinto at nakita nila roon ang sekretarya nito, dala ang halos isang dangkal na mga papeles.
~~
NAG-NGINGITNGIT si Maya nang bumalik sa coffee shop, na agad namang napansin ng kaibigang si Pam.
“Oh, bakit ganyan ang mukha mo?”
“Pam, magre-resign na ako.”
“Kailan?” natawa si Pam dahil hindi iyon ang unang pagkakataon na narinig nito ang ganoon mula kay Maya, lalo pa noong sa tuwing nakikita nila na iba-iba ang kasamang babae ni Engr. Contreras.
“Ngayon na! Naku, kung hindi lang talaga masama, nasaktan na sa akin ‘yun, e.”
Muli, tinawanan iyon ni Pam. “Hay, dati-rati, halos sambahim mo ‘yung tao, tapos-“
“Pam, noon ‘yon. Magre-resign na talaga ako ngayon.”
“Six months pa ang kontrata natin dito, Maya.”
Napakamot siya ng ulo. Kung p’wede lang ay iuumpog na niya ang ulo sa pader. O sa sahig. O sa espresso machine na iyon.
“Ano na naman ba kasi ang nangyari’t nagkakaganyan ka?” muling tanong ni Pam.
Umiling-iling si Maya. Ayaw niyang maniwala na nangyayari iyon sa kanya. Hiling lang niya ay panaginip lang ang lahat. Hinila niya si Pam sa loob ng locker room para walang ibang makarinig ng kuwento niya. “Tinanong niya ako kung bakit raw hindi ako ang nag-deliver sa kanya at kung bakit raw ako umiiwas bigla-bigla.
Napangiti si Pam nang marinig ang simula ng kuwento niya. muli niya itong hinila malapit sa comfort room.
“At alam mo pa ang sabi? – You like me a lot, don’t you?”
“O, ano ang sabi mo?”
“Aba, sabi ko – ang kapal naman ng mukha ninyo, sir!”
“Sinabi mo ‘yon?” gulat na tanong ni Pam.
“Siyempre, hindi, ‘no.”
“Eh, sinabi mo ba na gusto mo siya?” interesado nitong tanong.
“Ano ako, tanga? Eh di lalo’ng yumabang ‘yon.” Dahil sa pagkakakilala niya kay Benjamin, tiyak na tataas lang lalo ang ego nito kapag umamin siya’ng may gusto siya rito. “Tapos, ang sabi pa –“ Naroon sila sa sulok ng locker room, matamang nakikinig si Pam sa animated na kuwento ni Maya. Tinitingnan na sila ng mga kasamahan nilang dumaraan. Hinintay pa muna ni maya na makaalis si Ate Flor bago niya naituloy ang kuwento. “-you’ve been trying to get my attention from the start...now that you’ve succeeded, tell me, what do you want?” sabi niya sa malalim na tono, pilit ginagawa ang malalim na boses ni Engr. Contreras. “Tapos, tinanong niya ako – do you want to go out on a date with me?”
“Wow! Um-oo ka?”
“Of course not! Mabuti na lang, dumating ‘yung sekretarya niya dahil kung hindi, baka nga napa-oo ako,” natatawang biro ni Maya.
“Hmm, mukhang bumabaligtad na ang mundo, Maya. Hindi kaya siya na ngayon ang nagpapapansin sa’yo?”
Natawa siya nang malakas at muling bumalik sa counter. “Ngayon pa? Wala na siyang aasahan sa akin kahit na katiting!”
Buumalik na sila sa trabaho nang makitang palapit si Sir Mike. Pero tuloy pa rin ang paminsan-minsan nilang bulungan.
“Parang ayoko na yatang pumasok bukas, Pam.”
“Sira ka ba? Eh di lalo mo lang pina-mukha sa kanya na tama siya.”
May point si Pam, naisip ni Maya. Para na rin siyang umamin sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Actually, guilty siya pero kailanman ay hinding-hindi siya aamin. Over her dead beautiful body.
“Speaking of the devil.”
Nilingon ni Maya ang ininguso ni Pam - si Engr. Contreras na patungo sa coffee shop. Youmuko siya at nagkunwari’ng abala sa pagpupunas ng kung anu-ano nang tuluyan itong makalapit sa kanila.
“G-good morning, sir, may I take your order?” nakangiting tanong ni Pam, na para bang walang kaalam-alam sa nangyari.
“Iced tea, please.”
“Is there anything else, sir?”
Umiling si Benjamin. Kumuha ito ng pera sa wallet at binayaran na ang order, na ikinagulat ni Pam. Hindi naman kasi nito kailangang magbayad pa dahil mayroon nang account ang firm nito sa coffee shop. Ilang sandali pa ay tumuloy na ito sa upuang parati nitong inookupa.
~~
BAHAGYA’NG ibinaba ni Benjamin ang cellphone nang matanaw ang isang binata na papasok sa coffee shop. Naka-puti itong uniporme na tila pang-nurse o duktor. Makailang beses na rin niya itong nakita roon.
Dumating na ang order niya, dala ng maliit na babae na parating nakangiti. Sinundan niya ng tingin ang binata na agad binati ni Maya ng isang matamis na ngiti.  Mula sa kinauupuan niya ay tanawa niya ang counter kung saan naroon si Maya at ang lalaki na naka-uniporme ng puti.
“Don’t you think dapat puro taga-building lang ang maging customer ng coffee shop?”
“Ha? What are you talking about?” tanong ni Jeff sa kabilang linya.
“I just think that it’s much better if we make the shop exclusive for The Forum.”
“Bakit?”
Napailing si Benjamin. “Nothing. Nevermind.”
Narinig niyang natawa ang pinsan. “Hindi ba dapat nagtatrabaho ka ngayon? Nasaan ka ba?” tanong nito.
“I just needed a break. Nasa coffee shop ako.”
“I see. So kumusta ang tulog mo?”
“Still the same,” sagot niya, na nakatingin pa rin doon sa counter.
“I think you shouldn’t drink coffee too much. Unless there’s something that you’re not telling me. Sa tingin ko, something’s troubling you...or someone?”
“Jeff, nobody’s troubling me.” Natutunaw na ang yelo ng iced tea habang pinagpapasdam lamang iyon ni Benjamin. Marami’ng gumugulo sa isip niya pero sa totoo lang ay hindi siya sigurado kung ano iyon.
“Come on, Benj, speak up. I might be able to help.”
“I’ll tell you about it later,” sabi niya kay Jeff. Tumayo siya at iniwan ang hindi pa nababawasa’ng iced tea. Dumeretso siya sa may counter at dumaan sa pagitan nina Maya at ng lalaki’ng kausap nito. Muntik nang matapon ang inumin ng lalaki’ng nakaputi dahil bahagya niya itong natabig pero sa halip na magpaumanhin ay nagtuluy-tuloy lamang siya hanggang sa elevator.
Pagdating na pagdating niya sa loob ng kanyang opisina ay agad siyang naupo at ibinaba ang mga dalang folders doon sa mesa. Napailing siya. Hindi niya alam kung ano ba ang pumasok sa isip niya at nagawa niyang komprontahin si Maya nang ganoon. He’s supposed to apologize to her, not confront her. Muli siyang tumayo at hinubad ang blazer. Inilagay niya iyon sa sandalan ng kanyang upuan at niluwagan ang kanyang suot na necktie. Binuksan niya ang sliding glass door ng balcony, nilanghap ang sariwang hangin at tiningnan ang magandang tanawin ng buong lungsod.
Hindi na naman siya nakatulog nang mahusay kagabi. Ilang gabi na siyang balisa at hindi na niya iyon nagugustuhan. Nahihirapan na siya sa trabaho at minsan ay nahihirapan na siyang mag-concentrate dahil sa madalas ay bigla na lamang may pumapasok sa isip niya, bigla na lamang niya itong naiisip nang walang dahilan. Alam niyang mali pero wala siyang magawa para pigilan iyon.
Ilang sandali pa at tumunog ang telepono. Pumasok siyang muli sa loob at muling humarap sa mga trabaho na dapat niyang tapusin. Tumingin siya sa kanyang wristwatch, 10:15 AM pero pakiramdam niya ay buong araw na siya roon. Napatingin siya sa chocolate cake na mula sa coffee shop at muli niyang naalala si Maya. Biglang nagbalik sa kanya ang eksena sa elevator nang himatayin ito noong nakaraang linggo at simula noon ay hindi na siya natahimik...
Pababa pa lamang siya noon mula sa opisina para sa isang meeting. At sa 40th floor, nang bumukas ang pinto ng elevator, nakita niya ang isang dalaga na tila nakakita ng multo. Halos isang minute pa bago ito pumasok doon sa loob. Halatang malalim ang iniisip nito at pansin niyang balisa ito. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa kanya o sa mismong elevator. Tiningnan niya ito, may namumuo nang pawis sa noo nito kahit pa malakas ang aircon sa loob. Ilang sandali pa ay naramdaman niya itong humihilig sa kanya at humawak sa kanyang braso.
“Miss, are you okay?”
Hindi na ito nakasagot at tuluyan na itong nawalan ng malay. Mabuti na lamang at maagap niya itong naalalayan, pati na rin ang dala nitong coffee takout box.
“M-miss, miss?”
Kung kailan naman late na siya sa meeting ay tsaka pa mangyayari ang ganoon. Wala siyang nagawa kundi buhatin ito mula sa elevator papasok sa kanyang opisina at dahan-dahang ihiga sa sofa. He didn’t really know what to do at times like this. He thought of calling his secretary or one of the securities or a nurse maybe. Habang nag-iisip ng susunod niyang hakbang ay tiningnan niya nang mabuti ang dalaga’ng iyon. Kailangan niyang malaman kung humihinga pa ba ito o hindi na kaya hinawakan niya ito sa pulso pero wala siyang maramdaman. Alanganin siyang lumuhod sa harap ng dalaga at lumapit rito.
He couldn’t help but stare at her when she’s this close to him. He could smell her sweet scent...
“M-miss...” He stared at her, long time. Ngayon lamang niya ito napagmasdan ng ganoon kalapit, nang ganoon katagal – and he realized that she’s even more beautiful up close. A lot more beautiful.
And that was a huge mistake. Hindi niya naiwasang ayusin ang nagulo nitong buhok nang maalis ang sumbrero nito kanina, at hindi niya naiwasang haplusin ang pisngi nito. And he cursed himself. This wasn’t happening – he knew that he’s close to losing control. He’s close to taking advantage of an unconscious young woman.
He’s still looking at her and already felt the urge of kissing her when his phone rang. At hindi niya alam kung ipagpapasalamat niya iyon o hindi. Saglit niyang iniwan ang dalaga na wala pa ring malay para sagutin ang tawag.
“I’m sorry, please tell Mr. Hernandez that i’m in some kind of emergency. I’ll be there in five minutes.”
Muli niyang tiningnan ang dalaga bago pumasok sa comfort room para kumuha ng gamut para rito; at kailangan niyang lumayo dahil hindi na yata niya kaya pang bumalik uli sa tabi nito.
Naghilamos siya ng mukha at tiningnan ang sarili sa salamin. What has gotten into him to be affected this way? Huminga siya ng malalim at nag-ayos ng sarili. Kumuha siya ng isang baso ng tubig at isang tableta ng gamot at nang makalabas siya ng banyo ay naabutan niya na gising na ang dalaga sa receiving area.
“O-okay ka na ba? Hinimatay ka sa elevator kanina, naaalala mo ba?”
Walang tugon.
“Okay na ba’ng pakiramdam mo?”
Dahan-dahan nitong pinilit tumayo. Aalalayan sana niya ito pero mas pinili niyang tumayo lang at dumistansiya.
“Take this,” sabi niya sabay lagay sa mesa ng tableta at baso ng tubig. “Sigurado ka’ng okay ka na? Puwede ka munang magpahinga rito kung gusto mo. I’ll just inform your boss about the situation.”
Umiling ito. “O-okay na po ako.”
Dali-dali na itong tumayo at lumabas ng opisina. Ni hindi nito ininom ang binigay niyang gamot. Napahawak siya sa ulo pagkatapos dahil alam niyang hindi maganda ang nangyayari.
~~
SA isang hindi matao’ng bar sila nagpunta ni Jeff, na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan nila noong kolehiyo. Doon sila parating nagpupunta tuwing Friday nights o kapag mayroon silang importante’ng pag-uusapan, tulad ngayon. Binigyan sila ng bartender ng dalawang Scotch on the Rocks na parati nilang ino-order.
“So what is this all about?” tanong ni Jeffrey.
Matagal pa bago nakasagot si Benjamin. “Do you remember that girl from the coffee shop?”
“That charming girl at the counter?” tanong ni Jeff matapos tingnan si Benjamin. “What about her?”
“She’s been acting strange lately,” sagot niya at pagkatapos ay inubos ang laman ng baso.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ng pinsan niya.
“Alam mo ang ibig kong sabihin.”
Umiling ito. “Benjamin, kung alam ko, hindi na ako magtatanong. Ano ba ang problema sa kanya?”
“Nevermind.” Hindi iyon masagot ni Benjamin dahil hindi rin niya alam kung saan magsisimula at hindi niya alam kung paano iyon ipaliliwanag kaya umiling na lamang siya.
Tinawanan iyon ni Jeff. “If my observation serves me right, I think she’s not the one who’s acting strange lately. It’s you.”
Walang duda, kahit sa sarili niya ay alam niyang ganoon na nga ang nangyari at hindi niya iyon gusto.
“So, that girl from the coffee shop, do you like her?” deretsong tanong ni Jeff.
“Ano ba namang klase’ng tanong ‘yan?” tanong niya na abala sa paglalagay ng yelo sa baso.
“Yes or no, Benjamin. Gusto mo ba siya?”
Umiling siya. Muli, inubos niya ang lamang scotch sa baso at muling um-order ng isa pa.
“Mukha naman siyang mabait at maganda. At sabi mo nga she likes you a lot, hindi ba? Ano ngayon ang pino-problema mo?”
“Ang sinasabi ko lang, she’s been acting strange lately and I made a mistake of confroting her this morning. Iyon lang, kung anu-ano na ‘yang reaksiyon mo.”
“So, why are you making a big deal out of it?”
“I am not making a big deal out of it, Jeff.”
Muling natawa ang pinsan niya. “Hindi kita maintindihan.”
Hindi naman inaasahan ni Benjamin na maintindihan siya ni Jeffrey dahil kahit siya sa sarili niya ay hindi maintindihan ang punto ng usapan nilang iyon. Ilang sandali pa ay narinig niyang natawa si Jeffrey.
“What’s so funny?”
“You are, Benj. Dati, papansin siya nang papansin, nagagalit ka. Ngayon na hindi na siya nagpapapansin, nagagalit ka pa rin. Ano ba talaga ang gusto mong mangyari?”
Wala naman talaga siyang gustong mangyari, liban na lang sa hindi na isipin ang tungkol sa dalagang iyon.
~~

No comments:

Post a Comment

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...