Quote of the Day

The idea of me is better than the reality of me. - Verity

Friday, June 7, 2019

The Girl From The Coffee Shop Chapter 9

DAPAT ko ba siyang bigyan ng pagkakataon? Oo, pero nilalamon pa rin ako ng takot. Pagkatapos ng naging pag-uusap namin sa coffee shop ay isang linggo kong hindi nakita si Benjamin – dahil iyon ang sinabi ko sa kanya. Sinabi ko na kailangan ko ng panahon para makapag-isip. Balita ko ay nasa New York siya at sa buong isang linggo na wala siya, dapat ay naging tahimik na ang buhay ko. Pero hindi. Napagtanto ko na hindi pala talaga madaling biglang mawawala ang isang mahalagang tao sa buhay mo, na siyang tanging nakapagpapasaya sa buhay mo.

Ngayon, naisip ko na walang mangyayari kung mabubuhay ako sa takot at sa kaiisip kung ano ang mangyayari bukas. Paano ko malalaman ang kahihinatnan ng isang bagay na hindi ko naman ginawa? Kaya ang sabi ko sa sarili ko na kailangan kong ibalik ang dating ako. Kakalimutan ko ang lahat, lalo na ang kahapon. Mahal ko si Benjamin at ngayon, mas handa na ako at mas matapang sa pagtanggap sa pag-ibig niya. 

Kinakabahang pumasok si Maya sa opisina ni Benjamin nang umagang iyon, dala ang kape nito. Alam niya na hindi ang mukha niya ang inaasahan nito nang mga oras na iyon at sa totoo lang, handa siya kung ipagtabuyan man siya nito.

“What’s this?” seryoso at mahina nitong tanong nang makita ang kapirasong papel na kasama ng kape na dala niya. 

Hindi siya kumibo. Tumungo lamang siya at hindi nagsalita ng anupaman.

“Maya,” hawak ang papel, tumayo si Benjamin at lumapit sa kanya. “I’m asking you a simple question. What is this?”

‘I’m sorry. I love you.’ Iyon ang mga nakalagay sa maliit na papel na iyon pero hindi niya iyon kayang isatinig. Nanatili lang si Benjamin na nakatingin sa kanya, naghihintay ng kanyang sagot.

 “I-I’m sorry.”

“And?”

Halos mamilipit na siya sa sobrang kaba, kilig at nerbiyos nang mga oras na iyon dahil sa paraan ng pagtitig at pagngiti sa kanya ni Benjamin. Kung bakit kasi simpleng bagay ay hindi pa niya masabi-sabi.

“And?”

“I-I…love…you.”

“I love you so much, Maya…and thank you for giving us a chance.”

At iyon lang ang kinailangan niyang sabihin at wala nang iba. Natawa na lamang si Benjamin, at niyakap siya nang mahigpit. 

~~

WHAT’S that big smile on your face?” 

Palapit pa lang si Benjamin sa bar ay kita na ni Jeff ang maganda niyang ngiti. Naupo siya sa tabi nito at agad siyang binigyan ng bartender ng scotch. “How are you?” tanong niya.

“I’m fine,” sagot ni Jeff. “Sa tingin ko, hindi na kita kailangang tanungin dahil obvious naman na okay na okay ka.”

Yeah, he’s more than okay. Everything’s doing well with him and Maya and it’s been a week since they got back together and he has never been better.

“Mukhang seryoso ka na talaga kay Maya?”

“Seryoso naman talaga ‘ko,” nakangiti niyang tugon. Simula nang makilala niya si Maya ay bihira na lamang siyang sumama sa mga late night parties nilang magkakaibigan at wala na rin siyang interes na makipagkilala sa iba’t-ibang babae.

“Are you sure about your relationship with Maya?” tanong ni Jeff nang sila na lamang dalawa. “You know it’s never going to be easy for both of you, especially for Maya. Siguradong pagpipiyestahan kayo ng press, lalo na kapag nalaman nila na barista siya sa coffee shop ng The Forum.”

Alam ni Benjamin ang ibig sabihin ng pinsan. Ibang-iba si Maya sa mga naging girlfriends niya at hindi ito sanay sa limelight. Kung hindi kasi modelo, ay artista ang madalas na ma-involve sa kanya. O kaya ay anak ng pulitiko, o ng business tycoon. O kaya’y beauty queen.

Tama si Jeffrey. His relationship with Maya was really a big risk. Malaki ang posibilidad na maapektuhan ang image niya bilang prominenteng businessman pero wala na siyang pakialam do’n. Kung may isang bagay na mahalaga sa kanya, iyon ay ang mararamdaman ni Maya. Hindi n’ya alam kung hanggang saan iyon makakayanan ni Maya, at kung hanggang saan niya ito kayang protektahan.

He almost gave up on the thought of pursuing their relationship altogether. But when she came up to him a couple of days after their argument, he knew that he’s more than willing to take the goddamn risk. He would have given up if not because of her. And whatever reasons she had for changing her mind like that, he doesn’t care. As long as she loves him, he won’t care.

~~

IBA’T-IBA ang reaksiyon ng mga tao sa paligid ni Maya sa tuwing napapadaan doon sa coffee shop si Engr. Contreras at pasimpleng ngingiti at kakaway sa kanya. Mayroong natatawa, natutuwa, kinikilig, sumisimangot at umiirap. Ang iba’y nagtatanong kung sila ba, may iba naman na kahit hindi pa sabihin ay nagtataka na may halong inggit pa. Mayroon na nga siyang narinig minsan na flavor of the month lang siya ni Benjamin at hindi rin iyon magtatagal.

Ano man ang isipin nila, naisip na lahat ‘yon ni Maya. Lahat na yata ng hindi kanais-nais at negatibong bagay ay naisip na niya. At kaisa siya sa mga tao’ng nagtataka, natutuwa, at kinikilig sa mga nangyayari sa kanya ngayon. At ano man ang mangyayari bukas, wala na siyang pakialam. Bahala na si Batman. Masaktan man siya, ayos lang, ganoon talaga ang buhay. At least, masasabi niya sa sarili niya na hindi siya natakot na subukang magmahal muli.

Masyadong maraming trabaho si Benjamin ng mga nakaraang araw kaya hindi sila nagkakaroon ng pagkakataon na kahit magkasabay man lang kumain ng tanghalian. Kaya naman madalas siya nitong puntahan sa coffee shop at minsan ay doon na pinag-aaralan ang ilang mga dokumento o kaya ay doon na ito nagsasagawa ng mga meetings para lamang makita siya. Sabi ba ng binata, hindi raw nito iyon maiwasan at kailangan raw siya nitong makita kahit paminsan-minsan.  

Minsan, naging isang napakalaking usapin nang may dumating na mga bulaklak isang umaga. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng coffee shop na may nagdeliver ng ganoon. Nasa locker room noon si Maya nang marinig niya ang ingay sa counter.

“Para sa’yo raw,” nakangiting bungad ni Pam sabay abot sa kanya ng isang dosenang mamahaling tulips. “Kanino raw galing?” tanong nito na mas excited pa yata kaysa sa kanya na nakatanggap ng mga bulaklak. Kinuha iyon ni Maya at dumeretso sa locker room. 

Mayroong note sa loob na nakaipit sa mga stems ng Tulips.  Kinuha iyon ni Maya at sabay nila iyong binasa ni Pam.

To the most wonderful girl who stole my heart, a dozen tulips to make you smile. ~ from someone who has a big crush on you.

Nagkatinginan sina Maya at Pam at pagkatapos ay kapwa natawa. “Maya, may secret admirer ka, ang corny naman.”

“Oo nga,” sagot niya na natawa rin.

Hindi kasi siya mahilig sa mga bulaklak. Sa totoo lang, hindi niya gusto ng bulaklak. Para sa kanya, hindi iyon cute o sweet o thoughtful katulad ng paniniwala ng lahat. Ano naman kasi ang gagawin niya sa isang dosenang red tulips? Makakain ba niya iyon? Problema pa iyon pagbibit niya pag-uwi, at pampasikip lamang sa loob ng ref sa apartment. Wala rin naman siyang vase at wala siyang balak bumili.

Iniisip pa rin ni Maya ang maaaring gawin sa mga bulaklak nang magpunta siya sa opisina ni Benjamin para sa espresso nito. Iniisip niya, kung ibigay na lang kaya niya kay Sir Mike? Tiyak na matutuwa pa iyon sa kanya. 

“Good morning,” bati niya sa binatang nakatingin sa kanya. Ibinaba niya ang dala sa mesa. Nakatitig pa rin ito at naisip niya, may nagawa na naman ba siyang mali? 

Hanggang sa wakas ay ngumiti ito na tila may hinihintay. Nang maintindihan ni Maya kung ano ang ibig nitong sabihin ay kimi rin siyang napangiti at saka lumapit sa binata para bigyan ito ng isang halik sa pisngi.

“G-good morning,” sabi pa ulit niya at muli nang bumalik sa kinatatayuan kanina.

“So?” Hindi pa rin nagbago ang ngiti nito at parang may hinihintay pa rin. 

“So?” naguguluhan niyang tanong

“Did you like it?” tanong nito sabay sandal sa upuan.“The flowers. Did you like it?”

“Ah! O-oo, siyempre…salamat.” Pinilit ni Maya na itago ang pagkabigla. Ngumiti lang siya at nagpanggap na masyadong masaya.

So, kay Benjamin pala nanggaling ang napakagandang red tulips. Siya pala ‘yung someone who has a big crush on me. Medyo corny, pero cute. Sige na, babawiin ko na ‘yung sinabi ko. Minsan, gusto ko naman talaga ng mga bulaklak, lalo na kung galing kay Benjamin.

Tumayo si Benjamin at lumapit sa kanya. “I’m glad you liked it.”

“B-bakit may flowers? Para saan?”

“To make you smile, and because I love you,” nakangiti nitong sabi at pagkatapos ay hinalikan siya nito sa labi. 

Isang dosenang mamahaling tulips para lang pangitiin ako. Parang hindi yata bagay sa isang Benjamin Contreras III ang mga ganoong ka-corny-han. Hindi ko tuloy napigilan na mapangiti dahil hindi ko naman p’wedeng sabihin dito na - i’ts really corny.

“By the way, don’t make any plans this coming weekend, okay? Pupunta tayo sa benefit dinner together.” Iyon ang benefit na napag-usapan nila noon sa Baguio. “It’s an important annual event and I need you to be there, with me, as my girlfriend. Gusto kong makita ng lahat na ikaw ang girlfriend ko, na sa akin ka lang.”

Ah, ganoon pala ang pakiramdam na maging girlfriend ni Engr. Benjamin Contreras III – parang nasa langit. Nag-blush si Maya nang walang humpay, na nagpatawa ni Benjamin. Niyakap siya nito nang mahigpit, at siniil ng halik sa labi. 
~~

No comments:

Post a Comment

Popular Posts