Quote of the Day

The idea of me is better than the reality of me. - Verity

Wednesday, June 19, 2019

Three Phases of Writing

PHASE 1. Start Something

1. Una sa lahat, bago ka makapagsulat, dapat alam mo kung ano ang isusulat mo. Genre, plot, characters, setting, conflict, the works. Siguro naman, may idea ka na kung tungkol saan ang gusto mong isulat dahil kung wala pa, paano? 

2. Bilang bagong writer, dapat mag-set tayo ng goal. ‘Yung realistic lang dapat, ha. Tipong 500 words a day? Kung hindi kaya, kahit 300 words. Huwag pilitin ang sarili na makapagsulat ng 3k words everyday kung hindi naman kaya dahil mas nakaka-frustrate lang ‘yon. Basta ang mahalaga, ‘yung may maisulat ka araw-araw. Just to get the hang of it. Sit down and write. Write everyday, no matter how busy you are.

3. Schedule. P’wedeng sa umaga, sa gabi bago matulog o tuwing lunch break. Be consistent. If you choose to write at night, make sure to write every single night. P’wede ka ring mag-set ng deadline sa sarili mo para ma-track mo ang progress mo. The trick is to write regularly. Sundin ang schedule na itinakda mo, harangan ka man ng sibat, tamaan ka man ng kidlat.

PHASE 2: Write Something

1. Sa simula pa lang, dapat alam na natin kung gaano kahaba ang plano nating libro. Kaya ba nating magsulat ng 50k words na nobela? O hanggang 25K lang? We have to know our limit as writers. Kung nagsisimula pa lang tayo, huwag muna tayong mag-aim ng imposible. Siguro ideal kung short story muna, tsaka na ‘yung full-length novel kapag gamay na natin ang pagsusulat.

2. Deadline. Say, isang chapter, isang linggo. Keri na siguro ‘yan. Again, don’t set an unrealistic deadline. At sa tuwing naaabot mo ang deadline, give yourself a reward. Chance mo na ‘to na kumain ng french fries kahit hindi masakit ang puson mo.

3. Beta reader. Ipabasa mo sa iba ang gawa mo. Or post it online kung matatag ang loob mo sa kritisismo. Basta ang mahalaga, malaman mo ang kahinaan mo bilang writer at hindi mangyayari ‘yon kung ikaw ang makakabasa ng gawa mo.

PHASE 3: Finish Something

1. Tapusin mo ang nasimulan mo. Mahiya ka huwag sa readers o sa iba kundi sa sarili mo. Kapag natapos mo na, ano na? Siyempre, gusto mong ma-publish, diba? At hindi ka mapa-publish kung hindi ka magsa-submit sa publishing house. P’wede mo ring i-publish online pero hindi ‘yon kasiguruhan na magkakaroon ka ng book deal. Maraming bagong writers ang hindi napa-publish dahil sa takot. Pero kung hindi mo naman gustong ma-publish, walang problema. Sulat lang nang sulat.

2. Hope for the best, expect the worst. Okay, nakapag-submit ka na. Tapos na? Hindi pa. Simula pa lang ‘yon ng pakikibaka, bes. Bukod sa paghihintay (ng matagal), kailangan mong ihanda ang sarili mo sa kung ano man ang magiging resulta nito. Kahit gaano ka ka-confident sa nobela mo, wala pa rin kasiguraduhan kung matatanggap ‘yon o hindi. Kaya ngayon pa lang, magdasal ka na. Paano kung rejected? Okay lang, hindi pa katapusan ng mundo. Ang ibig sabihin lang no’n, kailangan mo pang i-improve ang sarili mo sa pagsusulat. 

3. Start something, again. Dahil hindi naman nagsisimula at natatapos ang pagiging manunulat mo sa iisang nobela. Habang naghihintay ng resulta o habang pinaglalamayan ang na-reject na manuscript, sulat ka uli ng bago. Yes, it’s a vicious cycle and you just have to deal with it.

Bawat writer, nagsisimula sa wala. Madaling mag-give up lalo na kung walang pumapansin sa gawa mo o maraming mali o walang ‘feels’ pero kung gusto mo talagang maging writer at ma-publish, mas pipiliin mo ang sumubok uli kaysa sumuko.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts