Sunday, June 9, 2019

What Is A 'Worthy Read'?

Sa panahon ngayon na maraming p'wedeng maka-distract sa atin sa pagbabasa, mas mahirap i-please ang mga readers - unless super idol nila 'yung writer na kahit ano'ng haba o boring o kagulo ang kuwento ay hindi nila bibitawan ang libro. Pero kung 'normal' na writer ka at wala masyadong followers, the struggle is real.

Sabi nga, dapat sa umpisa pa lang, 'yung bungad pa lang ng nobela mo ay makuha mo agad ang atensiyon ng reader. Tipong first sentence pa lang, mahi-hypnotize na sila na tapusin ang gawa mo.

So, paano mang-hypnotize? I mean, paano mo gagawing interesting ang unang bahagi ng nobela mo? Ang tawag diyan - killer opening lines. Siyempre, iba-iba naman ng taste ang readers pero rule of thumb, dapat alam mo kung anu-ano ang mga elements na magpapa-hook sa mga readers - maganda/kakaibang conflict, kilig, galit, takot, inis, tuwa, tawa.

1. Huwag manlinlang. Baka dahil lang sa gusto mong ma-hook ang readers mo ay kung anu-ano’ng premise na ang isusulat mo na wala namang kinalaman sa kabuuan ng nobela mo. Halimbawa, magsisimula ka sa isang maaksiyong habulan ng bida at kontrabida pero panaginip lang pala at wala namang connect sa kwento. Huwag gano’n, bes. False advertising ang tawag do’n haha!

2. Make an intriguing opening. Uso ngayon ‘yung first POV na ipinapakilala ang sarili - huwag gano’n. It’s a bit amateurish. Kung 1st POV ang gamit mo, p’wede mong umpisahan sa isang tanong. That way, mai-intriga ang reader at mae-engganyo siyang magbasa para malaman ang sagot sa tanong mo.

3. Have an interesting character and start with his/her struggle right away. Huwag masyadong magpalabok sa umpisa ng nobela kung ayaw mong iwan ka ng readers. As much as possible, aksyon agad! Kumbaga sa balita may headline at kung hindi takaw-atensiyon ang headline mo, hindi bibilhin ang diyaryo mo.

4. Start at the end (or middle), then work your way to the beginning. Hindi ko pa ito nasusubukan pero I’m sure, this is an excellent technique kasi nga, aksyon agad. Then, tsaka mo na lang iga-guide ang readers mo kung paano napunta ang character mo sa ganoong sitwasyon through flashbacks or time-jump.

5. A good description of time and place. Dapat agad-agad, madala mo agad ang readers mo sa mundo’ng sinulat mo. Dito mo magagamit ang pagiging creative when it comes to describing the details of ‘the scene’. Pero sabi nga, show, don’t tell - siyempre, ibang topic naman 'yon.

Anu’t-ano man, ang simula ang magiging isa sa pinakamahalagang parte ng nobela mo kaya dapat ay pag-isipang mabuti kung paano ang gagawing atake.

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed