Thursday, June 27, 2019

Writer Starter Pack V2.0: Back to Basics


  1. Notebook, ballpen. Wala kang laptop o computer o kahit cellphone na p’wedeng install-an ng MS word o kahit anong app kung saan p’wedeng magsulat? Back to basics tayo. Ballpen at papel ang ating magiging best friend. Wala nang sasarap sa feeling ng handwritten manuscript, bes. Ang ginagawa ko dati, bond paper, hati sa gitna, rugby, gawa sariling cover. Voila, may book na ako haha!
  2. Dictionary. Lalo na kung wala kang internet for research.
  3. Books, books, books! Kahit ano’ng genre, actually. Kahit romance ang sinusulat mo, mahalaga pa rin na magbasa ng iba’t-ibang uri ng books. Pamparami ng kaalaman, bes. Bukod sa pamparami ng vocabs, para na rin mahasa ang utak. Good writers are those who read. Hindi ka magiging magaling na writer kung ayaw mong magbasa.
  4. Paggamit ng MS word. Lahat naman nagsimula sa pagka-bano sa MS word. Pero mahalaga na mag-effort kung paano malaman ang word count, tamang formatting, etc. Punta minsan sa computer shop at i-familiarize ang sarili sa MS word dahil ito ang magiging kasama mo sa araw at sa gabi sa pagsusulat.
  5. Review sa Filipino at English. ‘Yung mga itinuro sa atin sa elementary, ‘yung basic, malaking tulong ‘yon sa pagsusulat natin. Mga simpleng noun-verb agreement, spelling, punctuation, capitalization, mga ganyan. Kung nakinig ka lang sa mga teachers mo noon sa Filipino at English, walang magiging problema dito. Lol. Hindi naman kailangang magpaka-teknikal pero kasi, plus points sa writer kung walang masyadong errors sa sentence construction. Magpapa-impress ka rin lang sa evaluator, sagarin mo na.
  6. Stay away from the ‘trend’. Huwag manggaya ng style ng iba at hangga’t maaari, iwasang magsulat ng kung ano ang uso - unless ‘yun talaga ang gusto mo. Maging kritikal sa pinipiling babasahin, maging kritikal sa kung ano ang pormal at hindi pormal na pagsusulat.
  7. Practice. Sulat lang nang sulat. Kahit ano, basta magsulat ka. Challenge yourself. Kung hindi mo alam kung ano ang isusulat, magbasa. Mga writing tips or quotes from famous writers para ma-inspire ka o ‘yung mga luma mong manuscripts para makita mo rin ang improvement mo bilang writer.
  8. Attend a writing class/workshop. Or kung tulad kitang walang pera at walang oras, just read online. Hindi naman tayo matututo kung hindi mag-aaral. With writing classes and workshops, you’ll be able to know your strengths and weaknesses and improve your craft. Walang shortcut sa pagiging writer. You have to study hard and work hard.
  9. Dream big but realistic. Okay lang mangarap na maging tulad ng hinahangaan mong manunulat pero mahalaga pa rin na maging realistic dahil kung hindi, you’ll end up frustrated and worse, depressed. Nagsikap rin naman siguro ‘yung mga idols mo so dapat, magsikap ka rin. Kung hindi ka man maging tulad nila, just be the best version of yourself. 
  10. Dasal. Dasal lang talaga minsan.
~~


No comments:

Post a Comment

What' You've Missed