Saturday, June 15, 2019

Writer Starter Pack

1. Laptop/pc/cellphone. Basta may MS word/WPS o kung anumang app na p’wedeng sulatan.
2. Papel, lapis. Para kahit on the go at kahit walang kuryente, p’wede pa rin magsulat.
3. External hard drive. Para sa mga ideas at drafts na walang katapusan. Lol
4. Kape. Pampagising. Tsaka cool kasi tingnan ‘yung nagsusulat habang nagkakape.
5. Internet. Pang-research, siyempre.
6. Stock knowledge. Sa lahat ng bagay.
7. Music. Lalo na kapag dramatic scene ang isinusulat.
8. Dictionary. Kung waley internet, useful itey.
9. Picture ni crushy for inspiration.
10. Favorite book/s for inspiration uli.
11. Snacks. Pampawala ng antok.
12. History of broken heart. May edge ka kung may panghuhugutan ka na base sa totoo’ng buhay.
13. Listahan ng mga ex. For inspiration kapag conflict at confrontation scene na ang sinusulat.
14. Tissue. Dahil maiiyak ka na lang kapag naalala mo ‘yung mga ex mo.
15. Lakas sa puyatan. Dahil madalas sa gabi at madaling-araw dumadaloy ang creative juices. 
16. Kapal ng mukha. Lalo na kung magpo-post ng novel online.
17. Confidence sa pagsa-submit ng MS sa pubhouse.
18. Tibay ng loob. Sa matatanggap na negative comments/rejections.
19. Kaibigan na p’wedeng lambingin para basahin at i-critique ang gawa.
20. Kaibigan uli. Na p’wedeng iyakan kapag hindi na-approve ang MS. 
21. Cologne. Para kahit hindi maligo, mabango pa rin. Lol
~~

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed