Tuesday, June 18, 2019

Writing A Not-So-Typical Romance

1. Huwag ‘yung first page pa lang, may nangyayari nang kababalaghan. Romance novel ang isinusulat mo, hindi porn. Kahit nga sa porn, may build-up pa ng scene bago ‘yun. Not that I know these things, nabasa ko lang rin, huwag kayo.

2. Kung may ‘BS’ man, dapat kailangan sa story, hindi ‘yung basta na lang maisipan, This is the part where you should consider the feelings of your readers. Hindi uubra ‘yung unang meeting pa lang ng dalawang bida, magki-kiss na or worse, may intimate scene na. Your readers will feel betrayed if you do that. Now, if you really want to have it in the first page, pangatawanan mo. Dapat may justification.

3. Hindi lahat ng bidang lalaki, kailangan ay guwapo, may abs o maugat ang kamay o milyunaryo o may-ari ng university o mall o anak ng may-ari ng university o mall o pulitiko o kaya ay gangster o bully o boss ng isang malaking kumpanya. Hindi rin lahat ng bidang babae, kailangan maganda, o sexy o mala-sutla ang kutis o kaya ay sikat o mayamang haciendera o anak ng presidente o prinsesa o b*tch o miyembro ng mean girls o kaya, virgin. They should be more than that. Bigyan sila ng karakter na tatatak sa mga readers. Bigyan sila ng kahinaan na magpapaangat sa kanila bilang mga bida. At dapat, hindi lang umiikot ang buong kuwento nila sa romantic relationship dahil tulad sa totoo’ng buhay, meron rin dapat siyang ibang buhay bukod doon.

4. Create chemistry. Again, hindi ‘yung kakakilala pa lang sa isa’t-isa, naglalandian na. You have two options here - gawin mo silang magkaibigan muna or magkaaway. Give them time to develop feelings for each other. Parang sa totoo’ng buhay, diba? Walang love at first sight, bes. Trust me. At kahit sa fiction, dapat iwasan rin kasi nagkakaroon nga ng maling interpretasyon ang mga bata sa ganyan. Attraction is fine - unassuming and innocent attraction is cute. And build their chemistry around attraction. Kung magkaaway naman, bigyan sila ng mga sitwasyon na magkakainisan, magkakagalit sila pero sa cute na paraan pa rin. 

5. Bigyan ang mga minor characters ng kanilang ‘time to shine’. No matter how minor they may seem, importante pa rin ang papel ng mga ‘side characters’ sa kuwento. Sila ang nagpapakulay sa buhay ng mga bida. Dahil sa kanila, mas maipapakilala mo nang husto ang mga bida.

6. Don’t write a conflict just for the sake of having one. Inaway ni girl si boy dahil hindi siya binilhan ng fries ‘nung masakit ang puson niya. Napikon si boy, nakipag-break. That’s not enough conflict. Dig deeper. Kaya mahalaga na magkaroon ng back story ang bawat character mo. Pwedeng may mas malalim na dahilan si girl kung bakit kailangan niya ng fries at that moment. Baka iyon ang nagbibigay sa kanya ng superpowers, ganern. 

7. Avoid stereotypes. Stereotypes can be quite annoying. Romance readers these days want something different, something fresh so make an effort to give them that. Write the unexpected. Bawasan na natin ‘yung masyadong possessive na mga lalaki sa mga girlfriends nila o ‘yung dahil kay girl, magbabago si guy in the end. Though it usually works, it’s kind of tiring. Bukod sa hindi magandang ehemplo sa mga nakakabasa na romantic at cute kapag possessive ang mga lalaki, masyado nang gasgas. Iwas na rin sana tayo sa damsel in distress si girl at knight in shining armor na peg si guy. Kung gusto mo talaga ng ganito at feeling mo ay ito ang pumapatok sa readers mo, isip ka ng paraan na ma-enhance ang ganitong plot.

8. You can follow the formula or jump out of the box. Formula is ‘yung girl and boy meet each other, love each other, separate due to some circumstances or an antagonist, get back together and live happily ever after. Formulas are good but if you’re sick and tired of the same old happy endings, experiment. 

Now, some will say that it shouldn’t be called romance if it doesn’t have a happy ending. I don’t know about that but personally, I like my romance novel with a twist - may it be happy ending, open ended or tragic. Eh di sige, kung hindi romance ang tawag do’n, fine. Oh well, I think this topic deserves its own post. 

~~

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed