Wednesday, July 31, 2019

Bakit Nga Ba Napa-Publish ang mga Libro’ng Hindi Ka-Publish-Publish?

1. Celebrity ang nagsulat. P’wedeng actor, athlete o basta household name o kilalang-kilala. Kasama na rin rito ‘yung mga sikat sa internet, lalo na sa social media, i.e. Facebook, Wattpad. Kahit waley sa quality, mapa-publish ‘yan dahil real talk, pangalan ang ibinebenta ng publisher, hindi ang mismong libro. Kahit tungkol saan pa ‘yan, kahit pa nga tungkol lang sa paborito’ng street food ng celebrity o paano magtiklop ng damit ang libro, magiging best seller ‘yan.

Tuesday, July 30, 2019

The Girl From The Coffee Shop 3 Chapter 7

TINANGGAP ko ba ang proposal na ‘yon ni Benjamin? Hindi. Dahil alam ko namang hindi matatapos doon ang problema namin. Katulad ng nangyari noon kung saan niyaya niya akong magpakasal dahil lang sa may gusto siyang patunayan na siya ang mas mahal ko at hindi si Noel. At ngayon, niyaya niya akong magpakasal para lang pagtakpan ang kasalanan niya. Oo, mahal ko si Benjamin at kung may isang tao na gusto kong makasama habang-buhay, siya iyon at wala nang iba. pero hindi naman ganoon kadali ang lahat. 

Hindi naging madali ang sumunod na mga linggo para kay Maya kaya naman para makahinga at makalayo sa mga problema sa trabaho at sa buhay, nagpasya siyang sumali sa dalawang araw na art workshop na pinangunahan ni Sir Nemiranda, na matalik na kaibigan ni Maestro Diestro. Gaganapin iyon sa Art Camp sa Angono, Rizal, na halos tatlong oras mula sa Maynila. Iyon lang ang naisip niyang maaaring gawin para makalimutan niya ang lahat ng bagay na may kinalaman kay Benjamin.

Sunday, July 28, 2019

On Characterization

Walang kuwento kung walang tauhan. Madali lang namang gumawa ng hero at heroine diba? Hindi rin.

1. Physical description. Watch your favorite movie and observe the characters in it. Tapos, subukan mong isulat lahat ng naaalala mong physical attributes ng mga main leads. Kaya mahalaga ang pagbabasa at pagri-research, bes. Para hindi maubusan ng adjectives sa pag-describe. Do this to your characters. Bawat isa, dapat may profile. Parang slum book lang natin noong elementary at high school. Gender, favorite color, favorite movies, crush, motto in life, favorite book, ambition, fears, likes, dislikes, best quality, etc. Mga gano’ng information.

Wednesday, July 17, 2019

The Girl From The Coffee Shop 3 Chapter 6

ALAS kuwatro na ng hapon nang tingnan ni Maya ang oras sa relo na nakasabit sa kanyang opisina. Matatapos na ang araw niya at sa awa ng Diyos ay wala siyang nakita na ayaw niyang makita. Lunes noon, unang araw niya sa opisina pagkatapos ng napakahaba at nakakagalit na weekend. Ayaw na sana niyang tumuntong sa opisina’ng iyon pero hindi na siya ang dati’ng Maya na bigla na lang nawawala na parang bula. 

Iniligpit na niya ang mga gamit at inilagay sa bag ang mga kailangan niyang iuwing mga papeles at design plates na dapat pang pag-aralan. Maaga siyang uuwi dahil marami pa siyang dapat asikasuhin, kasama na ang paglipat sa bagong uupahan. Bibitbitin na sana niya ang mga gamit nang biglang bumukas ang pinto.  Napanganga siya sa sobrang gulat at mas lalo pa siyang nagulat nang makita kung sino ang bisita niya nang mga oras na iyon. 

Unang tingin pa lang ni Maya kay Benjamin ay alam niyang hindi na maganda ang timpla nito. Bukas ang unang dalawang butones ng suot nitong asul na long sleeves at pulang-pula ang mukha nito sa sobrang galit. 

“Maya, we need to talk,” seryosong sabi ni Benjamin. Lumapit ito kay Maya, sapat lamang para mailapag nito ang mga larawan sa mesa ng dalaga. “Ano’ng ibig sabihin nito?”

Tiningnan iyon ni Maya. Hindi na niya kailangang lumapit pa doon dahil mula sa kinatatayuan niya ay kita na niya kung ano ang mga iyon. 

“Bakit magkasama kayo ng lalaki’ng iyon? Nagkikita pa rin kayo hanggang ngayon?”

Nagpakawala si Maya ng isang bahaw na tawa. “Wow, parang ako pa ang lumalabas na masama ngayon? Sino ba sa ating dalawa ang nakabuntis, ako ba?”

10 Reasons Kung Bakit Nagsusulat ng Erotica/Erotic Romance ang mga Kabataan

1. To explore, to learn. Totoo naman na may matututunan sa pagsusulat ng erotica dahil mas mahirap itong isulat kaysa sa tipikal na nobela. If you think that writing erotica and/or erotic romance is easy, yeah, you’re doing it wrong. 

2. Para makalaya at makalabas sa kahon. Some writers want change. They want to try something different and they feel free when writing erotica.

Tuesday, July 16, 2019

The Girl From The Coffee Shop 3 Chapter 5

"MAYA!"

Ilang beses na pasigaw nang tinatawag ni Noel si Maya pero parang hindi siya nito naririnig. Lumalakas na ang ulan at lahat ng tao ay tumatakbo para humanap ng masisilungan pero patuloy lang si Maya sa paglalakad na tila ba walang pakialam kung mabasa man ito o hindi. 

"Maya!" muling tawag ni Noel. Hininto nito ang sasakyan sa gilid ng daan at mabilis nitong tinakbo ang kinaroroonan ni Maya.

Walang tugon mula sa dalaga. At nang lapitan ito ni Noel, hindi maitatago ni Maya ang pag-iyak nito. Humahalo na ang luha ng dalaga sa malakas na patak ng ulan. Wala na sa ayos ang buhok nito at namamaga na rin ang mga mata dahil marahil sa kakaiyak.

"Maya, ano'ng nangyari?" nag-aalalang tanong ni Noel. Inalalayan niya ito sa magkabilang braso pero hindi pa rin ito sumagot at patuloy lang sa pag-iyak at sa paglalakad. At sa tingin ni Noel ay wala nang pag-asang makakuha ng sagot mula dito katulad ng walang pag-asang tumila ang ulan.

Tumingala muna si Noel na para bang nanalangin na humina ang patak ang ulan at pagkatapos ay inalalayan si Maya sa pagtawid hanggang sa makarating sila sa sasakyan niya na nakaparada sa kabilang parte ng kalsada.

"Maya, ano ba ang nangyari, bakit ka umiiyak?" tanong ni Noel nang nakasakay na sila sa sasakyan. Pareho silang basa'ng-basa pero ibinigay niya kay Maya ang dalawang tuwalya na naroon sa upuan sa likuran ng kotse. 

Monday, July 15, 2019

On POV

1. Isang POV lang bawat scene. Dapat, bago magsulat, linawin muna sa sarili kung kanino’ng perspective ang isusulat mo. Focus on that character, think about his/her personality before writing. 

2. I-break ang scene kapag nagpapalit ng POV. Hindi p’wede ‘yung sa gitna ng dialogue o paragraph ay biglang papasok ang POV ng isa pang character. P’wede ring chapter break, na bawat chapter, ibang POV. Really depends on your writing style.

Sunday, July 14, 2019

The Girl From The Coffee Shop 3 Chapter 4

MARAMI pa ring tao sa lobby ng Diamond Hotel nang dumating siya roon, mag-aalas dose na ng gabi. Pagkatapos makapag-check in sa front desk ay tumuloy na siya sa kanyang kwarto sa 12th floor kasunod ang bellboy na dala ang dalawa niyang malalaking maleta.

Wala sa loob na kumuha siya ng isang stick ng Hilton Lights sa kanyang gold plated cigarette case at inilagay iyon sa labi. Akma na niya itong sisindihan nang bigla siyang matigilan. Dahan-dahan siyang naupo sa king sized bed at tiningnan ang sariling repleksyon sa malaking salamin sa kanyang harapan. Saglit niyang tiningnan ang hawak na sigarilyo at patapon iyo’ng inilagay sa ash tray na naroon sa night stand. What was she thinking, coming back after the humiliation she went through three months ago?

Halos hatinggabi na nang makarating siya sa Maynila mula Los Angeles at naisip niya na manatili muna sa hotel habang naroon. Naisip niya na mas mabuti iyon para sa sitwasyon. Walang may alam na nakabalik na siya, kahit pa nga si Benjamin. Wala munang dapat makaalam sa ngayon. Because she has to make a spectacular entrance; because she has to make sure that her comeback is something that everybody will never forget.

Wednesday, July 10, 2019

The Girl From The Coffee Shop 3 Chapter 3

WOW, bago ang kotse mo?” taka’ng tanong ni Pam sa kanya nang minsang sinundo niya ang kaibigan sa opisina nito, na ilang minuto lamang mula sa The Forum. Naabutan niya si Pam sa palagi nitong p’westo sa harap ng building na pinagtatrabahuhan nito at palabas pa lang siya ng kotse ay lumapit na agad ito sa kanya. “At aba, may driver ka na ngayon?”

Sa halip na ngiti, simangot ang isinalubong ni Maya sa kaibigan. Hindi niya gusto ang pagkakaroon ng driver at ng bago’t magarang kotse pero wala naman siyang choice. Sabi ni Benjamin, for her own safety. Sabi ni Benjamin, do it for his peace of mind.

Bago sumunod kay Pam, kinausap muna saglit ni Maya si Mang Tony at sinabi rito na balikan siya sa coffee shop pagkaraan ng dalawang oras. Alas diyes pa lamang noon ng umaga pero masakit na sa balat ang mainit na sikat ng araw.

“Baka sa susunod, may bodyguard ka na rin, ha,” natatawang sabi ni Pam nang malapit na sila sa coffee shop.

Tuesday, July 9, 2019

Ano'ng Klaseng Reader Ka?

  1. The ultimate bibliophile. Kasama na rin dito ‘yung mga collectors. ‘Yung kahit wala nang mapaglagyan ng books at wala nang oras para magbasa, bumibili pa rin ng mga libro dahil - wala lang. Feel na feel lang nila ‘yung may bagong biling books tapos aamuyin ‘yung mga pages bago matulog. Walang pinipiling genre o author. Basta libro, sunggab agad.
  2. The intelligent reader. Ito ‘yung reader na matalino dahil na rin sa pagbabasa. Their minds are like sponges na lahat ng nababasa ay na-absorb ng utak. Sila rin ‘yung mahirap makadebate pagdating sa isang libro dahil tiyak na kaya nilang himayin ang bawat detalye ng bawat librong binabasa nila. PS: Iba ito sa feeling expert lang.
  3. ‘Yung mahilig mag-kritiko. In other words, mga perfect. Lol Nagbabasa ng libro hindi para ma-entertain kundi para i-criticize ito. Kahit gaano kaganda ‘yung nobela, hahanap at hahanap sila ng loophole o mga maling detalye dahil para sa kanila, walang perpektong akda o manunulat.

Sunday, July 7, 2019

The Girl From The Coffee Shop 3 Chapter 2

MADALING-ARAW na nang matapos sa trabaho si Maya. Isang luxury villa ng isang kilalang artista ang bago nilang proyekto at nasa schematic design phase pa lamang sila, na sa tingin niya ay ang pinaka-stressful na bahagi ng kanilang trabaho.

Wala pang isang taon siyang nagtatrabaho bilang interior designer sa Contreras-Contreras pero pakiramdam niya ay parang mas matagal pa roon. She’s right about her expectations about her new job – it is demanding and most of the time, crazy. Simula nang umalis siya sa coffee shop at maging regular na staff ng firm ay hindi na niya nagagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin tulad ng pagpipinta o kahit ang simpleng pang-eenjoy lang sa bahay nang walang inaalala. Sa totoo lang, minsan, gusto niyang bumalik na lang ang lahat sa dati noong mga panahong wala siyang ibang inaalala kundi paano mapansin ni Benjamin. Noon, pangarap lang niya na makita ito nang malapitan pero ngayon, nagagawa na niya iyon anumang oras.

Gusto Mo Ba Talagang Maging Writer? Huwag!

Bago mo sabihin sa sarili mo na wala ka nang gustong gawin kundi ang magsulat at kalilimutan mo na ang lahat pati ang pangarap ng mga nanay at tatay mo para sa iyo, basahin mo ito:

1. Ang pagsusulat, walang katapusan. Hindi ito tulad ng tipikal na 8-5 job na pagkatapos ng trabaho ay p'wede nang mag-relax. Wala rin itong kinikilalang ‘weekend’ o holiday.

2. Kapag nagsusulat ka ng nobela, wala itong pinipiling oras o araw o pagkakataon. Minsan, maliligo ka na lang, matutulog ka na lang, biglang may maiisip kang magandang senaryo na kailangan mo agad i-tipa dahil kung hindi ay mawawala ito na parang bula. At minsan pa ay dadalawin ka ng mga karakter mo sa iyong panaginip para ipaalala sa’yo na kailangan mo nang tapusin ang kanilang kwento.

Saturday, July 6, 2019

Writer's Block: Bakit Nga Ba?

Oh, sige na. Wala raw writer’s block pero minsan talaga, darating sa buhay ng isang writer na bigla na lang maba-blangko ang utak, na kahit ano’ng gawin ay waley pa rin. Bakit nga ba?

1. Kahit sa pagsusulat, dapat may right timing. At kumbaga sa pagluluto, kailangan mo munang ihanda ang ideas mo - ayusin ang mga ingredients, painitin ang kalan at pakuluin ang dapat pakuluin bago mo isulat. Kapag isinulat mo kasi agad ‘yan nang hindi pa handa, mahihilaw. Hindi masarap ang lasa. Pero minsan, sa kahihintay natin ng 'right timing', hindi na tayo nakakapagsulat. Parang love, hintay ka nang hintay nang Mr. Right, hindi mo na napapansin na nariyan na pala si Mr. Right for you. Cheret.

The Girl From The Coffee Shop 3 Prologue + Chapter 1

PROLOGUE

HAPPY ending. ‘Yan rin ang kinahinatnan ng love story nina Maya at Benjamin pagkatapos ng lahat ng mga nangyari. Happy ending. At ngayong nakabalik na sila sa Manila, balik trabaho at balik realidad na uli.

Naging masalimuot ang mga nakaraang buwan noong nakaraang taon para sa buhay ni Maya. Noong nakaraang taon, napagdesisyunan niyang bumalik sa The Forum at magtrabaho bilang isang freelance interior designer sa Contreras-Contreras Architectural Firm. Noong nakaraang taon, muli niyang nakaharap si Engineer Benjamin Contreras III at noong nakaraang taon, naramdaman niya ang iba’t-ibang emosyon na lalo lamang nagpatibay ng pag-ibig niya para sa binata. 

Akala ko talaga, tapos na ang lahat sa amin. Sobra ko siyang nasaktan nang umalis ako nang walang paalam at nang muli kaming nagkita, sinigurado niyang mararamdaman ko rin ang sakit na pinadama ko sa kanya. At oo, naramdaman ko ‘yon at mas higit pa. Pero tinanggap ko lahat ‘yon dahil alam ko na tama lang naman sa akin iyon. At kung kailan sinukuan ko na ang pag-asa na mapapatawad ako ni Benjamin, ay parang nagmilagro ang langit at muli niya akong minahal.

Ano nga ba ang nangyari?

Friday, July 5, 2019

Natapos Mo na ang Manuscript Mo, Ano Na?

So, natapos mo na ang manuscript mo. Congrats! Pero ang tanong, handa na ba ang pinaghirapan mong MS na maipasa sa pubhouse? 

1. Na-proofread mo na ba? Kahit feeling mo ay sayang oras o nakakatamad, kailangan mong i-proofread ang MS mo bago mo ito ipasa. Siguruhin na tama ang grammar, punctuation, formatting, etc. Make sure to check everything - as in everything. Laging best foot forward dapat. Parang panliligaw lang ‘yan. Nililigawan mo ang mga evaluators kaya dapat, maganda ang maipapakita mo sa kanila. Huwag na huwag magpapasa sa publishing house ng hilaw na manuscript. Bukod sa siguradong mare-reject ‘yon, baka magkaroon ng first bad impression sa iyo ang mga editors.

Thursday, July 4, 2019

The Girl From The Coffee Shop 3 Teaser

“I already did what you wanted me to do. I am marrying her and now, I’m miserable. So please, make me feel that you see me...that I still exist...”

Kung inaakala ni Maya na ‘happy ever after’ na ang kasunod ng lahat ng pinagdaanan nila ni Benjamin, nagkakamali siya. Dahil ang mga naganap pala ay ‘patikim’ lang sa mga mangyayari pa.

Ramdam na ni Maya ang pagiging ‘the future Mrs. Benjamin Contreras III’ at handa na siya sa lahat ng bagay na kaakibat ng kumplikadong buhay ng nobyo. Pero bakit kung kailan maayos na ang lahat ay tsaka susulpot sa eksena ang isang tulad ni Nicole Sequia?  Mabuti na lang, to the rescue si Noel, ang kanyang knight in shining armor na parating handang tumulong at dumamay.

Mabuti pa si Noel, parating nariyan. Mabuti pa si Noel, naiintindihan siya at may pakialam sa nararamdaman niya. At naisip ni Maya, baka nga si Noel ang talagang tadhana niya at nakilala lang niya si Benjamin para mas palalimin ang nararamdaman niya kay Noel.

Pero paano kung kabaligtaraan pala ang lahat? Na parati silang pinagtatagpo ni Noel dahil gusto ng Diyos na mas patatagin siya para sa pag-ibig nila ni Benjamin?

Monday, July 1, 2019

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 10

SA site pa lang ay nakita na ni Benjamin si Noel na sinusundo si Maya. Hindi alam ni Benjamin kung anong pumasok sa utak nito pero hanggang sa paghatid nito sa apartment ng dalaga ay sinundan ni Benjamin ang mga ito. Ipinarada nito ang mamahaling sasakyan sa tapat ng katabing bahay ng tinutuluyan ni Maya, bumaba mula roon at lumapit sa mga ito.

“Maya, can I talk to you?”

Sabay iyong nilingon nina Maya at Noel na kabababa lamang ng sasakyan. Madilim na noon at wala nang tao sa paligid liban sa mangilan-ngilang sasakyan na dumadaan. Lumapit sa kanila si Benjamin, hawak ang susi ng mamahaling kotse.

Nagkatinginan muna sina Maya at Noel bago muling isinara ng dalaga ang pinto ng sasakyan. Agad na lumapit sa kanya si Noel at nang akbayan siya nito ay halatang biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Benjamin. 

“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya rito.

“Mag-uusap tayo, ‘yung tayong dalawa lang, Maya,” matigas nitong sabi. Masama ang tinging ibinigay ni Benjamin sa katabi ni Maya.

What' You've Missed