Wednesday, July 17, 2019

10 Reasons Kung Bakit Nagsusulat ng Erotica/Erotic Romance ang mga Kabataan

1. To explore, to learn. Totoo naman na may matututunan sa pagsusulat ng erotica dahil mas mahirap itong isulat kaysa sa tipikal na nobela. If you think that writing erotica and/or erotic romance is easy, yeah, you’re doing it wrong. 

2. Para makalaya at makalabas sa kahon. Some writers want change. They want to try something different and they feel free when writing erotica.

3. To prove something. ‘Kung kaya nila, kaya ko rin’ attitude. Gustong makipagsabayan sa mga co-writers na nagawang magsulat ng erotica. 

4. Para sa ekonomiya. Marami nang online writing jobs na may mga kliyente na naghahanap ng mga ghost writers para sa magsulat ng erotica. It is one way to earn money and it’s better than nothing.

5. Para makigaya kay idol. Erotic writer ang idol, dapat sila rin.

6. Bandwagon. Uso, eh.

7. Para dumami ang reads. Sex sells, and that’s a fact. Patunay ‘yung mga ‘mature’ stories sa Wattpad na puro sex lang ang scenes at wala naman talagang kwento pero sila pa ‘yung milyun-milyon ang reads. Amazing.

8. Para dumami ang followers. Read #7.

9. Para mapansin ng pubhouse at para ma-publish. Kasi nga, sex sells. 

10. Para maisulat ang mga pantasya nila. Susme, dapat ang pinapantasya n’yo lang ay kung gaano kasarap mag-aral at makatapos ng pag-aaral.

Again, walang masama sa pagsusulat ng erotica at erotic romance. Pero sana, alam mo ang pagkakaiba ng erotica sa porn. Writing erotica doesn’t end there. Malaki ang nakaatang na responsibilidad sa’yo bilang erotic writer. Hindi po ako nagmamalinis o nagmamarunong dahil nagsusulat rin ako ng ganyan pero naman, matanda na ako at may asawa na ako. At alam ko ang difference between erotic and porn. Ikaw ba? 

~~

No comments:

Post a Comment

What's New

The Girl From The Coffee Shop 3 EPILOGUE

KUNG tatanungin kung gagawin ko pa rin ang mga desisyong nagawa ko noon, ang sagot ko, oo. ‘Yung tungkol kay Noel, alam ko na nakatakda i...