Wednesday, July 31, 2019

Bakit Nga Ba Napa-Publish ang mga Libro’ng Hindi Ka-Publish-Publish?

1. Celebrity ang nagsulat. P’wedeng actor, athlete o basta household name o kilalang-kilala. Kasama na rin rito ‘yung mga sikat sa internet, lalo na sa social media, i.e. Facebook, Wattpad. Kahit waley sa quality, mapa-publish ‘yan dahil real talk, pangalan ang ibinebenta ng publisher, hindi ang mismong libro. Kahit tungkol saan pa ‘yan, kahit pa nga tungkol lang sa paborito’ng street food ng celebrity o paano magtiklop ng damit ang libro, magiging best seller ‘yan.

2. Self-published. Of course, hindi lahat dahil marami ring self-published books na worth the money naman talaga. Pero ang disadvantage kasi sa self-publishing, nakakalusot kahit hindi well-edited at hindi na-proofread nang husto. 

3. Gawa ng mga ‘best-selling’ authors. Kanya-kanyang perception na lang ng ‘best-selling’ authors HAHA. Parang mga celebrities rin, kapag best-selling, ipa-publish ‘yan. Walang quality-quality. Sales-sales lang. Lol

4. Kakaibang concept. Unique na plot o kaya uso. At the end of the day, business is business. Kung ano ang uso, doon tayo. Hindi palalampasin ng publisher ang isang uso’ng story dahil siyempre, sabi nga, strike while the iron is hot. Pagkaraan kasi ng ilang buwan, mawawala na ang interes ng mga readers sa ‘trend’ at magkakaroon na naman ng bagong ‘uso’.

~~

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed