Sunday, July 7, 2019

Gusto Mo Ba Talagang Maging Writer? Huwag!

Bago mo sabihin sa sarili mo na wala ka nang gustong gawin kundi ang magsulat at kalilimutan mo na ang lahat pati ang pangarap ng mga nanay at tatay mo para sa iyo, basahin mo ito:

1. Ang pagsusulat, walang katapusan. Hindi ito tulad ng tipikal na 8-5 job na pagkatapos ng trabaho ay p'wede nang mag-relax. Wala rin itong kinikilalang ‘weekend’ o holiday.

2. Kapag nagsusulat ka ng nobela, wala itong pinipiling oras o araw o pagkakataon. Minsan, maliligo ka na lang, matutulog ka na lang, biglang may maiisip kang magandang senaryo na kailangan mo agad i-tipa dahil kung hindi ay mawawala ito na parang bula. At minsan pa ay dadalawin ka ng mga karakter mo sa iyong panaginip para ipaalala sa’yo na kailangan mo nang tapusin ang kanilang kwento.

3. Ang pagsusulat, hindi para sa mga tamad dahil kung tamad ka, walang mangyayari. Hindi ito para sa mga tao'ng praktikal dahil kung talagang seryoso ka sa pagsusulat at gusto mong may marating, minsan ay kailangan mong isantabi ang iba mong pangarap sa buhay - malaking bank account, magandang bahay o kotse at minsan kahit pa ang sarili mong kaligayahan.

4. Hindi mo ikayayaman ang pagsusulat, lalo na kung nagsisimula ka pa lang. Kikita ka, oo pero paunti-unti. Kung salungat ang mga magulang mo na maging manunulat ka, huwag kang magalit o magtampo dahil may punto sila. They just want what’s the best for you. Hindi naman porque pinagbawalan ka, hindi ka na nila mahal. At lalong hindi porque ayaw nila na nagsusulat ka, titigil ka na. After all, if it is your passion, you’ll still do it, no matter what it takes. Magsulat ka during free time, habang papasok sa trabaho o bago matulog. Hindi kasi talaga advisable na mag-focus ka sa pagsusulat lang lalo kung may mga tao na nakadepende sa iyo.

Ang pagsusulat, parang pag-ibig. Minsan matamis, minsan mahapdi. at tulad ng pag-ibig, itutuloy mo ito kahit pa masakit.

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed