Friday, July 5, 2019

Natapos Mo na ang Manuscript Mo, Ano Na?

So, natapos mo na ang manuscript mo. Congrats! Pero ang tanong, handa na ba ang pinaghirapan mong MS na maipasa sa pubhouse? 

1. Na-proofread mo na ba? Kahit feeling mo ay sayang oras o nakakatamad, kailangan mong i-proofread ang MS mo bago mo ito ipasa. Siguruhin na tama ang grammar, punctuation, formatting, etc. Make sure to check everything - as in everything. Laging best foot forward dapat. Parang panliligaw lang ‘yan. Nililigawan mo ang mga evaluators kaya dapat, maganda ang maipapakita mo sa kanila. Huwag na huwag magpapasa sa publishing house ng hilaw na manuscript. Bukod sa siguradong mare-reject ‘yon, baka magkaroon ng first bad impression sa iyo ang mga editors.

2. Naipabasa mo na ba sa iba? Importante rin ang humingi ng opinyon ng iba para magkaroon ka ng idea kung ka-pasa-pasa nga ba ang MS mo. Recommended ‘yung mga mahihilig talagang magbasa ng genre mo dahil sila ‘yung mas maraming alam sa kung ano ang maganda o hindi sa isang nobela. May option ka rin na mag-hire ng professional editor para mas malaki ang chance mo. Pero siyempre, dapat may budget ka para rito.

3. May teasers na ba, catch phrases, cover letter? Though hindi naman lahat ng publishing houses ay nagre-require ng mga ito, mabuti na rin ‘yung handa. Again, do your best to write them. Hindi p’wede ‘yung basta-basta o ‘yung basta may teaser o catch phrase. Tandaan, ang teaser at catch phrase ang unang makikita ng mga readers sa kwento mo kaya dapat, doon pa lang, makukuha mo na ang atensiyon nila.

4. Instinct. Mahirap talagang malaman kung ready na nga ang MS mo na i-submit. Minsan, kailangan mo na lang ipaubaya sa gut feel. Karamihan sa mga writers, nauubos ang oras sa kaka-revise ng MS. Wala namang problema rito dahil at least, nasisigurado na malinis ang manuscript pero dapat alam rin natin kung kailan ito pakakawalan. Gut feel is when you already feel confident that your MS is ready. Paano? Hindi ko rin alam. Basta, mapi-feel mo na lang ‘yon. May maririnig kang boses na bubulong sa’yo na i-submit mo na. Lol.

5. Handa ka na bang ma-reject? Kung hindi, huwag mo munang i-submit. Dapat, ikundisyon mo na ang sarili mo sa lahat ng p’wedeng mangyari sa oras na maipadala mo na ang nobela mo for publishing. Kahit feeling mo, maganda na at ka-publish-publish, hindi pa rin natin talaga masasabi. Kaya tatagan ang loob at huwag masyadong umasa, bes. 

Isipin mo na lang - it’s going to be your book, it’s your name that’s going to be on that book. Kaya dapat lang na gawin mo ang lahat para maging maganda ang kalalabasan ng iyong nobela. 


No comments:

Post a Comment

What' You've Missed