Quote of the Day

The idea of me is better than the reality of me. - Verity

Sunday, July 28, 2019

On Characterization

Walang kuwento kung walang tauhan. Madali lang namang gumawa ng hero at heroine diba? Hindi rin.

1. Physical description. Watch your favorite movie and observe the characters in it. Tapos, subukan mong isulat lahat ng naaalala mong physical attributes ng mga main leads. Kaya mahalaga ang pagbabasa at pagri-research, bes. Para hindi maubusan ng adjectives sa pag-describe. Do this to your characters. Bawat isa, dapat may profile. Parang slam book lang natin noong elementary at high school. Gender, favorite color, favorite movies, crush, motto in life, favorite book, ambition, fears, likes, dislikes, best quality, etc. Mga gano’ng information.

2. Iwasan na maging generic ang pag-describe sa characters mo. Tall, dark, handsome. Drop-dead gorgeous. Overused na, diba? Bigyan mo ng uniqueness ang mga bida mo. Halimbawa, may nunal sa pisngi, may tattoo, may peklat sa tuhod, mahilig magdala ng payong, etc.

3. Attitude and emotional state. Matapang ba, mataray, mabait, mali-mali? Madali bang magalit o mahaba ang pasensiya? May trust issues ba? Depressed? Know how your characters react to certain situations.

4. Mannerism. OCD ba siya, mahilig magbasa, makulit, may kakaiba ba siyang paraan sa pagsasalita o sa paggalaw? Introvert ba? Makapal ang mukha?

5. Names. Isiping mabuti ang ipapangalan sa magiging bida ng nobela mo. Isipin mo na lang na kunwari, anak mo sila kaya dapat maganda sa pandinig. Ang dami kong nababasa na sobrang pahirap i-pronounce ang mga pangalan, to the point na hindi ko na maituloy ang pagbabasa dahil sa kaiisip kung paano ba ang tamang pagbigkas ng mga pangalan. Pero kung trip mo ang mga pangalan na mahirap i-pronounce para unique, nasa sa’yo ‘yon. Just justify kung bakit iyon ang napili mo. Halimbawa, you named your lead character Evgeniya Petrov pero wala naman siyang dugong Russian. Hindi kapani-paniwala. Ang pangalan ay dapat naaayon sa race, ethnicity, religion o kinahihiligan ng mga magulang ng bida. Huwag ‘yung basta pinangalanan lang dahil sa ‘feel’ mo lang o dahil uso o dahil cool.

Hindi required na i-describe ang bida sa unang paragraph pa lang at hindi rin recommended na ipakilala ang bida sa isang bagsak. Unti-unti lang at dapat i-apply mo dito ‘yung show don’t tell na technique.

1 comment:

  1. Since 2018, greater than 30 states in the united states have legalized sports betting. The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints is against gambling, including lotteries sponsored by governments. Church leaders have encouraged Church members to join with 코인카지노 others in opposing the legalization and authorities sponsorship of any type of gambling.

    ReplyDelete

Popular Posts