Quote of the Day

The idea of me is better than the reality of me. - Verity

Monday, July 1, 2019

The Girl From The Coffee Shop 2 Chapter 10

SA site pa lang ay nakita na ni Benjamin si Noel na sinusundo si Maya. Hindi alam ni Benjamin kung anong pumasok sa utak nito pero hanggang sa paghatid nito sa apartment ng dalaga ay sinundan ni Benjamin ang mga ito. Ipinarada nito ang mamahaling sasakyan sa tapat ng katabing bahay ng tinutuluyan ni Maya, bumaba mula roon at lumapit sa mga ito.

“Maya, can I talk to you?”

Sabay iyong nilingon nina Maya at Noel na kabababa lamang ng sasakyan. Madilim na noon at wala nang tao sa paligid liban sa mangilan-ngilang sasakyan na dumadaan. Lumapit sa kanila si Benjamin, hawak ang susi ng mamahaling kotse.

Nagkatinginan muna sina Maya at Noel bago muling isinara ng dalaga ang pinto ng sasakyan. Agad na lumapit sa kanya si Noel at nang akbayan siya nito ay halatang biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Benjamin. 

“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya rito.

“Mag-uusap tayo, ‘yung tayong dalawa lang, Maya,” matigas nitong sabi. Masama ang tinging ibinigay ni Benjamin sa katabi ni Maya.

“May problema ba kung marinig ni Noel kung ano man ang sasabihin mo?”

Lalong sumama ang mukha ni Benjamin. “’Yung tayong dalawa lang, Maya.”

Umiling si Maya at nang magtangkang lumapit pa nang husto si Benjamin ay mabilis iyong hinarangan ni Noel.

“’Wag mo nang pilitin kung ayaw makipag-usap ni Maya. Pagod siya galing trabaho.”

“This is none of your Goddamn business,” matigas na sabi ni Benjamin. Matalim ang tinging ibinigay niya kay Noel. “Maya, I want to talk to you.”

“Okay lang, Noel. Umuwi ka na, ako nang bahala, salamat,” baling niya kay Noel. Alam ni Maya na hindi aalis si Benjamin hanggang hindi niya ito kinakausap.

“Sigurado ka?” nag-aalala nitong tanong na walang balak na umalis doon hangga’t naroon si Benjamin.

Tumango si Maya at ilang sandali pa bago tuluyang sumakay ng kotse si Noel at umalis. Nang tingnan niya si Benjamin, palagay niya ay gusto siya nitong kainin nang buhay anumang oras. Sinalubong niya ang mga mata nito.

“Ano pa ba ang gusto mong pag-usapan? Hindi pa ba sapat ‘yung mga sinabi mo sa akin noon at may nakalimutan ka pa ba? May gusto ka pa bang idadagdag?” sunud-sunod niyang tanong. Iniwan niya ang binata sa gitna ng daan at pumasok na sa gate ng kanyang apartment pero sinundan siya nito hanggang sa pinto.

“Boyfriend mo na ba ‘yon?”

“Sa tingin ko, wala ka nang pakialam kung ano ko man si Noel.”

“Sagutin mo ang tanong ko! May relasyon na ba kayo ng lalaki’ng ‘yon?”

Gusto niyang sabihin na oo, boyfriend na niya si Noel, para matapos na ang usapan, kahit pa nga hindi. Pero hindi niya magawa at hindi niya alam kung bakit. 

“Bakit palagi kayong magkasama? Bakit ka niya binibigyan ng mga bulaklak? Nanliligaw ba siya sa iyo?”

Huminga muna ng malalim si Maya bago sumagot. “Baka nakakalimutan mo kung sino ka at kung sino ako. Baka nakakalimutan mo, na ikakasal ka na at wala na tayo. Wala ka nang pakialam sa mga nangyayari sa buhay ko, Engr. Contreras kaya p’wede ba-“

“Mahal mo ba ako?” biglang tanong ni Benjamin na ikinagulat ni Maya. Nasa harap sila ng nakasaradong pinto ng apartment. “Mahal mo pa ba ako?”

Oo, gustong sagutin ni Maya na oo, mahal pa rin niya ito hanggang ngayon, sa kabila ng lahat, mahal pa rin niya ito. Tiningnan niya ang binata sa harap niya at nabigla siya nang bigla itong lumapit at hinalikan ang kanyang mga labi. Maya felt everything that she’s been dreading to feel all those times. To be kissed by Benjamin was the last thing she ever wanted at that moment but he kissed her just like the way he always did. He kissed her as if it was the end of the world.

“Maya, tell me you still love me,” sabi nito na tila nagsusumamo. “Please…”

“At pagkatapos ano, Benjamin? Sasabihin kong mahal kita tapos ano?” Pilit na inaalis ni Maya ang kamay nito sa mukha niya pero pilit pa rin siya nitong hinawakan.

“Gusto kong marinig na ako ang mahal mo at hindi si…” hanggang ngayon ay hindi pa rin makuhang banggitin ni Benjamin ang pangalan ng lalaking iyon. “Mas mahal mo ako kaysa sa kanya, hindi ba?”

“A-ano pa ba ang gusto mo?” naiiyak niyang tanong. Yumuko si Maya, umiling at pilit na tumalikod pero niyakap siya ni Benjamin at hindi niya alam kung gusto niyang alisin ang mga kamay nito o gusto niyang habang buhay na siya nitong yakapin. “Ano pa ba ang gusto mong mangyari?”

“Pakasalan mo ako, Maya.”

“Nababaliw ka na ba?” halos matawa niyang tanong dahil higit pa sa pagkabigla ang naramdaman ni Maya sa narinig. 

“Oo, nababaliw na ako dahil sa iyo, Maya. Mahal na mahal kita at ikaw ang gusto kong pakasalan!”

Umiling si Maya ng maraming iling. “Please, Benjamin, umalis ka na.”

Pero parang walang narinig si Benjamin. “Please…sumama ka na sa akin ngayon. I promise, I will forgive everything, just love me and be with me again. Alam kong mahal mo ako, Maya, I’m damn sure about that! When you didn’t come to the party last night, I know you still love me!

At hindi niya iyon maikakaila. Nang titigan niya ang mga mata nito, sigurado siyang mas mahal niya ito ngayon kaysa dati. Pero sigurado rin siya na imposible na ang lahat sa pagitan nila. Muli siyang umiling at tumalikod dahil kung hindi niya iyon gagawin ay alam niyang hindi na niya kakayanin na iwan si Benjamin at alam niyang masasaktan na naman siya.

“Tell me, Maya,” bulong nito nang muli siyang hinawakan sa braso. “Are you still in love with him? Are you in love with that Noel again?”

Still in love with Noel. Again. Ano ang ibig nitong sabihin? 

“Akala mo ba hindi ko alam ang tungkol sa inyong dalawa? Matagal ko nang alam, Maya!” matigas na sabi ni Benjamin. “Sa tingin mo ba, nagkataon lang na nagkakilala kami ng lalaki’ng iyon sa Country Club at sa tingin mo ba, nagkataon lang na sa The Forum siya nag-oopisina ngayon?”

Nanatili lang na tahimik si Maya, nabibigla sa naririnig niya. Bahagyang lumayo sa kanya si Benjamin, tumalikod at matagal pa bago niya ito muling narinig na nagsalita.

“Mr. Noel Buenaventura. President of the Buenaventura Advertising. Moved to Milan after high school, came back to Manila four years ago. Your childhood sweetheart, your first love. At siya ang dahilan kung bakit mo ako iniwan noon, hindi ba, Maya?”

Napapikit si Maya. Ayaw na niyang marinig pa ang mga sasabihin ng kaharap.

“I planned to make you fall in love with me again and then, leave you. Gusto kong maranasan mo ang hirap na pinagdaanan ko ‘nung bigla kang nawala at iwan ako. Gusto kong lumuhod ka sa harap ko at magmakaawa na mahalin ka!” pasigaw pero naiiyak na sabi ni Benjamin. “Pero hindi ko pala kaya Maya. Ngayon, hindi ko alam kung bakit ako pa rin ang nasasaktan, kung bakit mahal pa rin kita hanggang ngayon.”

Hindi na rin napigilan ni Maya ang mapahagulgol dahil ramdam na ramdam niya ang sakit na dinadala ni Benjamin. Ngayon lang niya ito nakitang umiyak na parang bata at hindi niya kailanman naisip na mas nasasaktan ang binata kaysa sa kanya. 

“I should have taken advantage of you when we went to Baguio. I should’ve made love to you then like I’ve always wanted to and I should have left you there and see you cry. Ang dami kong pagkakataon para saktan ka pero hindi ko ginawa, Maya. And that’s because I love you so much Maya. I love you so damn much.”

“Benjamin-“

“Bakit ba palagi mo akong sinasaktan? Bakit palagi mo na lang pinaparamdam sa akin na wala akong halaga sa iyo?” mahinang tanong ng binata na patuloy lang sa pag-iyak. Muli siya nitong nilapitan at wala siyang nagawa kundi mapasandal sa pintuan. “’Nung nalaman ko na siya ang dahilan kaya ka umalis noon, alam mo ba kung ano ang gusto kong gawin? Gusto ko siyang hanapin at gusto siyang patayin…I-I wanted to kill him with my bare hands and see you suffer because you can’t just go away and leave me like that. I won’t let you leave me like that just because of that man. Hindi ko matanggap na mas pinili mo siya kaysa sa akin, Maya! It’s either I kill him, or I kill myself.” Pareho na silang umiiyak ngayon, sa iba’t-ibang dahilan. “And now, you’re choosing him again over me. Why do you have to choose him, Maya? Ano ba ang meron ang lalaki’ng ‘yon na wala ako, ha?”     
  
Umiling si Maya at hinawakan ang mukha ni Benjamin ng dalawang kamay. “H-hindi ko siya pinili noon, Benjamin…at hindi ko siya pinipili ngayon.”

~~

MARAMI akong naiisip sa tuwing narito ako sa Baguio. ‘Yung mga nakaraan, ‘yung mga magagandang nangyari at kahit ‘yung mga hindi masyadong magagandang kaganapan. Naiisip ko rin ‘yung mga nangyaring sana hindi na lang nangyari. Pero parte na ‘yon ng buhay ko at wala na akong magagawa roon at hindi ako magiging kung ano ako ngayon kung hindi ko napagdaanan lahat ng ‘yon.

Naiisip ko rin ang ngayon, pati ang bukas. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari, wala namang may alam kung ano ang mayroon sa hinaharap. Basta narito ako, iniisip kung karapat-dapat ba ako sa lahat ng ito.

Umakyat ako ng Baguio pagkatapos naming makapag-usap ni Benjamin. Tapos na rin naman ang kontrata ko sa Contreras-Contreras at ayoko nang i-extend pa iyon. Masyado nang maraming nangyari at hindi ko na kayang tumagal pa roon, kahit isang araw.

Isa, dalawa, tatlong araw. Umasa ako na darating si Benjamin, kahit pa alam kong malabo, umasa ako na susunod siya sa akin, katulad ng pangako niya. Sinabi niya na dito namin sa Baguio ipagpapatuloy ang dapat ay noon pa – ‘yung malayo sa mga tao, malayo sa lahat. Pero lumipas pa ang maraming araw, parati lang akong mag-isang naghihintay sa dulong bahaging iyon ng coffee shop na dati kong pinapasukan.   

Hopeless. ‘Yon ang pakiramdam ko.  Ganoon ako noon, at kung hanggang kailan, hindi ko alam.

Hanggang sa ika-pitong araw na pamamalagi ni Maya sa Baguio, sa bisperas ng Pasko habang abala sa pagmamasid ng walang humpay na pagdaan ng mga tao sa harap ng coffee shop ay namataan niya ang isang lalaki na akala niya ay hindi na niya makikita kailanman. Simple lang ang suot nitong kulay puting sweatshirt, maong at lumang rubber shoes. Nakangiti itong lumapit sa kanya at sa mga oras na iyon, ito lang ang nakikita ng mga kanyang mga mata.

“I’m sorry if I’m a week late,” nakangiti nitong bati.
Ngiti lang rin ang nakayanang itugon ni Maya. Nanatili lamang siyang nakaupo, hawak ang mainit na tasa ng kape at hinintay niya si Benjamin na tuluyang makalapit. Oo, isang linggo siyang naghintay pero kahit siguro ilang linggo pa, ilang buwan o ilang taon pa siyang maghintay, gagawin niya. 

“Merry Christmas, future Mrs. Maya Evangelista-Contreras.”

Kailangan ko nang masanay na tawagin sa ganoong pangalan dahil malapit na akong maging Mrs. Maya Evangelista-Contreras. I used to be a simple girl from a coffee shop, a free-spirited young woman who never cared for anything, someone who never believed in love. At pagkalipas ng limang taon, wala naman talagang nagbago - ako pa rin ‘yung simple girl from the coffee shop na walang pakialam sa lahat pero ngayon, natuto na akong magmahal at magpahalaga sa isang tao na narito pa rin hanggang ngayon sa kabila ng lahat ng nagawa ko noon. Siya ang nagturo sa akin kung paano magmahal ng totoo at maniwala na walang imposible pagdating sa tunay na pag-ibig.

~~

ITUTULOY…

No comments:

Post a Comment

Popular Posts