Quote of the Day

The idea of me is better than the reality of me. - Verity

Wednesday, July 10, 2019

The Girl From The Coffee Shop 3 Chapter 3

WOW, bago ang kotse mo?” taka’ng tanong ni Pam sa kanya nang minsang sinundo niya ang kaibigan sa opisina nito, na ilang minuto lamang mula sa The Forum. Naabutan niya si Pam sa palagi nitong p’westo sa harap ng building na pinagtatrabahuhan nito at palabas pa lang siya ng kotse ay lumapit na agad ito sa kanya. “At aba, may driver ka na ngayon?”

Sa halip na ngiti, simangot ang isinalubong ni Maya sa kaibigan. Hindi niya gusto ang pagkakaroon ng driver at ng bago’t magarang kotse pero wala naman siyang choice. Sabi ni Benjamin, for her own safety. Sabi ni Benjamin, do it for his peace of mind.

Bago sumunod kay Pam, kinausap muna saglit ni Maya si Mang Tony at sinabi rito na balikan siya sa coffee shop pagkaraan ng dalawang oras. Alas diyes pa lamang noon ng umaga pero masakit na sa balat ang mainit na sikat ng araw.

“Baka sa susunod, may bodyguard ka na rin, ha,” natatawang sabi ni Pam nang malapit na sila sa coffee shop.

Naisip rin niya ang posibilidan noon. “Well, as long as hindi n’ya ko pagbabawalang magtrabaho o lumabas ng bahay, hindi ako magrereklamo.”

Marami nang tao nang pumasok sila sa coffee shop at kinailangan pa nilang maghintay ng halos sampung minuto para lamang makaupo. Kikitain nila roon si Emman, na may maganda raw na balita.

“Dapat na lang akong magpasalamat, hindi ba?”

“Aba, dapat lang naman. Hindi lahat ng babae sa mundo e nakakatagpo ng ganoong klaseng lalaki – mabait, thoughtful, g’wapo, mayaman. Possesive nga lang tsaka may pagka-seloso. Pero keri na, Maya.”

May punto si Pam. Dapat nga ay nagpapasalamat na lang siya dahil siya na ang pinakamasuwerte’ng babae sa balat ng lupa.

“Teka, alam na ba niya ‘yung tungkol sa photoshoot? ‘Yung kay Noel?”

“Oo, nasabi ko na sa kanya.”

“Kaya pala naman nagka-driver ka nang di oras,” natatawang sabi ni Pam. “Hindi mo naman s’ya masisisi. Maya, paranoid ‘yung tao kaya normal lang na bantay-sarado ka sa kanya. Alam naman ng buong mundo ang history ninyo ni Noel at alam ni Benjamin ang mga posibilidad na p’wedeng mangyari kapag si Noel na ang usapan.” Napailing si Pam. “Hindi mo naisip ‘yang ganyang senaryo, ano? Na kapag naging girlfriend ka ni Engineer, babaliktad ang mundo mo. Na kailangan mo’ng baguhin ang halos lahat sa nakasanayan mo para makasabay sa lifestyle niya. Aba, biruin mo ba’ng ang isang Maya Evangelista na noon ay barista lang e magkakaroon ng driver? Ha! Ha! Ha!”

Isa iyon sa mga dahilan ng pag-aaway nila noon ni Benjamin, na hindi niya kaya’ng baguhin ang buhay niya para lamang makasabay rito. Pero ngayon, natanggap na niya iyon. Kailangan niya’ng tanggapin ang mga pagbabago sa buhay niya dahil nagmamahal siya.

“Pero Maya, seryoso’ng tanong, kaya mo pa ba ang papel ng pagiging girlfriend ng isang Benjamin Contreras III?” tanong ni Pam sa kanya pagkatapos nilang makapag-order at muling makaupo sa pang-apatang mesa na malapit sa entrance ng coffee shop.

Marahang tango ang sagot ni Maya. Ngayon pa ba siya susuko? Kung kailan natutunan na niyang makisabay sa buhay ni Benjamin, kung kailan sigurado na siya sa sarili niyang si Benjamin lang ang mahal niya at mamahalin n’ya.

~~

AT para bang hindi pa sapat ang bagong kotse at driver, eto na naman. Tinawagan siya ni Benjamin pagkatapos na pagkatapos ng huli niyang client meeting nang gabing iyon. Biyernes noon kaya naman gusto na sana niyang makauwi kaagad pero dahil sa tawag na iyon ay kailangan niyang ipagpaliban ang mga naka-plano na sana niyang gawin. Hindi naman sa ayaw niyang makita at makasama ang kasintahan pero kakakita pa lang nila kaninang umaga, at nitong mga nakaraang linggo, nakalaan ang Biyernes ng gabi niya sa pagpipinta. Malapit na rin kasi ang exhibit nila nina Mr. Diestro para sa taong iyon kaya gahol na rin siya sa oras para matapos ang mga ipinipintang dapat tapusin.

Sabi ni Benjamin, importante raw at ito pa mismo ang sumundo sa kanya sa opisina at ito mismo ang nag-drive patungo sa kanilang destinasyon, na halos kalahating oras lang mula sa condo unit nito.

“A-ano’ng meron?” tanong niya sa kasintahan nang huminto ang sasakyan nila sa harap ng isang magarang gusali.

“You’ll see, honey.”

Tiningnan ni Maya ang kabuuan niyon. Tiningala at binasa niya ang pangalan na nakalagay roon – The Draft Apartelles. It was one of the newly-constructed apartelles in the area at ang pagkakaalam ni Maya, isa rin iyon sa mga naging projects ng Contreras-Contreras Architectural Firm. Siguro, itu-tour siya rito ni Benjamin at siguro, ipapakita nito sa kanya ang avant-garde design and construction ng gusali. Marami na siyang magagandang bagay na nabasa tungkol sa The Draft Apartelles kaya naman gustung-gusto rin niyang makita iyon nang personal.

Hawak-kamay silang pumasok sa loob. The lobby was remarkable, with a mixture of the old and the new. The wall was a combination of blue and gray, which perfectly complemented the wooden grain ceiling. It has a couple of lounge areas with a variety of themes. Sa kaliwa, Asian-contemporary, sa kanan, country-style. Even the furnishings and lighting fixtures were impressive.

Nang nasa loob na sila ng lobby, sinalubong sila ng isang matangkad na lalaki, na sa tingin ni Maya ay ang general manager ng apartelle. At sa tingin rin ni Maya ay matagal nang kakilala ni Benjamin. Nakasuot ito ng stylish eyeglasses at maganda ang pagkakangiti nito sa kanila.

“Good evening, Benjamin. Welcome to The Draft,” masaya nitong bati at nagkamay ang dalawa.

“Yes, good evening,” sagot ni Benjamin. Inakbayan nito si Maya. “Maya, this is General Manager Azarcon. Ted, this is Maya Evangelista. Our interior designer.”
Iniabot ni Maya ang kaliwang kamay sa General Manager, na malugod naman nitong tinanggap. Ngumiti lang si Benjamin at mas lumapit sa kanya.

“How’s everything?”

“Everything’s good, perfectly fine, Mr. President,” sagot ni Mr. Azarcon. “So, shall we?”
Tumango si Benjamin, hinawakan ang kamay ni Maya at sumunod na silang dalawa sa General Manager hanggang sa elevator. “So, what is this?” bulong na tanong ni Maya kay Benjamin.

“You’ll see. It’s a surprise.”

And it was more than a surprise. Walang nasabing anupaman si Maya nang makarating na sila sa tinutukoy ni Benjamin.

“It’s one of the studio-type units with the best views of the park and the metropolis. Well, the highest floor probably has the finest scenery but since Benjamin said you hate riding the elevator, ito na ‘yung may pinakamagandang view sa lahat ng units dito sa third floor. It’s fully furnished, by the way.”

Inilibot ni Maya ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Maluwag ang living area na karugtong ng dining at kitchen. Nagustuhan niya ang paraan kung paano konektado ang lahat – wala itong dividing walls kaya maaliwalas ang kabuuan nito. The walls were a combination of pastel blue and yellow, which reminded her of the cool mornings at the beach. May ilan ring paintings na nakasabit sa dingding, ang ilan ay pamilyar sa kanya.

“What do you think?” tanong ni Benjamin sa kanya.

Wala siyang tugon. It was something she’d love to design herself. Wala siyang sinabi pero halata sa mukha niya na gusto niya ang nakikita.

“You ain’t seen nothing yet,” sabi ni Mr. Azarcon. Nakangiti rin si Benjamin nang tingnan niya ito. Sinundan nila si Mr. Azarcon na pumasok sa sliding glass door. “And this…is the art studio. It’s a bit bare so feel free to do whatever you want here.” At kadugtong no’n ay isang pang kuwarto na mas maliit. White-washed walls, clean black and white tiles for the flooring. Isang malaking mesa na gawa sa kahoy ang umookopa sa kaliwang bahagi ng kuwarto, na mistulang isang modernong kusina. “And that,” patuloy ni Mr. Azarcon sabay turo sa isa pang sliding door. “- what makes everything perfect.”

Sumunod sila ni Benjamin doon at nang bumukas ang pinto, naintindihan ni Maya ang ibig nitong sabihin. Hindi kalakihan ang veranda pero sapat na iyon para sa isang maliit na tripod table at dalawang upuan, na perpekto para sa mga tao’ng mahilig manood ng paglubog ng araw habang umiinom ng mainit kape. Mula sa kinatatayuan ay kitang-kita nila ang mga puno sa parke at ang mga ilaw sa nagtataasang gusali sa kabuuan ng lungsod.

“You like it?” tanong ni Benjamin kay Maya habang kapwa sila nakatingin sa napakagandang tanawin. Bago pa masagot ni Maya ang tanong na iyon ay marahang umubo si Mr. Azarcon para ipaalam ang presensiya nito.

“I guess it’s time for me to leave, marami pa yata kayong dapat pag-usapan.” Muli nitong kinamayan ang magkasintahan at tuluyan nang umalis.

“So, you like it?” muling tanong ni Benjamin nang wala na ang General Manager.

“Sobrang ganda nito, Benj,” mahina niyang tugon.

“Nagustuhan mo?” nakangiting tanong ng binata.

“O-oo naman, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa ganito kagandang apartment…pero-“

“Good!” Mas lumapit pa ito at umakbay sa kanya. “Thank God, nagustuhan mo. Actually, may tatlo pa tayong options. One is on the 10th floor, the other two, nasa katabing building.”

“Benj, para saan ba talaga ito?” nagtataka pa ring tanong ni Maya dahil ayaw niyang paniwalaan ang nasa isip niya.

“You’ve been complaining about not having enough room for your paintings, right? So, here.”

“P-pero hindi yata kaya ng paycheck ko ‘to,” natatawang sabi ni Maya. Muli siyang pumasok sa loob at iniligid ang paningin sa art studio. Falling in love with it was instant.

“Maya, this is a gift.”

Maraming iling ang itinugon ng dalaga. “Gift? Hindi ko naman birthday, at kahit birthday ko pa, sobra-sobra naman yata ito. N-nag-aadjust pa nga lang ako doon sa kotse at driver, tapos, heto naman.”

“Okay, ganito na lang, just think of it as an incentive from the company.”

“Pero sobra na ito.” Mataman niyang tiningnan ang binata at nakita niyang seryoso ang mukha nito. At muli, tiningnan niya ang kabuuan ng bahay.

Napabuntung-hininga si Benjamin. “Sige, salary deduction, 50% discount. Okay?”

Hindi pa rin alam ni Maya. Because by the looks of the unit, mukhang buong buwang sweldo yata niya ang mapupunta sa unit na iyon. But he’s giving her a great deal. “Puwede bang pag-isipan ko muna?”

“Of course, honey. Sleep on it if you have to.”

~~

HIRAP makatulog si Maya nitong mga nakaraang gabi. Bukod sa napakagandang flat mula kay Benjamin, ang nalalapit na Arts Awards Ceremony at ang condominium project sa kanyang isip, hindi na niya alam kung paano niya nahaharap ang bawat araw. Naging routine na ang kanyang pang-araw-araw na buhay - opisina sa umaga, client meetings sa tanghali hanggang hapon, balik opisina sa gabi. At pagdating sa bahay, may mga bagay pa siyang dapat tapusin at ayusin.

Kaya naman medyo nakahinga siya ng maluwag nang magpasama siya kay Pam sa kanyang designer para sa fitting ng cocktail dress na gagamitin niya sa awarding ceremony ni Mr. Diestro. At least, nagkaroon siya ng oras para sa sarili. Si Jeff ang nagpakilala sa kanya kay Santi Arcega, ilang taon na ang nakararaan. Si Santi ay isa sa mga sikat na fashion designers sa bansa at minsan na rin itong nakasali sa mga fashion shows sa iba’t-ibang bansa. Sa totoo lang, pakiramdam ni Maya ay hindi siya bagay magkaroon ng sariling fashion designer dahil bihira lang naman siyang mag-attend ng mga social gatherings pero sabi ni Benjamin, kakailangan niya iyon lalo na ngayon na nakikilala na siya sa kanyang propesyon.

Isang classic Audrey Hepburn-inspired cocktail dress ang napili ni Maya. But instead of settling for the usual black, she decided to go for the crimson version of it. Its black embroidery detail over the crimson fabric is phenomenal, giving the dress an overall vintage appeal. She loved the way it exudes that flirty and playful charm without losing its modest and elegant look.

Napaisip siya sa tanong ni Pam habang tiningnan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Sa tuwing magkasama sila ni Benjamin, hindi nakakaligtas sa kanyang mga mata ang mga babae’ng tumitingin dito. Na naiintidihan naman niya dahil minsan siyang nagkaganoon sa binata.

“Hindi ka nagseselos?”

“Hindi.”

“Wow, confident,” natatawang sabi ni Pam. “Kung sabagay, kahit nga isang beauty queen na si Nicole Sequia, hindi mo pinagselosan noon.”

“Ha, ha, sige na, aaminin ko na, nagselos ako sa kanya.”

Si Nicole Sequia, ang kontra-bida sa buhay ni Maya noon. Ang tanging babae na pinagselosan niya sa buong buhay n’ya. Ay mali – may isa pa pala siyang pinagselosan noon – si Anne Paredez, ang first love ni Benjamin. Both women were models, successful, gorgeous and famous. Sa madaling salita, wala siyang laban sa mga ito. Kaya naman noon, hindi n’ya maiwasan na mainsecure at matakot sa relationship nila ni Benjamin.

“For sure, marami pang Nicole Sequia at Anne Paredez ang darating sa buhay ni Benjamin kaya dapat, handa ka,” sabi ni Pam. Isinuot nito sa kanyang leeg ang white pearl necklace bilang accessory sa cocktail dress na iyon. “Alam nating maganda ka na, walang duda ro’n…charming ka at marami rin namang nahuhumaling sa iyo. Pero Maya, tandaan mo, isang Engineer Benjamin Contreras ang pinag-uusapan natin dito. Hindi sapat ‘yang simple’ng ganda mo.”

“Ano na naman ‘yang ibig mong sabihin?”

Dumating si Santi na saglit na nagpaalam para sagutin ang isang importante’ng tawag. Matangkad ito, maputi, payat. Actually, he looks like a model. He always reminded her of Austin Scarlett of Project Runway. “Ang ibig sabihin ni sister Pam is you need to exert more effort. ‘Wag maging complacent, mama Maya! I’ve seen Mr. Contreras and I must say that he’s one of the most gorgeous men I’ve met!”

Parang gusto’ng lalong manliit ni Maya sa narinig at mas lalong gusto niyang malaman ang advice na ibibigay ni Pam sa kanya.

“Tama!” sabi ni Pam. Kumuha ito ng isa pang kuwintas at muling isinukat kay Maya. “Kaya dapat magpa-parlor ka naman, Maya. Hindi bawal ang pagpunta sa salon at magpa-spa sa ordinaryong araw, magpa-make-over ka. Pa’no kung biglang bumalik si Nicole o si Anne, o kung sino mang model o artista na may pagnanasa d’yan sa boyfriend mo? Okay, naroon na ako sa mahal na mahal ka ni Benjamin dahil sobrang obvious naman ‘yon. Pero Maya, nariyan pa rin ang katotohanan na lalaki lang si Benjamin – at ang nakakatakot, napakaganda n’yang lalaki.”

~~

SA tuwing nagkikita sila ni Benjamin ay madalas na simpleng blouse at jeans lang ang suot niya pero kung maganda ang gising niya sa umaga dahil na-kumpleto niya ang tulog, nag-e-effort siyang magpalda, na bihirang-bihirang mangyari nitong mga nakaraang araw. Parati ring naka-pusod ang kanyang mahabang buhok. Alam naman niyang bilang interior designer ng Contreras-Contreras ay obligasyon niyang maging presentable lalo na sa tuwing humaharap sa iba’t-ibang kliyente kaya nga humingi pa siya ng payo kay Santi para maging fashionable naman kahit paano ang kanyang conservative work attire na binubuo lamang ng mga tipikal na white/grey/black/brown dresses, skirts, blouses, suits at pants.

Kaya naman nang magpakita si Maya sa opisina isang araw na suot ang isang navy blue long sleeve V-neck dress, lahat ng mata ay nakatingin sa kanya. Isa lamang iyon sa maraming business casual attires, kasama na ang ilang formal dresses na binili niya sa tulong nina Pam at Santi. Sabi nga ni Santi, kailangan niya ng wardrobe overhaul – at iyon nga ang ginawa niya. Her hair had a makeover as well – instead of a stylish French bun, she just let her soft wavy hair down.

Hindi malaman ni Maya kung mahihiya o matutuwa sa mga komento’ng nakuha niya sa opisina dahil sa simple’ng pagbabago’ng iyon. Kung sa bagay, hindi iyon ‘simple’ lang pero ngayon lang niya na-realize na malaki pala talaga ang nagagawa ng itsura ng isang tao at ng paraan ng pagdadala sa sarili.

Mula umaga hanggang hapon ay panay ang biro at compliment na natanggap ni Maya sa opisina.

“Miss Maya, pinapatawag po kayo ni Mr. President,” seryosong sabi ni Greg sa kanya habang nagliligpit na ng gamit.

Paalis na siya noon dahil may dinner sila ni Benjamin nang gabing iyon. Tinawagan siya nito kaninang umaga para sabihin sa kanya na sa Mandy’s na lang sila magkita dahil may meeting pa itong kailangang asikasuhin. Nagmadali na siyang ligpitin ang mga gamit at sumunod na kay Greg. Kinakabahan siyang sumakay sa elevator at iniisip ang dahilan kung bakit siya pinatawag ng binata. Hindi na naman ba matutuloy ang dinner nila?

Iyon pa rin ang nasa isip ni Maya hanggang sa pagdating sila sa opisina. Naabutan nila si Benjamin na nakatayo at nagbabasa ng kung ano sa ibabaw ng mesa nito. Agad ring umalis si Greg at iniwan siya roon na kinakabahan.

“M-may problema ba?” halos pabulong niyang tanong.

“Totoo pala.” Nagtaas ng tingin si Benjamin. Inalis nito ang suot na salamin at matamang tiningnan ang babae sa harap nito.

“A-ang alin?” nagtataka’ng tanong ni Maya.

“A runway model has just entered the building.”

Naramdaman ni Maya ang pag-init ng mukha at alam niyang namumula na siya nang mga oras na ‘yon. Yumuko siya.

“Ngayon, kailangan mo na talaga ng bodyguard,” nakangiting sabi ni Benjamin. Lumapit ito sa kanya. “Hay, I’m sure madadagdagan ang mga karibal ko.”

Ngayon lang niya naisip na baka iba ang maging impression ng lahat ng ‘yon kay Benjamin. “H-hindi mo ba nagustuhan?” kinakabahang tanong ni Maya.

Hinawakan ni Benjamin ang magkabila niyang balikat para makatingin siya ng tuwid dito. “Gustung-gusto ko, honey. You look stunning…and you made me fall in love with you all over again.”

Nag-blush nang husto si Maya dahil sa sinabi ng binata lalo na nang halikan siya nito sa pisngi.

“But why the sudden change?”

“Baka kasi…” Expected na ni Maya na itatanong iyon ni Benjamin sooner or later pero hindi niya maisip kung ano ang dapat na isagot do’n. Pero hindi pa man ay alam na ng kasintahan ang sasabihin niya – na pakiramdam niya ay hindi siya sapat para rito.

“Maya,” muling hinawakan ni Benjamin ang dalawa niyang kamay. “I love you. Minahal kita kasi ikaw si Maya Evangelista. I love you for who you are and what you are. At hindi mo na kailangang magpaganda at mag-ayos ng ganyan dahil maganda ka na.”

“B-baka kasi –“

“Baka kasi ano? Baka may makita ako na mas maganda kaysa sa iyo at palitan kita?”

Bahagyang tumango lang si Maya.

“Hey, honey, listen to me. Kahit na ilang magagandang babae pa ang dumating, ikaw pa rin pipiliin ko. Actually, ako nga ang laging nagwoworry, lalo na ngayon. Sobra’ng ganda kaya ng girlfriend ko, matalino, talented. Did you see how those men out there stare at you? Hindi ko alam kung mapa-proud ba ko kasi ang daming tumitingin sa girlfriend ko and for sure naiinggit sa’kin or pagsusu-suntukin ko sila isa-isa dahil sa selos.”

Napangiti si Maya. Pero hindi napawi noon ang pangamba niya.

“P-paano kung bumalik si Anne o si Nicole o ‘yung mga dati mong girlfriends?”

Umiling-iling si Benjamin. Binitiwan nito ang dalawa niyang kamay at ang dalawang balikat naman niya ang hinawakan. “I don’t care about them or about any other woman. Bumalik man sila, so what? May Maya na ako at ang Maya na ‘yon ang mahal ko. Honey, ano ba’ng kailangan kong gawin para mapanatag ang loob mo sa relationship natin?”

“W-wala…I’m sorry,” sa wakas ay sabi ni Maya. Sapat na sa kanya ang mga sinabi ni Benjamin para maibalik ang peace of mind na medyo matagal nang nawala sa kanya.

“I love you, Maya. And if you did all these just because of insecurity and the fear of losing me to another woman, stop. I want the old Maya Evangelista back. ‘Yung Maya na walang pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao, ‘yung Maya na kuntento sa kung ano siya at confident na kaya niya ang lahat. ‘Yun ang Maya na minahal ko.”

~~

SINUNOD ni Maya ang sinabi ni Benjamin – na ibalik niya ang dating Maya na minahal nito. ‘Yung Maya na matapang at walang pakialam sa sasabihin ng iba. Pero hindi kasama ang muling magbalik sa dating Maya na ‘plain and simple’ dahil nagustuhan niya ang bagong imahe niya na ‘chic and sassy’.

Minsang magkita sila ni Jeff, puro biro ang nakuha niya mula rito. “Wow, Maya!” iyon ang unang bati nito sa kanya. “Just...wow!”

It was a hot day, and she was wearing a simple summer light blue dress with off-shoulder short sleeves. Her woven cream and blue striped flats with a rope bow complemented her overall fresh look.

“You look amazing!” masaya nitong bati. Matangkad sa kanya ito ng limang pulgada, maganda itong lalaki. “Sino ang stylist mo?”

Inalis ni Maya ang suot na braided side sunglasses bago humalik sa pisngi ni Jeff. Ilang linggo na rin silang hindi nagkikita at na-miss niya ang masaya nitong personalidad. Nagpasalamat siya at naupo sa upuan na nasa harap ng work table ni Jeff. Binisita niya ito sa furniture shop nito sa Makati dahil sa bagong proyekto nilang luxury villa sa Antipolo at ang shop nina Jeff ang napili nilang magpo-provide ng mga furniture buong villa na iyon.

“Kung straight lang ako, naku Maya, matakot na si Benjie at talagang popormahan kita.”

Matagal nang alam ni Maya ang tungkol sa partner nitong si Mr. Raymond Guevarra na siya business partner nito sa furniture shop. Bukod sa kanya, kay Pam, kay Emman at sa malalapit nitong kaibigan, wala nang may alam ng sexual preference in Jeff. Kahit pa si Benjamin.

“E di lalong naloka ang beauty ni Benjamin dahil diyan sa transformation mo?” natatawa nitong sabi. “Nai-imagine ko na ‘yon ngayon pa lang.”

Sinabi ni Jeff sa kanya kung paano magselos si Benjamin noon at kung paano ito umarte na parang isang obsessed boyfriend, pati ang reaksyon nito tungkol sa muli nilang pagkikita ni Noel. Walang nababanggit si Benjamin tungkol sa naramdaman nito noong muli silang magkita ni Noel kaya naman ngayon lang niya naintindihan kung bakit bigla siya nitong binigyan ng kotse na may kasamang driver.

“He’s crazy about you, Maya. At sigurado ako na mas lalong mai-in love at mao-obsess ‘yon sa iyo ngayon.”

“Pareho lang naman kami,” nahihiya niyang sabi.

“Hay, kinikilig naman ako sa inyo!” sabi ni Jeff sabay tayo. “At dahil d’yan I’m giving Ray a call. Na-miss ko tuloy ang babe ko.”

Natawa si Maya. Ganoon si Jeff kapag kasama siya pero ibang-iba ang personalidad nito sa tuwing si Benjamin ang kasama. Hindi pa raw nito napagde-desisyunan kung sasabihin nito sa pinsan ang totoo nitong pagkatao o hindi pero sa tingin naman niya ay maiintindihan iyon ni Benjamin.

Kapag magkakasama sila nina Pam, Emman at Mr. Raymond Guevarra, si Jeff ang pinakamaingay sa kanila. Kung makulit si Pam, iba ang level ng kulit ni Jeff. Animated itong magkuwento, mahilig sumayaw at kumanta, katulad ni Mr. Guevarra.

“So, binigyan ka na ba niya ng bodyguard?” natatawang tanong ni Jeff matapos matawagan at makumusta si Mr. Guevarra. Hawak na nito ang mga furniture designs para sa bagong proyekto.

“Hindi naman talaga kailangan,” tugon niya sabay iling.

“Well, sa tingin ko, Benjamin thinks otherwise. Lalo na ngayon sa iyong metamorphosis!”
Iniabot ni Jeff kay Maya ang catalog ng furniture collection na napili ng kanilang kliyente. ‘The Guevarra Furniture Summer Ensemble’, inspired by Kenneth Cobonpue’s Rapunzel chair. Lahat ay gawa sa matibay na rattan at bakal na nagbibigay ng komportable at eleganteng itsura nito. Ang feature design na The KnitKnot Chair ay isa sa mga best-selling items sa buong koleksiyon.

Ang villa project ang kumakain sa buong oras ni Maya nitong mga nakaraang buwan at laking pasasalamat niya na nasa huling bahagi na sila ng project coordination process. Nagustuhan ng kliyente nila ang buong disenyo, maging ang furniture collection ni Jeff. Mabuti na lang talaga ay magaling ang kanilang design team sa firm at nagkakataon na madadaling kausap ang mga kliyente, contractors at suppliers na nakakatrabaho nila.
~~

No comments:

Post a Comment

Popular Posts