Wednesday, July 17, 2019

The Girl From The Coffee Shop 3 Chapter 6

ALAS kuwatro na ng hapon nang tingnan ni Maya ang oras sa relo na nakasabit sa kanyang opisina. Matatapos na ang araw niya at sa awa ng Diyos ay wala siyang nakita na ayaw niyang makita. Lunes noon, unang araw niya sa opisina pagkatapos ng napakahaba at nakakagalit na weekend. Ayaw na sana niyang tumuntong sa opisina’ng iyon pero hindi na siya ang dati’ng Maya na bigla na lang nawawala na parang bula. 

Iniligpit na niya ang mga gamit at inilagay sa bag ang mga kailangan niyang iuwing mga papeles at design plates na dapat pang pag-aralan. Maaga siyang uuwi dahil marami pa siyang dapat asikasuhin, kasama na ang paglipat sa bagong uupahan. Bibitbitin na sana niya ang mga gamit nang biglang bumukas ang pinto.  Napanganga siya sa sobrang gulat at mas lalo pa siyang nagulat nang makita kung sino ang bisita niya nang mga oras na iyon. 

Unang tingin pa lang ni Maya kay Benjamin ay alam niyang hindi na maganda ang timpla nito. Bukas ang unang dalawang butones ng suot nitong asul na long sleeves at pulang-pula ang mukha nito sa sobrang galit. 

“Maya, we need to talk,” seryosong sabi ni Benjamin. Lumapit ito kay Maya, sapat lamang para mailapag nito ang mga larawan sa mesa ng dalaga. “Ano’ng ibig sabihin nito?”

Tiningnan iyon ni Maya. Hindi na niya kailangang lumapit pa doon dahil mula sa kinatatayuan niya ay kita na niya kung ano ang mga iyon. 

“Bakit magkasama kayo ng lalaki’ng iyon? Nagkikita pa rin kayo hanggang ngayon?”

Nagpakawala si Maya ng isang bahaw na tawa. “Wow, parang ako pa ang lumalabas na masama ngayon? Sino ba sa ating dalawa ang nakabuntis, ako ba?”

“And this is your way to get even? Nalaman mo ang tungkol kay Nicole kaya mo ‘to ginawa?” halos pasigaw na sabi ni Benjamin sabay turo sa mga litrato na nasa ibabaw ng mesa. “Bakit mo kasama ang lalaki’ng ‘yan at ano ang ginawa ninyo sa bahay niya sa loob ng dalawang araw?” mahinahon pero mariin nitong tanong. 

Kumunot ang noo ni Maya at naningkit ang mga mata. Parang gustong sumabog ng ulo niya sa sobrang galit. “Naririnig mo ba ang sarili mo, Benjamin?” Dahil kung mayroon mang dapat magalit sa kanilang dalawa, siya iyon. Muling kinuha ni Maya ang mga gamit at nagtangka nang umalis pero pinigilan siya ni Benjamin. Hinawakan siya nito sa braso at hinatak palapit rito.

“You are not going anywhere.”

“Bitiwan mo ‘ko.” Tinitigan ni Maya ang binata, isang titig na halos tumunaw na sa kabuuan ni Benjamin.

Parang napaso ang binata sa mga mata’ng iyon ni Maya kaya binitiwan nito ang braso niya. Dali-daling lumabas ng opisina si Maya na sinundan naman agad ni Benjamin. Sinundan sila ng tingin ng mga tao roon hanggang doon sa may elevator.

“Maya, we’re going to talk about this. Now.” Mahina ang pagkakasabi no’n ng binata pero sapat na para marinig niya. 

Pilit na binawi ni Maya ang kamay nang muli itong tangkaing hawakan ni Benjamin. Ibinaba niya ang mga dala at humalukipkip. “Gusto mong pag-usapan natin ito ngayon? Fine.” Lumayo siya nang kaunti sa binata at nanatili lang siyang nakatayo na naghihintay sa susunod nitong sasabihin. Hindi niya alintana ang mga taong nagdadaan sa harap nila. 

“Were you cheating on me all along?”

Matagal munang natahimik si Maya bago nakasagot. “Sa palagay mo talaga, kaya kong gawin sa iyo ‘yon?”

Hindi agad nakasagot si Benjamin pero halata pa rin sa mukha nito ang galit. “You tell me.”

Muli niyang kinuha ang mga inilapag na gamit at pinindot ang elevator button pababa. “I’m not gonna waste my time with this. As far as I’m concerned, tapos na tayo at wala akong dapat ipaliwanag sa’yo. So if you please, excuse me. Marami pang mas importante’ng bagay na dapat kong gawin.”

“So, ang ibig mong sabihin, hindi ito importante sa iyo?” Naroon pa rin sila sa tapat ng pinto ng elevator. Si Maya, hinihintay na bumukas iyon, si Benjamin, naghihintay pa rin ng paliwanag niya. Nang bumukas ang elevator ay pumasok si Maya, sumunod agad si Benjamin sa loob at pinindot agad nito ang buton para sumarado ang pinto niyon.

“Ang sinasabi ko lang, ayokong makipag-usap sa isang tao na paniniwalaan ang gusto niyang paniwalaan.” Bawat palapag na pagbaba ng elevator ay may pumapasok at bumababa kaya hindi agad nakasagot si Maya at hindi sila makapag-usap nang maayos. Nanatili siyang nakatingin sa pinto ng elevator, ni hindi niya makuhang tingnan ang binata sa tabi niya. Ramdam niya ang pagbaba ng elevator at kinakailangan pa niyang huminga ng malalim para lamang labanan ang takot. Nang muli ay sila na lamang dalawa ay tsaka niya nakayanang sagutin ang tanong na iyon ng binata. 

“My question is simple. Did you or did you not cheat on me?”

At bumukas nang muli ang pinto. Ground floor. At bago pa man lumabas si Maya ay tiningnan niya ito sa mata at sinagot nito ang tanong ng binata. “Bakit hindi mo sagutin ang sarili mong tanong, Eng. Contreras? At pakitanong na rin sa sarili mo kung bakit gano’n ka kadaling mag-judge ng ibang tao.”

~~

SORRY ha, na-late ako, medyo naatraso ‘yung kausap ko e.”

Okay lang, sabi ni Maya. Muli silang nagkita ni Noel sa isang bookstore nang hindi inaasahan, noong isang linggo. Naroon siya para bumili ng ilang painting supplies at nakita niya si Noel na nakapila sa cashier dala ang ilang libro. Inanyayahan siya nitong magkape pagkatapos, na nasundan ng palitan ng text messages at tawagan tuwing gabi. 

“Salamat, pumayag kang magkita tayo kahit na busy ka.” Kaswal na kaswal ang binata sa suot na itim na bullcap, simpleng puti’ng T-shirt at dark blue maong pants. Dala nito ang lagi nitong dalang malaking knapsack.

“Malapit lang rin naman dito ang opisina,” sagot ni Maya. Nang nakatanggap siya ng tawag mula kay Noel para yayain siyang magkape, ilang beses pa muna niya iyo’ng pinag-isipan. Pinag-isipan niya kung tama ba iyon at kung bakit pa nga ba kailangan nilang magkita at kung para saan iyon. Muntik na niya iyong tanggihan pero hindi niya naiwasang isipin ang lahat ng tulong na ibinigay nito sa kanya. 

“Kumusta ‘yung bago mong apartment?”

Nagkibit-balikat si Maya. Nabanggit kasi niya rito noon na naghahanap siya ng bagong malilipatan. “Okay naman. Hindi pa ako nakakalipat pero tingin ko okay naman.” Marami pa siyang mga gamit sa dating unit na hindi pa niya naie-empake. Mga malalaking gamit na hindi pa niya nabibigyan ng panahon – mga canvas, mga gamit niya sa pagpipinta. Bukod sa walang panahon, wala na rin yatang lugar ang mga iyon sa bago niyang nilipatan. Maliit lang ang lugar na nakita ni Pam para sa kanya, halos kalahati lang ng unit niya sa The Draft. Pero kailangan na rin niyang lumipat hangga’t maaga kaya wala rin siyang pagpipilian. 

“Baka kailangan mo ng tulong sa paglilipat, sabihin mo lang. May kilala akong moving company.”

“Actually, ang kailangan ko, mas malaking space,” natatawa niyang sabi.

Sandaling nag-isip si Noel. “Ah, mas malaking space? May alam ako.”

Halos tatlumpung minuto raw mula sa The Forum. Kaibigan ni Noel ang may-ari. Studio type iyon at p’wede raw mag-rent ng dalawang unit kung gusto niya. 

“Kung gusto mo, tatawagan ko ‘yung may-ari, inquire tayo. Doon ako dati tumira nung bagong dating ako galing Milan. Safe naman ‘yung lugar at very accessible. Tapos, bisitahin natin kapag libre ka.”

Isang napakagandang alok. Kung tutuusin, hindi na iyon kailangan pang pag-isipan ni Maya. Pero sa sitwasyon niya ngayon at sa sitwasyon nila noon ni Noel, kailangan niyang pag-isipan ang bawat bagay na may kaugnayan rito.

“Don’t worry, Maya. Hindi ko naman ipipilit,” sabi ni Noel na agad na napansin na napaisip siya tungkol roon. “‘Yun eh kung talagang wala ka nang ibang pagpipilian.”

Kung sa pagpipilian, marami si Maya no’n. P’wede niyang tawagan ang mga kaibigan niya para hingan ng tulong – nariyan si Jeff o si Emman o si Pam o kahit ‘yung mga kasamahan niya sa opisina at sa art club. Marami siyang maaaring mahingan ng tulong tungkol sa p’wedeng malipatan.  She could even use the internet for research. Pero ang offer kasi ni Noel, parang fried chicken na nakahain na sa mesa. Kukunin na lang niya at kakainin. No fuss. 

~~

PERO sabi nga ni Pam, kung si Noel ang usapan, hindi p’wedeng walang ‘fuss’.

“Okay, define ‘fuss’,” narinig niyang sabi ni Pam sa kabilang linya. “’Yung negative ba o positive meaning?”

Natawa si Maya. “Tigilan mo nga ako. Pagod pa ang puso ko at gusto muna n’yang magpahinga.”

“Asus, eh ayan nga si Noel para masahihin ang pagod mo’ng puso.”

Napailing na lang si Maya. “Hay naku, Pam. Bilisan mo nga d’yan at tulungan mo ako rito.”

“Opo, kamahalan. Magte-take out lang ako ng dinner natin.”

Katatapos lamang ng trabaho ng kaibigan sa call center at pinakiusapan niya ito na doon na sa unit niya tumuloy para tulungan siyang mag-empake ng mga gamit – iyon ay pagkatapos nitong makipag-dinner sa ‘date’ nito. Sa dami ng gamit niya, parang kulang pa yata ang mga kahon na binili niya kanina. Mga libro, mga gamit sa kusina at maraming mga damit, sapatos at bags. 

Pagkatapos ibaba ang cellphone doon sa coffee table ay tumayo si Maya, nagpunta doon sa veranda ng bahay at iniligid ang paningin sa lugar. Magulo na ang buong unit, nagkalat ang iba’t-ibang klase ng kahon na ang iba ay puno na ng mga gamit niya. Marami rin sa mga gamit niya ang nakakalat sa sahig. May mga libro sa sofa, mga picture frames sa mesa. It has only been a few months but she felt as if she’s been here forever. She already considered the place her home where she could do her painting, reading or just sitting there by the window having her favorite cup of coffee. 

Tiningnan niya ang relo na nakalagay na sa malaking kahon malapit sa pinto. Alas otso na ng gabi at darating na si Pam anumang oras – iyon ay kung hindi na ito makikipagkita pa sa ‘exclusive date’ nito, na imposible’ng mangyari kaya naman napagdesisyunan niyang maligo na muna sandali bago ituloy ang pag-eempake.

Sinasabi na nga ba niya, everything seems too good to be true. Noon pa man, noong nagsisimula pa lamang sila ni Benjamin ay may pakiramdam na siya na mayroong mangyayaring hindi maganda, at alam niyang ito na iyon. Ano pa nga ba’ng mas lalala pa sa nangyayari?

Wala pang kinse minutos ang itinagal niya sa loob ng banyo at eksakto’ng pagsarado niya ng dutsa ay narinig niya ang marahang katok sa pinto. Siguradong si Pam iyon kaya mabilis siyang nagsuot ng bathrobe at halos madulas pa nang lumabas siya ng banyo. Ni hindi na niya nagawang patuyuin ang buhok kaya tumutulo pa ang tubig mula roon nang makalabas siya. Kailangan pa niyang umiwas sa mga gamit na nakakalat sa sahig bago marating ang pinto. 

“Akala ko ba, mamaya ka pa makakarating?” tanong agad ni Maya pagkabukas ng pinto. “Nag-take-out ka ba ng –“ Hindi na naituloy ni Maya ang sasabihin dahil na-estatwa siya sa nakitang bisita dahil hindi si Pam ang nakatayo sa harap niya.

“Puwede ba akong pumasok?” 

“Hindi!” mariing sagot ni Maya. Isasara na dapat ni Maya ang pinto pero pinigil iyon ni Benjamin. Di hamak na mas malakas ito sa kanya kaya madali rin itong nakapasok. Ito pa mismo ang nagsara ng pinto. Titig na titig ito sa kanya na para bang siya ang pinakamagandang babae na nakita nito. Ramdam ni Maya ang tingin ng binata na tila tumatagos sa buo niyang katauhan. 

“Nagbubukas ka ng pinto nang ganyan ang ayos mo?”

“A-akala ko si-”

“Sino?” matigas nitong tanong.

“S-si Pam.”

Kumunot ang noo ni Benjamin na para bang hindi ito naniniwala sa sinabi niya. Humakbang ito palapit, na agad niyang hinarang.

“H-hanggang d’yan ka lang.”

“Bakit? Natatakot ka ba sa akin? Natatatakot ka ba sa p’wedeng mangyari kung pumasok ako diyan?” Natatawang tanong ng binata habang mas lumalapit pa kay Maya.

“Umalis ka na,” mariing sabi ni Maya. Paano ba nito nagagawang ngumiti nang ganoon na para bang wala silang problema samantalang siya ay naroon, mukhang tanga habang tumutulo pa ang buhok, suot ang maiksing roba na hindi naman nakatulong sa pagtakip sa makinis niyang hita. Umurong siya hanggang sa masukol siya sa dingding. Hawak niya nang mahigpit ang roba ng kaliwang kamay samantalang ang kanang kamay ay hawak ang tuwalyang nasa balikat niya. 

Pero malayo sa pag-alis ang nasa isip ni Benjamin. “Look, Maya….hindi mo naman kailangang lumipat.” Tumalikod ito at nakita ang mga gamit niya at malalaking kahon na nakakalat sa buong bahay. 

“Gusto ko.”

“Pero sa iyo na ang unit na ito, hindi ba?”

“Ayoko na.”

Napatingin ang binata kay Maya, at muli, nagkatitigan sila.

“Ano pa ba ang ginagawa mo rito?” galit niyang tanong. Mabilis siyang lumakad palayo sa binata. 

“Binibisita ka at…m-magso-sorry…magmamakaawa kung kailangan.” 

Hindi naiwasan ni Maya na matawa sa narinig. If her memory serves her right, the last time they saw each other, Benjamin was hostile – harsh even.

“I’m sorry, Maya. Hindi ko dapat ginawa ‘yon, hindi ko dapat sinabi ‘yon at hindi dapat kita pinagbintangan. Really, I am sorry,” simula ni Benjamin. “You know that I easily get jealous especially when it comes to...that guy. Nung nakita ko ‘yung pictures ninyo, hindi ko naiwasang magalit. Of all people, Maya –”

“Of all people, siya lang ang naroon habang naglalakad ako sa gitna ng lakas ng ulan…of all people, siya lang ang nagmagandang-loob na tulungan ako at patuluyin sa bahay nila.”

“Hindi mo ba naisip na bakit nga of all people, siya ang naroon? Na he’s been stalking you around and just waiting for that kind of opportunity to-“

“Wala kang karapatang sabihin ‘yan tungkol sa kanya,” matigas niyang sabi. “Kaibigan ko si Noel, at hindi mo siya kilala kaya huwag mo siyang aakusahan ng ganyan.” 

Napapikit at napailing si Benjamin, tanda na pinagsisisihan nito ang mga nasabi.  “Okay, I’m sorry, hindi ko ginusto ‘yung nangyari and I hate myself for it. I know I messed up and I’m really sorry. Ano ba’ng kailangan kong gawin para mapatawad mo?”

Umiling lang muli si Maya. “Alam ba ni…Nicole na nagpunta ka rito? Baka hinahanap ka na no’n,” tanong niya nang hindi tumitingin sa kausap. Hindi niya alam kung may kakayanan pa siyang patawarin si Benjamin. Kung iba lang ang sitwasyon, makukuha agad ni Benjamin ang pagpapatawad na hinihingi nito. Pero para ano pa ba kung patawarin niya ito? Hindi naman mababago ng paghingi niya ng tawad ang katotohanan na magkakaroon na ito ng anak kay Nicole Sequia at hindi na magiging katulad ng dati ang relationship nilang dalawa.

“Listen, magkaibigan lang kami ni Nicole kahit na she’s-“ pregnant pero hindi na iyon naituloy ni Benjamin. “We’re just friends. Hanggang doon lang talaga kami at alam niya ‘yon. Alam niya na ikaw ang mahal ko at ikaw ang gusto kong makasama habang-buhay.”

“Alam mong imposible ‘yang gusto mong mangyari kaya kung wala ka nang ibang sasabihin, p’wede ka nang umalis.”

“Marami pa ‘kong gustong sabihin. Can I stay?”

“N-no.” Naghanap siya ng magagawa, kahit ano basta lang makaiwas sa mga matang iyon ng binata. Uumpisahan na sana niyang pulutin ang mga nakakalat na gamit sa sahig pero hindi niya naituloy dahil hindi niya alam kung paano gagalaw dahil sa suot niya.

“Maya, please. Ayusin natin ‘to.” 

“Paano pa?” tanong ni Maya na pinipilit huwag tumulo ang mga luha. Pero hangga’t pinipigilan niya iyon ay lalo lang siyang naiiyak. 

“Nag-usap na kami ni Nicole…napagkasunduan na namin na hindi namin kailangang magpakasal. Susuportahan ko ‘yung baby at hanggang doon lang at walang problema sa kanya ang gano’ng set-up.”

“Talaga?” sarkastikong tanong ni Maya dahil ibang-iba ang sinabi sa kanya ni Nicole nang magkausap sila. Gusto niyang sabihin lahat kay Benjamin kung anu-ano ang mga pinagsasabi ng babae’ng iyon sa kanya pero hindi p’wede. Pasimple niyang pinahid ang nag-aambang pagtulo ng luha niya. “I-It doesn’t really matter. N-nakapagdesisyon na ako.”

“W-what do you mean?”

“Lalayo na ako sa inyo, ‘yung malayung-malayo. Isa-submit ko ‘yung resignation ko sa susunod na linggo, pagkatapos ng villa project.”

“No, Maya,” mabilis na sagot ni Benjamin. “Please, don’t do this. Don’t give up on us, please.” Lumapit si Benjamin kay Maya at pilit siya nitong niyakap. Pilit naman iyong iniiwasan ni Maya katulad ng pag-iwas niyang lumuha, pero huli na. Tumulo na ang mga iyon at hindi na niya iyon kayang pigilan, tulad ng pagyakap ni Benjamin. Tila nawalan na siya ng lakas lumaban at hinayaan na lang niyang yakapin siya ng binata nang mahigpit. 

Hanggang sa tuluyan nang napahagulgol si Maya na parang bata. Parang lahat ng sakit ng loob niya ay ibinubuhos na niya ngayon kasama ng kanyang mga luha. 

“I’m sorry Maya, sorry, sorry, sorry…” Niyakap siya ni Benjamin nang mahigpit na para bang makakatulong iyon sa pagpigil sa kanyang mga luha, na para bang iyon lang ang kailangan para maging maayos ang lahat. “I didn’t mean it, really. At pinagsisisihan ko na ‘yon ngayon. Hindi mo lang alam kung gaano ko iyon pinagsisisihan. I wake up in the morning and I sleep at night thinking about it and cursing myself because of it….Please Maya, we can still make this right.”

Umiling siya ng maraming iling habang umiiyak. “Walang patutunguhan ‘tong usapan na ito. Umalis ka na, tigilan mo na ako!”

“No, Maya. I cannot do that. I love you so damn much.” Hinawakan ni Benjamin ang magkabila niyang pisngi para pilitin siyang tumingin dito. 

“Ayoko na Benjamin, please let me go.”

“Huwag mong sabihin ‘yan…hindi ko kaya, Maya. I don’t want to lose you.” 

Umiiyak lang siya at umiling at pilit pinapahiran ni Benjamin ang mga luha niya. Hinalikan nito si Maya sa noo nang matagal at ng ilang beses, pati ang ilong niya, ang dalawang mata na halos namugto na sa kaiiyak, at sa magkabilang pisngi. 

At nang halikan siya ni Benjamin sa labi, tuluyan na siyang nawala sa sarili. Gusto na lamang niyang lunurin ang sarili sa mga halik nito at huwag nang isipin ang anupaman. Kahit galit na galit siya sa binata, hindi maitatanggi ng puso niya na mahal na mahal pa rin niya ito at hindi niya magawang iwasan ang mga halik nito.

He kissed her hard and deep and he doesn’t want to let go. And when Benjamin’s kisses started to become more persistent, she tried to break away from his embrace. Pero kahit anong pilit ni Maya na itulak ang binata palayo ay lalo lamang humihigpit ang mga yakap nito at lumalalim ang mga halik. Alam nilang dalawa na mali iyon, mali ang halikan niya ito dahil sa sitwasyon pero tila walang pakialam si Benjamin.

Nang mas lalong lumalim pa ang mga halik ni Benjamin ay tsaka parang nagbalik si Maya sa reyalidad. Mabilis niyang tinapos ang halik at malakas na itinulak si Benjamin. Inayos niya ang halos mahubad na niyang roba at pinulot niya sa sahig ang nalaglag na tuwalya. She looked like a mess but Benjamin couldn’t take his eyes off her. He just stared at her, without saying anything. Pareho silang nagulat sa nangyari.

“U-umalis ka na,” may himig pagmamakaawang sabi ni Maya.

“Marry me, Maya. Let’s get married now.”

~~

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed