Saturday, July 6, 2019

Writer's Block: Bakit Nga Ba?

Oh, sige na. Wala raw writer’s block pero minsan talaga, darating sa buhay ng isang writer na bigla na lang maba-blangko ang utak, na kahit ano’ng gawin ay waley pa rin. Bakit nga ba?

1. Kahit sa pagsusulat, dapat may right timing. At kumbaga sa pagluluto, kailangan mo munang ihanda ang ideas mo - ayusin ang mga ingredients, painitin ang kalan at pakuluin ang dapat pakuluin bago mo isulat. Kapag isinulat mo kasi agad ‘yan nang hindi pa handa, mahihilaw. Hindi masarap ang lasa. Pero minsan, sa kahihintay natin ng 'right timing', hindi na tayo nakakapagsulat. Parang love, hintay ka nang hintay nang Mr. Right, hindi mo na napapansin na nariyan na pala si Mr. Right for you. Cheret.
2. Takot. Hindi naging writers ang mga hinahangaan mong writers kung natakot silang magsulat. Normal lang naman na matakot at mag-alangang magsulat lalo na kung nagsisimula pa lang pero paano mo matutupad ang pangarap mo kung wala kang gagawin? Takot kang ma-bash o masabihan nang hindi maganda ang isinulat mo? Normal lang ‘yon pero you have to overcome that fear sooner or later or else, may iba nang makakapagsulat ng mga ideas mo na matagal nang nabubulok sa utak mo.

3. Pagiging perfectionist. ‘Yung tipong bago ka mag-type, gusto mo lahat maayos ang kalalabasan. ‘Yung perfect na lahat ng scenes at dialogues na nabuo mo sa isip mo pero kapag sinusubukan mo nang isulat, hindi siya ‘yung expectations mo. I think, this is one of the most important characteristics a writer should have. Pero dapat, in moderation pa rin. Let yourself fail. That's how we should live life.

4. Self-doubt. Ito na siguro ang pinakamatinding kalaban ng mga writers. Kahit pa nga sabihin mo na alam na alam mo na ang isusulat mo, there’s still a part of you that’s telling you that you just can’t do it. We all have those moments, right? Lalo na kapag nakakabasa tayo ng sobrang gagandang novels o nakakakita ng success ng mga co-writers natin. Nakakaduda kung kaya ba nating makipagsabayan o kung may kakayahan ba talaga tayong magsulat. It’s inevitable. How to deal with it? Don’t. Huwag mong pansinin ang self-doubt na ‘yan and focus on your task at hand, which is to be a successful writer. 

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed