Wednesday, August 28, 2019

On Protagonists

Mas magiging maganda ang nobela kung maganda rin ang pagkakasulat sa karakter ng bida. Madalas, mayroon tayong ‘model’ ng bida natin, diba? P’wedeng kakilala, kaaway, idol o kaya ay isang tao na naging malaki ang parte sa ating buhay. Madalas, the more realistic the protagonist, the better. Pero siyempre, iba-iba pa rin ang taste ng mga readers and some of them just love their heroes to be ‘almost’ perfect. 

So how do we create effective protagonists?

1. Goal. Dapat, umpisa pa lang, may malinaw nang layunin ang bida dahil ito ang magpapatakbo sa buong story mo. 

2. Strengths and weaknesses. Huwag puro kalakasan ang ibigay sa bida. Dapat, may mga kahinaan rin siya para masubok mo kung paano niya haharapin ang mga paghamon na ibibigay mo sa kanya.

3. Fear. Mas magiging effective ang characterization kung may backstory ang bida. At dito rin malalaman ang mga kinatatakutan niya - may trauma ba siya sa present dahil may nangyari sa kanyang hindi maganda sa past? Knowing your protagonist’s fears will give you a clear idea on how to ‘torture’ him/her, which is essential in character development. 

4. Motivation. P’wede itong tungkol sa self-realization, love, security o self-esteem. Dapat, malinaw ang dahilan ng bida kung bakit niya ginawa ang mga bagay-bagay para maintindihan kung saan siya nanggagaling at magkaroon ng koneksiyon ang readers sa kanya.

5. Flaw. Personality flaws are essential to bring out the best from the protagonist. Hindi dapat perfect ang bida dahil kapag perfect, boring na. As much as possible, make him/her realistic, more human. Paano siya mag-react sa mga sitwasyon at problema? Impatient ba siya? Mayabang? Madaling magalit? Mataray? Judgemental? 

6. Personality. Bawat tao, iba’t-iba ang personalidad kaya dapat, ganoon rin ang bida mo para malaman mo kung paano siya makihalubilo sa ibang characters at mag-react sa iba’t-ibang sitwasyon. Introvert ba siya o extrovert? Idealistic? Independent?

7. Quirks. This makes your protagonist unique. Bigyan mo siya ng kakaibang habit o mannerism para umangat ang personalidad niya sa iba. Halimbawa, sobrang lakas tumawa, obsessive compulsive, madalas kausapin ang sarili, feeling may third eye, parating naka-sun glasses kahit gabi, etc. 

Character profiling. Gawan ng ‘biodata’ ang bida para hindi ka maligaw along the way. Family background, educational attainment, job experiences, illness, blood type, zodiac sign, paniniwala sa buhay. Kilalanin mo siya na para bang manliligaw na kailangan mo munang malaman ang lahat tungkol sa kanya bago mo sagutin.

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed