Wednesday, August 14, 2019

On Stereotypes

Gangster. Businessman. Meangirl, Haciendera. Bully. These are the typical characters na nababasa natin ngayon, lalo na sa Wattpad. Stereotypes. Ito ‘yung kapag sinabing gangster, alam na. Macho, ma-abs, ma-angas, bad boy image. Kapag meangirl naman, usually, maganda ‘yan, mayaman, mataray, b*tch. Kapag hero naman, guwapo, matipuno at kapag heroine, maganda, mahaba ang buhok, hindi makabasag-pinggan. 

Wala namang masama rito at may mga stories naman na maganda talaga kahit stereotype ang mga characters pero kung gusto mong ‘maiba’ naman, i-next level mo ang atake. Here are some ways on how you can ‘reinvent’ stereotyped characters for your novel:


1. Protagonist. Hindi porque kontrabida ay parati na lang siyang kontrabulate sa mga bida. You can make your antihero cute. HIndi kailangan na super evil nila to the point na ka-level na nila si Satanas sa sobrang sama. Bigyan rin sila ng soft side. Isa pa, huwag gagawa ng kontrabida just for the sake of having a kontrabida. Deserve rin nila ng sarili nilang backstory so make sure to make one for them. Huwag kalilimutan na bigyan ng justification ang pagiging kontrabida nila para hindi maging flat ang character.

2. The boy next door/girl of your dreams. Ito ‘yung madalas na love interest ng bida. Usually, perfect. Depende sa plot, pero mas effective kung hindi ‘ganda’ lang o ‘ abs’ lang ang panlaban ng love interest mo. Make their personality interesting. Or dark. P’wedeng may sikreto siyang malupet about his/her past o may lahi ng aswang. Cheret. 

3. The sidekick/comedian. Hindi mawawala sa mga kwento ‘yung best friend character. Sila ‘yung hingahan ng sama ng loob ng bida, shock absorber o kaya ka-tandem sa mga kalokohan. Pero madalas, naaalala lang natin ang existence nila sa tuwing kailangan ni bida ng kausap, na para bang inilagay lang sila sa story para lang makapag-emote si bida. Huwag gano’n, bes. Bigyan rin natin sila ng sariling kuwento. Give them character. Make them more useful and interesting.

4. Damsel in distress. Usually, ganito ang bida. Api-api, bugbog-bugbog na naghihintay lang na masagip ng kanyang knight in shining armor. Nakakaawa siya, hindi ba? Sa panahon ngayon, bihira na lang ang mga ganyang pa-victim at pa-martir. Hayaan mo siyang matutong sumagot sa masungit niyang madrasta o kaya ay hayaan mo siyang sungitan ang kanyang guwapong manliligaw. Hindi mahina ang mga babae. Gawin mo siyang palaban.

Experiment. Paglaruan mo ang mga characters mo para mas lalo mo silang makilala. Huwag magpakahon sa mga characters o plots na nakasanayan na.

~~

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed