Sunday, August 25, 2019

Stuck In A Scene?

‘Yung moment na sarap na sarap kang magsulat ng isang scene tapos bigla, hindi mo na alam ang susunod na mangyayari. ‘Yung bigla, parang nagtampo yata ang mga characters mo at ayaw ka nang kausapin.  So, paano na?

1. Gawing mas komplikado ang conflict. Madalas kasi kaya hindi natin maituloy isulat ang scene, kasi parang wala namang masyadong at stake. P’wede kang magdagdag ng kontrabida o kaya magpasok ka pa ng mas mabigat na problema para lalong pahirapan ang bida.

2. Review the goal of your character. May ginagawa ba ang bida para makuha ang goal o nagpo-procrastinate siya tulad ng writer niya? Haha! Baka paikut-ikot na lang ang kwento at pinapahaba na lang ang mga eksena. 

3. Delete. Basahin mo uli mula simula, tingnan ang mga steps na ginawa ng bida para makarating sa goal at kung masyado nang marami ang mga nangyayari pero parang malayo pa rin sa core conflict, magtanggal ng mga hindi kinakailangang eksena. Paano malalaman kung ano ang mga eksena na hindi kailangan? ‘Yun ‘yung kahit tanggalin mo, hindi makakaapekto sa kabuuan ng kwento.

4. Pagsama-samahin ang mga eksena, problema, etc. Experiment. Paano kung ganito ang gawin ng bida at pagkatapos ay ganito? Paano kung laliman mo ang internal conflict at dagdagan mo pa ng external conflict? 

5. Balikan ang backstory ng bida. Minsan kasi talaga, kaya hindi natin malaman kung ano ang susunod na mangyayari ay dahil hindi natin nagawan ng maayos na backstory ang character natin. Baka kailangang dagdagan ng details o information ang backstory para mas maintindihan natin ang pinanggalingan o hugot ng bida.

~~

Related post: Writer's Block Pt. 2

No comments:

Post a Comment

What' You've Missed